TERMINOLOHIYA ADVERTISEMENT - Ang advertisement o patalastas ay isang paraan ng pag-anunsyo ng produkto o serbisyo sa pamamagitan ng iba't-ibang anyo ng komunikasyon pangmadla PANEL DISCUSSION - Ito ay tumutukoy sa pagtalakay ng isang paksa ng pampublikong interes sa pamamagitan ng isang grupo ng mga pagbabalangkas ng isang papel ng mga tao ay karaniwang bago ng madla. ORTOGRAPIYA - Ang Ortograpiyang Filipino ay sining ng pagsulat ng mga salita na may tumpak na titik alinsunod sa wastong gamit, wastong baybay.
TERMINOLOHIYA SINTAKS - pag-aaral ng istruktura ng mga pangungusap, pagsasama-sama ng mga salita para makabuo ng mga parirala o mga pangungusap. MORPOLOHIYA - Ito ay makaagham na pag-aaral at pagsusuri sa estruktura, relasyon at kahalagahan ng morpema sa isang wika at pagsasama-sama nito upang makabuo ng mga salita. LEKSIKON- Ang leksikon ay ang mga salita na ginagamit sa isang wika ng mga mananalita nito. Tinatawag din itong "vocabularyo" ng isang wika.
Ang pitong tungkulin ng wika ayon kay M.A.K Halliday
1. PANG-INSTRUMENTAL - Ito ang wikang sumasagot sa ating pangangailangan. Ginagamit natin ito kapag tayo’y nakikipag-usap at may mga katanungan tayo na kailangan mabigyan ng kasagutan. Sakop din nito ang magasin, advertisement sa telebisyon at radyo. HALIMBAWA: Paggawa ng liham patnugot Pagpapakita ng mga patalastas
2. PANREGULATORI - Ang pagkontrol sa isip at kilos ng tao ay isa sa mga tungkulin ng wika. Ang pagbibigay ng direksyon at pagsunod sa panuto sa pasulat na paraan ay mga halimbawa nito. HALIMBAWA: Instruksyunal sa mga artistang gumaganap. Pagbibigay ng direksyon
3. PANG-INTERAKSYONAL - Ito ay ang wikang nagpapatatag at nagpapanatili ng relasyong sosyal. Ginagamit natin ito sa pakikipag-usap sa isang kaibigan o mahal sa buhay upang ibahagi sa kanila ang masasaya at malulungkot na pangyayari sa ating buhay. kabilang dito ang pagdidiskusyon. HALIMBAWA: Pakikipagbiruan Pagsasalaysay ng malulungkot o masasayang pangyayari sa isang kaibigan
4. PAMPERSONAL - Ginagamit natin ito sa pagpapahayag ng sariling opinyon. Ginagamit din ito sa mga Panel discussion , personal na jornal at iba pa. HALIMBAWA : Pagsulat ng talaarawan Pagsulat ng jornal
5. PANG-IMAHINASYON - Tumutukoy sa papapahayag ng pagiging malikhain o creative. Naipapakita sa pamamagitan ng pagsasalaysay at paglalarawan. Kasama rin dito ang drama iskrip at tula . HALIMBAWA : Pagsasalaysay Paglalarawan .
6. PANG-HEURISTIKO - Sinasaklaw ng tungkulin ito ang paghahanap ng mga impormasyon at mga bagay-bagay. Ginagamit natin ito sa pakikipanayam. Pagtatanong, sarbey at mga pananaliksik. HALIMBAWA : Pakikipanayam Pagbabasa ng aklat
7. PANG-IMPORMATIB - Ito ay simpleng pagbibigay ng impormasyon. Makikita ito sa mga pag-uulat, pagtuturo, pagbubuo ng mga pamanahong papel at iba pa. HALIMBAWA : Pamanahong Papel Tesis
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO SA KONTEKSTONG FILIPINO Kakayahang sosyolinggwistiko “ Ang wika’y mabisang intrumento sa pakikipag-ugnayan. Ito’y daan upang magkaunawaan.” Ayon sa mga pag-aaral na isinasagawa ni Dua ( 1990 ), ang ilan sa mga pangunahing dahilan ng hindi pagkakaunawaan ng dalawang taong nag-uusap ay pwedeng mag-ugat sa tatlong posibilidad na maaaring mag mula sa taong nagsasalit tulad ng ;
Hindi lubos na nauunawaan ng nagsasalita ang kanyang intensyon. 2. Hindi maipahayag nang maayos ng nagsasalita ang kanyang intensyon; at 3. Pinipili ng nagsasalita na huwag na lang sabihin ang kanyang intensyon dahil sa iba’t ibang kadahilan tulad ng nahihiya siya, at iba pa.
Samantala, maaaring ang ugat din ay hindi pagkakaunawaan ng dalawang nag-uusap ay magmumula sa tagapakinig tulad ng sumusunod : Hindi naririnig at hindi nauunawaan Hindi gaanong narinig at hindi gaanong nauunawaan. Mali ang pagkakarinig at mali rin ang pagkakaunawa ; at Narinig at nauunawaan.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA EPEKTIBONG KOMUNIKASYON Ayon sa linggwistang si Dell Hymes ( 1927 ), maging mabisa lamang ang komunikasyon kung ito ay isasaayos at sa pagsasa-ayos ng komunikasyon, may mga bagay na dapat isaalang-alang. Siya ay nagbibigay ng ilang mungkahi kung paano dapat isaayos ang paggamit ng wika. Ayon sa kanya kailangang isaalang-alang ang paggamit ng akronim na SPEAKING.
SETTING (Saan nag-uusap?) PARTICIPANTS (Sino ang kausap?) ENDS (Ano ang layunin sa pag-uusap?) ACT SEQUENCES (Paano ang takbo ng pag-uusap?) KEY (Pormal ba o impormal na usapan ) INSTRUMENTALITIES (Ano ang midyum ng usapan?) NORMS (Ano ang paksa ng usapan? Halimbawa: Paksang panlalake lamang o pambabae?) GENRES (naglalahad, naglalarawan, nagsasalaysay, o nakikipagtalo ba?)
KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO Kakayahang Sosyolinggwistiko : Sa modelong ginagamit nina Canale at Swaiin, iniisa nila ang tatlong kakayahang pangkomunikatibo.
Linggwistiko / Gramatikal - Ang kakayahang linggwistiko ay tumutukoy sa kakayahan o abilidad ng pag-aaral ng tatlo o higit pang mga lenggwahe, wika at dayalekto. Mungkahing komponent ng kakayahang Linggwistiko o Gramatikal. a. Sintaks b. Morpolohiya c. Leksikon d. Ponolohiya e. Ortograpiya
SOSYOLINGGWISTIKO Ang kakayahang sosyolinggwistiko ay ang pagsasaalang-alang ng isang tao sa ugnayan niya sa kanyang mga kausap, ang impormasyon pinag-uusapan at ang lugar ng kanilang pinag-uusapan. Ang ugnayan ng wika at lipunan nang may naaangkop na panlipunang pangkahulugan para sa isang tiyak na sitwasyon pangkomunikasyon. Halimbawa : Magandang araw po. Kamusta po kayo? (pakikipag-ugnayan sa mga nakakatanda at awtoridad. Sosyolek -isang particular na pangkat.
ISTRATEDYIK - Ito ay tumutukoy at nangangahulugan ng isang pagpaplano kung paano gagawin o isasagawa ang isang bagay. Ang kakayahang ito ay kakakitaan ng tinatawag na strategy. PRAGMATIC - Ang kakayahang ito ay tumutukoy sa isang kakayahang sosyolinggwistika na ginagamit ng tao sa araw-araw.
DISKORSAL - Ito ay tumutukoy mismo sa kakayahan na matiyak o masiguro na tama ang isa o higit pang kahulugan ng teksto at sitwasyon na nakapaloob at nakaayon sa konteksto. Sa pagtalakay sa kakayahang sosyolinggwistiko ay maaari nating balikan ang mga usapin tungkol sa pagkakaiba ng competence o kailangan/kakayahan at performance o pagganap.
PANANAW NI SAVIGNON Competence - ay mga batayang kakayahan o kaalaman ng isang tao sa wika. Performance - ay ang paggamit ng tao sa wika.
MGA KONSIDERASYON SA MABISANG KOMUNIKASYON Ayon kay Dell Hymes (1927), may walong konsiderasyon sa mabisang komunikasyon na dapat isaalang-alang para matagumpay na maisakatuparan ang pag uusap. SETTING - (Saan nag-uusap?) Sa pakikipag-komunikasyon, ang pook o lugar kung saan nagaganap ang usapan ay dapat isaalang-alang.
2. PARTICIPANTS - (Sino ang kausap at nag-uusap?) Dito isinaalang-alang ang tao o mga taong kasangkot sa komunikasyon. Ang pag-uugali, katauhan, damdamin, maging estado sa buhay, katungkulan, hanapbuhay, gulang, kasarian, paniniwala at pilosopiya sa buhay ay nakakaimpluwensya sa daloy at paraan ng pagpapahayag ng nagsasalita at ng kanyanag kausap. 3. ENDS - (Ano ang layon ng usapan?) Sa component na ito ang interaksyon ay ayon sa layuning nais matamo sa pakikipagkomunikasyon: pagpapahayag o pagbibigay ng impormasyon, pag-uutos, pakikiusap, pagpapahiwatig, pagpapakahulugan, pagmumungkahi, pagbabahagi ng damdamin pangarap o paglikha.
4. ACT SEQUENCES - (Paano ang takbo ng usapan?) Ito ay tumutukoy sa pagkakaugnay ng usapang nagaganap sa uri ng pangyayari. 5. KEYS - (Ano ang estilo o speech register? Pormal ba o di pormal?) Ang estilo o speech register ay inaangkop sa sitwasyon, layunin, pook o lokasyon at lalo na sa uri ng participants.
6. INSTRUMENTALITIES - (Pasalita ba o pasulat ang pagpapahayag sa kaisipan?) Sa komponent na ito maaaring isaalang-alang ang mga sumusunod: a) Kalagayan o Sitwasyon b) Layunin c) Kagustuhan ng mga taong nakikipagkomunikasyon d) Availability ng tumatanggap ng mensahe. 7. NORMS - (Ano ang paksa ng pag-uusapan?) Ang paksa ng pag-uusap ay kahit ano depende sa participants ng maaaring batay naman sa kanilang layunin, interes o hilig, pangangailangan at maging ayon sa kasarian (babae/lalaki).
8. GENRES - (Ano ang uri ng pagpapahayag? Pasalaysay, Paglalahad o Pangangatwiran?) Sa component na ito, isinaalang-alang ang layunin. A. Pagsasalaysay - magkuwento ng isang pangyayari. B. Paglalarawan - magpakita ng anyo, katangian, hugis, at kulay ng isang bagay, tao, pook, pangyayari at damdamin. C. Paglalahad - magpaliwanag at magbigay ng impormasyon. D. Pangangatuwiran - manghikayat o magpatunay at pabulaanan ang opinyon, katuwiran, at panindigan ng iba, ang paraan ng pagpapahayag.