Filipino 12 BIONOTE sa Pilipino sa Piling Larang.pptx

KemberlyMatulac4 0 views 20 slides Oct 01, 2025
Slide 1
Slide 1 of 20
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20

About This Presentation

Flipino


Slide Content

BIONOTE ISANG ANYO NG SULATING AKADEMIKO a. Kahulugan at Halaga ng Bionote b. Katangian ng Mahusay na Bionote c. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Bionote

natutukoy ang kahulugan at halaga ng bionote nakasusuri ng halimbawa ng bionote nakasusulat ng sariling bionote alinsunod sa estilo at teknikal na aspekto nito OBJECTIVES 1

ACTIVITY 1 2 Panuto : Sumulat ng limang mahahalagang pangyayari sa iyong buhay mula sa panahon ng iyong pagsilang hanggang sa kasalukuyan . Ito ay dapat na nakaayos sa paraang kronolohikal . Mas mainam na basahin mo muna ang mga gabay na tanong na nasa ibaba bago sumulat .

3 Marahil , may pagkakataon na hinihingan ka ng pagpapakilala sa iyong sarili dahil sa kahingian ng sitwasyon . Kabilang sa mga ganitong sitwasyong nangangailangan nito ay kung gusto mong maging kasapi ng mga online network katulad ng linkEdin at iba pa. Maging sa iba’t ibang mga social media ay naglalagay tayo ng mga tagline na nagpapakilala sa ating sarili . Ang pagpapakilalang ito ay tinatawag na biographical note, o mas kilala bilang bionote .

KAHULUGAN AT HALAGA NG BIONOTE 1 2 3 Ang Bionote ay isang sulating nagbibigay ng mga impormasyon ukol sa isang indibidwal upang maipakilala siya sa mga tagapakinig o mambabasa. Ito ay halaw sa dalawang salita: bio at note, Ang bio ay salitang Griyegong ang ibig sabihin ay buhay, at ang note naman ay nangangahulugan tala sa wikang Ingles. Kung pagsasamahin ang dalawang salita- ito ay isang tala ng buhay. Binigbigyang diin ng bionote ang mga bagay-bagay tulad ng edukasyon, mga parangal o nakamit, mga paniniwala at mga katulad ng impormasyon ukol sa ipinakikilalang indibidwal, hindi lamang upang ipabatid ito sa mga mambabasa o tagapakinig, kundi upang pataasin din ang kanyang kredibilidad. 4

Paano nagagamit ang Bionote sa isang studyante tulad mo? 5

Paano nagagamit ang Bionote sa isang studyante tulad mo? 6 Maraming kadahilanan kung bakit kailangan ng isang bionote . Sa pagtatalakay ng http//www.theundercoverrecruiter.com sa mga dahilang inilahad ni Levy (2015), kabilang sa mapaggagamitan nito ang sumusunod : Aplikasyon sa trabaho ; Paglilimbag ng mga artikulo aklat , o blog; Pagsasalita sa mga pagtitipon ; at Pagpapalawak ng network propesyonal

Larana University | 2024 7 Karaniwang binubuo ang bionote ng tatlo hanggang limang pangungusap , o hindi hihigit sa tatlong daang (300) salita . Dahil sa maikli lamang ito , narito ang ilan sa mga impormasyon karaniwang isinasama sa isang bionote : Pangalan Hanapbuhay at Institusyong Kinabibilangan Edukasyon Mga Karangalan at Pagkilala Mga Publikasyon o Aktibidad na may kinalaman sa propesyon Larangang kinabibilangan

AYON KAY BROGAN 2O14 Isang kilalang social meda guru, ay tatlong uri ng bionote ayon sa haba nito : micro- Bionote , maikling bionote , at mahabang bionote . 8 Ipinaliwanag ni Brogan (2014) na isang magandang halimbawa ng micro?bionote ang isang impormatibong pangungusap na inuumpisahan sa pangalan , sinusundan ng iyong ginagawa , at tinatapos sa mga detalye kung paano makokontak ang paksa ng Bionote . Karaniwang makikita ito sa mga social media bionote o business card bionote . Ang maikling bionote sa kabilang banda ay binubuo ng isa hanggang tatlong talatang paglalahad ng mga impormasyon ukol sa taong ipinakikilala . Isang halimbawa nito ang journal at iba pang babasahin . Samantala , ordinaryo ang isang mahabang bionote sa pagpapakilala sa isang natatanging panauhin . Ito ay dahil may sapat na oras para sa pagbasa nito o espasyo para ito ay isulat . Mahalagang maghanda , kung gayon , ng iba’t ibang haba ng sariling bionote upang mayroong nakahandang kopya na magagamit sa ano mang pagkakataon .

1. Sikaping maging maikli lamang ang pagsulat ng bionote . Ilagay lamang ang mga mahahalagang impormasyong may malaking ugnayan sa paksa / larang o paggamitan nito . 2. Isulat ito sa ikatlong panauhang pananaw . Sa ganitong paraan , naiiwasang maghimig-mayabang at nakakaltas ang personal na bias sa pagsulat , pagkat ito ay maaaring makaapekto sa mga babasa o makikinig . KATANGIAN NG MAHUSAY NA BIONOTE 9

3 . Sa pagbuo nito , isaalang-alang ang mga mambabasa . May hinahanap na kredibilidad ang mga mambabasa sa pagbasa niya ng isang bionote , pinapayong isakonteksto ang pagsulat nito ayon sa hinihingi ng sitwasyon . Iangkop ang ilalamang impormasyon sa paggagamitan nito . Halimbawa : Kung mga administrador ng paaralan ang babasa at pamamahala ng paaralan ang paksa , ilagay ang mga kurso at pinag-aralang may kaugnayan sa edukasyon at pamamahala sa paaralan at huwag nang isama ang iyong sertipiko sa pananahi , , maliban na lamang kung ito ay may kinalaman sa paggagamitan ng bionote . 4. Gumagamit ng baliktad na tatsulok (inverted pyramid) bilang padron . Kapara ng ginagamit sa pagsulat ng anumang obhetibong sulatin . Sa ganitong proseso , unahin ang pinakamahalaga at pinakamakatutulong na impormasyon tungkol sa sarili hanggang sa maliliit na naaayong detalye . KATANGIAN NG MAHUSAY NA BIONOTE 10

5. Maging matapat sa mga impormasyong nakalagay , Tandaan , sa pagsulat ng bionote , iniiwasang maghimig-mayabang . Tiyakin lamang na tama at totoo ang lahat ng ilalagay ng mga natamo dahil nakasalalay rito ang kredibilidad na manunulat . KATANGIAN NG MAHUSAY NA BIONOTE 11

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG BIONOTE Ayon sa ipinanukalang hakbang ng dalawang eksperto para sa pagsulat ng Bionote (Brogan, 2014; Hummel, 2014) Larana University | 2024 Tiyakin ang Layunin Pagdesisyonan ang haba ng sulating Bionote Gamitin ang Ikatlong panauhang perspektib Simulan sa Pangalan Ilahad ang propesyong kinabibilangan 12

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG BIONOTE Ayon sa ipinanukalang hakbang ng dalawang eksperto para sa pagsulat ng Bionote (Brogan, 2014; Hummel, 2014) Larana University | 2024 13 6. Isa- isahin ang mahalagang tagumpay 7. Idagdag ang ilang di- inaasahang detalye 8. Isa ang contact information 9. Basahin at isulat muli ang Bionote

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG BIONOTE Halimbawa Si Julian Marcelo ay kasalukuyang naglilingkod bilang propesor sa Department ng Filipino, Unibersidad ng San Lazaro. Nagtapos siya ng BA Araling Pilipino at Masterado sa Araling Pilipino sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Ilan sa kanyang mga pananaliksik sa larangan ng pagpaplanong pangwika ang nailimbag na sa iba’t ibang akademikong journal sa loob at labas ng bansa . 14

ACTIVITY 2 Panuto : Sumulat ng bionote batay sa sumusunod na impormasyon . 15 Teofilo Angeles BA Agriculture, University of the Philippines (UP) Los Banos (2003) MS Agriculture, UP Los Banos PhD Agricultural Science, University of Sydney (2015) Propesor , Kolehiyo ng Agrikultura , UP Los Banos Punong Mananaliksik , Council of Agriculturists for the People (CAP) May- akda , Against Corporate Agriculture (Paradigm Books, 2016); Organic Farming in the Philippines (Veracity Publishers, 2014 Jonas Alonzo Aktor sa Entablado BA Theater Arts, Unibersidad ng Pilipinas Diliman (2010) Tagapangulo , Kapisanan ng mga Progresibong Mandudula sa Pilipinas Kasapi , Concerned Atists of the Philippines Mga Produksyong Kinabilangan : Noli Me Tangere, CCp (2010); Hamlet, Dulaang Isko , UP Diliman (2009); Sa Dulo ng Kanayunan , Teatro Barikada (2009); Ang Awit ng Inaaping Bayan, Teatro Barikada (2011)

16 PERFORMANCE TASK NO. 3 1. Bumuo ng orihinal na bionote gamit ang sumusunod na gabay sa paggawa at pamantayan sa tamang pagsulat ng akademikong sulatin na bionote . Gabay sa paggawa Isipin na ikaw ay nakapagtapos na sa pag-aaral May sariling aklat Ikaw ay isang awtor At isaalang-alang ang iba mo pang impormasyong dapat na makita sa bionote 2. Kailangang makikita ang mga karaniwang nilalaman ng isang bionote . 3. Lagyan ng larawan .

17 PERFORMANCE TASK NO. 3 Deadline: September 20, 2024

PAGSULAT NG JOURNAL BLG. 4 Bakit mahalaga na malaman ang kahulugan at halaga ng bionote, kung saan kinakailangan na matutukoy ang katangian at maiisa-isa ang mga hakbang sa pagsulat nito?

PAGSULAT NG JOURNAL BLG. 3 Paano nalilinang sa mga kakayahang magpahayag tungo sa epektibo , mabisa , mapanuri at masinop na pagsusulat sa napiling larang ?
Tags