GMRC 4 Quarter 1 Week 1 -Kakayahang Natatangi sa Tao

ManuelaArago 9 views 19 slides Sep 21, 2025
Slide 1
Slide 1 of 19
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19

About This Presentation

Kakayahang Natatangi sa Tao


Slide Content

GMRC

Matiyaga  ang isang tao kung siya ay  masipag, matatag, at hindi sumusuko sa gitna ng pagsubok. “Kahit mahirap, ginagawa pa rin nang buong tiyaga.”

Ang  matapat  ay ang  ugaling nagsasabi ng totoo at gumagawa ng tama kahit walang nakakakita . Ang taong matapat ay  hindi nandaraya, hindi nagnanakaw, at hindi nagsisinungaling .

Ang  mapagmalasakit  ay ang  ugali ng pag-aalala, pagdamay, at pagtulong sa kapwa  nang taos sa puso. Ang taong mapagmalasakit ay  hindi lang nakikiramay—tumutulong din sa paraang kaya niya. .

Ang  mapanagutan  ay ang  ugaling handang tumupad sa tungkulin at humarap sa resulta ng sariling kilos at desisyon . “ Kung ikaw ang gumawa, dapat ikaw ang managot.”

Mapagkumbaba  ang isang tao kapag siya ay  hindi mayabang, marunong rumespeto, at inaangat ang iba — hindi ang sarili. “Kahit magaling, nananatiling mababa ang loob.”

“Kakayahang abstrakto ” ay ang kakayahan mong mag-isip ng mga bagay na hindi mo nakikita o nahahawakan, pero naiintindihan mo gamit ang isip at damdamin.

Konseptwalisasyon  ay ang pag-iisip at pagbuo ng ideya sa iyong utak tungkol sa isang bagay. -   Parang iniimagine mo muna sa isip mo bago mo ito sabihin o isulat.

Empatiya  ay ang kakayahang makiramdam at makaunawa sa damdamin o pinagdadaanan ng ibang tao — parang nilalagay mo ang sarili mo sa kalagayan nila upang maintindihan kung ano ang nararamdaman nila.

Kritikal na pag-iisip  ay ang  pag-iisip muna nang mabuti bago maniwala, magsalita, o gumawa ng desisyon .

Ang  pag-unawa sa diversidad  ay ang pagrespeto sa kaibahan ng bawat isa. Kahit iba ang kulay ng balat, salita, o paniniwala — kaibigan pa rin sila.

Ang sumusunod ay halimbawa ng mga kakayahan na natatangi sa tao. Isulat ang A kung ito ay tumutukoy sa kakayahang mag-isip . Isulat naman ang B kung ito kakayahang magmahal . Ilagay ang letra ng tamang sagot sa patlang.

____1. Kakayahang maging abstrakto ____2. Kakayahang maging mapagkawanggawa ____3. Kakayahan sa konseptwalisasyon ____4. Kakayahan sa kritikal na pag-iisip ____5. Kakayahan sa pag-aalala at pagpaplano ____6. Kakayahan sa pagmamalasakit ____7. Kakayahan sa pag-unawa at empatiya ____8. Kakayahan sa pag-unawa sa dibersidad ____9. Kakayahang magbigay-pansin at makinig ____10. Kakayahang sa pag-aaral at pagsusuri

Week 2

  Panuto : Isulat ang Tama kung ang situwasyon ay nagpapakita ng pagkilala ng mga sariling gawi ng mabuting pakikitungo sa mga kasapi ng pamilya at Mali naman kung hindi.

_______ 1. Ipinakilala ni Dino ang kaniyang ina sa kaniyang mga kaibigan nang may ngiti at pagmamalaki. _______ 2. Sinigawan ni Beth ang kaniyang tiya Susan nang hindi nya napanood ang aralin sa TV na handog ng DepEd. _______ 3. Bukal sa loob na tinulungan ni Dessa ang kaniyang ama sa pagbubuhat ng mga panggatong na kahoy.

_______ 4. Nagtago sa loob ng bahay si Ana nang marinig niya ang utos ng kaniyang kuya. _______ 5. Hinintay na lamang ni Ben na matapos ang pinanonood ng kaniyang bunsong kapati saka siya nanood naman ng kaniyang paboritong palabas sa Youtube. _______ 6. Sumasagot kaagad si Mel kapag tinatawag siya ng kaniyang lolo.

_______ 7. Sinisigawan ni Ken ang kaniyang nakababatang kapatid kapag nakikipaglaro ito sa kaniya. _______ 8. Hindi ako nagmamano sa aking lola kapag hindi niya ako binibigyan ng pera. _______ 9. Inaabutan ko ng malamig na tubig sina nanay at tatay pagkagaling nila sa bukid. ______ 10. Hindi ko pinapansin ang bilin ng aking mga magulang dahil paulit-ulit lang ito.

Sagutin ang sumusunod na mga tanong: 1.Sa inyong pamilya, paaano ka nakikitungo sa iyong: mga magulang? _________________________________________________________ Ka patid ? _______________ Iba pang kasapi ng inyong pamilya ? ______
Tags