KOMUNIKASYON EXAM - First Quarter (1).docx

russelgabuyo01 241 views 4 slides Oct 24, 2024
Slide 1
Slide 1 of 4
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4

About This Presentation

KKKK


Slide Content

Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
PACAC HIGH SCHOOL
PACAC, 3115 GUIMBA, NUEVA ECIJA
Pangalan : ___________________________________Iskor: ___________________________
Antas at Seksyon: ____________________________Petsa: ___________________________
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
Komunikasyon sa Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino 11
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay tumutukoy sa pagpapalitan ng mensahe o impormasyon ng tao sa pamamagitan ng pasulat at
pasalita?
A. Wika B. Communis C. Komunikasyon D. Pananaliksik
2. Ito ay intrumento ng komunikasyon, at sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang sariling kaisipan
at saloobin sa ibang tao?
A. Wikang Panturo C. Komunikasyon
B. Wika D. Pananaliksik
3. Ito ay ang wikang ginagamit upang matamo ang mataas na antas ng edukasyon?
A. Wikang Pambansa C. Wikang Opisyal
B. Konseptong Pangwika D. Wikang Panturo
4. Siya ang tinaguriang “Ama ng Barirala ng Wikang Pambansa?
A. Alejandro Abadilla C. Michael De Montaigne
B. Manuel L. Quezon D. Lope K. Santos
5. Ito ay ang wikang ginagamit sa mga debate at diskurso sa loob ng pamahalaan o anumang organisasyon.?
A. Wikang Pambansa C. Wikang Opisyal
B. Konseptong Pangwika D. Wikang Panturo
6. Ito naman ay ang wikang pinatibay ng pambansang pamahalaan na ginagamit sa pamamahala at
pakikipag-ugnayan sa mamamayang kaniyang sakop?
A. Wikang Pambansa C. Wikang Opisyal
B. Konseptong Pangwika D. Wikang Panturo
7. Ito ay tumutukoy sa sistematikong pagsusuri at pagsisiyasat ng impormasyon batay sa isang paksa o
pangyayari?
A. Wikang Panturo C. Komunikasyon
B. Wika D. Pananaliksik
8. Ang Komunikasyon ay nagmula sa salitang Latin na _________ na ang ibig sabihin ay karaniwan o
panlahat.
A. Communis B. Communist C. Communism D. Communista
9. Ayon sa kanya, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
A. Sapiro B. Hemphil C. Quezon D. Gleason
10. Naniniwala siya na ang wika ay isang masistemang kabuuan ng mga sagisag, sinasalita o binibigkas na
pinagkaisahan ng mga tao sa iisang pangkat.
A. Sapiro B. Hemphil C. Quezon D. Gleason
11. Ayon kay ________________ ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga
kaisipan, damdamin at hangarin sa pamamagitan ng isang kusang-loob na kaparaanan na lumikha ng tunog.
A. Sapiro B. Hemphil C. Quezon D. Gleason
12. Siya ang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa?
A. Alejandro AbadillaB. Manuel L. Quezon C. Lope K. Santos D. Emilio Jacinto

13. Ito ay ang wikang tinatawag ding “wikang sinuso sa ina” o “inang wika” dahil ito ang unang wikang
natutuhan ng isang bata?
A. Unang Wika B. Bilinguwalismo C. Pangalawang Wika D. Multilinguwalismo
14. Ito naman ay ang tawag sa iba pang mga wikang matututuhan ng isang tao pagkaraang matutuhan ang
kaniyang unang wika?
A. Unang Wika B. Bilinguwalismo C. Pangalawang Wika D. Multilinguwalismo
15. Ito ay ang kakayahan ng isang tao na makipag-ugnayan gamit ang dalawa o higit pang wika/lenggwahe?
A. Unang Wika B. Bilinguwalismo C. Pangalawang Wika D. Multilinguwalismo
16. Ito naman ay tumutukoy sa dalawang wika.
A. Unang Wika B. Bilinguwalismo C. Pangalawang Wika D. Multilinguwalismo
17. Ito ay tumutukoy pag-aaral sa makabuluhang tunog ng bawat wika?
A. Morpolohiya B. Sintaksis C. Ponema D. Ponolohiya
18. Ang mga tunog na binibigkas sa wika ay pinili para sa layunin ng mga gumagamit nito. Anong katangian
ng wika ito?
A. Ang wika ay masistemang balangkas.
B. Ang wika ay dinamiko.
C. Ang wika ay arbitraryo.
D. Ang wika ay pinipili at isinasaayos.
19. Ito ay katangian ng wika na nagsasabing “Ang wika ay nagbabago at patuloy na yumayaman”?
A. Ang wika ay masistemang balangkas.
B. Ang wika ay dinamiko.
C. Ang wika ay arbitraryo.
D. Ang wika ay pinipili at isinasaayos.
20. Ito ay tumutukoy sa sistema ng pagbuo ng pangungusap.?
A. Morpolohiya B. Sintaksis C. Ponema D. Ponolohiya
21. Ito ay tungkulin ng wika na ginagamit sa pagbibigay ng impormasyon?
A. Personal B. Heuristik C. Interaksyunal D. Impormatib
22. Ito ay tungkulin ng wika na ginagamit sa paghahanap o paghingi ng impormasyon?
A. Personal B. Heuristik C. Interaksyunal D. Impormatib
23. Ito ay tungkulin ng wika na ginagamit sa pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan?
A. Regulatori B. Heuristik C. Imahinatibo D. Impormatib
24. Ito ay tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon?
A. Regulatori B. Heuristik C. Imahinatibo D. Personal
25. Ito ay ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagkontrol o pag gabay sa kilos o asal ng ibang tao. Sa
madaling sabi ito ang pagsasabi kung ano ang dapat o hindi dapat gawin?
A. Regulatori B. Instrumental C. Imahinatibo D. Personal
26. Ito ay tungkulin ng wikang ginagamit sa pagtugon sa mga pangangailangan ng tao?
A. Interaksyunal B. Instrumental C. Imahinatibo D. Personal
27. Ito ay tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa pagpapanatili at pagpapatatag ng relasyong sosyal sa
kapwa tao?
A. Interaksyunal B. Instrumental C. Imahinatibo D. Personal
28. Ito ang wikang ginagamit ng isang partikular na rehiyon lalawigan o pook malaki man o maliit?
A. Dayalek B. Idyolek C. Pidgin D. Sosyolek
29. Ito ay ang antas ng wika na ginagamit sa mga partikular na pook o lalawigan lamang, makikilala rin ito
sa pagkakaroon ng kakaibang tono, o ang tinatawag ng marami na punto?
A. Kolokyal B. Lalawiganin C. Balbal D. Jargon
30. May katumbas itong “slang” sa Ingles at itinuturing na pinakamababang antas ng wika na karaniwang
ginagamit sa lansangan. Anong antas ng wika ito?
A. Kolokyal B. Lalawiganin C. Balbal D. Pambansa
31. Ito’y mga pang-araw- araw na mga salita ngunit may kagaspangan at pagkabulgar, bagamat may anyong
repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasalita ?
A. Kolokyal B. Lalawiganin C. Balbal D. Pambansa

.

32. Tinatawag itong sosyal na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan. Halimbawa
nito ay ang wika ng mga estudyante, wika ng matatanda, wika ng kababaihan, wika ng mga preso, wika ng
mga bakla at iba pang pangkat.
A. Sosyolek B. Creole C. Jargon D. Dayalek
33. Ito ay barayti ng wika na ang tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng gawain. Ito rin ay
mga salitang may dalawa o higit pang salita?
A. Sosyolek B. Creole C. Jargon D. Dayalek
34. Ito ay personal na paggamit ng wika na nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao. Ito ay
mga salitang namumukod tangi at yunik.
A. Sosyolek B. Creole C. Idyolek D. Dayalek
35. Ito ay barayti ng wika na tinatawag sa ingles na nobody's native language. Nangyayari ito kapag may
dalawang taong naguusap subalit magkaiba ang kanilang wika kaya di sila magkaintindihan dahil di nila
alam ang wika ng isa’t isa?
A. Creole B. Pidgin C. Idyolek D. Dayalek
36. Ito ay isang uri ng pagsulat na naglalayong magpahayag ng personal na saloobin, kuru-kuro, at
obserbasyon ng manunulat tungkol sa isang partikular na paksa o isyu?
A. Talumpati B. Talata C. Sanaysay D. Pangungusap
37. Ayon kay ___________________, nagsimula ang tinatawag na sanaysay dahil sa katipunan ng mga
palagay at damdamin.
A. Jose P. Rizal
B. Alejandro Abadilla
C. Lope K. Santos
D. Michael De Montaigne
38. Ayon naman kay ___________________, ang sanaysay ay nakasulat na karanasan ng isang sanay sa
pagsasalaysay.
A. Jose P. Rizal
B. Alejandro Abadilla
C. Lope K. Santos
D. Michael De Montaigne
39. Sa bahaging ito ng sanaysay makikita ang pagtalakay at pagbibigay linaw sa mahahalagang usapin ukol
sa tema at nilalaman ng sanaysay.
A. Panimula B. Wakas C. Tema D. Kawatan/Gitna
40. Sa bahaging ito ay nakikita ang unti-unting pagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay.
A. Panimula B. Wakas C. Tema D. Kawatan/Gitna
41. Ito ay tumutukoy sa mismong paksa ng sanaysay na binibigyang-linaw ng manunulat upang
maunawaan ng mambabasa?
A. Tema at Nilalaman B. Wika at Istilo C. Anyo at Istruktura D. Sukat
42. Ito ay tumutukoy sa maayos na pagkakasunod-sunod ng ideya o pangyayari na makatutulong sa
mambabasa upang maunawaan ang sanaysay?
A. Tema at Nilalaman B. Wika at Istilo C. Anyo at Istruktura D. Sukat
43. Ito ay ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang tinitingnan ng
mambabasa.
A. Panimula B. Wakas C. Tema D. Kawatan/Gitna
44. Ito ay uri ng sanaysay na tumatalakay sa hindi karaniwan at nangangailangan ng matiyaga at masusing
pag-aaral at pananaliksik.
A. Pambansa B. Di-Pormal C. Panlalawigan D. Pormal
45. Ito ay element ng sanaysay na gumagamit ng mga salita na nakaaapekto sa pagkakaunwa ng
mambabasa.
A. Tema at Nilalaman B. Wika at Istilo C. Anyo at Istruktura D. Sukat
46. Ito ay isang buod ng kaisipan o opinion ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa
entablado para sa mga pangkat ng mga tao.
A. Pararila B. Buod C. Talumpati D. Sanaysay

.

47. Ito ay kasangkapan ng mananalumpati na tumutukoy sa anumang pagkilos na ginagawa ng tao na
may kaugnayan sa pagsasalita o pagpapahayag ng kaisipan o anumang damdamin sa madla o mga
tagapakinig.
A. Tindig B. Galaw C. Tinig D. Kumpas ng kamay
48. Isinasaalang-alang sa bahaging ito ang tulin o bilis ng pananalita, pagbibigay-diin sa mahahalagang
salita o mensahe na kailangang maunawaan ng tagapakinig, tono ng pananalita, pagtaas at pagbaba ng tinig,
at paglakas at paghina ng tinig.
A. Tindig B. Galaw C. Tinig D. Kumpas ng kamay
49. Ito ay uri ng talumpati na ginagamit sa pagbibigay galang at pagsalubong sa isang panauhin,
pagtanggap sa kasapi o kaya ay sa kasamahang mawawalay o aalis?
A. Talumpating Nagbibigay-galang
B. Talumpating Pangkabatiran
C. Talumpating Nagpapangaral
D. Talumpating Nagpapakilala
50. Ang pangunahing layunin ng talumpati ay
A. Magbigay ng inspirasyon sa mga tagapakinig.
B. Magpaliwanag ng impormasyon ayon sa nakalap sa internet.
C. Magpasikat sa harap ng mga tagapakinig.
D. Humikayat, tumugon, magbigay kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.
Prepared by:
DANILO S. BARBERO
Teacher
QUALITY ASSURANCE COMMITTEE
ANA LYN F. MACARAEG RAYAN M. CASTRO GINALYN INIGO
SHS Coordinator Language Evaluator Content Evaluator
ROBERTO V. SAGUN Jr. CRISTINA G. ROLLEDA
Layout ICT Coordinator Testing Coordinator
Noted by:
ERIC M. VILLANUEVA
School Principal II

.
Tags