Kinder_LessonExemplar_Q2_Week8_ver2.docx

marianmanalo5 0 views 19 slides Sep 25, 2025
Slide 1
Slide 1 of 19
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19

About This Presentation

Quarter 2 lesson exemplar week 8


Slide Content

K
Lingguhang Aralin
sa Kindergarten
Kwarter 2
Linggo
8

Lingguhang Aralin sa Kindergarten
Kuwarter 2: Linggo 8
Ang materyal na ito ay gagamitin lamang para sa pagtuturo ng mga guro at pagkatuto ng mga mag-aaral sa MATATAG K to 10 Kurikulum.
Layunin nitong maging batayan sa paghahatid ng mga nilalaman, pamantayan, at kasanayang pampagkatuto ng kurikulum. Ipinagbabawal ang
anumang hindi awtorisadong pagkopya, pagrebisa, paggamit o pagbahagi ng materyal na ito. Anumang paglabag o hindi pagsunod sa itinakdang
saklaw ay maaaring magresulta sa kaparusahan alinsunod sa legal na hakbang.
Ang ilan sa mga akdang ginamit sa materyal na ito ay orihinal. Pinagsumikapan ng mga bumuo ng materyal na makuha ang pahintulot ng mga
manunulat sa paggamit ng iba pang akda at hindi inaangkin ang karapatang-ari ng mga ito.
Tiniyak din ang kawastuhan ng mga impormasyong nasa materyal na ito. Para sa mga katanungan o puna, maaaring sumangguni sa Tanggapan
ng Direktor ng Bureau of Learning Resources sa pamamagitan ng pagtawag sa mga numerong (02) 8634-1072 / 8631-6922 o pagpapadala ng email sa
[email protected].
Mula sa Kagawaran ng Edukasyon, isang taos pusong pasasalamat sa United States Agency for International Development and RTI
International sa pamamagitan ng ABC+ Project at UNICEF sa pagsuporta at pagbibigay ng teknikal na tulong sa pagbuo ng MATATAG learning
resources.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Sonny M. Angara Pangalawang
Kalihim: Gina O. Gonong
Writers:
Translators:
Dulce Monina Constancia P. Abutal, Cynthia Maria S. Acu, Felicie Nicole DL.
Francisco Maria Theresa Z. Mora, Silahis Ocampo-Peckley, Jo Anne S. Reyes
Fatima Corina R. Rivas, Miriam I. Ugaddan
Airalyn Gara, Sumita Telan
Consultant: Excelsa C. Tongson
Illustrator: Fermin Fabella Jr.
Layout Artist: Eric de Guia
Management Team
Bureau of Curriculum
Development Bureau of Learning
Delivery Bureau of Learning
Development Team

1
MaTaTaG
Kindergarten
Lingguhang Aralin
Paaralan: Petsa:
Pangalan ng Guro: Lingguhang
Bilang
8
Pangkat:1. 2.
Markahan2
Tema:Exploring our Community
A. Pamantayang Pangnilalaman
The learners understand the value of discipline, honesty, respect, friendship, and care and concern.
B. Pamantayang Pagganap
The learners demonstrate proper discipline, honesty, respect, friendship, and care towards other people.
C. Mga Kasanayang Pampagkatuto
●Follow rules and regulations in going to different places
●Demonstrate proper ways of caring and protecting one’s community
●Recognize that sounding off letters form words
●Identify familiar sounds in the environment
●Describe the different places and persons belonging in one’s community
●Give the correct sequence of events in a local text listened to
●Recognize different modes of transportation on land, water, and air used in the community
●Create own patterns using local concrete objects
●Identify the positions (in, on, under, top, and bottom) and directions (left and right, front and
back) of object in one’s environment
●Demonstrate proper behavior in various situations and places in the community
D. Mga Layunin (Mensahe)
●Nalalaman ng bata na marami siyang puwedeng puntahan sa kaniyang komunidad para sa iba’t
ibang pangangailangan.
●Natututuhan ng bata kung ano-ano ang mga puwede niyang gamitin na transportasyon upang
makapunta sa iba’t ibang lugar sa kaniyang komunidad.
E. Nilalaman/Paksa
Maaari tayong pumunta sa iba’t-ibang lugar sa ating komunidad (panlupa: lakad, kareta, kalesa,
kuliglig, bisikleta, sikad, padyak, motorsiklo - habal-habal, skylab, taxi/Grab, e-trike, traysikel - bao-
bao, motorella, timbol, e- jeep, trolly, dyip, bus, pedicab, kotse, tren, trak, kotse, van, at iba pa).

2
BLOCKS OF
TIME LUNES MARTES MIYERKULES HUWEBES BIYERNES
Arrival Time
(10
minuto)
Batiin ang mga bata sa kanilang pagdating. Kapag may lugar sa labas ng silid-aralan upang pumila ang mga bata nang
hindi maaarawan o mauulanan, papilahin sila habang pumapasok sa silid-aralan.
Sabihin sa mga bata na ibaba ang kanilang mga gamit at maghanda na sa pag-umpisa ng klase.
Matapos ang sampung (10) minuto, kantahin ang ‘Isa, Dalawa, Tatlo’ o iba pang kanta na maaring gamitin upang umupo ang mga
bata at maging handa na para sa Meeting Time.
(Sumangguni sa Teacher’s Guide partikular ang Intentional Teaching for Routine Activities upang makita ang iba’t ibang
konsepto at baryasyon ng paggawa nito.)
Meeting
Time
(15 minuto)
Pambansang Awit
Panalangin (Maaaring gawin kasama ang ibang baitang o mismo sa kanilang silid-aralan.)
Ehersisyo
Kumustahan (Kumustahin ang mga bata, magtanong din tungkol sa balita sa telebisyon o radyo na napanood o
napakinggan nila, current events)
Balitaan
Ating alamin ang petsa, araw, at buwan ngayon gamit ang ating kalendaryo.
Kahapon ay (e.g., Linggo)
Ngayon ay
Bukas ay
Ang petsa ngayon ay ika ng taong .
Kumusta naman ang panahon natin ngayon? (maulan, maaraw, maulap, mahangin)
Tingnan ang iyong mga kaklase, bilangin natin ang mga babae. (Patayuin ang bawat batang mabibilang. Muling gawin ito sa
mga lalaki). Ilan ang mga lalaki? Kung ganun, ilan lahat ang mga babae at lalaki? Bilangin natin.
Tala sa Guro: Pinagsikapang maging masusi sa pagpili ng mga kalidad na kuwento na aakma sa tema (theme), sub-theme, kasanayang
pampagkatuto, at pagpapahalaga (values) na nais ituro sa bata sa linggong ito. Kung sakaling hindi magagamit ang mga iminungkahing
kuwento, tiyakin na ang kuwentong ipapalit ay naaayon sa mga kaalamang tinutukoy para sa linggong ito.

3
(Sumangguni sa Teacher’s Guide partikular ang Intentional Teaching for Routine Activities upang makita ang iba’t ibang
konsepto at baryasyon ng pagtuturo nito.)
Balik-aral: Ating pagbalik-aralan ang mga pinag-usapan natin sa klase noong nakaraang linggo/kahapon. (Tanungin ang
mga bata tungkol sa mga mensahe na pinag-usapan sa klase bago ipakilala ang mga gawain sa kasalukuyang araw.) Photo
Chat: Ipakita sa mga bata ang retrato kaugnay ng kuwento o pangunahing gawain sa Work Period 1.
1.Tingnang mabuti ang larawan. Ano ang iyong napansin?
2.Mag-isip ng tahimik ng ilang saglit.
3.Lumingon at makipag-usap sa kapareha. Ibahagi ang isang bagay na napansin mo. Pagkatapos ay makinig sa mga ideya
ng iyong kapareha. Mag halinhinan sa pagbabahagi ng napapansin hanggang sa matapos ang oras.
4.Magbahagi ng mga ideya sa buong klase. Ipabahagi sa mga bata ang kanilang mga ideya sa kanilang napansin.
Suportahan ang mga mag-aaral na bumuo o magdagdag sa kanilang ibinahagi.
Mga
Mensahe
Maari tayong gumamit ng iba’t ibang transportasyon upang makapunta sa iba’t ibang lugar sa ating komunidad.
Mga
Katanungan
Ano-ano ang puwedeng gamitin o sakyan upang makapunta sa iba’t ibang lugar sa ating komunidad?
Work Period
1 (45 minuto)
Awitin natin ang ‘Kaibigang Libro’ o iba pang kanta na puwedeng magamit sa pagumpisa ng pagbabasa ng libro.
Kuwento wala
Photo Chat (Guhit ni
)
(Sumangguni sa
Apendiks para sa
larawang ipapakita)
Kuwento Lakbay
Nanay (Akda ni Charla
Rochella S. Saamong
| Guhit ni Cheng
Batislaong,
Iniliathala ng
DOST-SEI)
Kuwento Sorpresa ni Nanay (Akda ni Cherry
Valdez-Ratuita | Guhit ni Camille Dadal,
Inilathala ng USAID)
Pagganyak Kung kayo ay mabibigyan ng
pagkakataon na humiling, ano ang inyong
gustong sasakyan?
Kuwento Ang
Barumbadong Bus
(Akda ni Rene O.
Villanueva | Guhit ni
Jo Ann Breber- Gando,
Inilathala ng Adarna
House, Inc.)
Pagganyak Alam niyo
ba kung nasaan ang
inyong paaralan?
Pangganyak na Tanong
Paano kayo pumapasok
sa
inyong paaralan?
Ipaliwanag ang mga
mahihirap na salita na
nasa kuwento.
●estribo
●terminal
●kumampay
●pagharurot
Pagganyak Ano ang
inyong sinasakyan
kapag kayo ay
pumupunta sa ibang
lugar?
Pangganyak na Tanong Ano kaya ang hiniling
ng bata sa kanyang Nanay sa ating kuwento?
Ipaliwanag ang mga
mahihirap na salita na
nasa kuwento.
●nerbiyos
●barumbado
Pagganyak Nakasakay
na ba kayo sa isang
pampublikong sasakyan
(dyip, traysikel, bus, at
iba pa)?

4
Pangganyak na
Tanong Ano ano kaya
ang sasakyan ng bata
sa kuwento natin
ngayong araw?
Pangganyak na
Tanong Tignan ang
retrato sa harap ng
libro, sa inyong tingin,
mukha bang mabait
na bus si Kas?
Teacher-
Supervised
Activity
Talakayan Balikan
kung ano ang mga
napag-usapan ng
mga bata sa Photo Chat
at pag-usapan ito.
Ipaintindi sa mga bata
kung paano tayo
natutulungan ng iba’t
ibang klaseng
transportasyon upang
makapunta sa iba’t
ibang lugar.
Ano-ano ang mga alam
ninyong klase ng
transportasyon?
Talakayan Balikan
kung ano ang sinabi
sa kuwento at
pag-usapan ang mga
detalye nito.
Saan ba papunta
ang mag-ina sa
ating kuwento?
Paano kayo
pumupunta sa iba’t
ibang lugar?
Gawain
Talakayan Balikan
kung ano ang sinabi
sa kuwento at pag-
usapan ang mga
detalye nito.
Ano-anong mga klase
ng sasakyan ang
ating nakita sa
kuwento?
Ano-ano ang mga
napansin ng bata
sa bawat
isang sasakyang
nakita niya?
Talakayan Balikan
kung ano ang sinabi sa
kuwento at
pag-usapan ang mga
detalye nito.
Ano-ano ang mga
sinakyan ng bata sa
kanilang paglalakbay?
Ano ang hiniling ng
bata sa kanyang
nanay?
Gawain
Talakayan Balikan
kung ano ang sinabi sa
kuwento at
pag-usapan ang mga
detalye nito.
Ano-ano ang mga dapat
nating sundin kapag
tayo ang nakasakay sa
mga sasakyan?
Gawain
Travel Rules Chart
Ano-anong klaseng
sasakyan ang inyong
ginagamit upang
makapunta sa inyong
paaralan? sa iba’t
ibang lugar?
Gawain
Colorful road
(Sumangguni sa
Apendiks para sa detalye
ng gawain at sa KLAS
No. 1 para sa
kopya ng gawain)
Sequencing Events
(Sumangguni sa
Apendiks para sa
detalye ng gawain at
sa KLAS No. 3 para sa
kopya ng gawain)
Gawain
Vehicle Sorting
(Sumangguni sa
Apendiks para sa
detalye ng gawain at
sa KLAS No. 5 para sa
kopya ng gawain)
Ang Aking Hiling

5
MarungkoTitik Uu
Pagpapakilala ng
tunog
Pagpapakilala ng
hugis ng tunog
(hugis ng labi/bibig
habang binibigkas
ang tunog)
Pagpapakilala ng
titik
Gawain
Hanapin ang Titik Uu
(Sumangguni sa KLAS
No. 2 para sa kopya ng
gawain)
Titik Uu
Pagsulat ng hugis ng
titik sa hangin, sa
likod ng kaklase, sa
sahig, sa palad, atbp.
Pagsulat ng hugis
ng titik sa papel
Gawain
Sandbox
Ipaguhit sa mga mag-
aaral ang titik Uu sa
buhangin ng kani-
kanilang sandbox.
Titik Uu
Pagpapakilala ng
mga larawan ng
mga bagay na
nagsisimula sa
tunog ng titik
Pagsusulat ng
simulang tunog
Gawain
Hanapin Natin
(Sumangguni sa
KLAS No. 6 para sa
kopya ng gawain)
Titik Uu
Balik-aral ng mga
tunog ng mga
naunang naiturong
titik: Mm, Ss, Aa, Ii,
Bb, Ee
Gawain
Ayun Nakita Ko
(Sumangguni sa KLAS
No. 8 para sa kopya ng
gawain)
Titik Uu
Pagsasama ng mga
tunog upang
makalikha ng
makabuluhang
salita (Mm, Ss, Aa,
Ii, Oo, Bb, Ee, Uu)
Gawain
Basahin, isulat, iguhit
(Sumangguni sa KLAS
No. 10 para sa kopya ng
gawain)
Supervised
Recess
(15 minuto)
Mga bata sampung (10) minuto na lang ang natitira. Pumalakpak tayo ng limang beses para sa natapos nating mga
gawain.
Sabay, sabay, 1, 2, 3, 4, 5. (Puwede hanggang 10 o 20 kung kailangan.)
Tawagin natin si , ang ating tagapanalangin o prayer leader (ayon sa Job Chart). Magpasalamat o magdasal
tayo para sa natapos nating gawain at sa ating meryenda.
Tayo ay pumila para sa paghuhugas ng ating mga kamay. Pagkahugas ng kamay, kakain na ng mga bata ang kanilang
baon.
Kapag kumakain na ang mga bata, maaaring sabihin ng guro: Puwede rin kayong magbahagi ng pagkain sa inyong mga kaklase.
Ano ang lasa o kulay o hugis ng iyong pagkain? Sino ang nakaupo sa harap mo? Sa kaliwa? Sa kanan? At iba pa.
Pagkatapos kumain, maghuhugas muli ng mga kamay at magsesepilyo. Mahalaga na palaging malinis ang ating mga kamay at
mga ngipin para maiwasan ang pagkakaroon ng sakit. Maaari ding magpalit ng damit kung kinakailangan.
Magpahinga na ang tapos.
Quiet / Nap
Time
(10 minuto)
Iparinig o kantahin ang awiting, ‘Ang Munting Bituin’ o iba pang uyayi (lullaby) habang nagpapahinga ang mga bata.
Tapos na ang sampung minuto, muli maghahanda tayo sa iba pang mga masasayang gawain. Kakantahin nating muli ang
‘Masaya kung Sama-Sama’ o iba pang kanta na puwedeng gamitin.
Work Period
2 (40 minuto)
Aralin ang Kanta: The Wheels on the Bus
Aralin ang Kanta:
Bisikleta ni Tatang
Aralin ang Kanta: Mga Sasakyan ni Juan
Ipakuha o ipalabas sa mga mag-aaral ang kani-kanilang mga pamilang; pagkatapos ay paupuin sila sa kanilang silya.
Sabihan silang maglabas ng labintatlo (13) na pamilang.

6
Magbilang
Tayo
Mga Pamilang
Sabihan ang mga
batang ilatag ang
kanilang pamilang sa
isang hilera sa kanilang
harapan sa mesa.
Itanong ang mga mag-
aaral: Ilang pangkat ng
tig-iisa ang mayroon sa
labintatlo? Ipakita
ninyo gamit ang
pamilang.
Ipagpatuloy ang
pagtatanong: Ilang
pangkat ng
tigdadalawa
(tigtatatlo, tig-aapat,
…hanggang
tiglabintatlo) ang
mayroon sa
labintatlo?
Hikayatin ang mga
mag-aaral na ibahagi
ang anumang
napapansin o
obserbasyon tungkol sa
pagpapangkat na
kanilang ginagawa.
Umikot sa mga mesa
habang ginagawa ang
buong gawain, upang
gabayan ang mga
batang
nangangailangan ng
tulong o gabay.
Ten Frame Activity
Bigyan ang bawat bata
ng isang ten frame.
Gumawa ng maliliit na
grupo na may tatlong
bata sa bawat grupo.
Sabihan silang
ibabahagi nila ang
kanilang pamilang sa
kanilang mga kagrupo.
Ito ay upang magkaroon
ng tatlong uri (o kulay)
ng pamilang ang bawat
bata.
Gamit ang tatlong
uri/kulay ng pamilang,
bubuo ang mga
mag-aaral ng labintatlo
sa ten frame: lima
(isang uri/kulay ng
pamilang) sa unang
hanay, lima (ibang
uri/kulay ng pamilang)
sa susunod na hanay, at
tatlo (ibang uri/kulay
ng pamilang) sa
pangatlong hanay
(Sumangguni sa KLAS
No. 4 para sa kopya ng
gawain)
More or Less (Crocodile
Story)
(Sumangguni sa KLAS
No. 7 para sa detalye at
kopya ng gawain)
Labintatlo Activity Sheet
(Sumangguni sa KLAS No. 9 para sa kopya ng
gawain. Maaring hatiin sa dalawang araw ang
gawain.)

7
Mga Gawain
sa Grupo
May mga inihandang gawain sa bawat grupo na maaaring ipagawa kapag natapos na ang mga bata sa mga gawain para sa araw.
Maaaring ang lider ng bawat grupo ang kumuha ng mga gamit na nasa mesa. Lalapit ako sa bawat grupo para ipaliwanag kung
ano at paano ito gagawin (Sumangguni sa Apendiks para sa detalye ng mga gawain at sa KLAS para sa kopya ng ilang mga
gawain).
Iba pang mga Early Language, Literacy, and Numeracy Activities:
*Ilan ang mga Kotse? * March Around the Alphabet
*Saan sila kasama? * Letter Mosaic (Uu)
*Find the Numbers * Poster of Words that Begin with Uu
*Follow Me! * Letter Sound and Objects Match
Indoor /
Outdoor
Play
(35 minuto)
Bibilang ako ng isa hanggang sampu para tapusin na ang iyong ginagawa at ibalik sa tamang lagayan ang mga ginamit (Bagalan
ang pagbilang upang may sapat na oras tapusin at iligpit ng mga bata ang mga ginamit.)
Kung kulang pa… Uulitin ko ang pagbilang ng isa hanggang sampu. Dapat malinis at maayos na ang lahat.
Handa na ba kayong maglaro? (Kung ang gawain ay sa labas ng silid-aralan, sumangguni sa Teacher’s Guide partikular ang
Intentional Teaching for Routine Activities upang makita ang iba’t ibang konsepto at baryasyon ng pagpapapila ng mga bata.)
Fast and Slow Game Malayang PaglalaroRace to Finish Stop and Go
Thumbs Up! Thumbs
Down!
Pagkatapos ng sampung (10) minuto ibabalik na natin ang mga ginamit natin sa paglalaro at uupo na tayo upang magpaalam.
(Kapag tapos na ang sampung minuto) Iligpit na natin ang mga ginamit natin at umupo na tayo. Maaari
ding kantahin ang ‘Isa, Dalawa, Tatlo’ o iba pang kanta na puwedeng gamitin.
Wrap-UpMarami tayong ginawa ngayong araw. Magbabanggit ako ng ilan at itaas ang kamay kung ano ang pinaka-nagustuhan mo.
Time &Awitin natin ang kantang ‘Paalam Na Sa’yo’ o iba pang kanta upang makapag-paalam sa isa’t isa. Maghahanda na ang lahat
Dismissalpara sa pag-uwi.
(10 minuto)
Magbabanggit ang Magbibigay ang guroMagbibigay ang guroHuhulaan ng mga bataMagbigay ng paraan
bawat bata ng isang ng klase ng ng klase ng kung sino ang susundokung paano tayo
klase ng transportasyon at angtransportasyon at sa kanila at anong magiging ligtas kapag
transportasyon na bata naman ang sasabihin ng bata klaseng transportasyontayo ay nasa kalsada o
panlupa bago lumakadgagawa ng tunog nito.kung ito ay sasakyangang gagamitin nila kapag tayo ay nasa
palabas ng silid-aralan.(hal. kotse – beep beep)panghimpapawid, pauwi sa kanilang mgaloob ng isang

8
panlupa, at pandagat.
Sasagot ang bata sa
pamamagitan ng pag-
arte. (panghimpapawid
– kamay ay parang
lumilipad; panlupa –
kamay sa tapat ng
dibdib na nakaharap sa
baba; pandagat –
kamay ay parang alon)
bahay (hal. maglalakad,
sasakay ng kotse,
sasakay ng bus, sasakay
ng dyip, sasakay ng
traysikel, at iba pa)
sasakyan.
Dismissal Routine: Mag-ingat sa pagtawid sa kalye. Tumingin sa kaliwa, kanan, at kaliwa muli bago tumawid.
(Paalalahanan ang mga bata kung may meeting ang mga magulang o di kaya kung may sulat para sa kanila, o di naman kaya kung mayroong
takdang aralin para sa susunod na araw.)

9
LINGGUHANG PAGNINILAY NG GURO
Mga Tanong sa Pagninilay
A. Aling bahagi ng gawain ang
nagustuhan ng mga bata? Bakit?
B. Alin ang hindi nila gaanong
nagustuhan? Bakit?
C. Sa iyong palagay, aling istratehiya
sa pagtuturo ang
naging epektibo? Bakit?
D. Anong inobasyon/ lokal na
materyales ang iyong ginamit sa
araw na ito? Ano ang naging
reaksyon ng mga bata dito?
E. Anong obserbasyon sa mga bata ang
gagamitin mo upang lalo
pang mapaganda ang iyong
pagtuturo?
F. Nasagot ba ng mga bata ang mga
tanong? (tingnan ang ‘Mga
Katanungan’ pagkatapos ng
‘Mensahe’).
Inihanda ni: Nirebyu ni: Pinagtibay ni:
Guro Master Teacher / Head Teacher School Head

10
Apendiks
A.Mga Gawaing Kaugnay ng Tema
Photo Chat
Layunin: Natututuhan magmasid sa isang pisikal na paglalarawan ng isang
partikular na lugar o setting
Napahuhusay ang kanilang mga kasanayan sa wika at pagsulat
Napabubuti ang kanilang bokabularyo, kritikal na pag-iisip, mga kasanayan sa paglutas
ng problema, at pag-unawa sa maraming relasyon
Mga Kagamitan: telebisyon, screen o naka-imprentang larawan Bilang
ng Kasali: lahat ng mga bata sa klase na nakapares Paghahanda:
1.Kung mayroong telebisyon o screen, ipakita ang larawan sa buong klase.
2.Kung wala naman, ay mag-imprenta ng larawan (isa sa bawat pares).
Pamamaraan:
1.Tingnang mabuti ang larawan. Ano ang iyong napansin?
2.Mag-isip nang tahimik nang ilang saglit.
3.Lumingon at makipag-usap sa kapareha. Ibahagi ang isang bagay na napansin mo.
Pagkatapos ay makinig sa mga ideya ng iyong kapareha. Mag halinhinan sa
pagbabahagi ng napapansin hanggang sa matapos ang oras.
4.Magbahagi ng mga ideya sa buong klase. Ipabahagi sa mga bata ang kanilang mga ideya sa kanilang napansin. Suportahan ang mga mag-
aaral na bumuo o magdagdag sa kanilang ibinahagi.
Colorful Road
Layunin: Natutukoy ng mga bata ang paggawa ng pattern
Mga Kagamitan: KLAS No 1: Colorful Road, cutout ng maliliit na hugis parisukat na papel (dalawang kulay; maaaring iba’t ibang kulay sa bawat
bata); pandikit
Bilang ng Kasali: lahat ng mga bata sa klase
Paghahanda:
1.Mag-imprenta ng KLAS No. 1: Colorful Road, isa sa bawat bata.
2.Gupitin ang makukulay na papel, hanggang sa makagawa ng maliliit na parisukat.
Pamamaraan:
1.Iguguhit ng bata malapit sa imahe ng bahay ang sasakyang kanyang ginagamit papasok sa paaralan. Kung sil ay naglalakad papasok ng
paaralan, maaari niyang iguhit ang paa sa loob ng kahon.
2.Lalagyan ng bawat bata ng kulay ang daanan mula sa kanilang bahay papunta sa kanilang paaralan, gamit ang mga makukulay na papel.
3.Kailangan niyang gumawa ng pattern papunta rito.

11
Sequencing Events
Layunin: Maensayo ng bata ang kanyang memorya
Mga Kagamitan: KLAS No: 3: Sequencing Events, panulat Bilang ng
Kasali: lahat ng mga bata sa klase
Paghahanda:
1.Mag-imprenta ng KLAS No. 3: Sequencing Events, isa sa bawat bata.
Pamamaraan:
1.Mula sa kuwentong: Lakbay Nanay, ipaayos sa mga bata ang mga pangyayari sa kuwento.
2.Hayaan ang mga bata na isulat ang mga bilang sa gilid ng bawat pangungusap, base sa pagkakasunod-sunod nito sa kuwento.
Vehicle Sorting
Layunin: Nalalaman ng mga bata kung alin ang mga sasakyang panlupa, pandagat, at panghimpapawid Mga
Kagamitan: KLAS No. 5: Vehicle Sorting, cutouts ng mga sasakyan, pangalan ng mga retrato, pandikit Bilang ng
Kasali: lahat ng mga bata sa klase
Paghahanda:
1.Mag-imprenta ng KLAS No. 5: Vehicle Sorting, isa sa bawat bata.
2.Gupitin ang mga sasakyan at ang mga pangalan ng mga retrato.
Pamamaraan:
1.Tanungin ang mga bata sa kung saan ginagamit ang bawat sasakyan, hayaan silang pangalanan ang mga ito.
2.Idikit ang mga imahe ng sasakyan kasama ng mga pangalan nito sa hanay kung saan sila kabilang.
Ang Aking Hiling
Layunin: Natututuhan ng bata ang maglahad ng kanyang mga hiling at pangarap Mga Kagamitan:
papel, lapis, mga pangkulay
Bilang ng Kasali: lahat ng mga bata sa klase
Pamamaraan:
1.Base sa kuwentong: Sorpresa ni Nanay, tanungin ang mga bata kung ano ang kanilang munting hiling.
2.Bigyan ng papel ang bawat bata.
3.Hayaan silang iguhit kung ano ang pangarap or gusto nilang sakyan upang makapunta sa iba’t ibang lugar.
Travel Rules Chart
Layunin: Natututuhan ng mga bata kung papaano ang tamang pag-uugali at mga gawain kapag nakasakay sa loob ng sasakyan o kapag nasa
kalsada
Mga Kagamitan: manila paper, panulat Bilang
ng Kasali: lahat ng mga bata sa klase

12
Pamamaraan:
1.Bumuo ng tsart ng mga tuntunin bilang isang klase.
2.Pag-usapan ang mga dapat gawin kapag bumibiyahe o nasa loob ng isang sasakyan na umaandar o kapag sila ay nasa kalsada.
3.Maaaring hayaan ang mga bata na mag-isip, pero maaari ring magbigay ng halimbawa upang matulungan ang mga bata na
maka-isip ng mga dapat sundin.
4.Isulat sa manila paper ang mga napag-usapan ng klase.
B.Iba pang mga Early Language, Literacy and Numeracy Activities
Ilang mga kotse?
Layunin: Natututunan ng mga bata ang skip counting by 2, 5, at10 Mga
Kagamitan: KLAS No. 11: Ilang mga kotse?, panulat
Bilang ng Kasali: 4-6 na bata
Paghahanda:
1.Mag-imprenta ng KLAS No. 11, isa sa bawat bata.
Pamamaraan:
1.Ipabilang sa mga bata kung ilan ang kotseng nakaparada.
2.Ipasulat sa mga bata ang kanilang nabilang sa loob ng kahon.
Saan sila kasama?
Layunin: Natutukoy ng mga bata kung alin ang dapat na magkakasama
Mga Kagamitan: KLAS No. 12, mga cutout ng iba’t ibang uri at kulay ng sasakyan; pandikit Bilang
ng Kasali: 4-6 na bata
Paghahanda:
1.Mag-imprenta ng KLAS No. 12, isa sa bawat bata.
2.Iimprenta ang pahina ng mga sasakyan at gupitin ang mga ito.
Pamamaraan:
1.Ipagrupo sa mga bata ang mga sasakyan ayon sa kanilang uri at kulay.
2.Pagkatapos ay gamit ang pandikit, idikit ito sa kanilang tamang lugar sa papel.
Follow me!
Layunin: Matutuhan ng mga bata ang sumunod sa mga tuntunin, at ang mga directional o positional words
Mga Kagamitan: laruan na may tamang laki upang mahawakan ng mga bata Bilang
ng Kasali: lahat ng mga bata sa klase
Pamamaraan:
1.Pakuhain ang mga bata ng kahit na anong laruan o gamit sa silid-aralan na maaari nilang hawakan.
2.Magbigay ng mga panuto na gagawin ng mga bata. Halimbawa, ilagay ang iyong hawak sa ibabaw ng inyong ulo, ilagay ito sa likod ng
inyong katabi, at iba pa).

13
Find the Numbers
Layunin: Matutuhan ng mga bata ang pagdagdag at pagbawas sa mga bilang Mga
Kagamitan: KLAS No. 13, panulat, mga pamilang
Bilang ng Kasali: lahat ng mga bata sa klase Paghahanda:
1.Mag-imprenta ng KLAS No. 13 para sa bawat bata sa klase.
Pamamaraan:
1.Sabay sabay na sagutan ito. Maaaring gabayan ang mga bata sa pagsagot sa pamamagitan ng pagguhit sa pisara upang matulungan sila o
di kaya ay ipagamit sa mga bata ang kanilang mga pamilang.
2.Ipasulat sa mga bata ang sagot sa patlang.
March Around the Alphabet
Layunin: Nakatutukoy ng mga titik ng alpabeto
Mga Kagamitan: malalaking titik na M, S, A, I, O, B, E, U, musikang pang-martsa
Bilang ng Kasali: 5 na bata
Paghahanda:
1.Sa isang bond paper, magsulat ng malalaking titik na M, S, A, I, O, B, E, at U. Isang papel sa bawat titik. Tiyaking kayang tapakan ng
mga mag-aaral ang bawat titik.
2.Maaari itong lagyan ng clear tape o di kaya ay i-laminate upang tumagal at maging mas matibay.
Pamamaraan:
1.Ikalat ang lahat ng titik sa sahig. Tiyaking may sapat na espasyo sa pagitan ng mga titik.
2.Ipatukoy sa mga mag-aaral ang mga titik na M, S, A, I, O, B, E, at U.
3.Sabihan ang mga mag-aaral na maglakad sa paligid ng mga titik habang sinasabayan ang musika.
4.Kapag tumigil ang musika, kailangang tumapak sa isang titik ang bawat bata at bumigkas ng salitang nagsisimula sa titik na iyon. Maari
silang hikayatin na magbigay ng mga salitang may nauukol sa transportasyon (motorsiklo, sasakyan, eroplano, bangka, bapor, at iba pa).
5.Magpapatuloy ang laro hanggang sa makapunta sa walong titik ang lahat ng mag-aaral.
Letter Mosaic (Uu)
Layunin: Natutukoy ang tunog ng mga titik sa alpabeto
Mga Kagamitan: mga nagupit na makukulay na papel, pandikit, KLAS No. 14: Letter Mosaic Uu
Paghahanda:
1.Mag-imprenta ng KLAS No. 14: Letter Mosaic Uu, isa sa bawat bata.
2.Gupitin ang makukulay na papel, hanggang sa makagawa ng maliliit na parisukat.
Pamamaraan:
1.Ipadikit sa mga bata ang makukulay na papel sa balangkas ng titik.
2.Ipabigkas sa mga mag-aaral ang tunog ng titik Uu kapag sila ay nakatapos sa gawain.

14
Poster of words that begin with Uu
Layunin: Nakatutukoy ng mga bagay na nagsisimula sa isang tiyak na titik ng alpabeto
Mga Kagamitan: balangkas ng titik Uu na kasingsukat ng 1/4 na cartolina para sa bawat mag-aaral, makukulay na panulat, pangkulay Bilang
ng Kasali: 4-6 na bata
Pamamaraan:
1.Ipakita ang balangkas ng titik sa mga mag-aaral at hayaan silang tukuyin ito at ang tunog nito.
2.Sabihin sa mga mag-aaral na mag-isip ng mga bagay na nagsisimula sa titik Uu. Ang mga bagay na ito ay dapat na matatagpuan
lamang sa loob ng tahanan o paaralan (ulan, umbrella, at iba pa).
3.Ipaguhit sa mga mag-aaral ang kanilang ideya sa loob ng balangkas ng titik. Maaari silang magbigay ng mga sagot sa Ingles o Filipino.
4.Tulungan ang mga mag-aaral sa pagpapangalan ng kanilang mga iginuhit.
Letter Sound and Objects Match
Layunin: Nakapagbibigay ng mga bagay na nagsisimula sa tiyak na titik ng alpabeto.
Nabibigyang-ngalan ang mga karaniwang bagay sa paligid (paaralan, tahanan, at komunidad) Mga Kagamitan:
Letter Cards ng M, S, A, I, O, B, E, at U
Bilang ng Kasali: 4-6 na bata
Paghahanda:
1.Maaaring gamitin ang mga letter card na ginamit sa March Around the Alphabet na gawain.
Pamamaraan:
1.Tutukuyin ng mga mag-aaral ang mga titik at tunog ng mga ito.
2.Ipahanap sa mga mag-aaral ang mga bagay sa loob ng silid-aralan na nagsisimula sa tunog ng mga titik at ipalagagay ang mga ito sa
ibabaw ng mga letter card.
C.Mga Laro sa Loob at Labas ng Silid-Aralan
Fast and Slow Game
Layunin: Natutuhan ng mga bata ang pagkakaiba ng mabilis at mabagal Mga
Kagamitan: wala
Bilang ng Kasali: lahat ng mga bata sa klase
Pamamaraan:
1.Magbabanggit ang guro ng mga gawain (palakpak ang kamay, ikot ang kamay, ipadyak ang paa, iwagayway ang kamay, at iba pa.)
2.Kapag nagawa ng mga bata ang lahat ng ito, dadagdagan ng guro ang panuto ng mga katagang mabilis or mabagal (ipalakpak ang
kamay ng mabilis, ipadyak ang paa nang mabagal, at iba pa)
3.Ipaliwanag na tulad ng isang sasakyan, maaari itong tumakbo nang mabilis o mabagal.

15
Malayang Paglalaro
Layunin: Makapaglaro ang mga bata ng kahit na anong gusto nila
Mga Kagamitan: mga laruan, materyales o mga libro sa loob ng silid-aralan
Bilang ng Kasali: lahat ng mga bata sa klase
Pamamaraan:
1.Gamit ang mga laruan at mga gamit sa loob ng silid-aralan, hayaan ang mga batang maglaro at piliin ang kanilang mga lalaruin.
2.Maaaring umikot ang guro upang makipagkuwentuhan sa mga bata tungkol sa kanilang nilalaro o binubuo.
Race to Finish
Layunin: Natututuhan ng mga bata ang pakikipaglaro ng may mga tuntunin at paano gawin ang bawat galaw (gapang, talon, lakad, at iba
pa)
Mga kagamitan: wala
Bilang ng Kasali: lahat ng mga bata sa klase na nakahati sa dalawang grupo
Paghahanda:
1.Pumili ng lugar na malaki, upang magsagawa ng isang laro.
2.Maglagay ng linya sa magkabilang gilid. Ang una ay ang starting line at ang kabila naman ang finish line.
Pamamaraan:
1.Mag-uunahan ang dalawang grupo ng mga bata na marating ang finish line.
2.Maaaring iba-ibahin ang paglalakad ng mga bata papunta sa finish line (gumapang, tumalon, lumakad, lumakad ng isang paa
lamang, at iba pa)
3.Ang bawat miyembro ng grupo ay dapat makadaan mula sa starting line hanggang sa finish line.
4.Ang unang grupo na makatapos ang tatanghaling panalo.
Stop and Go
Layunin: Natututuhan ng mga bata ang pag-tambal ng kulay sa kanilang dapat gawin Mga
kagamitan: pula at berdeng bilog
Bilang ng Kasali: lahat ng mga bata sa klase
Paghahanda:
1.Gumawa ng dalawang bilog gamit ang bond paper o karton o cartolina.
2.Siguraduhing dalawa ito, isa ay kulay pula at isa naman ay kulay berde.
3.Ikabit ang berde na bilog sa iyong likod at ikabit ang pula na bilog sa iyong dibdib.
4.Maglagay ng linya sa magkabilang gilid. Ang isa ay ang starting line at ang kabila naman ang finish line.
Pamamaraan:
1.Pag-usapan muli kung ano ang ibig sabihin ng dalawang kulay (pula at berde) na ito sa kalsada, “stop and go”.
2.Sabihin sa mga bata na kapag nakita nila ang kulay berde, kailangan nilang lumakad, at kapag naman nakita nila ang kulay pula, sila
ay kailangang tumigil.
3.Ang mananalo ay ang bata na makakalabit ang guro na nagpapakita ng dalawang kulay.

16
Thumbs Up! Thumbs Down!
Layunin: Natutukoy ng mga bata ang mga tama sa mga maling gawain Mga Kagamitan:
wala
Bilang ng Kasali: lahat ng mga bata
Paghahanda:
1.Mag-isip at maglista ng ilang mga gawain: maaari itong patungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin habang nasa loob ng isang
umaandar na sasakyan.
●Tumayo at lumipat ng upuan
●Makipindot ng busina ng drayber
●Maupo at makinig
●Takpan ang mga bintana
●at iba pa
Pamamaraan:
1.Hayaan ang mga mag-aaral na mag-ensayo sa pagsesenyas ng thumbs up at thumbs down.
2.Magbanggit ng sitwasyon sa mga bata. Kapag tama ang gawi o ginagawa, gagawin nila ang thumbs up. Kung mali naman ang gawi,
gagawin ang thumbs down.
3.Itanong sa mga bata kung bakit sila nag-thumbs up o nag-thumbs down.

17
D.Mga Kanta at Tula
Mga Sasakyan ni Juan
Tune: Wheels on the Bus
Ang bike ni Juan may dalawang gulong Ang
bike ni Juan may dalawang gulong Ang bike
ni Juan may dalawang gulong Kaya tayo ng
sumakay......
Variation: motor
– 2 na gulong tricycle
– 3 na gulong
oto – 4 na gulong
bus – 4 na gulong
truck – 6 na gulong
Bisikleta ni Tatang
Ako’y papasok sa paaralan
Sakay sa bisikleta ni Tatang
Mabagal man, akin pa ring nagugustuhan
Kaysa mabilis, ako’y kinakabahan
Sa oras ng uwian,
Bisikleta ni Tatang inaabangan
Masaya aking nararamdaman
Dahil pauwi na sa aming tahanan
Wheels on the Bus
The wheels on the bus go round and round
round and round, round and round
The wheels on the bus go round and round all
through the town
The wipers on the bus go swish swish swish
swish swish swish, swish swish swish
The wipers on the bus go swish swish swish all
through the town
The doors on the bus go open and shut open
and shut, open and shut
The doors on the bus go open and shut all
through the town
The horn on the bus goes beep beep beep beep
beep beep, beep beep beep
The horn on the bus goes beep beep beep all
through the town
Tags