Layunin Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood na palabas sa telebisyon at pelikula ( Halimbawa : Be Careful with My Heart, Got to Believe, Ekstra , On The Job, Word of the Lourd (http://lourddeveyra.blogspot.com))
Layunin Naipaliliwanag ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga pagbibigay halimbawa Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng gamit ng wika sa lipunan
Gamit ng Wika sa Lipunan Instrumental Regulatoryo Interaksyonal Personal Heuristiko Impormatibo Imahinatibo -M.A.K. Halliday
Instrumental Tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba
Regulatoryo Tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao Pagbibigay direksiyon gaya ng pagtuturo ng lokasyon ng isang partikular na lugar , direksiyon sa pagluluto ng isang ulam , direksiyon sa pagsagot sa pagsusulit , at direksiyon sa paggawa ng anumang bagay
Interaksyonal Paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa ; pakikipagbiruan , pakikipagpalitan ng masasayang pangyayari sa isang kaibigan o kapalagayang-loob , paggawa ng liham pangkaibigan atbp .
Personal Pagpapahayag ng sariling opinion o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan
Heuristiko Ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-aaralan
Impormatibo Kabaligtaran ng heuristiko May kinalaman sa pagbibigay impormasyon sa paraang pasulat at pasalita
Imahinatibo M ay kaugnayan sa pag-iisip kahit anumang imahinatibo na bagay. Madalas itong kinukwento sa paraang pagsusulat o pagsasalita na produkto .
Paraan ng Paggamit ng Wika Pagpapahayag ng damdamin ( Emotive ) Panghihikayat (Conative) Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic) Paggamit bilang sanggunian (Referential) Paggamit ng kuro-kuro (Metalingual) Patalinghaga (Poetic) -Jakobson (2003)
Pagpapahayag ng damdamin (Emotive) Pagpapahayag ng saloobin , damdamin at emosyon
Panghihikayat (Conative) Nanghihimok at nang-iimpluwensiya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap
Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic) Nakikipag-ugnayan sa kapwa at nagsisimula ng usapan
Paggamit bilang Sanggunian (Referential) Wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang magparating ng mensahe at impormasyon
Paggamit Kuro- kuro (Metalingual) Naglilinaw ng mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay komento sa isang kodigo o batas
Patalinghaga (Poetic) Gamit ng wika sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan , prosa , sanaysay atbp .