Konseptong Pangwika ( Rehistro / Barayti ng Wika )
Panuto : Tukuyin kung anong jargon ang sumusunod na mga pahayag . Isulat ang titik ng piniling sagot sa iyong sagutang papel . 1. Ito ay ginagamit sa mga transaksiyon sa cashier . a. lesson plan c. pa- void b. suspect d. x-ray 2. Ito ay terminong ginagamit ng mga may kaalaman sa musika . a. sharp c. earning b. lesson plan d. justice
3. Ito ay ginagamit ng mga doktor , nars , o mga taong may kinalaman sa medisina . a. checkup c. datung b. ctrl-alt-delete d. konstitusyon 4. Ang terminong ito ay ginagamit ng mga may kaalaman sa kompyuter . a. Download c. sarbey b. jump shot d. travelling
5. Ito ay ginagamit ng mga may katungkulan at/o may mga employer sa isang tanggapan kung lumiliban nang matagal nang walang paalam . a. AWOL c . sick leave b. overtime d. undertime 6. Ang papel na hinahanap ng magdedeposito sa bangko . a. deposit slip c. voucher b. transmittal d . withdrawal slip 7. Ginagamit ang wikang ito sa teknolohiya , ang sumisira sa dokumento . a. Bacteria c. paste b. cancer d . virus
8. Dito pumupunta ang mga taong bumibili ng kagamitan sa pagkukumpuni sa bahay . a. bakery c . hardware b. drugstore d. furniture shop 9. Salitang ginagamit sa kagamitan ng guro sa pagtuturo . a. account record c. ledger b. motorboat d. lesson plan 10. Isa ito sa mga salitang ginagamit pangkomunikasyon . a. eggbeater c. percussion drill b. headphone d . water meter
Rehistro ng Wika Mapapansin na ang ilang terminong pang-washing machine at pang-cellphone ay ginagamit din sa ibang larangan . Mapapansin din kapag ginamit sa ibang larangan ang mga terminong ito , naiiba na ang taglay na kahulugan ng mga ito .
Halimbawa : Ang spin sa washing machine ay nangangahulugan ng mabilis na pag-ikot ng makina upang mapiga o matanggal ang tubig sa mga damit . Samantala sa paggawa ng sinulid , nangangahulugan ang spin ng paghahabi ng hibla o fiber upang maging sinulid . Ang text sa cellular phone ay tumutukoy sa ipinapadalang mensahe . Samantala , sa literatura ang text ay tumutukoy sa ano mang nakasulat na akda gaya ng tula , alamat at iba pa.
Ang isang salita ay maaaring magkaroon ng iba't ibang kahulugan ayon sa larangan o termino ay maaaring magkaroon ng iba't ibang kahulugan ayon sa larangan o disiplinang pinaggamitan nito . Rehistro ang tawag sa ganitong uri ng mga termino . Tinatawag na rehistro ang mga espesyalisadong termino gaya ng mga salitang tipiko o teknikal na nagtataglay ng iba't ibang kahulugan sa iba't ibang larangan o disiplina . Isa pang halimbawa ng rehistro ay ang salitang kapital na may kahulugang puhunan sa larangan ng pagnenegosyo at may kahulugan namang punong lungsod o kabisera sa larangan ng heograpiya .
Bawat propesyon ay may rehistro o mga espesyalisadong salitang ginagamit . Iba ang rehistro ng wika ng mga guro sa abogado. Iba rin ang inhinyeryo , computer programmer, doktor , at iba pa. Hindi lamang ginagamit ang rehistro sa isang partikular o tiyak na larangan kundi sa iba't ibang larangan o disiplina . Espesyal na katangian ng mga rehistro ng pagbabago ng kahulugang taglay kapag ginamit sa iba't ibang larangan o disiplina . Ang rehistro ay itinuturing na isang barayti ng wika .
BARAYTI NG WIKA 1. Dayalek - Ito ang barayti ng wika na ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan , rehiyon o bayan. Maaaring gumamit ang mga tao ng isang wikang katulad ng sa iba pang lugar subalit naiiba ang punto o tono , may magkaibang katawagan para sa iisang kahulugan , iba ang gamit ng salita para sa bagay, o magkaiba ang pagbuo ng mga pangungusap na siyang nagpapaiba sa dayalek ng lugar sa iba pang lugar . Ang halimbawa ng dayalek ay ang pagsasalita ng Tagalog ng mga taga -Batangas na naglalagay ng “e” sa dulo gaya ng “ala e.”
Mga halimbawa ng Dayalek : Tagalog = Bakit? Batangas = Bakit ga? Bataan = Baki ah? Ilocos = Bakit ngay ? Pangasinan = Bakit ei ?
2. Idyolek - Ito ang sinasalita ng pangkat ng mga tao na mayroong pansariling paraan ng pagsasalita ang bawat isa. Napatunayan nito na hindi homogeneous ang wika sapagkat may pagkakaiba ang paraan ng pagsasalita ng isang tao sa iba pang tao . Ilan sa mga personalidad na gumagamit ng idyolek ay sina Marc Logan, Noli De Catro , Mike Enriquez at Kris Aquino.
Mga halimbawa ng Idyolek : “Magandang Gabi Bayan” ni Noli de Castro “Hindi ka namin tatantanan ” ni Mike Enriquez “Ito ang iyong Igan ” ni Arnold Clavio “Hoy Gising !” ni Ted Failon “Ang buhay ay weather weather lang” ni Kim Atienza “I shall return” ni Douglas MacArthur
3. Sosyolek - Ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika . Kapansin-pansin ang mga tao na nagpapangkat-pangkat batay sa ilang katangian tulad ng kalagayang panlipunan , paniniwala , oportunidad , kasarian , edad at iba pa. Madali nating malalaman ang pagkakaiba sa paraan ng pagsasalita ng kabataan sa matatanda , ang mga nakapag-aral sa hindi nakapag-aral at babae sa lalaki . Maihahanay sa sosyolek na barayti ng wika ang gay lingo, conyospeak , jejemon , jargon.
Mga halimbawa ng Sosyolek : Repapips , ala na ako datung eh (Pare, wala na akong pera ) Oh my God! It’s so mainit naman dito . ( Naku , ang init naman dito !) Wa facelak girlash mo ( walang mukha o itsura ang gelpren mo o kaya ay pangit ng gelpren mo ) Sige ka, jujumbagin kita ! ( sige ka, bubugbugin kita !) May amats na ako ‘ tol (may tama na ako kaibigan / kapatid o kaya ay lasing na ako kaibigan / kapatid )
4. Etnolek - Ang salitang ito ay nagmula sa etniko at dayalek na taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi ng kanilang pagkakakilanlan ng isang pangkat etniko . Halimbawa ay ang salitang vakkul na ibig sabihin ay pantakip sa ulo at ang salitang palangga na nangangahulugang mahal o minamahal .
Mga Halimbawa ng Etnolek : Vakuul – tumutukoy sa mga gamit ng mga ivatan na pantakip sa kanilang ulo tuwing panahon ng tag- init at tag- ulan Bulanim – salitang naglalarawan sa pagkahugis buo ng buwan Laylaydek Sika – Salitang “ iniirog kita ” ng mga grupo ng Kankanaey ng Mountain Province Palangga – iniirog , sinisinta , minamahal Kalipay – tuwa , ligaya , saya
5. Ekolek - ang tawag sa mga salitang ating binabanggit at ginagamit sa pakikipagtalastasan sa bahay . Ang halimbawa nito ay kapag inuutusan ka ng iyong ama o ina sa mga gawaing bahay .
Mga Halimbawa ng Ekolek : Palikuran – banyo o kubeta Silid tulogan o pahingahan – kuwarto Pamingganan – lalagyan ng plato Pappy – ama/ tatay Mumsy – nanay / ina
Register - Minsan sinusulat na “ rejister ” at ito ay barayti ng wikang espesyalisadong ginagamit ng isang partikular na domeyn . Ito ay may tatlong uri ng dimensyon .
Ang mga abogado o taong nagtatrabaho sa korte ay maipakikilala tulad ng sumusunod na jargon: exhibit, suspect, appeal, court, justice complainant, atbp . Ang mga guro o mga taong konektado sa edukasyon ay maipakikilala ng mga salitang lesson plan, curriculum, test, textbook, atbp . Ito naman ang mga jargon sa disiplinang Accountancy : account, debit, balance, credit, net income, gross income, atbp .
Kung minsan , ang mga jargon ng isang larangan ay may kakaibang kahulugan sa karaniwan o sa ibang larangan . Pansinin ang sumusunod na mga salita na may magkaibang kahulugan o rehistro sa larangang nasa ibaba : accent language, interior design bread tinapay, pera mouse computer, zoology strike sports, labor, law race sports, sociology
konstitusyon syota adyao Okey , Darla! dyowa datung kalamansi kalamyas aklat sintones danum kumusta appeal gurang printer lespu may sayad ngipen masaya mithiin bag-ang matam-is kabihasnan alinlangan mabanas toma Kabayan! maalinsangan wasto dyip tingni gab- i masining atik samlang tig-ang utol lesson plan Walang himala ! sosi talumpati bingkong pang-al tambay tsugi Aha, ha, ha! Nakaloloka ! handog Handa na ba kayo? Panuto : Ilista mo ang mga salitang nararapat mapasailalim sa sumusunod na mga barayti sa loob ng kahon . Isulat mo ang mga sagot sa sagutang papel .