Batay sa mga larawang ipinakita , ano ang mahihinuha mo kung i-uugnay ito sa pag-unawa ng mga tao sa iba’t ibang konsepto ?
SINING BISWAL SINING BISWAL JAYRALD U. SANCHEZ
SIPAT-KASAYSAYAN Ang pagdating ng tradisyong grapiko sa mga palimbagan sa Pilipinas ay naitampok lamang sa panahong ipakilala ito ng mga kolonyalistang Espanyol bilang monopolyong aparato para ipalaganap ang mga babasahing relihiyoso at palakasin ang kolonyal na kapangyarihan sa kabuuan . SIPAT-KASAYSAYAN
SIPAT-KASAYSAYAN Nang itatag ng mga Dominikano ang unang palimbagan sa Pilipinas noong 1593, iniluwal nito ang Doctrina Christiana. Ang pagbubukas ng mga imprenta noong 1602 ang naging daan para sa mga artista at dibuhista upang ipamalas ang kanilang imahinasyon Sa pagtatapos ng panahon ng pananakop , kailangang kilalanin ang mahalagang ambag ng kilusang rebolusyonaryo sa pagbuo ng mga sagisag at simbolong mapagpalaya na maituturing na makabuluhang ambag sa pagsulong ng makabayang tradisyon ng paglikha ng ilustrasyon sa bansa . SIPAT-KASAYSAYAN
SIPAT-KASAYSAYAN Sa panahon ng mga kolonyalismong Amerikano , matingkad na naipakilala ang liberal na kultura sa mga Pilipino. Naging malaya ang pagpasok ng mga babasahin , aklat , at panitikang Ingles na nakapagpabago sa tradisyon ng pagbabasa ng mga Pilipino. SIPAT-KASAYSAYAN
SIPAT-KASAYSAYAN Ang pagsulpot ng pahayagang Lipang Kalabaw noong 1906 ay mahalagang yugto na naglipat sa praktika ng kartung editoryal sa kamay ng mga Pilipino (Ruiz 2001). SIPAT-KASAYSAYAN
SIPAT-KASAYSAYAN Ang pagsulpot ng pahayagang Lipang Kalabaw noong 1906 ay mahalagang yugto na naglipat sa praktika ng kartung editoryal sa kamay ng mga Pilipino (Ruiz 2001). SIPAT-KASAYSAYAN
SIPAT-KASAYSAYAN Ang TELEMBANG satirikong lingguhang magasin na nasa sirkulasyon noong 1922 -1924. Ang pangunahing editor ay si Inigo Ed Regalado Naglalaman ng mga caricatures at mga cartoons Ayon sa mga historyador ang mga cartoons ay likha nina Fernando Amorsolo SIPAT-KASAYSAYAN
SIPAT-KASAYSAYAN Naglalaman ng mga satirikong cartoons na laban sa mga AMERIKANO at mga pederalista Mayroong 111 isyu SIPAT-KASAYSAYAN
SIPAT-KASAYSAYAN Inilabas ng magasing Liwayway ang unang komiks sa pagkakalikha nina Tony Velasquez at Romualdo Ramos ng karakter na si Kenkoy . SIPAT-KASAYSAYAN
SIPAT-KASAYSAYAN Inilabas ng magasing Liwayway ang unang komiks sa pagkakalikha nina Tony Velasquez at Romualdo Ramos ng karakter na si Kenkoy . SIPAT-KASAYSAYAN
SIPAT-KASAYSAYAN SIPAT-KASAYSAYAN Isinilang ang Halakhak , ang kauna-unahang aklat-komiks sa bansa . Nang hindi magtagal ang Halakhak , noong Marso 27, 1947 ay inorganisa nina Ramon Roces at Tony Velasquez ang Ace Publications para maglathala ng komiks .
SIPAT-KASAYSAYAN SIPAT-KASAYSAYAN Inilabas ang Pilipino Komiks na nagbigay ng lugar para sa mga dibuho at panulat nina Jose Zabala Santos, Damian Velasquez, Jesse Santos, Larry Alcala, Vicente Manansala, E.D. Ramos, Fred Carillo , A.Y. Manalad , at Hugo Yonson .
SIPAT-KASAYSAYAN SIPAT-KASAYSAYAN
SIPAT-KASAYSAYAN Sa pagdating ng dekada ‘70, higit na naging makulay ang larangan ng komiks sa pagtatampok ng supernovels na tumatalakay sa tema ng pantasya , romansa , drama, at komedya . Nagpatuloy ang pamamayagpag ng komiks hanggang sa magkaroon ito ng lugar sa pelikula at telebisyon . SIPAT-KASAYSAYAN
Pagbasa sa Komiks at Graphic Novel bilang Panitikan Sa maraming pag-aaral na isinagawa ni Soledad Reyes , pangunahing kritiko na nag- aral sa penomena ng komiks sa bansa , matatag ang kaniyang paninindigang ituring na panitikan ang komiks at maging ang graphic novel dahil sa ilang mahahalagang punto nito :
Malaking bilang ng mga tauhan at sitwasyon sa daigdig ng komiks ang maaaring tumanggap ng impluwensiya sa iba’t ibang anyo ng panitikan sa bansa . 2. Limitado ang mga alituntunin at paksa ng mga pampanitikang akda at ang komiks ang kumuha ng mga tungkuling nakaugalian nang hanapin sa mga akdang pampanitikan . 3. Kailangang palawakin ang depenisyon ng panitikan na magbubukas ng espasyo sa mga babasahing gaya ng komiks na pangangailangan sa isang mahirap na bansang may kasaysayan ng kolonisasyon . 4. Mataas ang tendensiya ng mga manunulat ng komiks na mabuksan ang sarili sa iba pang anyo ng panitikan . 5. Malaki ang impluwensiya ng komiks sa iba pang anyo ng media.
Komiks at Graphic Novel sa Kritikal na Mambabasang Pilipino Inisa -isa ni Efren Abueg sa kaniyang artikulong “The Komiks and the Filipino” kung bakit tinangkilik ng mambabasang Pilipino ang komiks :
Komiks strip Ang komiks istrip ay kuwento sa paraang pa- komiks. Taglay nito ang mga larawan at dayalogo ng mga tauhang kalahok sa kwento . Ginagamit din ito sa pagbubuod ng mahahabang salaysayin at sa pagbibigay-diin sa mahahalagang detalye ng isang kwento .
Pagsulat ng Komik Strip 1. Pagpasyahan ang paksang nais isalaysay at ang genre ng komiks na nais isulat gaya ng katatakutan , pantasya , komedya , drama, o aksiyon . 2. Lumikha ng mga karakter at pag-aralan ang personalidad ng mga ito .
Pagsulat ng Komik Strip 3. Magplano ng matalinong suliranin at solusyon sa kuwentong nais buuin . 4. Ilatag ang daloy ng mga pangyayari batay sa napagpasyahang bilang ng kuwadro /panel ng pagkukuwento at naitakdang suliranin ng komiks .
Pagsulat ng Komik Strip 5. Lumikha ng mga diyalogo at iguhit ang mga tauhan batay sa ipinahahayag ng mga speech bubble. 6. Sumulat ng malikhaing pamagat na interesanteng makapupukaw sa atensiyon ng mambabasa .
Bahagi ng komik strip
Bahagi ng komik strip
Bahagi ng komik strip
Bahagi ng komik strip
Bahagi ng komik strip
Bahagi ng komik strip
Bahagi ng komik strip
Iba’t ibang uri Ng komiks Alternative COMIC BOOKS HORROR MANGA
Iba’t ibang uri Ng komiks AKSYON ROMANCE SCIENCE FICTION
Samantala , narito naman ang sampung pangunahing kilalang komiks at/o karakter sa komiks sa Pilipinas ayon sa Spot.Ph noong 2014: Add instructions or guidelines here. You can also put in the amount of time allotted for this. Like s eatworks, student-led activities that can be done by pairs or by group widen their grasp and interpretation of the lesson. Be creative with the activity. Duplicate this page as many times as needed to give you more space for discussion.
Samantala , narito naman ang sampung pangunahing kilalang komiks at/o karakter sa komiks sa Pilipinas ayon sa Spot.Ph noong 2014: Add instructions or guidelines here. You can also put in the amount of time allotted for this. Like s eatworks, student-led activities that can be done by pairs or by group widen their grasp and interpretation of the lesson. Be creative with the activity. Duplicate this page as many times as needed to give you more space for discussion.
EDITORYAL KARTUN
May apat na pangunahing bahagi ang Pahinang Opinyon : mga kolum , liham sa editor editoryal editoryal kartun Ang editoryal ay ang opinyon , posisyon , at paninindigan ng isang partikular na dyaryo o magasin kaugnay ng isang napapanahong panlipunan at pampolitikang isyu . Karaniwan itong nakapuwesto sa kaliwang bahagi ng kaliwang pahina at karaniwan ding malaki ang titik o font nito para mas angat sa iba pang sulatin sa pahinang opinyon .
Ang editoryal kartun ay katulad ng editoryal pagdating sa isyu o konsern bagama’t malaya rin ang kartunista kung ano sa mga napapanahong isyu ang gusto nyang pagtuunang pansin . Karaniwan itong matatagpuan sa itaas ng gitnang bahagi ng pahina habang nasa kaliwa nito ang editoryal , minsan naman ay matatagpuan ito sa mismong taas ng editoryal . Ang unang editoryal kartun ay noong ika-9 ng Mayo, 1754 na pinamagatang “Join, or Die”.
SANGKAP NG EDITORYAL KARTUN SANGKAP NG EDITORYAL KARTUN ISYU/ KONSERN
SANGKAP NG EDITORYAL KARTUN SANGKAP NG EDITORYAL KARTUN DROWING
SANGKAP NG EDITORYAL KARTUN SANGKAP NG EDITORYAL KARTUN SALITA/ TEKSTO
SANGKAP NG EDITORYAL KARTUN SANGKAP NG EDITORYAL KARTUN ETIKA NG PERYODISMO
Panuto para sa Gawain: Pagbibigay ng Interpretasyon sa Mensahe ng Editorial Cartoon Pagmasdan ang Cartoon : Tingnan nang mabuti ang editorial cartoon na ibinigay . Pansinin ang mga larawan at simbolo . Kilalanin ang Mensahe : Isulat kung ano ang mensahe ng cartoon. Ano ang ipinapakitang isyu o paksa ? Suriin ang Larawan at Simbolo : Tukuyin at ipaliwanag kung paano nakakatulong ang mga larawan at simbolo sa pagpapahayag ng mensahe . Iugnay sa Isyu : Ipaliwanag kung paano nauugnay ang cartoon sa kasalukuyang isyu o pangyayari sa lipunan . Ibigay ang Iyong Opinyon : Sumulat ng maikling paliwanag kung sang- ayon ka o hindi sa mensahe ng cartoon at bakit . Gamitin ang Rubric : Gamitin ang rubric upang gabayan ka sa pagsagot at pagsusuri ng iyong ginawa .
PETA
Panuto para sa Gawain: Pagguhit ng Editorial Cartoon Pumili ng Isyu : Pumili ng kasalukuyang isyu o paksa sa lipunan na nais mong bigyan ng komentaryo . Gumuhit ng Cartoon : Gumuhit ng isang editorial cartoon na nagpapakita ng iyong opinyon o pananaw tungkol sa isyu . Gumamit ng mga larawan at simbolo upang maipahayag ang mensahe . Siguraduhing Malinaw ang Mensahe : Tiyaking malinaw ang iyong mensahe sa pamamagitan ng tamang paggamit ng mga simbolo at elemento ng cartoon. I-submit ang Iyong Cartoon : Ipasa ang iyong natapos na editorial cartoon sa guro . Pagtatasa : Gamitin ang simpleng rubric upang gabayan ka sa paggawa at pagsusuri ng iyong cartoon.
Paalala : Maging malikhain , tiyak , orihinal , matapat , at malinaw sa pagpapahayag ng iyong mensahe !