GMRC-VE_Detailed-Lesson-Plan_Daily DO Demo Teaching.docx

MariaJoannaAtuel1 9 views 6 slides Sep 02, 2025
Slide 1
Slide 1 of 6
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6

About This Presentation

GMRC-VE_Detailed-Lesson-Plan_Daily DO Demo Teaching.docx


Slide Content

GRADE 1 to 12
DETAILED LESSON PLAN

PaaralanFRANCISCO E BARZAGA INTEGRATED HIGH SCHOOL Antas 8
Guro Maria Joanna R Atuel AsignaturaValues Education
Petsa/Oras11 Hunyo 2025/09:00 ng umaga Markahan Unang Markahan
PETSA 11 Hunyo 2025
SEKSYON/ORAS
ARAW Miyerkules
I.LAYUNIN
A. Pamantayang PangnilalamanNatututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga emosyong nararamdaman
B. Pamantayan sa PagganapNaisasagawa ng mag-aaral ang pagkilala sa mga emosyong nararamdaman upang malinang ang maingat na paghusga.
C. Mga Kasanayan sa PagkatutoNakapagsasanay sa maingat na paghusga sa pamamagitan ng pagninilay sa kamalayan sa mga emosyong nararamdaman,
kilos, pag-iisip, at reaksiyon ng katawan.
D. Layunin 1.Naiisa-isa ang mga indikasyon ng pagkakaroon ng kamalayan sa mga emosyong nararamdaman.
2.Napatutunayan na ang emosyong nararamdaman ay nakatutulong upang lubos na makilala ang sarili at makatugon nang
wasto sa mga nararamdaman sa bawat situwasyon tungo sa pagpapaunlad ng sarili at ugnayan sa kapuwa.
E. Integrasyon Four Attributes of Emotional Quotient
F. Lilinanging PagpapahalagaMaingat na Paghusga (Prudence)
G. Dulog Pedagohikal Values Inculcation at Values Clarification
II.NILALAMAN Kamalayan sa mga Emosyong Nararamdaman
III.KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay
Ng Guro
VE Matatag CG
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-Mag-
Aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagami-
tan mula sa portal ng
Learning Resource
Mga ilang video halaw sa Youtube

B. Iba pang Kagamitang PanturoLaptop, PPT
IV.PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang
aralin at/o pagsisimula ng
bagong aralin
Pagpapakita ng isang video presentation, pagtukoy sa ipinapakita ng bawat karakter sa video
B. Paghahabi sa layunin ng
Aralin
Sa kabuuan ng talakayan masasagot ang mga katanungang:
a.Ano ang nararamdaman ko?
b.Bakit ko ito nararamdaman
c.Paano ko ito naipapakita o nakokontrol?
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong
aralin
1.Paglinang sa Kahalagahan sa Pagkatuto sa Aralin
Gawain: Emosyon mo Show mo
Panuto: Ipakita sa mga mag-aaral ang larawan at hayaan silang tukuyin ang ibat ibang emosyon na ipinakikita ng mga
larawan sa ibaba.
A.
bit.ly/4cizaw4
B.
tinyurl.com/2vzhh58m
C.
tinyurl.com/2p9pk2bb
D.
tinyurl.com/bp67kkbn
Pamprosesong Tanong:
1.Ano-ano ang emosyong nais ipabatid ng mga larawan?
________________________________________________________________________________
2.Naramdaman mo na rin ba ang mga emosyong ito?
________________________________________________________________________________
3.Ano sa iyong palagay ang paksa ng aralin?
________________________________________________________________________________
D. Pagtalakay ng bagong
Konsepto at paglalahad ng
Bagong kasanayan #1
Pagtalakay sa kahulugan ng EMOSYON
EMOSYON-ito ay isang reaksyong mental at pisikal na ating nararanasan kapag may nangyayaring mahalaga o nakaaapekto sa atin.
malakas na damdamin
maaring magdulot sa mental at pisikal na pagbabago
lahat ng tao ay nakakaramdam nito
Malinaw na ba ang kahulugan ng emosyon?
Kung malinaw na ang emosyon at kung paano ito nakaaapekto sa ating mental at pisikal, mas malinaw na sa tin kung paano kilalalnin ang emosyon na
ting nararanasan maaaring ito ay positibo(kasiyahan) o negatibo(galit).
Ayon kay Paul Ekman isang Emotion Psychologist, mayroong 6 na pangunahing emosyon, ibig sabihin ito ay nararamdaman sa kahit anong bansa o kultura.
1.Kaligayahan (joy)- masaya kuntento o may magandang pangyayari (pagngiti o masayang boses)
2.Kalungkutan (sadness)- nararanasan kapag may masamang nangyari, pagkatalo, pagkabigo o pagkawala ng mahal sa buhay (pagiyak, pananahimik o

pagiwas sa tao)
3.Takot (fear)- lumalabas kapag may nararamdamang panganib (nakakadagdag ng tibok ng puso, mabilis na pagiisip…..minsan tinatawag na
fright(panonood ng horror) or flight(pagsakay sa roller coaster)
4.Pagkamuhi (disgust)- lumalabas kapag may bagay na hindi gusto (bulok na pagkain, masamang amoy o hindi Magandang asal ng tao)
5.Galit (anger)-nagmumula sa pagkakairita o pagkabigo (pasigaw, pagkunot ng noo o minsan ay pagiging bayolente)
6.Gulat (surprise)maaaring positibo o negatibo- biglaang reaksyon sa hindi inaasahang pangyayari (mapabuka ang bibig, mapatigil o mapa atras)
Hindi sapat na ikaw ay masaya o nalulungkot dapat ay nauunawaan at binibigyang pansin ang emosyon…dapat ay ating nauunawaan.
E. Pagtatalakay ng bagong
Konsepto at paglalahad ng
Bagong kasanayan #2
Masasagot ang mga katanungang:
Bakit natin ito nararamdaman?
Saan ito nanggagaling?
Paano ito nakakaapekto sa ating asal (behavior)?
Ang kasagutan sa mga katanungan ito, ay kakayanan na kung saan ito ay tinatawag na EMOTIONAL SELF AWARENESS, Kamalayan sa Sariling Emosyon
1.Kakayahang kilalanin at pangalanan ang sariling emotion- nangangahulugang alam mo ang iyong nararamdaman at bakit mo ito nararamdaman.
Halimbawa: Nalulungkot ako dahil hindi ako nakapasa sa pagsusulit- Ang pagkilala o pagpapangalan sa emosyon ay unang hakbang sa pagunawa sa
iyong sarili
2.Pagunawa sa pinagmulan ng emotion at epekto nito sa sarili- mahalagang maunawaan kung saan nanggagaling ang iyong emosyon at kung ito
nakakaapekto sa iyong pagiisip at kilos
Ang EMOTIONAL AWARENESS ay tumutukoy sa kakayahang unawain ang iyong emosyon at ang epekto nito sa iyong performance, nauunawaan ang
nararamdaman at kung paano ito nakakatulong o nakakasama sa iyong mga layunin.
Bahagi ng emotional intelligence na tumutulong sa tamang pagkilos at pakikitungo sa iba, ang kamalayan ay makakatulong upang magkaron ng kakayahang
makontrol ang sarili at matutong makitungo sa ibang tao, nakakabuo ito ng Maganda at positibong relasyon sa iba.
Mga Indikasyon ng pagkakaroon ng kamalayan sa Emosyon (Paano mo masasabi na naiintindihan mo ang iyong nararamdaman?)
1.Napapangalanan ang emosyon- alam mo kung ano ang iyong nararamdaman at dahilan nito.
Halimbawa: Pagkatapos ng pagsusulit “sambit ni Richard” Kinabahan talaga ako, para akong natigilan sa paghinga. Naipakita ni Richard na kaya niya
pangalanan ang kanyang naramdaman- nervousness o kaba
2.Nauunawaan ang epekto ng emosyon- alam mo kung paano nakakaapekto ang iyong damdamin sa iyong pagiisip at kilos.
Halimbawa: Nagalit si Sheila sa kapatis niya bago siya pumasok sa paaralan. Buong araw siya wala sa mood, kaya naman hindi siya nakasagot sa klase,
sabi niya “Siguro kaya ako Nawala sa focus kase hindi pa ako okay sa pagtatalo naming ng aking kapatid”. Alam ni Sheila na naapektuhan ng emosyon
ang performance niya sa school.
3.Nakikilala ang mga emotional trigger- alam mo kung anong mga sitwasyon o tao ang nagpapalitaw ng iyong emosyon

Halimbawa: Tuwing umuulan at madilim ay nakakaramdam ng lungkot si Tonyo, sapagkat naaalala niya ang mga panahon na siya ay magisa sa bahay,
kaya siya ay nagiging emosyonal. Alam ni Tonyo na ang pagulan at madilim na paligiday trigger sa kanyang kalungkutan.
4.Naipapahayag ang emosyon- kaya mong ipahayag ang iyong damdamin sa angkop na paraan. Hindi pinipigilan o tinatago ngunit hindi nilalabas sa
maling paraan.
Halimbawa: Siya ay nasaktan sa pangyayari, kaya naman nilapitan at kinausap niya ang kanyang kaklase upang maipahayag ang kanyang saloobin at
magkaron ng paglilinaw.
5.May kamalayan sa emotional na kalakasan at kahinaan- alam mo kung alin sa emosyon ang madali mong makontrol at alin ang mahirap sayo
Halimbawa: Alam niya na mahina siyang tumanggap ng kristisismo ngunit magaling siyang making at umitindi. Alam niya kung kailan siya nahihirapan at
kung saan siya magaling emotionally.
F. Paglinang sa Kabihasaan
(Tungo sa Formative
Assessment)
Saan ako nakakarelate?
1.Balikan ang isang karanasan mo kung saan nakaramdam ka ng matinding emosyon.
2.Sagutin ang mga tanong;
a.Ano ang naramdaman ko?
b.Bakit ko ito naramdaman?
c.Paano ko ito napakita o nakontrol
3. Isulat ito sa 3-5 pangungusap sa papel.
G. Paglalapat ng aralin sa
Pang-araw-araw na buhay
Pagbabahagi ng mga naisulat, kung saan sila ay nagpakita ng mga indikasyon sa sitwasyon.
H. Paglalahat ng AralinAno ang natutunan sa Aralin?
-Ang emosyon ay natural at mahalagang bahagi ng ating buhay bilang tao
-Ang Emotional Seld Awareness ay kakayahang kilalanin, unawain at kontrolin ang sariling emosyon
-May 5 indikasyon ng pagkakaron ng kamalayan, pagpapangalan, pag umawa, pagkilala ng trigger, maayos na pagpapahayag at kaalaman sa sariling
lakas at kahinaan.
Halimbawa: Noong hindi ako pinansin ng barkada ko sa lunch, nalungkot ako Naramdaman ko yun kase parang hindi ako importante. Tumahimik ako buong araw
pero kinausapko sila kinabukasan para klaruhun.
Nakikita dito ang emosyonal trigger, epekto at nagging kilos.
I. Pagtataya ng AralinPagsasanay: Tukuyin ang tamang indikasyon.
1.Malungkot ako kase hindi ako nakasamang manuod ng sine kasama ang aking mga pinsan.
a.Napangalanan ang emosyon
b.Nakilala ang emotional trigger
c.May kamalayan sa emotional na lakas at kahinaan
2.Alam ni Chester na tuwing nagugutom siya ay nagiging mainitin ang kanyang ulo.
a.Naipahayag ang emosyon
b.Nakikilala ang emotional trigger
c.May kamalayan sa emosyonal na lakas at kahinaan

3.Kapag masama ang loob ni Ryan, pinipili niyang magsulat sa journalkaysa makasakit ng damdamin ng iba.
a.Naipapahayag ang emotion
b.Nakikilala ang emotional trigger
c.Nauunawaan ang epekto ng emosyon
4.Napansin ni Dennis na kapag siya aynatatakot, hindi siya makapag concentrate sa klase.
a.Napapangalanan ang emosyon
b.Nauunawaan ang epekto ng emosyon
c.May kamalayan sa emosyonal na lakas at kahinaan
5.Alam ni David na madali siya ma-stress pero mabilis din siyang makabangon kapag may suporta.
a.Napapangalanan ang emosyon
b.Nakikilala ang emotional trigger
c.May kamalayan sa emotional na laks at kahinaan
Ang kamalayan sa ating emosyon ay hindi kahinaan kundi kalakasan
Kapag kilala mo ang sarili mo, mas madali mong mapapabuti ang ugnayan mo sa iba
-Serdyan
J. Karagdagang gawain para
sa takdang-aralin at
remediation
V.MGA TALA
VI.PAGNINILAY
A. Bilang na mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
Ang mga mag aaral ay ……
B. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mga
mag-aaral na nakaunawa
sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation
Ang kabuuan ng klase ay …..

E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyunan
sa tulong ng aking
punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo
ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?
Inihanda ni:
MARIA JOANNA R. ATUEL
Pangalan
Guro sa aralin
Itinala nina:
Pangalan
Gurong Tagapangasiwa

Sinang-ayunan ni:
Pangalan
Punong-guro
Tags