ESP6-Q1-Mod1- Pagsusuri sa Sarili at Pangyayari.pptx
DominadorDeLeon1
0 views
12 slides
Oct 21, 2025
Slide 1 of 12
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
About This Presentation
ESP Quarter 1
Size: 751.84 KB
Language: none
Added: Oct 21, 2025
Slides: 12 pages
Slide Content
Edukasyon sa Pagpapakatao 6 Unang Markahan Unang Linggo
Modyul 1: Pagsusuri sa Sarili at mga Pangyayari
Ang Pagsusuri / ebalwasyon ay isang proseso na tumatalakay sa tamang paghusga at obserbasyon . Matuturing isa sa mga dahilan kung paano mo malawakan mapag-dedesisyunan ang sarili , kapwa at higit sa lahat ang pangyayari . Mahalaga ang ginagampanan ng Pagsusuri / ebalwasyon sa iyong buhay , lalo na ngayon sa gitna ng krisis na kinakaharap ng bawat Pilipino.
Unahin mo sa iyong sarili ang “Self-Assessment”. Malaki ang hakbang nito upang mas lalo mo pang makilala ang iyong sarili sa paraan ng paggawa ng tama o mali at pagdedesisyon . Nakakatulong rin ang self-assessment sa gabay at paglaki ng bawat indibidwal sa mundo , lalo na sa edukasyon . Dito binibigyan ng oportunidad ang bawat bata kung paano nya magagampanan at matutukoy ang wastong paggawa ng tama at mali , mapagkukumpara ang mali sa tama at kung paano nya maihahantulad sa totong buhay (applied in real life events).
Patungkol naman sa Pagsusuri sa Pangyayari , ito ay masasabi na “ gulong ng palad ” ibig sabihin lahat ng ating desisyon sa buhay ay nagiging resulta sa takbo ng ating pagkakataon sa buhay . Tulad mo , ang ibang mga bata ay may kanya-kanyang kwento na binubuo sa bawat araw , nasasabi dito na ang bawat desisyon , oportunidad at pag asa ay magiging resulta kung paano mo gawin at sundan ang daloy ng iyong buhay . Sa Edukasyon , ang bawat bata ay nagkakaroon din ng pagsusuri / ebalwasyon sa bawat baitang na kanyang nilalakbay ay tungo ito sa “Self- Assesment ” at Pagsusuri sa Pangyayari . Mahalaga din ang nakapaloob dito dahil tinutukoy nya ang tamang pagdedesisyon , oportunidad , pagkakataon at progreso sa kaalaman tungo Edukasyon .
Sa paggawa ng paksa tungkol sa “ Pagsusuri ” ay prosesong may kaugnayan sa tamang paghuhusga sa bawat bagay na atin natutunan , maging sarili ay inaalam pa rin natin kung ano mga dapat gawin at gampanan bilang indibidwal sa mundong ito , at sa pangyayari naman ito ay nagdudulot ng mga leksyon sa ating isip at kakayahan kung paano natin maihaharap ang bawat pagsubok sa ating buhay . Kaya sa bawat hamon ng iyong buhay Modyul 1: Pagsusuri sa Sarili at mga Pangyayari 2 makabubuting pag isipan mabuti at bigyan ng malawakan pang unawa ang iyong tinatahanak tungo sa tagumpay ng pagkilala sa sarili at sa mga pangyayari sa mundong ito .
Ang Pangit na Bibe Ito ay isang magandang araw ng tag- init. Ang araw ay kumikinang na mainit sa isang lumang bahay malapit sa isang ilog . Sa likod ng bahay isang inahing pato ang nakaupo sa sampung itlog ." Tsik ". At isa-isa silang napisa . Lahat ay napisa maliban sa isa ; iyo ay ang pinakamalaking itlog sa lahat . Mul , ang inahing pato ay umupo sa malaking itlog . Sa wakas ito ay bumukas , " Tsik , tsik !" Lumabas ang huling sisiw . Mukhang itong malaki at malakas . Ito ay kulay -abo at pangit . Kinabukasan ay inaatasan ng inahing pato ang lahat ng maliliit na bibe na pumunta sa ilog . Ang lahat ng kanyang mga sisiw ay tumalon . Ang malaking pangit na sisiw ay tumalon din. Lahat sila ay lumangoy at naglaro nang sama-sama .
Ang pangit na sisiw ay mas mahusay kaysa sa lahat ng iba pang mga bibe . “Kwak, kwak , sumama ka sa bakuran sa sakahan ” sabi ng inang pato sa kanyang mga sisiw at pumunta ang lahat sa sakahan . Ang bakuran ng sakahan ay napakaingay . Ang malaking pangit na bibe ay malungkot doon. Kawawang bibe.Tinuka siya ng isang malaking manok , kinagat siya ng mga pato at sinipa siya ng magsasaka . Isang araw ay tumakbo ng pangit na bibe nang mabilis hanggang makarating siya sa isang ilog . Nakakita siya roon ng maraming magaganda at malalaking ibon na lumilipad . Ang kanilang mga balahibo ay mapuputi , ang kanilang mga leeg ay 4 napakahaba at ang kanilang mga pakpak ay napakaganda . Tuwang-tuwa niyang pinanood at tinitigan ang mga ito . Nais niyang makasama sila . Nais niyang makipaglaro sa kanila . Nalaman niya na sila ay mga gansa . “Oh gusto kong maging kagaya nila ”, sambit niya sa sarili .
Lumipas ang panahon at dumating ang tagsibol . Ang araw ay kumikinang at ang paligid ay sariwa at kulay berde . Isang umaga , ang pangit na bibe ay nakakita muli ang magagandang gansa . Gusto niya talaga silang kasama lumangoy sa ilog . Ngunit natatakot siya sa kanila . Kaya tumakbo siya papunta sa ilog tinitingnan niya ang tubig . Doon sa tubig nakikita niya ang isang magandang gansa . Siya ito ! Hindi na siya isang pangit na sisiw na pato . Siya ay isang magandang puting gansa .
Sagutin ang mga tanong : Kung ikaw si Bibe , sa paanong paraan mo maipapakita ang iyong positibong pananaw patungkol sa mga negatibo o hindi kaaya-ayang komento tungkol sa iyong pisikal na anyo ? Sa kwento ng paglalakbay ni Bibe upang mahanap niya ang kanyang sarili , Ito ba ay makakatulong upang mas lalo mo pang makilala ang iyong sarili ?
Ituloy ang iba pang gawain sa modyul 1 Gawain 2 hanggang 7 kasama rin ang pangwakas na pagtataya