POPULASYON ANG POPULASYON AYON SA SOSYOLOHIYA AY KATIPUNAN NG MGA tao. Tumutukoy ito sa bilang ng mga tao na naninirahan sa isang tiyak na lugar o rehiyon.
ANG PILIPINAS AY BINUBUO NG 17 rehiyon na may iba’t ibang bilang ng populasyon.
REHIYON SA PILIPINAS Binubuo ng 18 rehiyon ang Pilipinas noong 2020 dahil nadagdagan ng Negros Island Region (ARMM).
REHIYON SA PILIPINAS Ang oportunidad sa hanapbuhay at edukasyon ang pangunahing salik na nakaapekto sa paglaki ng populasyon.
Nakakaapekto ang paglaki ng populasyon sa NCR dahil nandito ang oportunidad sa hanapbuhay at kalakalan , dito rin ang sentro ng mga ahensya ng pamahalaan , tanyag na pasyalan at higit sa lahat ang mga maunlad na paaralan . BAKIT NCR ANG MAY PINAKAMARAMING BILANG NG TAO?
MGA PANGKAT-ETNOLINGGUWISTIKO NG PILIPINAS
Bilang mamamayan ng iisang bansa , ang mga Pilipino ay may pangkalahatang pagkakakilanlan . Gayumpaman , binubuo ang Pilipinas ng maraming pangkat na ang bawat isa ay may natatanging kultura . ang mga pangkat-etnolingguwistiko o grupo ng mga tao sa Pilipinas na pinagbuklod ng sariling wika at kultura Bikolano , Cebuano, Hiligaynon, Ilokano, Kapampangan, Tagalog, at Waray . Ang ikalawa naman ay ang mga katutubo o minoryang pangkat na tinatawag ding indigenous people kagaya ng mga Agta, Badjao, Ivatan , Mangyan, Maranaw , at Tausug.
Ivatan : Nakatira sa Batanes , partikular sa mga isla ng Batanes-Babuyan . Kilala sila sa kanilang mga tradisyon , wika , at kultura na may impluwensya ng mga Cordillera at Formosa. Sila ay mahusay sa pagsasaka ng mga root crops tulad ng kamote at taro, pati na rin sa pangingisda .
Agta : Matatagpuan sa mga lalawigan ng Rizal, Bulacan, Nueva Ecija, Quezon, Aurora, Nueva Vizcaya, Isabela, Cagayan, Abra, Camarines Norte, at Camarines Sur . Kilala rin sila bilang Dumagat o Remontado , at mayaman ang kanilang kultura sa pag-awit , sayaw , at ritwal .
Mangyan : Nakatira sa Mindoro , at nahahati sa walong grupo . Sila ay kilala sa kanilang mga tradisyon , pagkakaroon ng kapayapaan , at pagsuko sa mga matataas na tao . Mahusay din sila sa paghahabi at paggawa ng palayok .
Waray : Matatagpuan sa mga isla ng Leyte, Samar, at Biliran sa rehiyon ng Eastern Visayas . Kilala sila bilang matatapang at walang inuurungan na kahit anong labanan . Sila rin ay kilala sa kanilang sayaw na kuratsa .
Badjao : Sila ay mga sea gypsy na nakatira sa mga bangka o sa baybaying dagat , partikular sa Zamboanga, Sulu, at Tawi-Tawi. Kilala sila sa kanilang mga tradisyon at kultura na may kinalaman sa dagat .
Tausug : Nakatira sa Sulu , at kilala sa kanilang mga tradisyon , wika , at kultura . Sila ang nagtatag ng makapangyarihang Sultanato ng Sulu.
Maranao : Matatagpuan sa paligid ng Lawa ng Lanao , partikular sa mga lalawigan ng Lanao del Norte at Lanao del Sur . Kilala sila sa kanilang mga sining , paghahabi , at epikong Darangen . Sila rin ay kilala sa kanilang kultura na nakasentro sa Lawa ng Lanao