HUWAG KANG MAWALAN NG PAG-ASA 3 devotion for sunday
emiliofervilla
13 views
4 slides
Sep 11, 2025
Slide 1 of 4
1
2
3
4
About This Presentation
HUWAG KANG MAWALAN NG PAG-ASA 3 devotion for sunday
Size: 39.17 KB
Language: none
Added: Sep 11, 2025
Slides: 4 pages
Slide Content
HUWAG KANG MAWALAN NG PAG-ASA 3
Ang Diyos na minsan nang kumilos sa buhay mo , ay muling kikilos . Ang Diyos na minsan nang nagligtas , ay muling magliligtas . Ang Diyos na minsan nang sumagot , ay muli’t muling sasagot .
Hindi pa tapos ang laban . Huwag kang bibitaw sa loob ng “15 minuto ,” dahil may “60 oras ” pa sa loob mo — dala ng pananalig at pag-asa sa Diyos . Pagninilay : May mga panahon ba sa buhay mo na pakiramdam mo ay lulubog ka na ? Naalala mo pa ba ang pagkakataong iniligtas ka ng Diyos noon? Kung nagawa Niyang sagipin ka dati , bakit hindi Niya ito muling magagawa ? Sabi nga sa TEXT na ating binasa :
" Ngunit silang nangaghihintay sa Panginoon ay muling magkakaroon ng lakas ; sila'y paiilanglang na may mga pakpak na parang mga agila; sila'y tatakbo , at hindi mapapagod ; sila'y lalakad , at hindi manghihina ." — Isaias 40:31 Ang mga daga ay tila “ naghintay ” at “ umasa ” — at nang maranasan ang pagliligtas , nagkaroon sila ng bagong lakas . Tulad natin, kapag inangkin natin ang pag-asa sa Panginoon , magagawa nating lumaban nang higit pa sa ating akala.