ADBERTISMENT Tinanatawag na adbertisment and tila isang maikling pelikula o isang nakasulat na pabatid/impormasyon na ipinapalabas o ipinakikita sa publiko upang makatulong na mabili ang produkto. Maaaring nagbibigay rin ng anunsiyo and isang adbertisment. Layon ng adbertisment na magbigay ng maayos na impormasyon sa mga mamimili, gayundin mga mensaheng nagbibigay ng paalala sa isang gawain sa pamamagitang ng isang anunsiyo.
Mga uri ng Adbertisment Adbertisment sa Bus Adbertisment sa Telebisiyon Adbertisment sa Radyo Adbertisment sa Online Abertisment sa Billboard
Adbertisment sa Bus Karaniwang pelikula o isang produkto ng gadget, pagkain, gamit pangmedikal at iba pa . Naniniwala ang mga adbertayser na malaking panghikayat kung sa bus ay maglalagay rin sila ng adbertisment sapagkat bawat makakita nito ay hindi maaaring hindi mapalingon lalo na kung maganda ang pagkakagawa, na bentahe para magkaroon ng interest at lumaon ay mahikayat na bilhin ang isang produkto. Madaliring maunawaan ang gamit ng wika. Bukod sa nakapanghihikayat ang adbertisment sa bus, nakapagdudulot din ito ngkaragdagang kagandahan sa disensyo ng bus.
Halimbawa:
Adbertisment sa Telebisiyon Ang bawat komersiyal sa telebisyon ang nagsisilbing adbertisment. Ito ang sinasabing pin a ka epektibong uri ng adbertisment sapagkat halos lahat ng tao ay may panahon sa panonood ng telebisyon. Iba-iba ang register na gamit ayon sa produkto o sitwasyon. Ginagawang kaaya-aya, maayos, at malinaw nag pagpapahayag na nais iparating sa adbertisment sa telebisyon upang magbigay-tuon ito nga mga manonood.
Adbertisment sa Radyo Epektibo ring paraan ang radyo upang mahikayat sa isang produkto ang isang mamimili. Tulad din sa telebisyon kailangan ang airtime sa estasyon o network upang marinig ang mga komersiyal kaugnay ng adbertisment. Sa radio ay nagkukuwento o parang nakikipag-usap na daan sa mabisang pag-aadbertays ng anumang produkto. Di tulad ng ibang uri ng adbertisment, ang adbertisment sa radio ay di nakailangan pang pagtuunan ng paningin upang ganap na maunawaan ang mensahe,at bawat detalye ng adbertisment, pakikinggan mo lamang.
Adbertisment sa Online Isang paraan ng promosyon ang adbertisment sa online gamit ang Internet at WorldWide Web upang i pahayag ang husay at ganda ng produktong inaadbertays.
Types of Online Advertisement Email Marketing Social Media Ads Search Engine Marketing Video Advertisement
Email Marketing
Social Media Ads
Search Engine Marketing
Video Advertisement
Adbertisment sa Billboard Malalaking estuktura ang billboard na makikita sa mga pampublikiong lugar na nagpapakita ng adbertisment sa mga motorista at pedestrian na dumaraan tungkol sa isang produkto. Karaniwang makikita sa mga pangunahing lansangan kung saan dumaraan ang maraming tao. Makikita ring ang mga ito sa mga lugar na matao tulad ng terminal ng bus, sa mga mall, mga gusaling pi nagtratrabahuhan, mga stadium, at marami pang iba.
Example
Kahalagahan ng Adbertisment sa Lipunang Pilipino: Nagsisilbing gabay sa tamang pagbili . Nalalaman ang kakaibang katangiang taglay ng isang produkto Nagkakaroon ng pagkakataon na piliin ang tamang produkto . Nakapagbibigay ng karagdagang mga impormasyon na laging tatandaan sa pagbili . Nagiging kritikal sa pagpili ng bibilhin6. Nagpapaalala ng magandang katanging ng mga produkto na dapat laging tandaan .
Anyo ng Adbertisment Informercial Advertisement - adbertisment na nagbibigay impormasyon sa isang mahalagang paska. Karaniwan na sa larangan ng madisina, karapatang pantao, at batas. In-store Advertisement - nasa loob ng tindahan, supermart, at iba pa ang iba’t ibang adbertisment tungkol sa mga produktoNg mabibi rito. Coffee Cup Advertisement - mga adbertisment sa loob ng coffee shop tungkol sa mga produkto nila at maaaring iba pang serbisyong mayroon sila gaya ng SPA, computer shop atibp.
Celebrity Branding - mga adbertisment ng isang partikular na brand gamit ang kilalang artista. Street Adbertisment - mga adbertisment na mga mga paalala sa kapaligiran o paano pupuntahan ang barangay hall, simbahan, palengke, at iba pa. Sheltered Outdoor Advertisement - adbertisment sa loob ng isang gymnasium, mall, at iba pang lugar na maaaring gawin ang isang gawain anuman ang kalagayan ng panahon.