KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKANG AT KULTURANG PILIPINO - GRADE 11 POWERPOINT
Size: 102.09 KB
Language: none
Added: Sep 16, 2025
Slides: 9 pages
Slide Content
Bilingguwalismo at Multilingguwalismo
Bilingguwalismo Ito ay tumutukoy sa dalawang wika. Isang Pananaw sa pagiging bilingguwal ng isang tao kung nakapagsasalita siya ng dalawang wika nang may pantay na kahusayan. Bilang patakarang pang-edukasyon sa Pilipinas, nangangahulugan ng paggamit ng Ingles at Filipino bilang panturo.
Multilingguwalismo Ito na ang pinaiiral na patakarang pangwika sa edukasyon. Ang pagpapatupad ng mother tounge- based multilinggual education o MTB- MLE ay nangangahulugan ng paggamit ng unang wika ng mg estudyante sa isang partikular na lugar. Halimbawa, sa Ilokos, Ilokano ang wikang panturo.
Unang Wika Ito ay tinatawag ding "wikang sinuso sa ina" o "inang wika" dahil ito ang unang wikang natutuhan ng isang bata. Tinatawag na "taal" na tagapagsalita ng isang partikular na wika ang isang tao na ang unang wika ay ang wikang pinag- uusapan.
Pangalawang Wika Ang tawag sa iba pang mga wikang matutuhan ng isang tao pagkaraang matutuhan ang kaniyang unang wika. – Halimabawa, Hiligaynon ang unang wika ng mga taga-lloilo. Ang Filipino ay ang pangalawang wika.
Wikang Pambansa FILIPINO ang pambansang wika ng Pilipinas at may konstitusyunal na batayan ang pagiging pambansang wika ng Filipino. Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng Konstitusyon ng 1987, nakasaad na, " Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay FILIPINO .
Wikang Opisyal Tumutukoy naman ang wikang opisyal sa wikang ginagamit sa gobyerno at mahahalagang gawain ng isang lugar . Maaaring iisa lamang ang wikang opisyal at wikang pambansa kagaya ng wikang Ingles sa ating bansa . Bagamat mayroong Filipino bilang wikang pambansa , malakas ang impluwensiya ng wikang wikang Ingles at ito ay ginagamit bilang isa pang wika sa mga gawain at pagpupulong sa gobyerno at isinusulong sa mga paaralan .
Wikang Panturo Ang huli , ang wikang panturo ay tumatalakay sa wika na ginagamit sa loob ng paaralan . Ang wikang ito ang ginagamit ng mga guro sa pagtuturo sa loob ng silidaralan at ginagamit sa mga libro at iba pang materyales . Maliban pa sa Ingles at Filipino, ginagamit na rin ng mga guro ang unang wika ng mga mag- aaral sa mababang baitang lalo na sa mandato na ipatupad ang Mother Tongue-based Multilingual Education (MTB-MLE) sa ilalim ng K to 12. Bagamat mayroong mga ganitong wika , hindi maiwawaksi ang wika ng komunidad .
Linggwistikong Komunidad Ang isang lingguwistikong komunidad ay tumutukoy sa wikang ginagamit sa loob ng komunidad , ito man ay sa mga sitwasyong pormal at di- pormal . Ang wika na ito ay maaaring ginagamit sa loob ng bahay , sa palengke , sa kalsada at iba pa.