Katangian ng Wika /at Wikang pambansa /Komunikasyon
BabyRookie
1,353 views
54 slides
Aug 14, 2024
Slide 1 of 54
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
About This Presentation
Wika
Size: 1.16 MB
Language: en
Added: Aug 14, 2024
Slides: 54 pages
Slide Content
“Ang wika ay mahalagang inStrumento ng komunikasyon makatutulong sa pagkakaroon ng mabungang interaksiyon ”
MULA SA PINAGSAMA-SAMANG MAKABULUHANG TUNOG, SIMBOLO AT TUNTUNIN AY NABUBUO NG MGA SALITANG NAKAPAGPAHAYAG NG KAHULUGAN O KAISIPAN.
ITO AY BEHIKULONG GINAGAMIT SA PAKIKIPAG-USAP AT PAGPAPARATING NG MENSAHE SA ISA’T-ISA.
NAGKAKAINTINDIHAN TAYO, NAKIKIPAGBIGAYAN TAYO NG ATING PANANAW O IDEYA, OPINYON, KAUTUSAN, TUNTUNIN, IMPORMASYON, GAYUNDIN NG MGA MENSAHENG TUMATAGOS SA PUSO AT ISIPAN NG IBANG TAO PASALITA MAN O PASULAT GAMIT ANG WIKA.
Ang salitang latin na ‘lingua’ ay nangangahulugang dila at wika o ‘ lengguwahe ’.
Ayon kina paz , Hernandez, at peneyra (2003) ang wika ay tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan natin .
Ito ay behikulo ng ating ekspresyon at komunikasyon na epektibong . Ginagamit ng tao ang wika sa kanyang pag-iisip , sa kangyang pakikipag-ugnayan , at pakikipag-usap sa ibang tao at maging sa pakikipag-usap sa sarili .
Henry allan gleason , jr. isang lingguwista at propesor emeritus sa university of Toronto ang wika ay masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos sa pamaraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura .
Cambridge dictionary ang wika ang isang Sistema ng komunikasyong nagtataglay ng mga tunog , salita , at gramatikang ginagamit sa pakikipagtalastasan ng mga mamamayan sa isang bayan o sa iba’t ibang uri ng Gawain.
Charles Darwin ang wika ay isang sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagbe -bake ng cake, o ng pagsusulat .
Gayunpama’y naiiba ito SA MGA PANGKARANIWANG SINING DAHIL ANG TAO AY MAY LIKAS NA KAKAYAHANGB MAGSALITA TULAD NG NAKIKITA NATIN SA PAGGAKGAK NG MGA BATA, WALA KASING BATANG MAY LIKAS NA KAKAYAHANG GUMAWA NG SERBESA, MAG-BAKE O SUMULAT.
WALANG PHILOLOGIST ANG MAKAPAGSASABING ANG WIKA AY SADYANG INIMBENTO, SA HALIP ITO AY MARAHAN AT HINDI SINASADYANG NALINANG SA PAMAMAGITAN NG MARAMING HAKBANG O PROSESO.
NAKAPAGPAPAHAYAG ANG TAO NG MGA SALOOBIN SA PAMAMAGITAN NG WIKA KAYA’T NARARAPAT LANG NA PAGYAMANIN AT GAMITIN NG NAAAYON SA ANGKOP NA LAYUNIN.
SAGUTIN ANG MGA SUMUSUNOD NA TANONG 1. Ano-ano ang kahalagahan ng wika sa buhay ng tao ? Ano kaya ang mangyayari kung mawawala ang wikang binibigkas at nauunawaan ng mga tao sa isang pamayanan o kultura ?
2. Bakit nahihirapan tayong umangkop kaagad sa isang lugar na pinupuntahan natin kung hindi tayo marunong ng kanilang wika ?
3. Bakit kaya sa maraming bansa sa mundo ay magkapareho o magkasingkahulugan ang mga salitang lengguwahe o wika at dila ? Bakit laging naiuugnay ang dila sa wika ?
4. ano-ano ang pagkakapareho-pareho sa mga pagpapakahulugang binasa at ibinigay ng iba’t ibang dalubhasa sa wika ? Sa paaanong paraan naman sila nagkakaiba-iba ng pananaw ?
5. sumasang-ayon o sumasalungat ka ba kay Charles Darwin sa sinabi niyang , “ hindi tunay na likas ang wika sapagkat kailangan muna itong pag-aralan bago matutuha ”? Ipaliwanag ang iyong pananaw .
6. Kung ikaw ang tatanungin , anong pagpapakahulugan ang ibibigay mo sa salitang wika ?
Katangian ng wika
1.Ang wika ay masistema ito ay may kaayusan ang istruktura . ang wika ay may tiyak na dami ng tunog na pinagsasama-sama sa isang sistematikong paraan upang makabuo ng mga kahulugang yunit tulad ng mga salita .
2. Ang wika ay arbityaryo – ito ay napagkasunduan . Ang bawat wika pinipili at isinasaayos sa paraang pinagkasunduan ng mga pangkat ng mga taong gumagamit nito . Halimabawa : Ang wikang ginagamit ng mga Ilonggo ay Hiligaynon pinili natin ito para gamitin upang tayo ay lubos na magkaunawaan .
3.Ang wika ay daynamiko – ito ay patuloy na nagbabago dahil sa paglipas ng panahon . Ang wika ay buhay dahil patuloy ang paglawak ng talasalitaan ng wika kaya minsan ay nagbabago ang alpabeto at ang Sistema ng palabaybayan . May mga salitang namamatay at may mga salitang nalilikha .
Hal. Ng mga salita na minsan lang natin naririnig batalan , kusing , irog , dalita .
Mga salitang madalas nating maririnig sa ngayon computer, cellphone, chat, texts, lafang .
4. Ang wika ay generative – ito ay malikhain . Taglay ng wika na makabuo ng salita , parirala , sugnay at pangungusap . Hal. Tapsilog , jologs , erpat , ermat .
5. Ang wika at kultura ay hindi pwedeng paghiwalayin – sa pamamagitan ng wika nagkakaalaman at nagkakaugnayan sa pamumuhay , saloobin , tradisyon at paniniwala ng mga tao .
6. Ang wika ay pantao lamang – ito ay ginagamit kaugnay sa pagsasalin at pag-uugnay ng kultura .
7. Ang wika ay natatangi – ito ay may katangiang pansarili na naiiba sa ibang wika . Walang dalawang wika na magkatulad .
8. Ang wika ay ginagamit sa komunikasyon – ito ay ginagamit sa pakikisalamuha sa ating kapwa .
9. Ang wika ay sinasalitang tunog – ano mang tunog na may kahulugan ay maituturing na wika . Gumgamit tayo ng dila,labi , babagtingang tinig , ngalangala .
Wikang Pambansa
Wikang Pambansa – ayon sa (MERRIAM WEBSTER) ay tumutukoy sa isang wikang ginagamit nang pasalita at pasulat ng mga mamamayan ng isang bansa . - naging batayan ng pagkakakilanlan ng mga grupo ng mga taong gumagamit nito .
Ang pilipinas ay isang kapuluang binubuo ng iba’t ibang pangkat ng mga pilipinong gumagamit ng iba’t ibang wika at diyalekto . Humigit-kumulang 150 wika at diyalekto ang umiiral sa ating bansa .
1934- mainit na pinagtalunan , pinag-isipan at tinalakay sa kumbensiyong konstitusyunal ang pagpili ng wikang Pambansa.
Ayon sa artikulo xiv, seksyon 3 ng saligang batas 1935 na nagsasabing “ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansang ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika .
Hangga’t hindi itinakda ng batas , ang wikang ingles at kastila ang siyang manatiling opisyal na wikang Pambansa.
1937 – Noong disyembre 30, 1937 ay iprinoklama ni Pangulong manuel l. quezon ang wikang tagalog upang batayan ng wikang Pambansa base sa rekomendasyon ng surian batay sa kautusang tagapagpaganap blg . 134.
1940 – matapos mapagtibay ng kautusang Tagapagpaganap blg.143 sinimulang itinuro ang wikang tagalog sa mga paaralang pampubliko at pribado .
1946 – nang ipagkaloob ng mga amerikano ang ating Kalayaan sa araw ng pagsasarili ng pilipinas noong hulyo 4, 1946 ang wikang opisyal na gagamitin ay tagalog at ingles sa bias ng batas komonwelt blg . 570.
1959 – NOONG AGOSTO 13, 1959 PINALITAN ANG TAWAG SA WIKANG PAMBANSA . MULA TAGALOG ITO AY NAGING PILIPINO SA BISA NG KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 7 NA IPINALABAS NI JOSE E. ROMERO. ANG KALIHIM NG EDUKASYON NOON.
1987 – PINAGTIBAY NG KOMESYONG KONSTITUSYUNAL NA BINUO NI DATING PANGULONG CORY AQUINO ANG IMPLEMENTASYON SA PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO. AYON SA ARTIKULO XIV, SEKSYON 6.