Integrated Learning Experiences for Grade 3Filipino-Day 9.pptx
ynallemgutierrez
9 views
24 slides
Sep 18, 2025
Slide 1 of 24
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
About This Presentation
pptx for ILE Grade 3
Size: 20.51 MB
Language: none
Added: Sep 18, 2025
Slides: 24 pages
Slide Content
Filipino 3 Lesson 5
Learning Competencies: 1.Natutukoy ang sight words na kabilang sa Filipino 2.Nagagamit ang mga salita na high frequency tungkol sa : a. sarili at bansa b. tiyak na may paksang tuon sa nilalaman ( hal . Sitwasyong pambansa ) 3.Nagagamit ang mga salita na low frequency o di madalas gamitin sa iba’t ibang asignatura (MAKABANSA at GMRC) 4.Natutukoy ang kahulugan ng mga salita ayon sa konteksto : a. salitang tumutukoy sa ngalan ng tao , bagay , hayop , lugar at pangayayari salitang dinaglat b. salitang pamalit sa ngalan ng tao , bagay , hayop , lugar , at pangyayari pamatlig c. salitang kilos 5.Natutukoy ang mga pananda sa teksto : a. hudyat ng pag - iisa -isa - paglalarawan b. hudyat ng pagkakasunod-sunod 6.Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pagbati at ekspresyon sa iba’t ibang sitwasyon a. wikang ginagagamit sa pakikipag-usap sa paaralan (academic language)
Motivation Activity Isadula ang mga eksena .
Presentation Talakayin ang usapan ng mga tauhan sa kuwento . Basahin natin ang ibang pangungusap na nabasa natin sa mga eksena . “ Paglaki ko po gusto kong lumipad doon sa langit ”. Alin kaya sa pangungusap ang salitang kilos? ( lumipad ) “ Tumabi po kayo diyan at ako’y dadaan ”. Alin kaya sa pangungusap ang salitang kilos? ( dadaan )
Magbibigay pa ang guro ng pangungusap at ipatukoy sa mga bata ang mga ginamit na salitang kilos. Sa pakikipag-usap din nila sa bawat isa gumagamit din sila ng magagalang na salita . Talakayin din ang mga salitang may salungguhit . Ano-ano ang mga salitang may salungguhit ? Basahin natin ang mga salitang ito . Doon, iyan , dito , ito , iyon at diyan .
Ang pamatlig - ito ay isang uri ng panghalip na ginagamit upang ituro ang kinaroroonan o lokasyon ng isang tao , bagay , hayop , lugar , o pangyayari . Ang mga salitang pamatlig ay naglalarawan ng distansya o lugar ng isang bagay mula sa nagsasalita o kinakausap . Narito ang mga pangunahing halimbawa ng salitang pamatlig : Pronominal ( ginagamit na panghalili sa pangalan ): Ito - ginagamit kapag ang tinutukoy ay malapit sa nagsasalita Iyan - kapag malapit sa kausap Panlunan ( nagsasaad ng lugar o kinaroroonan ): Dito - malapit sa nagsasalita Diyan - malapit sa kausap Doon - malayo sa parehong nagsasalita at kausap Explanation and Elaboration
Ang salitang dinaglat na tumutukoy sa tao ay mga pinaikling anyo ng mga salitang ginagamit bilang titulo o tawag sa isang tao . Narito ang ilang mga halimbawa : Dr. – Doktor ( ginagamit para sa mga manggagamot o may PhD) G. – Ginoo (para sa mga lalaki ) Bb. – Binibini ( ginagamit para sa mga kababaihang walang asawa o ayaw tukuyin ang katayuan sa buhay ) Gng . – Ginang (para sa mga babaeng may asawa ) Engr. – Inhinyero (Engineer) Atty. – Abogado (Attorney) Prof. – Propesor (Professor) Sr. – Sister ( madre o madre ng simbahan ) Fr. – Father ( pari o pari ng simbahan ) Gov. – Gobernador Sen. – Senador Sec. – Kalihim o Sekretaryo
Magbigay ng mga halimbawa ng pangungusap gamit ang mga pamatlig at mga dinaglat na salita .
Add instructions or guidelines here. You can also put in the amount of time allotted for this. Modeling Gumawa ng mga pangungusap gamit ang mga pamatlig kasabay ng paggamit ng salitang dinaglat . Ito po si Dr. Jose P. Rizal. Siya ang ating pambansang bayani .