EmilynRagasaCariaso
5,706 views
2 slides
Jan 27, 2023
Slide 1 of 2
1
2
About This Presentation
Script sa Filipino Project performance task
Size: 358.97 KB
Language: none
Added: Jan 27, 2023
Slides: 2 pages
Slide Content
PAGSASAMA SAMA NG PAMILYA O FAMILY REUNION
(Paksa)
Mga Tauhan:
Mhel Vincent – Tito
Raven – Lolo
Hazel - Nanay
Marc - Papa
Steven - anak
Unang Tagpo
Isang araw sa tahanan ng mag-asawang Mang Marc at Aling Hazel habang sila’y nagkakape. . .
Marc Mahal maghanda ka mamaya ng ating kakainin para sa ating konting salo-salo mamaya kasama
ang aking kapatid at si Itay.
Hazel Oh sige mahal
Steven Nay ako na po maghahanda ng mga kutsara at tinidor sa hapag kainan
Hazel Salamat anak! Napakasipag naman talaga itong anak naming
Marc Sige sasabihan ko lang si itay (Raven) at ang aking kapatid (Vince) para sa ating salo-salo mamaya
Hazel Sige magluluto lang ako
Ikalawang Tagpo
Makalipas ang isang oras nakahanda na ang hapag kainan para sa salo-salo ng pamilya
Marc Kamusta ka aking kapatid (Vincent)
Vincent Mabuti naman at heto sobrang dami kong kailangang asikasuhin para makabalik ako sa barko
sa susunod na buwan
Raven Anak huwag masyado magpagod bigyan mo rin ng oras ang sarili huh
Vincent Opo itay. Asan nga pala si Steven aking kapatid?
Marc Nasa loob ng kwarto niya kuya pero pababa na rin siya.
Steven Lolo ko at Tito (mahigpit na yakap)
Raven Hayyyy ang paborito kong apo na sobrang bait at sobrang sipag pa.
Hazel Tama itay (Raven) lahat na ata nasa kanya na
Steven Nanay naman di naman po masyado. Mano po Tito Vincent.
Vincent Malaki ka na talaga Steven parang kailan lang karga karga ka namin
Marc Tama ka kuya with honor pa yan sa klase nila
Raven Ang galing galing talaga ng apo ko manang mana sa akin.
Hazel Sige po kumain na tayo at baka lumamig pa ang masarap na niluto ko
Marc Tayo’y manalangin muna at ating pasalamatan ang Diyos sa ating masarap na pagkain
Ikatlong Tagpo
Habang kumakain ang pamilya
Raven Kay tagal na panahon bago ulit tayo nagkasalo-salong kompleto
Marc Kaya nga itay at heto kasama na rin natin si kuya
Vincent Masayang masaya ako na magkakasama ulit tayo
Hazel Huwag kang mag-alala Kuya Vincent mauulit pa itong salo-salo natin.
Raven Syempre dapat may pamilya ka na sa susunod (habang tumatawa)
Vincent Itay talaga. Malapit na ipapakilala ko siya sa inyo sa tamang panahon
Hazel Excited na ako Kuya para may kasama na akong magluto
Steven Tito Vincent m
araming salamat po pala sa binigay niyong regalo sa akin. Sobra kong nagustuhan ang laruan at
damit.
Vincent Walang anumang Steven salamat din sa pagbibigay ng ngiti at saya sa ating pamilya
Raven Lagi mong pakatandaan anak (Vincent) andito lang kami lagi para sayo
Marc Nabusog ako ng sobra sa mga hinanda mo mahal
Hazel Salamat sana nasarapan po kayo itay at kuya sa hinanda ko.
Steven Ako na po magliligpit ng mga pinagkainan po natin.