Filipino Sa Piling Larang Grade 11 .pptx

MelaleOliva 10 views 20 slides Sep 10, 2025
Slide 1
Slide 1 of 20
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20

About This Presentation

Akademik


Slide Content

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK 11) Inihanda ni : Bb. MELALE P. OLIVA

MODYUL 4: PAGSULAT NG MEMORANDUM, ADYENDA AT KATITIKAN NG PULONG

MEMORANDUM o MEMO Prof. Ma. Rovilla Sudapraset Ayon sa kanya ang Memorandum o Memo ay isang kasulatan na nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawin pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon , Gawain, tungkulin o utos . ( Englist for the Workplaces 3 (2014) Dr. Darwin Bargo Ayon sa kanya may tatlong kulay na ginagamit ang mga malalaing kompanya o institusyon sa pagsusulat ng memo; Puti - Pangkalahatan Rosas – request na galing sa PurChasing Department Dilaw o luntian – nagmula sa Marketing o Accounting.

Tatlong Uri ng Memorandum Ayon sa LAYUNIN (BARGO): Memorandum sa Kahilingan Memorandum sa Kabatiran Memorandum sa Pagtugon Mga Dapat Tandaan Ayon sa aklat ni Ma. Rovilla : Makikita sa letterhead ang logo at pangalan ng institusyon o kompanya . Ang sa bahaging Para kay/Para kina/Para sa , naglalaman ng buong pangalan ng taong papadalhan .

3. Sa bahaging Mula kay ay naglalaman ng pangalan ng gumawa o magpapadala ng memo. 4. Sa bahagi ng petsa iwasan ang paggamit ng numero . 5. Sa bahagi ng paksa kailangan ay payak at malinaw . 6. Kadalasan ang mensahe ay maiksi lamang , ngunit kung ito ay detalyado kailangan ang sumusunod ; a. kawastuhan at Sitwasyon b. Problema c. Solusyon 7. Lagda , ilagay sa ibabawa ng pangalan .

ADYENDA Plano, listahan o balangkas ng pag-uusapan , desisyon o gagawin sa isang pulong . Kailangan kronolohikal upang maayos ang takbo ng pulong .

Mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Adyenda : Ang bawat dadalo ay may sipi tungkol sa mga adyenda . Sa unang bahagi ng pulong talakayin ang pinakamahalagang paksa . Manatili sa iskedyul ng adyenda , pero maging flexible kung kinakailangan . 4. Magsimula at magtapos sa itinakdang oras sa adyenda . 5. Ihanda ang mga kinakailangan dokumento kasama ang adyenda .

URI NG ADYENDA PORMAL NA ADYENDA May sinusunod na balangkas . Isinasaalang-alang ang paksang tatalakayin . Detalyado . 2. IMPORMAL NA ADYENDA Hindi detalyado . Karaniwang ginagawa sa biglaang pulong .

3 . PRAYORIDAD NA ADYENDA Nakaayos mula sa kahalagahan ng paksang tatalakayin . Ang pinakakontrobisyal na usapin ay kailangan sa UNAHAN 4. TIMED O NAKARAOS NA ADYENDA May nakatakdang oras para italakay ang bawat paksa . Halimbawa 9:30 to 9:35 pagbati .

KATITIKAN NG PULONG Opisyal na tala ng pulong . kalimitang isinasagawa nang pormal , obhetibo , organisado , sistematiko at komprehensibo o nagtataglay ng lahat ng mahahalagang detalyeng tinalakay sa pulong .

Mahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong HEADING Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya,samahan , organisasyon,o kagawaran . Makikita ang petsa , lokasyon , at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong .

Mahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong 2. MGA KALAHOK Dito nakalagay kung sino ang nanguna sa tagapagdaloy ng pulong gayundin ang pangalan ng lahat ng mga dumalo kasama ang mga panauhin . Maging ang pangalan ng mga liban o hindi nakadalo ay nakatala rin dito .

Mahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong 3. PAGBASA AT PAGPAPATIBAY makikita kung ang nakalipas na katitikan ng pulong ay napagtibay o may pagbabagong isinagawa sa mga ito

Mahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong 4. ACTION ITEMS o USAPING NAPAGKASUNDUAN mahahalagang tala hinggil sa mga paksang tinalakay . Inilalagay rin sa bahaging ito kung sino ang taong manguna sa pagtalakay ng isyu at maging ang desisyong nabuo ukol dito

Mahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong 4. PABALITA O PATALASTAS Hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung mayroon mang pabalita o patalastas mula sa mga dumalo ay tulad halimbawa ng mga suhestiyong agenda para sa susunod na pulong ay maaaring ilagay sa bahaging ito

Mahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong 4. ISKEDYUL SA SUSUNOD NA PULONG Itinatala sa bahaging ito kung kailan at saan gaganapin ang susunod na pulong.

Mahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong 4. PAGTATAPOS Inilalagay sa bahaging ito kung ano oras nagtapos ang pulong. 4. LAGDA Mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at kung kailan ito isinumite .

3 URI/ESTILO SA PAGSULAT NG KATITIKAN 1. ULAT NG KATITIKAN Mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at kung kailan ito isinumite . 2. SALAYSAY NG KATITIKAN isinalaysay lamang ang mahahalagang ng detalye ng pulong.Ang ganitong uri ay maituturing na isang legal na dokumento .

3 URI/ESTILO SA PAGSULAT NG KATITIKAN 3. RESOLUSYON NG KATITIKAN Nakasaad lamang sa katitikan na ito ang lahat ng isyung napagkasunduan ng samahan.Hindi na itinatala ang pangalan ng mga taong tumalakay nito at maging ang mga sumang-ayon dito . Kadalasan mababasa ang mga katagang “ Napagkasunduan na … Napagtibay na. .

MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG !
Tags