INTRODUKSYON Isang larawan ng sosyolinggwistiko na pinagtutuunan ngayon ng mga pag aaral at pananaliksik ang tungkol sa pag kakaiba ng wika o varayti at varyasyon ng wika . May mga isyung panglinggwistiko na kaugnay ng pagkakaroon ng varayti ng wika ; paano nagkakaroon ng mga pangkat ng mga tao na may isang varayti ng wikang sinasalita ? kailan sila nag karoon ng karaniwang varayti ng wika ?.
KAHULUGAN AT URI NG VARAYTI NG WIKA Ang varayti ng wika ay ang pagkakaroon ng natatanging katangian na nauugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyunal na makatutulong sa pag kilala sa isang partikular na varyasyon o varayti ng wika .
CAFFORD (1965) DALAWANG URI NG VARAYTI NG WIKA UNA. Ito ay permanente para sa mga tagapagsalita / tagabasa . IKALAWA. Ito ay pansamantala dahil nag babago kung may pag babago sa sitwasyon ng pahayag .
DIYALEKTO Ito ay batay sa lugar , panahon , at katayuan sa buhay.Nakikita ito kaugnay ng pinanggagalingang uri ng tagapagsalita o grupo ng tagapagsalita sa isa sa tatlong dimension; espasyo , panahon , at katayuang sosyal .
IDYOLEK Isang uri ng varayti na kaugnay ng personal na kakanyahan ng tagapagsalita o wikang ginagamit ng partikular na indibidwal .
REGISTER Ito ay varayting kaugnay ng panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng pag papahayag . ISTILO ang varayti na kaugnay ng relasyon ng nag sasalita sa kausap . Ang istilo ay maaaring formal , kolokyal , at intemeyt , o personal. MODE ang varayting kaugnay sa midyum na ginagamit sa pagpapahayag tulad ng pasalita o pasulat .
diyalekto at register sa dalawang paraan code switching o palit - koda ang isang nagsasalita ay gumagamit ng ibang varayti ayon sa sitwasyon o okasyon , halimbawa nito ay ang usapan ng mga Kabataan ngayon . tinatawag na conversational code-switching kung saan ang nag sasalita ay gumagamit ng ibang varayti o code sa iisang pangungusap . PANGHIHIRAM isang paraan kung saan nagkakahalo ang mga varayti . Sa paraang ito , ang isang salita o higit pa ay hiniram mula pa sa isang varayti dahil walang katumbas ang mga ito sa varayting ginagamit ng nagsasalita .
TEORYANG AKOMODASYON NI HOWARD GILES(1982). Pag katuto ng pangalawang wika sa linguistic convergence at linguistic divergence . Linguistic convergence ipinapakita na sa interaksyon ng mga tao nag kakaroon ng tendensiya na gumaya o bumagay sa pagsasalita ng kausap para bigyang halaga ang pakikiisa , pakikipag palagayang loob , pakikisama , o kayay pagmamalaki sa pagiging bilang sa grupo . LINGUISTIC DIVERGENCE ito ay kung pilit na iniiba ang pagsasalita sa kausap para ipakita o ipahayag ang pagiging iba at di- pakikiisa at pagkakaroon ng sariling identidad .
rehistro at mga varayti ng wika Ayon sa mga linggwista , ang rehistro ay simpleng varayti at/o baryasyon sa paggamit ng wika partikular sa kontekstong panlipunan na gumagamit ng mga tiyak na salitang hindi madalas ginagamit sa ibang konteksto .Sa madaling salita , ang rehistro ay kung paano inuunawa o binibigyang kahulugan ng isang larang ang isang partikular na salita o termino .
Paghahambing sa mga varayti ng wika wika mas malawak at Malaki kaysa sa diyalekto . Mas marami ang gumagamit diyalekto tinatawag na wikain , lalawiganin . mas maliit limitado ang saklaw , mas kaunti ang gumagamit kisa wika .
sosyolek laban sa idyolek sosyolek Iba iba depende sa katayuan sa Lipunan varayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal . idyolek ikinatatangi sa paraan ng pagsasalita ng isang tao . varayti ng wikang kaugnay sa personal na kakayanan ng isang tagapagsalita .
punto laban sa rehistro punto tinatawag ding accent tumutukoy sa kung paano binibigkas ng isang tao rehistro nakabatay sa kung ano ang iyong ginagawa naka batay sa gamit at hindi sa gumagamit