Filipino Lesson Exemplar for Everyday Lesson

ARMANDORESQUIR 0 views 26 slides Oct 22, 2025
Slide 1
Slide 1 of 26
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26

About This Presentation

Exemplar


Slide Content

PILOT IMPLEMENTATION OF THE MATATAG K TO 10 CURRICULUM
5
Kuwarter 2
Aralin
8
Modelong Banghay-
Aralin sa Filipino

Banghay Aralin sa Filipino 5
Kuwarter 2: Aralin 8 (Linggo 8)
TP 2023-2024
Ang materyal na ito ay inilaan lamang para sa paggamit ng mga guro na kalahok sa pilot implementation ng MATATAG K to 10
Curriculum sa Taong-Panunurang 2023-2024. Layunin nito na tumulong sa paghahatid ng mga nilalaman, pamantayan, at mga kasanayang
pampagkatuto ng kurikulum. Ang anumang hindi awtorisadong pagkopya, pamamahagi, pagbabago, o paggamit ng materyal na ito labas sa
itinakdang saklaw ay mahigpit na ipinagbabawal at maaaring magresulta sa angkop na mga mga legal na hakbang at kaparusahan.
Ang mga akda na ginamit sa materyal na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahinulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga bumuo ng materyal ang karapatang-aring iyon..
Pinagsikapang tiyakin ang kawastuhan ng mga impormasyon na nasa materyal na ito. Para sa mga katanungan o puna, maaari pong
sumulat o tumawag sa Tanggapang ng Direktor ng Bureau of Learning Resources sa pamamagitan ng pagtawag sa mga numero ng telepono
(02) 8634-1072 at 8631-6922 o sa pamamagitan ng email sa [email protected].
Bumuo sa Pagsusulat
Manunulat: Lilybeth C. Agno
Tagasuri: Mercy B. Abuloc

BANGHAY-ARALIN
FILIPINO, KUWARTER 3, BAITANG 5
I.NILALAMAN NG KURIKULUM, PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYAN SA ARALIN
A.Mga Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang kahusayan sa pagpapalawak ng bokabolaryo
(denotasyon, konotasyon, tono, at damdamin) na ginagamit sa pormal at di pormal na
mga sitwasyon, lumalagong kaalaman sa mga estrukturang gramatikal, kritikal at lapat
na pag-unawa sa tekstong naratibo (mito, epiko, kuwentong kababalaghan, tulang
pambata) at tekstong impormatibo (pagsunod-sunod sa panuto, hakbang at proseso), at
umuunlad na kasanayang produktibo sa pagbuo ng tekstong tumatalakay sa mga
paksaing pangkomunidad at pambansa na may kaangkupang kultural (pasalita,
pasulat, at biswal) na batay sa layunin, konteksto, at target na madla.
B.Mga Pamantayan sa Pagganap
Nagagamit ng mag-aaral ang pagkakaroon ng kahusayan sa wastong gramatika,
kaangkupan ng salita/retorika, estilo, at estruktura sa paggawa ng tuwirang balita
tungkol sa napapanahong isyu sa komunidad o bansa.
C.Mga Kasanayan at Layuning
Pampagkatuto
Mga Kasanayan sa Pagsasalita at Pagsusulat (Mga Kasanayang Produktibo)
●Nagagamit ang mga bahagi ng pananalita sa pagpapahayag
●Nagagamit ang pangkalahatang kayarian ng teksto sa pagbuo ng diskurso
a. nagpapaliwanag (balita)
●Nakabubuo ng tekstong may mga panandang nag-uugnay ng mga ideya ayon
sa layon, kahulugan, tagapakinig/mambabasa, at konteksto.
     a. nagpapaliwanag (balita)
Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian
a. pahayagan
b. magasin
C.Nilalaman Pagtatayang Batay sa Pagganap: Pagsulat ng Balita
1

D.Integrasyon Pagpapahalaga ng Pamahalaan sa Kapakanan ng mga Mamamayan
II. BATAYANG SANGGUNIAN SA PAGKATUTO
Cruz, A. D. (2023, August 26). Bagyong Goring, lalo pang lumakas. Philstar.com.
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2023/08/27/2291682/bagyong-goring-lalo-pang-lumakas
Tagami, M. C. (n.d.). Writing news stories for paper and media publications. Powerpoint Presentation
Vocal, J. (2019). Pagsulat ng balita. prezi.com. https://prezi.com/p/5u-v5io0i-v9/pagsulat-ng-balita/
Cantos, J. (2024, April 1). Mapanganib na init ibinabala ng PAGASA. Philstar.com. http://surl.li/tvoui
III. MGA HAKBANG SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO MGA TALA SA GURO
A.Pagkuha ng
Dating
Kaalaman
UNANG ARAW
1. Maikling Balik-aral
a. Itaas ang Card. Maghanda ng mga kard na may nakasulat na salita o
parirala. Bigyan ng kard ang bawat pares ng mga mag-aaral.
Panuto. Kumuha ng isang kard at basahin ang nakasulat dito. Pag-usapan
ninyong magkapares kung ang nakasulat ay tamang paglalarawan sa isang balita
o hindi. Ilagay sa pocket chart ang kard kung ang nakasulat ay tamang
paglalarawan.
Mga Tamang Paglalarawan: maikli, tuwiran, hindi maligoy, batay sa
katotohanan, kawili-wili, patas/ walang pinapanigan o kinikilingan,
napapanahon/bago, naglalaman ng mga detalye, sumasagot sa mga
pangunahing tanong
Mga Maling Paglalarawan: mahaba, opinyon ng iba, luma, masalita, maligoy,
Inaasahang may kaalaman na
ang mga mag-aaral tungkol sa
balita dahil bahagi ito ng mga
aralin sa ikatlong kuwarter.
Ang layunin ng araling ito ay
magsagawa ng pagtataya sa
kakayahan nila sa pagbuo ng
tekstong impormatibong balita,
ayon sa hinihingi ng
kurikulum.
Maaaring laktawan ang mga
aralin/gawain kung inaakalang
natamo na ng mga mag-aaral
ang mga kasanayan at handa
2

reaksiyon ng iba, sariling opinyon, at iba pa
b. Angkop o Hindi.
b.1 Tukuyin kung angkop na maging balita o hindi ang ibinigay na paksa sa
bawat bilang. Ipakita ang “thumbs up” kung ito ay angkop at “thumbs down”
kung ito ay hindi angkop. Kung ito ay angkop, tukuyin din ang paksa nito (Isyu,
Patakaran, Pagbabago, Kaganapan, Update, Nakamit)
_______ 1. walang pasok nang 2 araw dahil sa matinding init sa Maynila
_______ 2. pagtulong sa mga pamilyang nasalanta ng bagyo noong 2023
_______ 3. nawalan ng bahay dahil sa pagguho ng lupa noong 2023, may bagong
bahay na ngayon dahil sa programa ng pamahalaan
_______ 4. bagong programa ng DepEd para sa kalusugan ng mga mag-aaral
_______ 5. sasakyang tinangay ng rumaragasang tubig noong isang buwan
b.2. Basahin ang mga sumusunod na bahagi ng balita. Ipakita ang “thumbs up”
kung ang pahayag ay angkop na maging bahagi ng balita. Ipakita naman ang
“thumbs down” kung ito ay hindi angkop.
_______ 1.Mahigit na 200 pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa bagyo.
_______ 2. Sa aking palagay, darami pa ang mga magkakasakit ng dengue.
_______ 3. Ayon sa DepEd, handa na ang tanggapan para sa mga suliraning
pang-edukasyong dala ng mga kalamidad.
_______ 4. Kung ikaw ang tatanungin, marami pa kayang bagyo ang darating
sa taong ito?
________ 5. Ang Municipal Disaster Risk Reduction Management ay nakahanda
na sa pagdating ng bagyong Piling, batay sa pahayag ng tagapagsalita nito.
2. Pidbak (Opsiyonal)
Magbigay ng pidbak sa mga mag-aaral tungkol sa kanilang awtput sa nagdaang
araw/aralin.
na sila sa gagawing pagtataya.
Anumang gawaing hindi
matatapos sa isang araw ay
ibibigay bilang gawaing
pantahanan.
Susing Sagot:
1. angkop
2. hindi angkop
3. angkop
4. angkop
5. hindi angkop
1. angkop
2. hindi angkop
3. angkop
4. hindi angkop
5. angkop
B.Paglalahad ng
Layunin
1.Paglinang sa Kahalagahan sa Pagkatuto sa Aralin
Triad. Kumuha ng dalawang kapareha. Magbahaginan kayo ng napapanahong
balitang lokal, pambansa o pandaigdig na inyong nabasa o narinig.
3

Itanong:
Alin ang pinakamaiinit na balita ngayon?
Bakit dapat na maalam tayo sa mga nangyayari sa paligid?
Bakit kailangan ding maging mahusay sa pagbabalita?
Paano ba ginagawa ang mahusay na pagsulat ng balita?
Saan-saan ginagamit ang kakayahan sa pagsulat ng balita? (pahayagang
pangkampus, radyo, TV, personal)
2.Paghawan ng Bokabolaryo sa Nilalaman ng Aralin
Salin-Salita. Sa tulong ng mga salin sa English at paliwanag, pag-usapan ang
kahulugan ng mga salita o pahayag na karaniwang ginagamit sa paglalarawan
at pagbubuo ng balita.
Termino sa
Filipino
Katawagan sa
English
Paliwanag
Mga Katangian ng Balita
wasto/tumpak accurate walang mali
malinaw clear madaling unawain
maikli short hindi mahaba
sariwa timely napapanahon/bago
makatarungan objective/fair walang kinikilingan
makatotohanan factual nangyari sa tunay na buhay
Mga Sangkap ng Balita – mga elementong nagdudulot ng interes sa
balita
Ang balita ay mas kawili-wili sa
mga tao kung ito ay:
kahalagahan importance may naitutulong sa kanila.
kakaibahan oddities kakaiba.
makataong
kawilihan
human interest may kinalaman sa buhay ng
kapwa.
kabantugan prominence pumapaksa sa isang kilalang tao,
4

lugar o pangyayari
kalapitan proximity nangyari sa malapit na lugar.
kalalabasan impact maaaring magdulot ng magandang
epekto sa mga makikinig
Estruktura ng Balita
ulo ng balita headline nagsisilbing pamagat ng balita na
karaniwang nakasulat nang mas
malaki kaysa sa katawan ng balita
pamatnubay lead nagsisilbing panimula at buod ng
isang balita; ang
pinakamahalagang bahagi ng
balita dahil ito ang pinagtutuunan
ng pansin ng babasa.
sumusuportang
detalye
supporting
details
nagbibigay ng mga impormasyong
nauugnay sa pamatnubay; mas
detalyado kaysa sa pamatnubay.
maliit na detalyeminor details mga karagdagang impormasyong
di gaanong mahalaga subalit
nakatutulong sa mas malinaw na
pag-unawa sa balita
C.Paglinang at
Pagpapalalim
PAKSA: ANG ESTRUKTURA NG BALITA (UNANG BAHAGI – PAGBUO NG
PAMATNUBAY)
1. Pagproseso ng Pag-unawa
a. Pangkatin ang mga mag-aaral at bigyan sila ng pagkakataong magbahaginan ng
mga balitang nabasa nila sa mga pahayagan.
b. Ipabasa ang isang balita mula sa isang pahayagan.

Mapanganib na init, ibinabala ng PAGASA
Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
April 2, 2024 | 12:00am
Nagbabala ang Philippine Athmospheric Geophysical Astronomical Services
Administration (PAGASA) na mas titindi pa ang nararanasang init sa bansa
ngayong Abril.
5

Sinabi ni PAGASA weather specialist Obet Badrina na unang araw pa lamang ng
Abril 1 ay bumungad na ang ‘danger level’ heat index sa ilang lalawigan, dahilan
para magsuspinde na ng klase ang ilang paaralan.
Sa heat index forecast ng PAGASA, nitong Lunes ay posibleng umabot sa 43°C
ang init sa dalawang lugar sa bansa kabilang ang Aparri, Cagayan at Catarman
sa Northern Samar.
May dalawang lugar din ang tatamaan ng hanggang 42°C heat index kabilang
ang Pili sa Camarines Sur, at Zamboanga City.
Dito naman sa Metro Manila, posibleng umabot din sa hanggang 40°C ang
alinsangan na pasok na rin sa ‘extreme caution’.
Ayon sa PAGASA, kapag umabot na sa ‘danger level’ ang heat index, posibleng
mauwi sa heat cramps at heat exhaustion ang matagal na exposure sa araw ng
isang indibidwal.
Nagbabala rin ang PAGASA sa exhaustion o sobrang fatigue, matinding
pagpapawis, pagkahilo, panghihina ng katawan na may mabilis na tibok ng
pulso, pagkahilo at pagsusuka.
Pinapayuhan din ang publiko na hangga’t maari ay iwasan ang paglabas ng
bahay, uminom ng maraming tubig, iwasan na muna ang pag-inom ng soda,
kape, tea at maging ng alak. Kung hindi maiiwasan at lalabas ng bahay ay
magdala ng payong, sombrero at iba pang proteksiyon sa matinding init ng
panahon.
Sa pinakahuling heat index bulletin ng state weather bureau na PAGASA,
nabatid na apat na lugar sa bansa ang kasalukuyang nakakapagtala ng labis na
init ng panahon na nasa 42 hanggang 51 degrees Celcius, na ikinukonsidera
nang mapanganib o nasa ilalim ng “danger” classification.
b. Magtanong upang mataya ang pag-unawa sa binasa. Bigyang-diin ang
pagpapahalaga ng pamahalaan sa kaligtasan o kapakanan ng mga mamamayan.
c. Ipasuri ang balita. Salungguhitan ang nakapaloob na mahahalagang
impormasyon. Itanong ang mga sumusunod tungkol dito:
6

Halimbawa:
Ano- Nagbabala na mas titindi pa ang nararanasang
init sa bansa ngayong Abril
Sino- ang Philippine Athmospheric Geophysical
Astronomical Services Administration (PAGASA)
Saan- sa bansa
c. Pag-usapan ang mga sumusunod tungkol sa balita, gamit ang binasang balita
bilang halimbawa.
Kayarian ng Balita
Ulo ng Balita (Headline)
Layunin: lagumin (To summarize the story)
pagandahin ang pahina (To make the page attractive)
matimbang ang bigat ng kahalagahan ng balita (To weigh which
story is important)
Katawan ng Balita (baligtad na piramide)
•Ang pamatnubay ay dapat na
naglalahad ng mga
pinakamahahalagang impormasyon.
•Ang mga sumusuportang detalye ay
kailangang naglalahad ng paglilinaw
sa panimula.
•Ang mga maliliit na detalye ay mga
karagdagang pahayag; maaaring
hindi na basahin.
Halimbawa ng Pamatnubay (mula sa ibinigay na balita)
Nagbabala ang Philippine Athmospheric Geophysical Astronomical Services
Administration (PAGASA) na mas titindi pa ang nararanasang init sa bansa
ngayong Abril.
7

Anong tanong ang sinasagot ng pamatnubay na ito? Anong uri ng pamatnubay
ito?
Mga Uri ng Tradisyunal na Pamatnubay (Lead)
Ang mga mapatnubay na ito ay nakapokus sa sagot ng mga tanong na Ano,
Sino, Saan, Kailan, Paano, at Bakit (ASSaKaPaBa).
•Pamatnubay na Sino
Ikinagulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ulat na P50 kada
kilo ng bigas sa halip na P29 ang ibinebenta sa Kadiwa Centers
ngayong panahon ng kalamidad.
•Pamatnubay na Ano
Isang lindol ang yumanig sa bayan ng Dingras, lalawigan ng Ilocos
Norte na ikinamatay ng tatlong katao at ikinasira ng mga bahay at mga
gusali kahapon ng madaling araw.
• Pamatnubay na Saan
Sa bayan ng Batac, Ilocos Norte , tinaguriang “tahanan ng mga
magigiting na lider” gaganapin ang apat na araw na taunang Regional
Schools Press Conference sa darating na Pebrero 10-14.
• Pamatnubay na Kailan
Hanggang sa September 10 na lamang ang palugit na ibinigay ng
Bureau of Internal Revenue para sa pagbabayad ng buwis sa
taunang kita.
•Pamatnubay na Bakit
Upang mapalawak at madaling maipaabot sa mga mamayan ang
mga serbisyo ng pamahalaan , inilunsad ng Sangguniang Bayan ng
Claveria sa pamumuno ni Mayor Ramirez and “Sarungkar ti
Barangay.”
8

•Pamatnubay na Paano
Nagkunwaring naghahanap ng mapapasukan , isang babae ang
tumangay ng mga isang milyong halaga ng salapi at mga alahas ng
isang ginang sa Lungsod ng Laoag pagkatapos itong tanggapin bilang
katulong.
Sa isang pamatnubay, pinagsasama-sama ang mga sagot sa magkakaibang
pangunahing tanong upang magiging mas malinaw ang balita. Hindi naman
maganda na isang detalye lang ang nakalagay sa patnubay dahil hindi
magiging sapat ang impormasyon upang makabuo ng isang pahayag.
Halimbawa, hindi naman tama na ganito lang para sa pamatnubay na saan
dahil magiging bitin ang pahayag: Sa bayan ng Batac, Ilocos Norte
Narito ang isang halimbawa ng Pamatnubay na Ano na sinamahan ng Saan at
Kailan:
Matapos makakuha ng may pinakamataas na puntos sa lahat ng kategorya,
tinanghal ang Davao bilang Top Model City ng bansa sa The Manila Times
Philippine Model Cities Forum and Awards
Halimbawa 2.
Matapos makakuha ng may pinakamataas na puntos sa lahat ng kategorya,
tinanghal ang Davao dahil sa pananatili nito ng kapayapaan at seguridad
bilang Top Model City ng bansa sa The Manila Times Philippine Model Cities
Forum and Awards na ginanap sa Conrad Manila, Pasay City nitong Hunyo
20.
b. Ipasuri ang mga nakasulat na balitang dinala ng mga mag-aaral. Ipabasa ang
mga pamatnubay ng mga balita at ipatukoy kung anong uri ang mga ito.
Magpokus sa mga tradisyunal na pamatnubay.
2. Pinatnubayang Pagsasanay
Magsimula lang sa tradisyunal
na patnubay (conventional)
upang hindi malito ang mga
mag-aaral. Maaaring idagdag
ang mga novelty lead kung
inaakalang kaya ng mga mag-
aaral.
9

Bumuo ng Pamatnubay . Bumuo ng tatlong pamatnubay ng balita tungkol sa
mga detalyeng nabanggit. Isulat sa mga patlang ang uri ng pamatnubay at ang
nabuo para rito.
Mga Detalye:
•sa rehiyon ng SOCCSKSARGEN
•Sa susunod na linggo
•Department of Agrarian Reform
•Mamimigay ng 6,519 ektarya ng lupa sa 3,541 agrarian reform
beneficiaries (ARBs)
Halimbawang Pamatnubay
•Mamimigay ang Department of Agrarian Reform ng 6,519 ektarya ng
lupa sa 3,541 agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa rehiyon ng
SOCCSKSARGEN sa susunod na linggo. (Pamatnubay na Ano)
•Sa rehiyon ng SOCCSKSARGEN gaganapin ang pamimigay ng
Department of Agrarian Reform ng 6,519 ektarya ng lupa sa 3,541
Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa sususnod na linggo. (Pamatnubay
na Saan)
•Sa susunod na linggo na gaganapin ang ang pamimigay ng Department
of Agrarian Reform ng 6,519 ektarya ng lupa sa 3,541 Agrarian Reform
Beneficiaries (ARBs) sa rehiyon ng SOCCSKSARGEN. (Pamatnubay na
Kailan)
•Iba Pa
3. Paglalapat at Pag-uugnay
a. Uriin at Suriin. Suriin ang mga halimbawang pamatnubay at uriin ang
mga ito. Pagkatapos, tukuyin kung ang pamatnubay at ulo ng balita ay
magkaugnay.
1) Anim patay, isa nawawala bunsod ng landslides, baha sa Davao de
10

Oro
Umabot na sa anim katao ang namamatay sa Mindanao dulot ng
matitinding buhos ng ulang dala ng trough ng low pressure area (LPA),
dahilan para mawala rin ang isa.
2) Bagyong tumutumbok sa PAR, ‘super typhoon’ na ngayon
Lalo pang lumakas at naging ganap na super typhoon ang bagyong
“Hinnamor” (international name), bagay na inaasahang papasok sa
Philipppine Area of Responsibility bukas – ito habang umiiral din ang
bagyong “Gardo” sa loob ng PAR.
3) DepEd, inilipat simula ng school year 2024-2025 sa ika-29 ng Hulyo
Sinimulan na ng Department of Education (DepEd) and “dahan-dahang”
pagbabalik sa lumang academic calendar, dahilan para agahan ang
pagtatapos ng kasalukuyang school year.
b. Bumuo ng mga Pamatnubay . Bumuo ng iba-ibang pamatnubay mula sa
mga detalye ng pangyayaring nakalahad sa baba:
Mga Pangunahing Detalye
1. magkapatid na batang babae at lalaki, patay
2. kanilang ina, sugatan
3. sanhi ng kamatayan: natabunan ng gumuhong lupa
4. nangyari sa Barbaza, Antique; July 22, 2018
Mga Sumusuportang Detalye
5. “Dinala pa sa ospital sina Rosalia, 6, at Andrew Agapito, 3, matapos
mahugot sa guho, ngunit kapwa di na umabot nang buhay.” - Supt. Joem
Malong, tagapagsalita ng Western Visayas Regional Police
6. Itinakbo rin sa nasabing ospital ang ina nilang si Tessie, 48, dahil sa mga
tinamong pinsala.
7. Naganap ang insidente sa maburol na bahagi ng Brgy. Binanuan, dakong
alas-3 ng madaling araw
8. Ayon sa pulis, tulog ang pamilya sa loob ng bahay nang maguhuan ng
lupa ang bahay.
9. Wasak ang bahay dahil sa insidente.
11

Maliliit na Detalye
10. Nagtulung-tulong ang mga kapitbahay para hugutin ang pamilya sa guho
at dalhin ang mga ito sa Pedro L. Gindap Municipal Hospital.
IKALAWANG ARAW
KAUGNAY NA ARALIN: ANG ESTRUKTURA NG BALITA (IKALAWANG BAHAGI)-
PAGSULAT NG MGA SUMUSUPORTANG DETALYE
1. Pagproseso ng Pag-unawa
a. Balikan ang mga konseptong napag-aralan na tungkol sa balita at pagsulat ng
balita.
b. Talakayin ang tungkol sa katawan ng balita at kung paano ito isulat.
Ang Katawan ng Balita
•Naglalaman ng mga detalye ng pamatnubay (lead)
•Naisaayos mula na pinakamahalaga hanggang sa di gaanong mahalaga
•Karaniwang may iisang pangungusap sa isang talata
•Ang mga pangungusap/talata ay karaniwang binubuo ng mas mababa sa
25 salita
•Hangga’t maaari ay nagtataglay ng mga sipi (quotations) na inihayag nang
direkta o hindi (direct or indirect)
c. Pag-usapan ang mga alituntunin sa pagsulat ng sumusuportang detalye.
Mga Alituntunin sa Pagsulat ng mga Sumusuportang Detalye
1. Ibigay ang buong pangalan ng taong awtoridad o pinagkunan ng datos at
ang kaniyang katungkulan. Sa muling pagbanggit ay gamitin na lang ang
kanyang apelyido at katungkulan.
2. Gawing pasalita ang bilang isa hanggang siyam habang pabilang naman
ang 10 pataas.
3. Huwag gumamit ng unang panauhan.
12

4. Ilagay ang mga panig ng mga taong sangkot sa balita.
5. Daglatin ang pamagat ng mga tao tulad ng President (Pres.), Doctor (Dr.)
maging ang buwan kung kailan naganap ang balita.
6. Banggitin ang kahulugan ng akronim kung ginagamit sa unang
pagkakataon at akronim na lamang sa mga susunod na talata.
7. Isulat nang wasto ang pangalan ng tao.
8. Gumamit ng mga panipi sa kombersasyon o sa tuwirang pahayag.
9. Ilagay ang kuwit bago ang panipi sa tuwirang pahayag.
10. Huwag maglagay ng sariling opinyon o reaksiyon sa balita.
11. Iwasto ang baybay ng mga salita.
12. Sundin ang mga tuntuning panggramatika.
12. Iwasan ang mahabang talata.

d. Sama-samang suriin ang mga sumusuportang detalye ng balitang binasa sa
nagdaang araw (Mapanganib na init, ibinabala ng PAGASA)
e. Magbigay ng iba pang halimbawa.
PAMATNUBAY : Itinutulak ni Senadro Grace Poe ang dagdag sa budget na
P2 billion para sa Kagawaran ng Edukasyon para sa School Feeding
Program para sa susunod na school year.
MGA SUMUSUPORTANG DETALYE :
•Ilalaan ang pondo sa pagbili ng mga masusustansyang pagkain at
kagamitang panluto para sa mga paaralan.
•Iginiit ni Poe na importante ang dagdag sa budget upang masigurado na
ang humigit-kumulang 2.5 milyong mag-aaral ay malayo sa banta ng
malnutrisyon.
f. Ilahad ang sumususod na format sa pagsulat ng katawan ng balita:
Ang L-Q-T-Q News Writing Formula
(Lead-Quote-Transition-Quote)
(LEAD/PAMATNUBAY) Balak pigain ng Senado si dating Philippine Drug
Enforcement Agency (PDEA) agent Jonathan Morales sa susunod na pagdinig
13

upang malaman kung sino ang nasa likod ng kanyang re belasyon tungkol sa
“PDEA leaks” na nagsasangkot kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at iba pang
celebrity sa paggamit ng ilegal na droga.
(QUOTE/SIPI) “Itanong natin ‘yan sa kanya, tanong natin kung may nagbayad
sa kanya. Tanong ko yan next hearing...Haharap pa rin siya...,” pahayag ni Sen.
Ronald “Bato” Dela Rosa, chairman ng Senate committee on public order and
illegal drugs na nagsisiyasat sa kontrobersiyal na PDEA leaks.
(TRANSITION/TRANSISYON) Una rito, binatikos si Dela Rosa ng ilang
kongresista dahil sa patuloy na pagdinig ng kanyang komite sa “PDEA Leaks”
kahit wala namang inihain na matitibay na ebidensiya at kaduda-duda ang
ilang humarap na personalidad.
(QUOTE/SIPI) Pero giit ng senador, “Wala namang problema kaya nga tayo nag-
hearing para pakinggan ang lahat ng side na merong relevant sa issue na ito,
pakinggan natin lahat ng side, di porke pinakinggan natin, pinaniwalaan natin
ang sinasabi niya, may portion naniniwala tayo, may portion ‘di tayo solve sa
kanyang sinasabi, pakinggan natin lahat.”
Tiniyak din ni Dela Rosa na hindi pinipigilan ang katotohanan at pinagsasalita
ang mga resource person na humaharap sa komite.
g. Ipasuri ang pagkakabuo ng balitang Mapanganib na init, ibinabala ng PAGASA.
2. PINATNUBAYANG PAGSASANAY
Paano Nabuo? Suriin kung paano binuo ang katawan ng balita:
DepEd inilipat simula ng school year 2024-2025 sa ika-29 ng Hulyo
James Relativo - Philstar.com
February 20, 2024 | 7:19pm
Sinimulan na ng Department of Education (DepEd) ang "dahan-dahang" pagbabalik
sa lumang academic calendar, dahilan para agahan ang pagtatapos ng
kasalukuyang school year.
14

Opisyal kasing itinalaga ng DepEd Order 3 s. 2024 ang ika-29 ng Hulyo bilang
pagsisimula ng SY 2024-2025. Magtatapos naman ito sa ika-16 ng Mayo sa 2025.
"Ang ginawa lang natin is we adjusted the current school calendar so we will now
be ending by May 31 ‘yon ‘yong last day natin ng school calendar for this school
year," ani Education Undersecretary Michael Poa sa isang ambush interview
ngayong Martes.
"Tapos noon, ang school break ay magsisimula on June 1 until July 28."
Enero lang nang kumpirmahin ng DepEd ang dahan-dahang pagbabalik sa lumang
academic calendar para maipuwesto ang pagsisimula ng klase pabalik ng Hunyo.
Matatandaang lumabas sa survey ng Alliance of Concerned Teachers noong 2023
na 67% ng mga guro ang nakararanas ng "intolerable heat" sa silid-aralan tuwing
Marso, bagay na panahon na ng tag-init. Aniya, nakaaapekto rin daw ito sa
pagbaba ng atensiyon at pagtaas ng estudyanteng lumiliban.
Ani Poa, tinitingnan nilang maibalik sa Hunyo ang school opening pagsapit ng SY
2026-207 para na rin mailapit sa tradisyunal na April-May school break.
"Generally, everyone wants to go back to the April to May (school break)," dagdag pa
ni Poa.
"Meron din tayong study from [Philippine Normal University] that says the same
thing. So, because ito 'yung talagang gusto ng tao, nag-decide na tayo na we should
go back. But we have to do it gradually para hindi maapektuhan naman dahil
learning recovery mode po talaga tayo ngayon."
Bibigyan din aniya ng leeway ang mga pribadong eskuwelahang sumunod sa
naturang kautusan o maglabas ng sariling schedule ng pagbabalik ng klase
alinsunod sa batas.
3. PAGLALAPAT AT PAG-UUGNAY
Surimpormasyon. Panuto: Suriing mabuti ang mga detalye ng isang pangyayari.
Ikategorya ang mga ito.
A-Pangunahing Detalye (Major Detail)
B- Sumusuportang Detalye (Supporting Detail)
15

C-Karagdagang Detalye/Maliit na Detalye (Minor Detail)
1. magkapatid na batang babae at lalaki, patay
2. kanilang ina, sugatan
3. Nagtulung-tulong ang mga kapitbahay para hugutin ang pamilya sa guho at
dalhin ang mga ito sa Pedro L. Gindap Municipal Hospital.
4. nangyari sa Barbaza, Antique; July 22, 2018
5. Ayon sa pulis, tulog ang pamilya sa loob ng bahay nang maguhuan ng lupa
ang bahay.
6. Itinakbo rin sa nasabing ospital ang ina nilang si Tessie, 48, dahil sa mga
tinamong pinsala.
7. Naganap ang insidente sa maburol na bahagi ng Brgy. Binanuan, dakong
alas-3 ng madaling araw
8. “Dinala pa sa ospital sina Rosalia, 6, at Andrew Agapito, 3, matapos
mahugot sa guho, ngunit kapwa di na umabot nang buhay.” - Supt. Joem
Malong, tagapagsalita ng Western Visayas Regional Police.
9. Wasak ang bahay dahil sa insidente.
10. sanhi ng kamatayan: natabunan ng gumuhong lupa
Pagbuo ng Balita. Buoin ang katawan ng balita at isulat ito sa isang buong papel.
Dapat ay mayroon itong pamatnubay at naisulat nang maayos ang mga
sumusuporta at at maliliit na detalye nito.
IKATLONG ARAW
KAUGNAY NA PAKSA : ANG ESTRUKTURA NG BALITA (IKATLONG BAHAGI –
PAGBUO NG ULO NG BALITA AT IBA PANG MGA PAMANTAYAN SA PAGSULAT
NG BALITA)
1. Pagproseso sa Pag-unawa
Mga Dapat Tandaan sa Pag-uulo ng Balita
1. Sumulat ng nakatatawag-pansing pamagat. Nakapaloob sa pamagat ang
paksa ng balita.
2. Iwasan ang pagkakamali sa baybay at gramatika.
16

3. Iwasan ang ulong pang-etiketa.
Linggo ng Wika
4. Iwasan ang pag-uulit ng salita o ideya sa ulong may higit ng isang linya.
Mali- Aklasan sa UST, nalutas
Nagsipag-aklas, bumalik
Tama- Aklasan sa UST, nalutas
guro,kawani nagsibalik
5. Huwag gagamit ng pangalan maliban kung ang tao’y tanyag o kilalang-kilala.
Mali- Jaime Diaz, nahalal na pangulo ng samahan
Tama- Mag-aaral ng Mapa, nahalal na pangulo ng samahan
6. Maging tiyak, iwasan ang masaklaw na pagpapahayag.
Mali- Mag-aaral, nagwagi sa paligsahan
Tama- Mag-aaral ng MMSU, nagwagi sa pagsulat ng balita
7. Iwasan ang opinyon sa balita. Ibigay ang tunay na pangyayari lamang.
Mali- Paaralang Lakandula lumaro nang kahanga-hanga
Tama- Paaralang Lakadula, nanalo ng tatlo sa apat na laban
8. Lagyan ng pandiwa ang bawat ulo, lantad man o tago.
Mali- Limang guro sa seminar
Tama- Limang guro, dadalo sa seminar
9. Iwasan ang paggamit ng negatibong pandiwa.
Mali- Paligsahan sa talumpatian, hindi matutuloy
Tama- Paligsahan sa talumpatian, ipinagpaliban
10. Gumamit ng mabisa at makakatawag-pansing pandiwa.
Mahina- Tinalo ng Torres ang Osmena, 50-36
Malakas- Pinataob ng Torres ang Osmena, 50-36
11. Gamitin ang maikli at kilalang salita.
Masalita- Bayang Pilipinas, sasali sa pandaigdig na palaro
Maikli- PH, sasali sa olympics
17

12. Gamitin lamang ang kilala at laging ginagamit na daglat.
Mali- BM, panauhing pandangal sa pagtatapos
Tama- BBM, panauhing pandangal sa pagtatapos
13. Hanggat maaari, iwasan ang paggamit ng pantukoy at ng pandiwang
pantulong ng hango sa verb to be.
Mali- Si Joey Lina ay ang napiling punong patnugot ng ‘Horizons’
Tama- Joey Lina, punong patnugot ng ‘New Horizons’
14. Huwag gamitan ng tuldok upang wakasan ang ulo ng balita. Gamitin ang
kuwit (,) sa halip na ang pangatnig na 'at'. Gumamit ng tutuldok sa ulo ng balita
na ginamitan ng pahayag.
Mali: Galamay ng POGO, abot na sa mga pulitiko at law enforcement
Tama: Galamay ng POGO, abot na sa mga pulitiko, law enforcement
Mali: Pangulong Marcos sa mga kabataang lider – Makialam kayo
Tama: Pangulong Marcos sa mga kabataang lider: ‘Makialam kayo’
15. Gumamit ng simbolo ng mga numero.
Mali: Lima, nawawala dahil sa landslide
Tama: 5 nawawala dahil sa landslide
2. Pinatnubayang Pagsasanay
Suriin ang mga ulo ng balita. Isulat ang TAMA kung wasto ang
pagkakabuo/pagkakasulat ng mga ito. Kung mali, iwasto ang mga ito.
1. 9 patay, 2 nawawala bunsod ng pagtaas ng ilog sa Cotabato
2. Mapanganib na init
3. Super typhoon, ibinabala ng PAGASA.
4. Si Sen. Raffy Tulfo ay bumisita sa mga nasalanta ng bagyo.
5. DepEd, handa na para sa school year 2024-2025
3. Paglalapat at Pag-uugnay
Susing Sagot:
1. TAMA
2. Mapanganib na init,
nakamamatay
3. TAMA
4. Sen. Raffy Tulfo, bumisita sa
mga nasalanta ng bagyo
5. TAMA
18

Sumulat ng isang buong balita sa pamamagitan ng pagsasayos sa mga
sumusunod na datos at pagdaragdag o pagpapalit ng mga salita kung kailangan.
Hindi kinakailangang gamitin lahat ang mga impormasyon. Maglagay ng angkop
na ulo ng balita.
Ang Facebook at Twitter ay isang uri ng social networking site.
Dahilan ng pagsusulong ang sunud-sunod na insidente ng karahasan na
kinasasangkutan ng mga gumagamit nito.
Sa kasalukuyan, sinasabing ang Facebook at Twitter ay nagiging daan para
maisagawa ang karumal-dumal na krimen tulad ng pagpatay, pagnanakaw
na nagsisimula lamang sa isang FB message o tweet.
Minamadali ni Marikina Congressman Miro Quimbo ang Department of
Education (DepEd) na isama sa curriculum sa mga pampublikong paaralan
ang tamang paggamit ng Facebook, Twitter, at iba pa.
Mahigit sa 20 milyon katao ang gumagamit ng Facebook at Twitter sa
Pilipinas lalo na ang mga kabataan na masyadong aktibo dito.
Walang aasahan sa mga magulang na masusubaybayan nila ang kanilang
mga anak sa tamang paggamit ng social network sites lalo’t sila mismo ay
hindi alam kung ano ang internet, sabi ng kongresista.
Paliwanag pa ni Quimbo, hindi pa rin maaring pigilan ang mga kabataan na
gumagamit ng makabagong teknolohiya subalit ang kailangan umanong
gawin ng gobyerno ay siguruhin na ang bagong communication technology
ay nagagamit na mayroong pag-iingat.
Ang mga guro ang manguna sa pagpapalaganap ng pag-iingat dahil sa
karamihan sa mga magulang ng mga estudyante ay walang aktibong
partisipasyon sa interes ng kanilang mga anak sa mga social network
activities
Ang kawalang partisipasyon na ito ay pinalala pa ng katotohanang
karamihan sa mga magulang ay mula sa mahihirap na pamilya o iyong mga
tipong walang exposure sa internet.
Sa datos ng AGB Nielsen, ang Pilipinas ang panlima sa buong mundo na
gumagamit ng Facebook.
Noong nakaraang taon, si Quimbo ay naghain ng House Resolution 184 na
19

nagre-regulate ng Facebook at Twitter sa lahat ng tanggapan ng gobyerno
habang office hours.
Tinagurian si Quimbo na “party pooper.
Sariling Pagtataya. Bago ipasa ang gawa, tiyaking nasasagot ng ‘oo’ ang
sumusunod na tanong tungkol sa iyong binuong balita:
1. Nauna ba ang pamatnubay?
2. Nasa pamatbunay ba ang mga pinakaimportanteng detalye ng balita?
3. Naisulat ba nang maayos ang pamatnubay?
4. Ang pamatnubay ba ay sinusundan ng mga sumusuportang detalye?
5. Naayos ba nang mabuti ang mga sumusuportang detalye sa paraang naging
maganda ang pagkakasunod-sunod ng mga impormasyon?
6. May nagamit bang sipi (quotation)?
7. May nagamit bang transisyon?
8. Nasa hulihang bahagi ba ang mga maliliit na detalye?
9. Ang mga nagamit bang detalye ay iyong mga kailangan lang?
10. Nasunod ba ang mga mga pamantayan ng wastong pagsulat?
D.Paglalahat 1.Pabaong Pagkatuto
TANDAAN MO
May mga mungkahing paraan sa pagsulat ng balita.
•Isulat kaagad ang mahahalagang bahagi o detalye ng balita pagkatapos
makalap ang mga ito.
•Gumawa ng balangkas mula sa talaan ng mahahalagang detalye ng balita.
•Sunduin ang anyong piramide sa pagsulat ng mga impormasyon. Ilahad sa
pamatnubay ang nangingibabaw na pangyayaring karaniwang sumasagot
sa mga tanong na Sino, Ano, Kailan, Saan, Paano, at Bakit.
•Isunod ang mga karagdagang detalye ng balita ayon sa wastong ayos ng
mga pangyayari.
•Gawing maikli ang ulo ngunit nagsasabi ng pinakabuod ng balita.
20

2.Pagninilay sa Pagkatuto
a. Pag-isipang mabuti ang pagkatuto mo sa pagsulat ng balita.
Ano ang naunawaan mo?
Ano ang nakatulong upang madali mong maunawaan ang paksa?
Anong paksa ang mahirap unawain?
Ano ang maimumungkahi mo upang mapabilis ang iyong pag-unawa?
b. Ibahagi sa guro ang iyong mga iniisip upang matulungan ka niya.
IV. EBALWAYSON NG PAGKATUTO: PAGTATAYA AT PAGNINILAY MGA TALA SA GURO
A.Pagtataya IKAAPAT-IKALIMANG ARAW
1.Performance Task
a. Ipaliwanag ang gagawing Pagtataya sa Pagganap (Performance-Based
Assessment) na salig sa modelong GRASPS.
Gawaing Pagganap: Ikaw ay isang newswriter ng inyong pahayagang
pangkampus. Lumikha ng isang lokal na balitang ipapasa mo sa editor upang
mailimbag sa pahayagan at babasahin ng mga guro, mag-aaral at magulang.
Sundin ang mga pamantayan sa pagsulat nga balita.
b. Ipakita ang gabay sa pag-iiskor ng isinulat na balita.
GABAY SA PAG-IISKOR NG ISINULAT NA BALITA
(Halaw sa Score Sheet for News Writing
Enclosure No. 3b to DepEd Memo. 176, s. 2019)
Teknikal
20
puntos
Ang mga detalye ng pangyayari ay nakaayos ayon sa kahalagahan
ng mga ito.
21

Naipakita ang kakayahan ng manunulat sa pag-organisa ng mga
impormasyon.
Ang pamatnubay (lead) ay malinaw at nakapokus sa
pinakamahalagang detalye.
Naiwasan ang paggamit ng mga salitang may elementong
kontrobersiyal o may dalawang kahulugan.
Naiwasan ang paggamit ng personal na pagtingin/opinyon
(personal slants).
Ang ulo ng balita ay maliwanag at walang kinikilingan.
Ginamitan ng maiikli at simpleng salita.
Nasunod ang mga prinsipyo ng kaisahan at pagkakaugnay-ugnay.
Nasunod ang mga tuntuning panggramatika at pagbubuo ng
pangungusap.
Gumamit ng mga angkop na transisyon.
Nilalaman
25
puntos
Gumamit ng angkop na uri ng pamatnubay upang makuha ang
interes ng mga mambabasa.
Inilahad sa mga tagapagbasa ang pinakamahalagang detalye ng
pangyayari.
Sinunod ang lohikal na paglalahad ng pangyayari at binigyang-diin
ang mga pinakamahahalagang katotohanan.
Sinunod ang tamang pormat o istilo ng pagsulat ng balita.
Etika
5
puntos
Sinunod ang mga etikal at propesyunal na pamantayan sa
pamamahayag (pagiging patas (fairness), pagkamay-kaugnayan
(relevance), katumpakan (accuracy), pagiging balance (balance).
Binanggit nang wasto ang mga pinagmulan ng mga impormasyon
at sinunod ang mga batas sa karaparang-ari (copyright).
KABUOANG PUNTOS
2.Gawaing Pantahanan/Takdang-Aralin
22

Unang Araw
Gumupit ng isang balita mula sa pahayagan o mag-download ng isang
nakasulat na balita mula sa internet at iprint ito. Gawin ang sumusunod:
a. Sagutin: Nagustuhan mo ba ang balita? Bakit?
Ano ang ulo ng balita?
Ano-anong pangunahing tanong ang sinasagot ng balita?
Gumuhit ng dalawang linya sa balita upang mapaghiwalay ang
tatlong uri ng mga impormasyong nakapaloob dito: 1) pangunahing detalye; 2)
sumusuportang detalye; at 3) maliit na detalye/karagdagang detalye.
Ikalawa-Ikatlong Araw
Ibigay bilang gawaing pantahanan ang anumang aktibidad na hindi matatapos
ng mga mag-aaral sa isang araw.
B.Pagbuo ng
Anotasyon
Itala ang naobserhan
sa pagtuturo sa
alinmang sumusunod
na bahagi.
Epektibong Pamamaraan
Problemang Naranasan at
Iba pang Usapin
Estratehiya
Kagamitan
Pakikilahok ng mga
Mag-aaral
23

At iba pa
C.Pagninilay Gabay sa Pagninilay:
▪Prinsipyo sa pagtuturo
Anong prinsipyo at paniniwala ang naging bahagi ng ginawa sa aralin?
Bakit dapat ituro ang aralin sa paraang aking ginawa?
▪Mag-aaral
Anong gampanin ng mga mag-aaral sa aralin?
Ano at paano natuto ang mga mag-aaral?
▪Pagtanaw sa Inaasahan
Ano ang aking nagawang kakaiba?
Ano ang maaari kong pang gawin sa susunod?
Inihanda ni: Lilybeth C. Agno Sinuri ni: Mercy B. Abuloc
Institusyon: Mariano Marcos State University Institusyon: Philippine Normal University - Mindanao
24