Grade 5 Filipino Mga Iba't Ibang Uri ng Diin.pptx

patrickalabado 8 views 12 slides Aug 29, 2025
Slide 1
Slide 1 of 12
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12

About This Presentation

Grade 5 Filipino Mga Iba't Ibang Uri ng Diin


Slide Content

Ako , Ikaw, Tayo Ni Judith I. Chatto Ako ay isang Pilipino Ikaw ay katulad ko May busilak at ginintuang puso Marunong magnahal at rumespeto Likas na mabait at matalino Nakibabagay at nagpakatatao Magalang sa lahat ng kapwa tao Sa anumang larangan hindi nagpatatalo Tayo ay mga Pilipino Magkakulay at magkadugo Magkaiba man ang ating mga kuwento Ngunit sa huli nagtutulungan pa rin tayo.

Maraming salita sa wikang Filipino ang magkatulad ang baybay ngunit magkaiba naman ang diin at kahulugan . Ang diin ay ang antas ng lakas ng bigkas ng salita o bahagi ng salita . Ito ay nagpapabago sa bigkas ng salita , kapag nagbago ang bigkas nagbabago rin ang kahulugan nito . Ang mga salitang nasa kahon sa itaas ay ang mga halimbawa nito . Ang tuldik naman ang nagpapakita ng higit na gamit ng diin . Ang mga halimbawa ng tuldik ay ( ` ) paiwa , ( ´ ) pahilis at (ˆ) pakupya .

Mga Uri ng Diin : 1. Malumay - ito ay binibigkas nang may diin sa ikalawang pantig mula sa huli . Ang mga salitang malumay ay hindi tinutuldikan , ito ay maaring magtapos sa katinig o patinig . Halimbawa : baga , buhay , sarili

Mga Uri ng Diin : 2. Malumi - ito ay tulad ng malumay na may diin sa ikalawa sa hulihang pantig ngunit nagtatapos sa impit na tunog . Nagtatapos ito sa patinig at ang huling letra ay may tuldik na paiwa (`). Halimbawa : lahì , talà , bagà

Mga Uri ng Diin : 3. Mabilis -binibigkas ito nang tuloy-tuloy na ang diin ay nasa huling pantig ngunit walang impit sa dulo . Ang mga salitang ito ay ginagamitan ng tuldik na (´) pahilis . Halimbawa : bulaklák , bumilí , lalakí

Mga Uri ng Diin : 4. Maragsa - ito ay binibigkas ng tuloy-tuloy na ang huling pantig ng salita ay may impit . Ito ay laig nagtatapos sa patinig at tinutuldikan nang (ˆ) pakupya na itinatatapat sa huling patinig ng salita . Halimbawa : butikî , talâ , dugô

Ano- ano ba ang magagalang na pananalita ng mga Pilipino? Ito ay paggamit ng po, opo , ho, at oho. Isa ring kaugalian at tanda ng paggalang ang pagsasabi halimbawa ng Magandang umaga po, Magandang araw po, Magandang tanghali po. Maganda gabi po. May mga pantawag din tayo sa mga nakatatanda . Halimbawa : lolo , lola , apo, impo , inang , tatang , kuya , ate, ditse , diko , sanko , o sanse at iba pa

Ito ay bahagi ng isang araw pagkatapos ng hapon . Gabi gabí

Tiningnan at inintindi kung ano ang nakasulat binasa

Isang uri ng pananim na matamis ang pun ò . tubo tub ó

Lalagyan ng isang halaman paso pasô

Isang uri ng hayop na nagbibigay na gatas at karne . baka baka
Tags