Zamora Memorial College
Junior High School Department
Bacacay, Albay
S.Y 2025-2026
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8 (ANG ASYA AT DAIGDIG)
PANGALAWANG LINGGO NG IKALAWANG MARKAHAN
Paaralan: Zamora Memorial College
Junior High School Department
Baitang/
Antas:
8- POMELO & SUNKIST
Guro: John Lester Casili Asignatura Araling Panlipunan
Petsa/Oras: September 29, 2025(8:30-9:30 AM)(4:00- 4:45 PM) Markahan: Ikalawang Markahan
I. LAYUNIN
A.Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mahahalagang pangyayari, ideya,
at ambag ng Renaissance na nagbigay-daan sa pagbabago sa larangan ng sining,
agham, panitikan, at kaisipan sa Europa at nagkaroon ng malaking impluwensya sa
kasaysayan ng daigdig.
B.Pamantayang Pagganap Naipapakita ng mag-aaral ang malalim na pag-unawa sa Renaissance sa
pamamagitan ng malikhaing presentasyon (tulad ng poster, skit, o talakayan sa
grupo) na nagpapakita ng mahahalagang ambag sa sining, agham, at panitikan, at
kung paano ito nakaimpluwensya sa kasalukuyang lipunan.
C.Pamantayan sa Pagkatuto Nasusuri ang mahahalagang pagbabagong politikal, ekonomiko at sosyo-kultural sa
panahon ng Renaissance.
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang mahahalagang pangyayari, personalidad, at ambag
ng Renaissance sa Europa.
2. Nasusuri kung paano nakaimpluwensya ang Renaissance sa
sining, agham, at panitikan noon at sa kasalukuyan.
3. Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng Renaissance .
D.PVMGO: OBJECTIVES
1. Display communicative competence, think intellegently, critically
and creatively;
2. Make informed decisions based on choices that are value-based;
3. Performed and produce evidences of transfer of learning in real
life situations.
E.Core Values: Exellence
-Ang mga mag-aaral ay nailalahad ang ambag ng mga pangyayari
sa Renaissance sa kasalukuyang panahon.
F.21
st
Century Skills: Critical Thinking, Collaboration
G.Reasearch Based Strategy 1. Retrieval Practice Strategy
Paglalahat
2. Elaboration
Application
3. Concrete Examples
Pagtatalakay sa Paksa
II.NILALAMAN
A. Paksa RENAISSANCE
B. Kagamitan Visual aids, powerpoint presentation, cartolina, tape, cardboard,
marker
C. Sanggunian
III.PAMAMARAA
N
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A.Pambungad
na Gawain
Panalangin
Magandang umaga sa inyong lahat. Para umpisahan ang ating
klase, magsimula tayo sa isang panalangin.
(Magtatawag ng isang mag-aaral para pamunuan ang panalangin)
Pagbati
Muli, Magandang umaga, 8- Pomelo!
Pagsasaayos ng upuan
Bago po umupo ang lahat, paki ayos nang linya ng inyong mga
upuan at pakipulot lahat ng mga kalat na nasa sahig
Pagtatala ng lumiban sa klase.
Monitor, mayroon ba tayong liban sa araw na ito? Maari po bang
paki lista ng kanilang mga pangalan, Maraming Salamat!
Pagbibigay ng Alituntunin sa Klase
Maari po bang paki basa ng sabay sabay ang mga alituntunin na
dapat niyong gawin sa oras ng ating klase.
CLASSROOM RULES
G - Give Respect (Magbigay ng Respeto)
O - Open to Learn (Maging Bukas sa Pagkatuto)
L - Listen Attentively (Makinig nang Mabuti)
D - Do your Best (Magpakahusay ka)
Mananalangin ang lahat ng mga mag-
aaral
Magandang Umaga, ma,am!
(Inayos ang linya ng mga upuan, at
pinulot ang mga kalat sa sahig)
( Nilista ang mga pangalan ng liban sa
klase ngayong araw)
Sabay-sabay na binasa ng mga mag-
aaral ang mga alituntunin
B.PAGGANYAK GAWAIN 1: BAGONG SIMULA
Panuto: Sagutan ang mga tanong base sa inyong obserbasyon sa larawan.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang naiisip o nararamdaman ninyo kapag nakikita ninyo ang pagsikat ng araw o ang
pag-usbong ng halaman?
2. Ano ang kahalagahan ng mga bagong simula o pagbabago sa ating buhay?
• Sir, sunrise at pag usbong ng halaman
•Sir Masaya dahil panibagong araw na namn.
C.PAGHAHABI
NG LAYUNIN
Bago natin talakayin kung ano ba ang Renaissance, narito ang mga layunin
na dapat niyong makamit sa pagtatapos ng ating aralin
Ipapaskil ng guro ang mga tiyak na layunin sa pagkatuto para sa araw na
ito. At pagkatapos ay ipapabasa ito sa mga mag -aaral.
1. Natutukoy ang mahahalagang pangyayari, personalidad, at ambag ng Renaissance sa
Europa.
2. Nasusuri kung paano nakaimpluwensya ang Renaissance sa sining, agham, at
panitikan noon at sa kasalukuyan.
3. Naipapakita ang pagpapahalaga sa mga ambag ng Renaissance sa pamamagitan ng
malikhaing presentasyon at sama-samang gawain.
Sabay sabay na babasahin ng mga
mag-aaral ang mga layunin
D.PAG-UUGNAY
NG
HALIMBAWA
SA BAGONG
ARALIN
GAWAIN 2:MGA PAGBABAGO SA ATING PANAHON
Panuto: Pagmasdan ang mga larawang ipapakita, tukuyin ang kanilang pagkakaiba, at
ipaliwanag kung paano nakaaapekto ang pagbabagong ito sa ating pamumuhay.
Sir Cellphone po makaluma po at makabago
Sir ang pagkakaiba po ay may apps na po para
sa pagbibigay mensahe kumpara dati na sulat
lamang.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mga pagkakaiba na napansin ninyo?
2. Ano ang naging epekto ng pagbabagong ito sa pamumuhay ng tao?
3. Bakit mahalaga ang pagbabago at inobasyon sa lipunan?
D.PAGTATALAKA
Y SA PAKSA
RENAISSANCE
Ang salitang Renaissance ay hango sa salitang Pranses na nangangahuluga ng
"muling pagsilang" o rebirth.
Layunin nito na muling ibalik ang kadakilaan ng kulturang Greco-Romano sa
pamamagitan ng pagpapanumbalik ng mga karunungang klasikal at pagbibigay-
halaga sa mga gawa at kakayahan ng tao sa aspeto ng sining, agham, literatura at
panitikan.
Ito ang panahong tumutukoy sa muling pagsibol ng kultura, sining, at kaalaman.
Ang edukasyon ay ginamit upang maunawaan ang buhay ng tao.
Ang Renaissance ay nagsimula noong 1350 CE sa mga hilagang lungsod-estado ng
ilaly. Narating nito ang rurok ng katanyagan noong 1500 CE.
Isinilang sa Italy ang Renaissance dahil sa sumusunod na dahilan:
Ang mga lungsod-estado sa Italy ang nagdomina sa daanang kalakalan sa pagitan
ng Silangan at Kanlurang Europe at sa pagitan ng Europe at Hilagang Asya
Nasa estratehikong lokasyon ang Italy. Karamihan sa ruta ng kalakalan mula sa
silangan ay nagsasalubong sa huling bahagi ng Mediterranean Sea.
Ang matatag na estrukturang politikal ng Northern Italy ay nakatulong upang
maikalat ang yaman ng kalakalan.
Ang Paglaganap ng Humanismo sa Panahon ng Renaissance
Isa sa mga elemento ng Renaissance ay ang tinatawag na humanismo na kumikilala
sa kagalingan ng tao.
Ang diwa ng Renaissance ay nagbigay ng kalayaang intelektuwal na nagsilbing
tuntungan sa pagpasok ng makabagong panahon.
Sa panahon ng Renaissance, nakilala ang mga personalidad na may mahahalagang
kontribusyon sa sining at kultura .
Mga Ambag ng Renaissance sa Iba't ibang Larangan
Larangan Humanista Kontribusyon
Sining at PanitikanFrancesco PetrarchKilala siya kinilala bilang
"Ama ng Humanismo."
Sinulat niya sa Italyano ang "Songbook"
isang
koleksiyon ng mga sonata ng pag-ibig
patungkol sa kanyang minamahal na si
Laura.
Giovanni BoccacioIsinulat niya ang "Decameron", isang
tanyag na koleksiyon ng isang daang
nakakatawang salaysay.
Miguel de Cervantes
Nicollo MachievelliIsinulat niya ang "The Prince
William
Shakespeare
Kilala siya bilang "Makata ng mga
Makata."
Isinulat niya ang kilalang mga dula gaya ng
"Julius Caesar," "Romeo and Juliet,"
"Hamlet," "Anthony and Cleopatra," at
"Scarlet."
Desiderius ErasmusKilala siya bilang"Prinsipe ng mga
Humanista."
Isinulat niya ang "In Praise of Folly"
Pagpipinta
Michelangelo
Bounarotti
Leonardo da VinciPinakatanyag niyang obra ay ang The Last
Supper o "Huling Hapunan."
Agham
Galileo GalileiNaimbento niya ang teleskopyo na
nakatulong upang mapatotohanan ang
pahayag ni Copernicus.
Nicolas CopernicusIpakilala niya ang isang teorya na
nagsasaad na ang araw ang sentro ng
sansinukob.
William Harvey Isa siyang manggagamot na Ingles na
unang kumilala sa buong sirkulasyon ng
dugo sa katawan ng tao.
Andreas VesaliusNoong 1709 naimbento ni Daniel Gabriel
Fahrenheit ang thermometer ng alkohol,
at ang thermometer ng mercury noong
1714.
Ipinakilala niya noong 1724 ang
karaniwang sukatan ng temperatura na
nagdadala ng kanyang pangalang-
Fahrenheit Scale-na ginamit upang maitala
ang mga pagbabago sa temperatura
Daniel Gabriel
Fahrenheit
Ipinakilala niya noong 1724 ang karaniwang
sukatan ng temperatura na nagdadala ng
kanyang pangalang-Fahrenheit Scale-na
ginamit upang maitala ang mga pagbabago sa
temperatura.
Bukod sa literatura at pilosopiya, ang Renaissance ay panahon din ng pag-unlad ng sining.
Ang pag-unlad na ito ay bunsod ng dalawang dahilan. Una, naging interesado ang mga tao
sa sining ng panahong klasikal, at ikalawa, suportado ng mayayamang mangangalakal at
prinsipe ng mga siyudad ng Italy ang mga pintor at eskultor
E.ANALYSIS GAWAIN 3: “Then and Now Match-Up
Panuto: Iugnay ang mga kontribusyon ng Renaissance sa kanilang kaukulang impluwensya
sa kasalukuyan at ipaliwanag sa isang pangungusap kung paano ito nakaapekto sa ating
lipunan ngayon. Hahatiin ang klase sa apat at bawat grupo ay magtatambal ng
kontribusyon ng Renaissance sa kasalukuyang panahon. Bibigyan lamang ang bawat grupo
ng 3-4 minuto para maghanda.
Group 1:
Mona Lisa/ Digital Art
Printing Press/ Social Media
Group 2:
Telescope/ Space Exploration
The Last Supper/ Modern Religious
Group 3:
Michelangelo’s Sculpture of David/ 3D Printing
Sistine Chapel ceiling – Michelangelo/ Mga mural at street art sa siyudad
Group 4:
Human Anatomy/ Health apps
Renaissance Maps at Exploration (Columbus, Magellan)/ Google Maps
Tanong:
Ano ang naging impluwensya ng ambag na ito noon sa kasalukuyan?
Rubrics:
Pamantayan 5 - Mahusay 4- Katamtaman 3- Kailangan ng Pag-
unlad
Pagkatama ng
Pagtatambal
Naitugma nang
wasto ang lahat ng
Renaissance
contributions sa
tamang modern
influence.
Naitugma nang
wasto ang
karamihan ngunit
may 1-2
pagkakamali
Maraming maling
pagtatambal o hindi
nakumpleto.
Pagsusuri Malinaw at lohikal
ang paliwanag kung
May paliwanag
ngunit kulang sa
Halos walang
paliwanag o hindi
paano
nakaimpluwensya
ang Renaissance sa
kasalukuyan
linaw o hindi
masyadong malalim
tumutugon sa
tanong
Paglalahad Maayos at malinaw
ang presentasyon
ng grupo; lahat ay
nakilahok
May presentasyon
ngunit iilan lang ang
nakilahok
Hindi maayos ang
presentasyon o
walang
kooperasyon sa
grupo.
F.ABSTRACTION GAWAIN 3: VENN DIAGRAM
Punan ang Venn diagram ng mahahalagang ambag ng Renaissance noon, ang impluwensya
nito ngayon, at ang kanilang pagkakatulad o kaugnayan.
Noon Ngayon
G.APPLICATION Sagutin ang mga tanong:
1. Kung ikaw ay isang kabataan noong panahon ng Renaissance, aling ambag ang
pinakanakakapukaw ng iyong interes at bakit?
2.Kung wala ang mga imbensyon at tuklas noong Renaissance (hal. printing press,
telescope, scientific method), paano kaya naiiba ang ating pamumuhay ngayon?
H.PAGTATAYA NG
ARALIN
GAWAIN : TAMA O MALI
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay naglalahad ng wastong
impormasyon at MALI naman kung ito ay hindi.
Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.
1. Ang kahulugan ng salitang Renaissance ay "muling pagsilang" o rebirth.
2. Ang Renaissance ay sumibol sa bansang Italya dahil sa magandang kinalalagyan
sa larangan ng kalakalan at matatag na lipunan.
3. Ang unibersidad ay lugar kung saan ginanap ang palakasan.
4. Napaunlad ng Italy ang kanilang kabuhayan dahil sa tulong ng kalakalan.
5. Tumibay ang tiwala ng mga mamamayan sa simbahang Katoliko dahil sa
Renaissance.
6. Ang mga Humanista ay mga iskolar na nangunguna sa pag-aaral ng karunungang
klasikal ng Greece at Rome.
7. Ang mga kalalakihan lamang ang sumikat sa Italya sa panahon ng Renaissance.
8. Marami ang naging pamana ng panahong Renaissance sa iba't ibang larangan sa
kasalukuyan.
9. Ang Renaissance ay transisyonal na panahon ng Middle Age at Modern Age.
10. Natamo ng Renaissance ang rurok ng kaningningan sa larangan ng pagpipinta,
eskultura, sining, agham at arkitektura.
I.TAKDANG
ARALIN
Gawain Tulong-tulong Tayo
Panuto: Magbigay ng suhestiyon kung papaano mapauunlad ng mga Pilipino ang
mga sumusunod na aspeto ng ating lipunan ayon sa talahanayan sa ibaba. Gawin
ang mga ito sa sagutang papel.
Larangan/ Aspeto Paraan kung paano ito paunlarin
Agham
Edukasyon
Singing at Panitikan
Imbensyon