ESP 9 Q2 MODULE 7 ANG PAGGAWA BILANG PAGLILINGKOD AT PAGTATAGUYOD NG DIGNIDAD NG TAO
Size: 710.19 KB
Language: none
Added: Sep 28, 2025
Slides: 23 pages
Slide Content
Balik-aral : Ano ang Karapatan at Tungkulin? Ang karapatan ay ang kapangyarihang moral na gawin , hawakan , pakinabangan at angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kanilang estado sa buhay . Ang tungkulin ay ang obligasyong moral na gawin o hindi gawin ang isang gawain . Kaakibat sa karapatan ng isang tao sa kaniyang kapwa na igalang ito at obligasyon niyang tuparin ang kanyang mga tungkulin . 1
Aralin 7 ANG PAGGAWA BILANG PAGLILINGKOD AT PAGTAGUYOD NG DIGNIDAD NG TAO 2
Video 3
Ano ang ipinakita sa Video? Ano ang mahalagang aral na ipinakita sa Video clip? Paano mo masasabing ang paggawa ay pagtataguyod ng dignidad ng tao? 4
Pangkatang Gawain: Pagsasadula ng mga uri ng gawain ng mga langgam , ibon , kalabaw at tao Isadula ang paraan ng paggawa ng mga napiling ( langgam , ibon , kalabaw at tao ) at ipakita ang layunin nila sa paggawa . 5
Mga Tanong Para sa Pangkatang Gawain: 1. Bakit nagkakaiba-iba ng layunin sa kanilang ginagawa ang mga may buhay na nilikha ng Diyos? 2. Sa lahat ng mga naisadula, sino ang may pinakamalalim na dahilan ng paggawa? 6
Sagutin: 1. Alin sa mga nilikhang nasa larawan ang may malalim na layunin sa paggawa ? Bakit ? 2. mahalaga ang paggawa sa tao ? May kabuluhan ba ang paggawa sa lipunan ? Pangatuwiranan . 7
Aralin 7 ANG PAGGAWA BILANG PAGLILINGKOD AT PAGTAGUYOD NG DIGNIDAD NG TAO 8
Panimula : Ang paggawa ay isang bagay na hindi na matatakasan at kailangang harapin sa bawat araw . Mahalagang kilalanin ang paggawa bilang malaking bahagi ng iyong pag-iral bilang tao . Ito ay itinuturing na isang tungkuling kailangang isagawa nang may pananagutan (Esteban, S. J. 2009). 9
Ano ang paggawa ? Ito ay resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapwa . Ang paggawa ay isang aktibidad ng tao . Maaari itong mano-mano o nasa larangan ng ideya . Tao lamang ang may kakayahan sa paggawa . Ang paggawa ay para sa tao at nilikha ang tao para sa paggawa (Institute for Development Education, 1991) . Ang paggawa ay isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad , pagkukusa at pagkamalikhain ; at ang produkto nito , ay magbubunga ng pagbabago sa anomang bagay . 10
Mga Layunin ng Tao sa Paggawa Kumita ng salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang kaniyang mga pangangailangan . Kailangan ng taong gumawa para mabuhay . Hindi maaaring maging katulad siya ng isang parasite na laging iniaasa sa iba ang kaniyang ikabubuhay . sa pamamagitan ng paggawa , napagyayaman ang kaniyang dangal . 11
Mga Layunin ng Tao sa Paggawa Makapag-ambag sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng agham at teknolohiya . Mahalagang taglayin ng lahat ng tao ang malalim na pagnanais na maibahagi ang kaniyang kakayahan para sa ikauunlad ng lipunan . Maiangat ang kultura at moralidad ng lipunanang kinabibilangan . Ang paggawa ay nararapat na patuloy na nagpapayaman sa kultura ng lipunan na kinabibilangan . Hindi nito dapat na pinapatay ang ating pagkakakilanlan para lamang makasunod sa agos ng modernisasyon . 12
Mga Layunin ng Tao sa Paggawa Gamitin ang paggawa sa pagtulong sa mga nangangailangan . Kailangan ng taong gumawa upang tumugon sa ninanais ng Diyos at paunlarin ang sangkatauhan . Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapwa at sa lipunan na kaniyang kinabibilangan Upang higit na magkaroon ng kabuluhan (purpose) sa pag-iral ng tao . Ang buhay na walang patutunguhan ay walang katuturan at ang paggawa ang nagbibigay ng katuturan dito . 13
Subheto at Obheto ng Paggawa (Subject and Goal of Labor) Ang tao ay nabubuhay sa mundo upang gumawa , ngunit binibigyang-diin na ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa . Hindi maaaring ituring ang tao bilang isang kasangkapan na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa ; bagkus , kailangan niya ang paggawa upang makamit niya ang kaniyang kaganapan . 14
Panlipunang Dimensyon ng Paggawa Ang paggawa ay paggawa para sa kapwa at kasama ang kapwa . Ito ay paggawa ng isang bagay para sa iba . Ang bunga ng paggawa ng tao ang nagbubukas para sa pagpapalitan , ugnayan at pakikisangkot sa ating kapwa . Ang panlipunang kalikasan ng paggawa ang tunay na tataya sa paggawa . 15
TANDAAN: Ang paggawa ay higit sa pagkita lamang ng salapi ; tunay na pinakamataas na layunin ng paggawa ay ang pagkamit ng kaganapan bilang tao . 16
Bakit mahalaga ang paggawa sa tao ? Ano ang mga mabubuting naidudulot nito sa ating pagkatao? Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa paggawa sa lipunan? Ipaliwanag. PAGPAPAHALAGA 17
Tama o Mali: Tukuyin kung ang mga sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng wastong diwa . NO ERASURES. Ang paggawa ay isang bagay na HINDI matatakasan sa bawat araw . Ang paggawa ay resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa sariling pangangailangan . Ang tao ay para sa paggawa at HINDI ang paggawa ay para sa tao . 18
Tama o Mali: Tukuyin kung ang mga sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng wastong diwa . NO ERASURES. Ang paggawa ay paggawa para sa kapwa at kasama ang kapwa kaya ito’y paggawa ng isang bagay para sa iba. Ang pangunahing layunin ng paggawa ay ang kumita ng salapi . 19
SAGOT: TAMA MALI MALI TAMA MALI 20
Ano ang kaibahan ng pakikilahok sa bolunterismo? Pagkumparahin at magbigay ng halimbawa. 21 TAKDANG ARALIN:
Gumawa ng Sanaysay o Essay at isulat sa isang buong papel) (5 puntos : Sa iyong palagay, sapat na ba ang mga layunin ng tao sa paggawa? Bakit? 22 TAKDANG ARALIN:
Project: Pangkatang Proyekto para sa Ikalawang Markahan Pagsasabuhay - Modyul 7: Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtaguyod ng Dignidad ng Tao Bilang pagsasabuhay ng iyong natutuhan, gagawa kayo ng panayam bilang pangkatang proyekto. Ibibigay ng guro ang mga panuto sa pagsasagawa ng Proyekto. 23