Green Pastel Grid Illustration Group Project Presentation.pdf

BreaLouCaete 5 views 11 slides Sep 24, 2025
Slide 1
Slide 1 of 11
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11

About This Presentation

Kahalagahan ng pagsusulat


Slide Content

PAGBABALIK
TANAW

KAHALAGAHAN
NG
PAGSUSULAT

Paliwanag:
Mahahasa - ibig sabihin ay mahuhubog o mapauunlad.
Mag-organisa ng mga kaisipan - ang pagsasaayos ng
ideya sa lohikal na pagkakasunod-sunod
Obhektibong paraan - pagsusulat na nakabatay sa
katotohanan, hindi damdamin o opinyon.
1.Mahahasa ang kakayahang mag-organisa ng mga
kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng
obhektibong paraan.

Paliwanag:
Malilinang - mapapaunlad o mahahasa
Kasanayan sa pagsusuri ng mga datos - kakayahang suriin,
unawain at bigyang-kahulugan ang mga impormasyon na
nakalap.
kinabibilangan sa isinasagawang imbestigasyon o pananaliksik
- tumutukoy sa mga datos na bahagi ng ginagawang pag-aaral
o pagsisiyasat.
2. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos
na kinabibilangan sa isinasagawang imbestigasyon o
pananaliksik.

Paliwanag:
Mahuhubog ang kaisipan - maipapaunlad ang paraan ng pag-
iisp.
Mapanuring pagbasa - pagsusuri at pag-unawa sa binasa nang
mas malalim at kritikal.
Pagiging obhetibo - pag-iisip nang makatwiran at walang
pinapanigan, base sa katotohanan.
3. Mahuhubog ang kaisipan sa pamamagitan ng mapanuring
pagbasa sa pagiging obhektibo sa paglatag ng mga
kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon.

Paliwanag:
Paglalatag ng mga kaisioang isusulat - ang maayos at lohikal
na pagsasaayos ng ideya para sa pagsulat.
Batay sa mga nakalap na impormasyon - mula sa mga datos o
ebidensiyang natipon sa pananaliksik o pag-aaral.
3. Mahuhubog ang kaisipan sa pamamagitan ng mapanuring
pagbasa sa pagiging obhektibo sa paglatag ng mga
kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon.

Paliwanag:
Mahihikayat - maaanyayahan o mabibigyang-gana.
Mapapaunlad ang kakayahan - mahahasa o mapapalawak ang
kasanayan.
Pagkilatis ng mahahalagang datos - pagsusuri o pag-alam
kung alin sa mga impormasyon ang mahalaga at kapaki-
pakinabang.
Na kakailanganin sa pagsulat - mga datos na gagamitin sa
paggawa ng sulatin (hal. sanaysay, pananaliksi, atbp.).
4. Mahihikayat at mapapaunlad ang kakayahan ng mag-aaral at
makikilatis ang mahahalagang datos na kakailanganin sa pagsulat.

Paliwanag:
Maaliw sa pagtuklas - masiyahan o magkaroon ng interes sa
pag-aaral ng mga bagong bagay.
Bagong kaalaman - mga ideya o impormasyong hindi pa alam
dati.
Makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan - maibahagi ang
natutunan upang makatulong sa kapwa o sa pamayanan.
5. Maaliw sa pagtuklas sa mga bagong kaalaman at
pagkakaroon ng pagkakataong makapag-ambag ng
kaalaman sa lipunan.

Paliwanag:
Mahuhubog - mahahasa o mapapaunlad.
Pagbibigay-halaga - pagkilala sa kahalagahan ng isang bagay.
Paggalang at pagkilala - respeto at pagpapakita ng
pagpapahalaga.
Gawa at akda - tumutukoy sa mga likhang-sining, sulatin,
pananaliksik, at iba pang intelektuwal na produkto.
6. Mahuhubog ang pagbibigay pagpapahalaga nang
paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda.

Paliwanag:
Malilinang - ibig sabihin ay mahahasa o mapapaunlad.
Kasanayan sa pagkalap ng impormasyon - kakayahang
mangalap o magsaliksik ng mga datos at kaalaman.
Iba’t ibang batis ng kaalaman - mga iba’t ibang pinagkukunan
tulad ng aklat, journal, internet, panayam, atbp.
Para sa akademikong pagsusulat - gamit ng mga
impormasyong ito sa pormal at makabuluhang pagsulat tulad
ng sanaysay, pananaliksik, o ulat.
7. Malilinang ang kasanayan sa pagkalap ng mga impormasyon mula
sa iba’t ibang batis ng kaalaman para sa akademikong pagsusulat.

THANK YOU
Tags