College of Computer Studies
[email protected] (63-34) 434-8148
CMO No. 20, Series of 2013 ay naging opsyonal na lamang din ang Filipino bilang midyum sa
pagtuturo, mula sa dating pagiging mandatoring wikang panturo nito sa ilalim ng CMO No. 59 Series of
1996. Bandang 2014 na nang magkaroon ng kopya ng CMO No. 20, Series of 2013 ang marami-raming
propesor ng Filipino at Panitikan.
Sa udyok nina Dr. Fanny Garcia at Dr. Maria Lucille Roxas mga batikan at premyadong manunulat
na kapwa faculty member ng DLSU ay gumawa ang may-akda ng panibagong liham-petisyon na naka-
address sa CHED at may petsang Marso 3, 2014. Kinausap nina Prop. Jonathan Geronimo at Prop.
Crizel Sicat-De Laza ng UST ang mga kaibigan at kakilalang guro mula sa iba’t ibang unibersidad gaya
ng UST, UP- Diliman, UP-Manila, ADMU, PNU, San Beda College-Manila, PUP-Manila National Teachers
College Miriam College, at mga samahang pangwika gaya ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at
Literaturang Filipino (PSLLF), Pambansang Asosasyon ng mga Tagapagtaguyod ng Salin (PATAS) at
sanggunian sa Filipino (SANGFIL). Humigit-kumulang 200 pirma ang agad na natipon. Dinala sa CHED
ang nasabing liham-petisyon.
Noong Hulyo 2, 2014, sa inisyatiba ni Dr. Antonio Contreras ng DLSU ay nakipagdiyalogo sa 2
komisyuner ng CHED. Kalahok sa dayalogo sina CHED Commissioner Alex Brillantes at Commissioner
Cynthia Bautista ang mga propesor ng DLSU, ADMU, UPD, UST, MC, at Marinduque State University.
Napagkasunduan sa diyalogo na muling sumulat sa CHED ang mga guro upang pormal na i-reconvene
ang Technical Panel/Technical Working Group sa Filipino at ang General Education Committee, kasama
ang mga kinatawan ng mga unibersidad na naggigiit ng pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa antas
tersyarya. Agad ipinadala ang gayong liham sa CHED noong Hunyo 16, 2014. Bilang paghahanda sa
pulong sa CHED na hiniling, bilang tugon sa CMO No. 20 S. 2013, at simbolo ng kolektibong
paglaban dito ang mga gurong apektado nito, Tanggol Wika noong Hulyo 21, 2014. Samakatuwid,
pagsasalubong ng iba’t ibang inisyatiba ang pagbubuo ng Tanggol Wika. Si Dr. Rowell Madula, vice-
chair noon ng Departamento ng Filipino sa DLSU at pangulo ng Alliance of Concerned Teachers (ACT)
Private Schools ang nakaisip ng pangalan ng alyansa. Malaki ang papel na ginampanan ng ACT sa
mabilis na pagpapalawak ng Tanggol Wika sa akademya at lagpas pa. Mula noong maitatag ang
Tanggol Wika, naglabas na rin ng kanya-kanyang posisyong papel laban sa CMO No. 20, S. 2013 ang
mga Departamento ng Filipino at/ o Panitikan sa iba’t ibang unibersidad gaya ng UPD, PUP, PNU,
ADMU, NTC, Mindano State University-Iligan Institute of Technology (MSU-IIT), Xavier University at
marami pang iba.
Noong Hulyo 4, 2014 ay nagpatawag ng konsultasyon ang CHED dahil sa demand ng Tanggol Wika.
Simula lamang iyon ng napakarami pang pakikipagtunggali ng Tanggol Wika sa diyalogo sa mga opisyal
ng CHED na noo’y hindi pa kumbinsido sa pangangailangang mapanatili ang Filipino at panitikan sa
kolehiyo.
(63-34)712-0420
chmsc.edu.ph
@chmscofficialpage
To be a leading GREEN institution of higher learning in the global community by 2030
(Good governance, Research-oriented, Extension-driven, Education for Sustainable Development & Nation-building)
Alijis Campus | Binalbagan Campus | Fortune Towne Campus | Talisay
Campus
Carlos Hilado Memorial State
College