Migrasyon Mga Kontemporaryong isyu Yunit II: Aralin 1
Migrasyon Ito ay ang paglipat ng tao mula sa isang pook patungo sa ibang pook upang manirahan nang panandalian o pangmatagalan Tumutukoy sa proseso ng pag- alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente
Migrasyon Ayon sa commission on Filipinos Overseas, may tinatayang 8.6 milyong mga pilipino noong 2009 ang nanirahan sa ibat-ibang bansa . Sa loob naman ng pilipinas, nakatanggap ng pinakamaraming migranteng pilipino ang malaking lungsod lalo na sa kalakihang maynila.
Alam mo ba na.... Ang ARMM ay isa sa mga pinakamahirap na rehiyon sa buong pilipinas . Ito rin ay nakakaranas ng maraming taong lumilipat ng tirahan upang makahanap ng panustos sa pang araw -araw na pangangailangan .
Tinatayang 232 milyong ka tao ang nandarayuhan sa buong mundo sa kabuuang 3.1 Porsyento ng populasyon sa buong mundo. Ang 48 porsyento ng mga immigrante ay kababaihan na halos dumarami pa para maghanapbuhay . Noong taong 2013, nagmula sa asya ang pinakamalaking bilang ng mga immigrante na lumalabas ng kanilang bansa . Karamihan ng mga nandarayuhan ay maghanap ng trabaho, mahigit pa sa 90 porsyento ay ang mga manggagawa kasama ang kanilang pamilya Tinatayang isa sa walong immigrante ay nasa edad 15-24
FLow Tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang takdang panahon kadalasan ay kada taon , madalas dito gamitin ang mga salitang inflow, entries, o immigration. Kasama din dito ang bilang ng mga taong umaalis o lumalabas ng bansa na madalas tukuyin bilang emigration, departures o outflows.
Stock Ito ay bilang ng dayuhan na nanirahan o nanatili sa bansang nilipatan . Mahalaga ang flow sa pag unawa sa trend o daloy ng paglipat o mobility ng mga tao. Habang ang stock naman ay makatulong sa pagsusuri ng matagalang epekto ng migrasyon sa isang populasyon
ASPEKTO SALIK NA TUMUTULAK SALIK NA HUMIHILA Pang ekonomiya Maaring maglipat pook kung walang opurtunidad na makapaghanapbuhay ang isang tao sa kanyang tinitirhang pamayanan Maaring maakit ang isang tao na mas mataas na kita sa ibat-ibang lungsod o ibang bansa kaya siya maglilipat pook. Panlipunan Laganap ang krimen sa lungsod na tinitirhan ng isang pamilya kaya nagpasya silang lumipat sa ibang lungsod Payapa at tahimik na lalawigan kaya doon lumilipat ng tirahan ang isang pamilya Pangkapaligiran Maaring dahil sa madalas tamaan ng bagyo ang isang lugar kaya’t nagpasiya ang isang pamilya na lumipat sa ibang lalawigan Maaring nagpasiya ang isang pamilya na lumilipat ng lalawigan dahil sa ganda ng tanawin at sariwang hangin
Epekto ng Migrasyon sa karapatang Pantao PAGSASAKRIPISYO NG MGA FILIPINO OFW PANG-ABUSO NG MGA RECRUITMENT AGENCY ILLEGAL RECRUITER NAGIGING BIKTIMA NG INTERNATIONAL SYNDICATE O ORGANIZED CRIME SYNDICATE
Your paragraph text Your paragraph text EPEKTO NG MIGRASYON SA EDUKASYON Malaking demand para sa mga skilled workers at mga propesyunal . Maraming kabataang ang nahihikayat na kumuha ng kurso tulad ng engineering, marine transportation, nursing at iba na malaki ang demand sa ibang bansa .
Your paragraph text Your paragraph text
STUDY TIME
Gawain 1: PAGSUSULIT Panuto: Basahin ang mga sumusunod na tanong . Isulat sa ¼ na papel. Sagutan ito sa loob lamang limang minuto. Ayon sa Commission on overseas, Ilan milyong filipino ang naninirahan ibat-ibang bansa ayon sa survey noong 2009? Ano ang ibig sabihin o acronym ng ARMM? Ilang porsyento sa mga kababaihan ang naging OFW noong 2013? Ano ang tawag sa dami /daloy ng bilang ng mga dayuhang pumasok sa isang bansa ? 5-6. Magbigay ng dalawang epekto ng migrasyon sa karapatang pantao . 7. Ano ang tawag sa bilang ng dayuhang nanatili o naninirahan na sa isang bansa ? 8. Ano ang ibig sabihin ng POEA? 9. Anong republic Act ang naging proteksiyon ng mga migranting OFW? 10. Magbigay ng isang positibong epekto ng migrasyon sa edukasyon ?
Gawain 2: KAKAYANIN KO! Panuto: Gumawa ng sanaysay tunkol sa iyong natutunan sa unang aralin. Ilagay ito sa ½ crosswise sa loob lamang ng limang minuto Ang aking natutuhan sa unang aralin ay……………………………………………………………………………….