Baitang 9 • Yunit 2: Nobela Mula sa Timog Silangang Asya ARALIN 2.2 Pagsusuri ng Nobela ( Batay sa Tunggaliang Tao vs. Sarili )
Mga Layunin sa Pagkatuto Sa araling ito , inaasahang matutuhan mo ang sumusunod : ● nabibigyan ng sariling interpretasyon ang mga pahiwatig na ginamit sa akda ; at ● nasusuri ang tunggaliang tao vs. sarili sa binasang nobela . Mga Kasanayan sa Pagkatuto Sa araling ito , ikaw ay inaasahang : ● Nabibigyan ng sariling interpretasyon ang mga pahiwatig na ginamit sa akda (F9PT-Ic-d-4 0). ● Nasusuri ang tunggaliang tao vs. sarili sa binasang nobela (F9PB-Ic-d-4 0).
Bakit mahalaga ang pahiwatig sa isang nobela ? Paano bibigyan ng sariling interpretasyon ang pahiwatig ? Paano matutukoy ang tunggaliang tao laban sa sarili sa isang akda ?
Ang tunggaliang tao laban sa sarili ay ang tunggalian na ang kaaway o katunggali ng pangunahing tauhan ay ang kanyang sarili . Tinatawag din itong tunggaliang sikolohikal . Madalas na may kinalaman sa paniniwala at moralidad ng isang tao ang ganitong uri ng suliranin .
Pagsusuri ng Nobela Ang isang mahusay na pagsusuri ng nobela ay hindi lamang nakatuon sa elemento nito . Kailangan rin pagtuunan ng pansin ang mga pahiwatig na ginamit dito maging ang mga tunggalian na nakapaloob sa akda .
Pagbibigay ng Sariling Interpretasyon sa mga Pahiwatig Ang pahiwatig ay isang istilong ginagamit ng manunulat upang sabihin ang kaniyang gustong sabihin sa paraang hindi lantad o hayagan . Ang mga pahiwatig o palatandaan ay mabibigyang-kahulugan sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga pangyayaring nakapaloob sa sitwasyon o konteksto . Sa pamamagitan ng pahiwatig , nagiging matimpi ang isang akda . Hindi nagiging kabagut-bagot sa mga mambabasa dahil hindi sinasabi sa kanila ang lahat-lahat .
Paghihinuha o Pagpapalagay ( Inferencing ) Ito ay ang pagpapaliwanag o pagbibigay-kahulugan sa tulong ng mga pahiwatig at ng sariling kaalaman ng mambabasa . Ang manunulat o tagapagsalita ay nagpapahiwatig o nagbibigay ng implikasyon samantalang ang mambabasa o tagapakinig naman ya nagpapalagay o bumubuo ng hinuha . Paghula o Prediksyon ( Predicting ) Naglalayong hulaan ang kalalabasan ng pangyayari o kuwento . Madalas gamitin ang kasanayang ito sa maikling kuwento at nobela . Ang manunulat ay nagbibigay ng implikasyon o mga pahiwatig kung saan ang mga mambabasa ang bubuo ng hula o prediksyon
Mga Halimbawa ng Tunggaliang Tao laban sa Sarili a. Ang pagkakaroon ng tunggalian sa pagkatao ( identity crisis ) Hindi malaman ng isang mag- aaral kung anong propesyon ang dapat niyang tahakin sa hinaharap . b. Ang pagkakaroon ng takot sa isang bagay o gawin ang isang bagay Nilalabanan ng anak ang takot na maaaring mangyari kung mamamatay o mawawala ang kaniyang magulang na may sakit .
c. Tunggaliang nilalabanan ang isang gawain o trabaho Matindi ang kinakaharap niyang problema sapagkat nararamdaman niya ang malaking pagkaluging haharapin ng kaniyang kompanya . d. Ang pagkakaroon ng tunggalian ng konsiyensiya ( guilt feeling ) May nagawang matinding kasalanan ang isang anak at hindi niya alam kung paano niya ito ipagtatapat sa mga magulang
Ano-ano ang iba’t ibang tunggalian sa kuwento ? 2. Ano ang tunggaliang tao laban sa sarili ? 3. Ano ang pahiwatig ? 4. Paano nagkakaugnay ang hinuha o palagay at implikasyon ?