LANGUAGE1-Q1_-W7_-PPT.pptx LANGUAGE1-Q1_-W7_-PPT.pptx

LeahLayague1 0 views 79 slides Oct 14, 2025
Slide 1
Slide 1 of 96
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43
Slide 44
44
Slide 45
45
Slide 46
46
Slide 47
47
Slide 48
48
Slide 49
49
Slide 50
50
Slide 51
51
Slide 52
52
Slide 53
53
Slide 54
54
Slide 55
55
Slide 56
56
Slide 57
57
Slide 58
58
Slide 59
59
Slide 60
60
Slide 61
61
Slide 62
62
Slide 63
63
Slide 64
64
Slide 65
65
Slide 66
66
Slide 67
67
Slide 68
68
Slide 69
69
Slide 70
70
Slide 71
71
Slide 72
72
Slide 73
73
Slide 74
74
Slide 75
75
Slide 76
76
Slide 77
77
Slide 78
78
Slide 79
79
Slide 80
80
Slide 81
81
Slide 82
82
Slide 83
83
Slide 84
84
Slide 85
85
Slide 86
86
Slide 87
87
Slide 88
88
Slide 89
89
Slide 90
90
Slide 91
91
Slide 92
92
Slide 93
93
Slide 94
94
Slide 95
95
Slide 96
96

About This Presentation

lesson in languange quarter 1 lesson in languange quarter 1


Slide Content

LANGUAGE 1 Quarter 1 Week 7

UNANG ARAW LANG1IT-I-2 Engage with or respond to a short spoken texts. LANG1CT-I-3 Draw and discuss information or ideas from a range of text (e.g., stories, images, digital texts). Note and describe main points (e.g., main characters and events) Sequence up to three (3) key events Predict possible endings Relate ideas or events to one's experience

Mahalaga ba na tayo ay nakikinig sa kwento ni teacher? Bakit tayo nakikinig? Before/Pre-Lesson Proper

Alam nyo ba na kung hindi kayo makikinig ay baka hindi nyo malaman ang ending o katapusan ng kwento. Paano kayo nakikinig?

Ngayong araw ay matutunan natin kung paano makinig upang maintindihan natin ang kuwento ng buong-buo at walang kulang gamit ang ating limang daliri.

Pagong - Ang pagong ay isang hayop na may matigas na balat sa likod na tinatawag na "shell." Mabagal itong gumalaw at kadalasang nakatira sa tubig o sa lupa. Kuneho - Ang kuneho ay isang maliit na hayop na may malambot na balahibo at mahahabang tainga. Mabilis itong tumakbo at mahilig kumain ng gulay. Lesson Language Practice

Ngayong araw ay makikinig tayo sa isang kuwento. Ito ay pinamagatang “Ang Pagong at Kuneho” During/Lesson Proper

Ang Pagong at ang Kuneho Isang hapon , nagkita si Pagong at si Kuneho sa daan . Biniro ni Kuneho si Pagong sa kanyang maliliit na paa na naging dahilan kung bakit napakabagal niyang maglakad . Nainsulto si Pagong sa mga biro ni Kuneho . Sa kagustuhan ni Pagong na patunayang mali si Kuneho sa kanyang mga paratang , hinamon niya si Kuneho at nagsabing ,  "Kung gusto mong subukin ang aking kakayahan, bakit hindi natin daanin sa isang paligsahan . Maaaring mabilis ka subalit malakas naman ang aking resistensya ,"  ang hamon ni Pagong . "Anong paligsahan ang nais mo?"  tanong ni Kuneho . "Kung gusto mo ay unahan na lang tayong makarating sa tuktok ng ikatlong bundok ,"  sagot ni Pagong . Nagalak si Kuneho sa hamon ni Pagong . Tiwala sa sariling magagapi niya si Pagong sa paligsahan . Bawat isa sa kanila ay nangumbida ng kanilang mga kaibigan upang saksihan ang kagila-gilalas na paligsahan .

Kinabukasan , umagang -umaga, marami ang nagsidalo . Dumating ang kalabaw na minsan na ring nakalaban ni Pagong , ang kabayo , baboy , palaka , bibe , manok, aso , pusa , kambing , baka, pato , lawin , usa , baboy ramo at marami pang iba. Hindi, magkamayaw ang mga hayop sa kasiyahan . Noon lang sila makakapanood ng ganoong klaseng labanan . Ang unggoy ang nagbigay-hudyat ng pasimula ng paligsahan . Sa pasimula pa lang ay naiwan na nang malayo si Pagong . Halos hindi na makita ni Kuneho si Pagong dahil sa kalayuan ng kanilang pagitan. Narating ni Kuneho ang tuktok ng ikalawang bundok . Hindi na niya matanaw si Pagong . "Ah, mabuti pa ay mamahinga muna ako. Malayo pa naman si pagong . Pin on Pinterest Napakalayo ng agwat naming dalawa ." ang sabi ni Kuneho sa kanyang sarili. Naupo si Kuneho sa ilalim ng isang puno . Nang dahil sa kapaguran , hindi niya namalayang siya ay naidlip . Samantala , si Pagong ay nakarating sa tuktok ng ikalawang bundok nang magtatanghali . Inabutan pa niya si Kunehong naghihilik . Himbing na himbing si Kuneho . Dala marahil ng kanyang kapaguran .

Magdadapit-hapon na nang matanaw ni Pagong ang rurok ng ikatlong bundok . Malapit na siya. Noon palang nagising si Kuneho . Tinanaw niya ang ibaba ng bundok sa pag- aakalang nandoon pa rin si Pagong subalit wala pa rin . Sinimulan na niya muling tumakbo . Takbong walang pahinga . Laking gulat niya ng abutan niya si Pagong sa ituktok ng ikatlong bundok na namamahinga na. Hiyawan ang lahat ng hayop . Lahat sila ay bumati kay Pagong . Si Kuneho naman ay hiyang -hiya sa pangyayari. Humingi siya ng paumanhin kay Pagong sa ginawa niyang pang- iinsulto . Simula noon ay nagging halimbawa na ng mga hayop na hindi dapat maliitin ang kanilang kapwa .

Mahalagang sangkap sa pagbuo ng kuwento ang mga elemento, at mayroon tayong limang mahalagang elemento. Ang mga ito ay tauhan , tagpuan , panimula at wakas .

Ang tauhan ay ang mga karakter mula sa kuwento at sumasagot sa tanong na sino. Tandaan na kapag sa panitikan o sa mga kuwento hindi lamang limitado sa tao ang mga tauhan. Maaaring maging mga hayop o bagay ang mga ito na binigyang-buhay dulot ng imahinasyon ng manunulat.

Ngayon, kung babalikan ang pinakinggan nating kuwento. Sino-sino ang mga tauhan dito?

Ang tagpuan naman ay oras at lugar na pinangyarihan ng kuwento at sumasagot sa mga tanong na saan at kailan. Sa kuwentong “Si Pagong at Kuneho”, saan at kailan naganap ito?

Samantala ang panimula ay ang umpisa ng kuwento at wakas naman ang pagtatapos ng kuwento. Paano sinimulan ang kuwentong “Si Pagong at Kuneho”? Ano ang sumunod na nangyari? Paano naman winakasan ito?

Mula sa mga tinukoy nating mga elemento ng kuwentong ating pinakinggan. Ikukuwento nating muli ang ‘Si Pagong at si Kuneho” gamit ang ating limang daliri. 5-FINGER RETELL

Gamit ang 5 Finger Retell strategy, muling ikuwento ang "Si Pagong at si Kuneho ." Muling ipakuwento sa mga mag-aaral ang kuwentong “Si Pagong at si kunho ” gamit ang 5 Finger Retell.

MGA TANONG: Paano nanalo si pagong sa karera laban kay Kuneho ? Bakit natalo si kuneho laban kay pagong ? May kapareho rin ba kayong karanasan kaugnay ng ating kuwentong pinakinggan ? Nagustuhan nyo ba ang wakas ng ating kuwentong pinakinggan ? Bakit? Kung ikaw ang magwawakas ng kwento paano mo ito wawakasan ?

Itinuro sa atin ng kuwento ni Pagong at Kuneho na walang imposible sa nagsusumikap katulad ni Pagong. Ang pagiging mayabang at paghamak sa kakayahan ng kapwa ay masamang ugali at magdudulot sa atin ng ‘di mabuti.

SEQUENCING EVENTS Ngayong malinaw na sa atin ang mga mahahalagang elemento ng isang kuwento . Bubuo kayo ngayon ng sarili ninyong kuwento mula sa mga larawan. Tandaan na dapat mayroon itong tauhan , tagpuan , simula , gitna at wakas.

After/Post-Lesson Proper Making Generalizations and Abstractions Ang pakikinig sa isang nagkukuwento ay isang paraan ng pagpapakita ng paggalang . Ang pakikinig nang mabuti ay isa ring paraan upang maunawaan ang kumpletong kuwento at matukoy ang mahahalagang detalye ng isang kuwento , tulad ng mga tauhan , tagpuan , simula , gitna , at dulo ng kuwento .

After/Post-Lesson Proper Evaluating Learning 5-Finger Retell Mula sa kuwento tungkol sa mga larawan ay gagawan nila ito ng kanilang sariling 5 finger re-tell.

Panuto: Gumawa ng sariling tauhan at tagpuan tungkol sa larawan at isulat ang tamang pagkakasunod- sunod ng pangyayari.   Pangalan ng bata: ____________ Saan ang pangyayari : ____________

IKALAWANG ARAW LANG1LIO-I-1 Talk about one's personal experiences. a. oneself and family b. content-specific topics LANG1LDEI-I-4 Use high?frequency and content?specific words referring to oneself and family.

Before/Pre-Lesson Proper Awitin ang “Pamilyang Daliri”

Masaya ka rin ba kapag kasama mo ang iyong pamilya? Bakit ka masaya ?

Paano mo ilalarawan ang iyong pamilya? Kabilang ka ba sa malaking pamilya o sa maliit na pamilya?

Ano ang ginagawa ng dalawang pamilya sa larawan? Alin sa dalawang pamilya ang may maraming bilang? Alin naman ang may kaunting bilang?

Mga bata ngayon ay pag- aaralan natin ang pagtukoy sanpagkakaiba ng mas marami sa mas kaunti sa pamamagitan ng pagtukoy natin sa mga larawan.

Lesson Language Practice Mas Marami Ang "mas marami " ay nangangahulugang mayroong higit pa o dagdag . Halimbawa, kung may limang kendi si Ana at tatlong kendi si Ben, si Ana ay may "mas marami " kendi kaysa kay Ben. Mas Kaunti Ang "mas kaunti " ay nangangahulugang mayroong mas konti o kulang . Halimbawa, kung may dalawang laruan si Pedro at apat na laruan si Maria, si Pedro ay may "mas kaunti " laruan kaysa kay Maria.

Ang ating babasahin ngayon ay may pamagat na “ Ang Pamilyang May Ginutuang Puso. Ito ay sinulat ni Joy Reposar Oreo. Iginuhit ito ni Rionel R. Plimaco . Nanggaling ang kuwento sa Pilipinas .

Ang kuwento ay tungkol sa pagtutulungan ng pamilya at kung ano-ano ang kanilang ginawa at ibinigay sa kapwa upang makatulong . Sa pakikinig ninyo ng kuwento ay bilangin din natin ang mga bagay na makikita sa kuwento . Handa na bang makinig ang lahat? Simulan na natin!

Comprehension Questions Ano ang pamagat ng kwento ? Sino ang pamilyang nagtutulungan ? Saan kaya nangyari ang kwento ? Ilan ang miyembro ng pamilyang Perez? Paano mo ilalarawan ang pamilyang Perez? Paano nila pinagtulungan ang kanilang gawain? Dapat ba tayong tumulong sa mga gawaing bahay? Bakit?

Tanong 1. Alin sa dalawang larawan ang may mas maraming tanim na gulay ? 2. Alin naman sa dalawang larawan ang may mas kaunting tanim na gulay ?

Tanong 1. Alin pamilya ang may maraming bilang ng miyembro ? 2. Alin pamilya ang may mas kaunting bilang ng miyembro ?

Kayo ba ay lagi ring handang tumulong ? Sa mga gawaing ba ng bahay ay tumutulong din kayo kina nanay at tatay ?

Talakayin ang konsepto ng mas marami at mas kaunti gamit ang mga larawan o mga bagay na makikita sa loob ng silid -aralan.

Role-playing: Tumawag ng mag-aaral na magsasadula ng mga sumusunod na sitwasyon .

Sitwasyon 1. Walang lapis ang iyong kamag -aral, ano ang gagawin mo? Volunteer 1 – Magpapahiram po ako ng isang lapis. Volunteer 2 – Magpapahiram po akong tatlong lapis. Tanong: Sino sa kanilang dalawa ang may mas maraming pinahiram ? Sino naman ang may mas kaunting pinahiram ?

Sitwasyon 2. Nakita mong walang baon ang kamag -aral mo, ano ang gagawin mo? Volunteer 1 – Bibigyan ko po siya ng isang biskwit . Volunteer 2 –Bibigyan ko po siya ng tatlong tinapay . Tanong: Sino sa kanilang dalawa ang may mas maraming binigay ? Sino naman ang may mas kaunting binigay ?

Tandaan: Ang pagtulong sa kapwa ay hindi nasusukat sa dami o kaunti ng ating binigay . Ang mahalaga ay ito ay taos o bukal sa ating puso ang pagtulong . Dahil ba mas maraming pinahiram na lapis o binigay na pagkain ay masasabi na sya ay mas matulungin ?

Maglaro tayo – Tingnan ang dalawang larawan at sabihin kung alin ang mas marami at alin ang mas kaunti . 1. Alin sa mga hinuhugasan ni nanay ang may mas maraming pinggan at alin naman ang may mas kaunti ? A B Sagot : Ang larawan A ay may mas kaunting pinggan na hinuhugasan kaysa sa larawan B na may mas maraming pinggan na hinuhugasan .

Maglaro tayo – Tingnan ang dalawang larawan at sabihin kung alin ang mas marami at alin ang mas kaunti. 2. Alin sa mga dinidiligan ni ate ang may mas maraming halaman at alin naman ang may mas kaunti ? A B Sagot : Ang larawan A ay may mas kaunting halaman na dinidiligan kaysa sa larawan B na may mas maraming halaman na dinidiligan.

Maglaro tayo – Tingnan ang dalawang larawan at sabihin kung alin ang mas marami at alin ang mas kaunti. 3. Alin sa dalawang larawan ang may mas maraming bilang ng nagtutulungan? Alin naman ang may mas kaunting bilang ng nagtutulungan. A B Sagot : Ang larawan A ay may mas maraming bilang ng taong nagtutulungan kaysa sa larawan B na may mas kaunting bilang ng nagtutulungan.

After/Post-Lesson Proper Making Generalizations and Abstractions Hindi ang dami ng mga bagay na iyong ibinabahagi ang mahalaga kundi ang sinseridad sa pagtulong sa iba

After/Post-Lesson Proper Evaluating Learning Paghambingin ang dalawang larawan sa pamamagitan ng pagpili ng tamang sagot. Kulayan ang kahon ng tamang sagot. 1. Ang bilang ng mga mag-aaral sa unang larawan ay __________ kaysa sa bilang ng mag?aaral sa ikalawang larawan. mas marami mas kaunti

After/Post-Lesson Proper Evaluating Learning Paghambingin ang dalawang larawan sa pamamagitan ng pagpili ng tamang sagot. Kulayan ang kahon ng tamang sagot. 2. Ang bilang ng aklat sa unang larawan ay __________ kaysa sa bilang ng aklat sa ikalawang larawan. mas marami mas kaunti

After/Post-Lesson Proper Evaluating Learning Paghambingin ang dalawang larawan sa pamamagitan ng pagpili ng tamang sagot. Kulayan ang kahon ng tamang sagot. 3. Ang bilang ng bulaklak sa unang larawan ay __________ kaysa sa bilang ng mga bulaklak sa ikalawang larawan. mas marami mas kaunti

After/Post-Lesson Proper Evaluating Learning Paghambingin ang dalawang larawan sa pamamagitan ng pagpili ng tamang sagot. Kulayan ang kahon ng tamang sagot. 4. Ang bilang ng mga laruan sa unang larawan ay __________ kaysa sa bilang ng laruan sa ikalawang larawan. mas marami mas kaunti

After/Post-Lesson Proper Evaluating Learning Paghambingin ang dalawang larawan sa pamamagitan ng pagpili ng tamang sagot. Kulayan ang kahon ng tamang sagot. 5. Ang bilang ng mga gulay sa unang larawan ay __________ kaysa sa bilang ng mga gulay sa ikalawang larawan. mas marami mas kaunti

IKATLONG ARAW LANG1LIO-I-2 Participate in classroom interactions using verbal and nonverbal responses. LANG1LDEI-I-3 Use language to express connections between ideas. L ANG1AL-I-3 Recognize how language reflects cultural practices and norms.

Ano ang ginagawa ninyo kung may gusto kayong sabihin sa kaklase ninyo? Before/Pre-Lesson Proper

Maaari din ba tayong makapagbigay ng mensahe na hindi nagsasalita ? Halimbawa, gustong humiram ng lapis ng iyong kaklase . Gusto mo naman siyang pahiramin , ngunit hindi pwedeng magsalita . Ano ang gagawin mo para malaman niya na okay sa iyo na magpahiram ? Before/Pre-Lesson Proper

Halimbawa natuwa ka sa nakita mong palabas ng iyong kaklase . Ano ang gagawin mo para maiparating sa kanila na nagustuhan mo ang kanilang ginawa sa pamamagitan ng kilos at hindi sa salita?

Sa pakikipag-usap , hindi lahat ng pagkakataon , tayo ay nagsasalita upang ipaabot ang mensahe na gusto na gusto nating sabojom . Maari tayong gumamit ng kilos na di- berbal tulad ng mga nabanggit ninyo kanina na pagtango o pagpalakpak . Sa araw na ito ay pag- uusapan natin ang mga kilos na di- berbal sa pakikipag-usap o komunikasyon lalo na sa loob ng ating silid -aralan.

MGA KILOS NA HINDI BERBAL: During/Lesson Proper

Ano ba ang ibig sabihin ng larawang ito? Ang ibig sabihin ng thumbs up ay “ oo ”/”opo” o kaya’y pagsang-ayon. Paano pa ipinapakita ang oo /opo? Pwede rin ang pagtango .

Ito ay pumapalakpak . Ano kaya ang ibig iparating ng kilos di- berbal na ito? Ginagawa natin ito upang ipakita ang ating pagpapahalaga o kasiyahan sa pangyayari o pagkatuwa . Ano ba ang ibig sabihin ng larawang ito?

Kapag itinataas natin ang ating kamay ang ibig sabihin nito ay gusto nating magtanong , magsalita , o magbigay ng opinyon o ideya . Anong kilos di- berbal naman ito? Ano kaya ang ibig sabihin nito?

Ang pagturo (pointing) ay nagpapahiwatig o nagpapakita ng isang bagay na importante . Ano kayang kilos di berbal na ito? Ano kaya ang ibig sabihin nito?

Ito ay kilos ng taga- trapik na pulis na ibig sabihin ay hinto o tigil o stop. Ginagawa rin natin ito kapag may gumagawa ng masama sa ating paligid. Ano kayang kilos di berbal na ito? Ano kaya ang ibig sabihin nito?

GESTURE CHARADES Panuto: Pangkatin ang mga mag aaral sa mas maliliit na grupo . Bigyan ang bawat grupo ng mga larawan ng mga kilos na pinag-usapan . Pumili ng isang card mula sa deck at hayaang ang isang mag- aaral mula sa bawat grupo ay gumanap nito nang tahimik habang ang iba sa grupo ay subukang hulaan kung ano ito . I-encourage ang paggamit ng mga galaw para sa sagot Magpatuloy hanggang sa bawat mag- aaral ay makapagpakita na ng kilos

MATCHING GAME Panuto: Mula sa dating pangkat, ibahagi sa bawat grupo ang mga larawan ng mga kilos na natutunan . Basahin ang isang sitwasyon , at pagkatapos ay ipapakita ng grupo ang larawan ng di- berbal na kilos na tumutugma sa sitwasyon . Pag- usapan ang mga sagot ng mga mag-aaral.

MATCHING GAME Sitwasyon 1 Nagpapaalam ka sa iyong guro na pupunta ka sa palikuran . Isang kilos ang sagot ng iyong guro. Ano ang ibig sabihin ng kilos di berbal na ito? Sitwasyon 2 Habang nagbabasa ng kuwento ang inyong guro tungkol sa “Ang Batang Sumigaw ng Lobo”, tumigil ito saglit at nagtanongtungkol dito. Gusto mong sumagot sa tanong. Ano ang dapat mong gawin? Ano ang ibig sabihin ng kilos di- berbal na ito?

Sitwasyon 3 Nagpakita ng kanyang kakayahan sa pagsayaw ang iyong mga kamag -aral. Anong kilos di- berbal ang gagawin mo sa sitwasyong ito? Bakit ito ang kilos di- berbal na gagawin ninyo? ano ang ibig sabihin nito? Sitwasyon 4 May lumapit sa iyo na hindi mo kilala , at gustong kurutin ang iyong pisngi , anong kilos di- berbal ang gagawin mo? Bakit ito ang gagamitin mo? Ano ang ibig sabihin nito? Sitwasyon 5 Dumating ang nanay ng iyong kamag -aral na may dalang pagkain. Lahat kayo ay binigyan nito. Anong kilos di- berbal ang gagawin ninyo? Bakit ito ang gagawin ninyo? Ano ang ibig sabihin nito?

After/Post-Lesson Proper Making Generalizations and Abstractions Bukod sa pagsasalita , maaari rin nating ipaalam ang ating iniisip at nadarama sa pamamagitan ng mga kilos.

After/Post-Lesson Proper Making Generalizations and Abstractions LET ME TELL YOU Pumili ang tamang kahulugan gamit ang mga non- verbal gesture.Isulat ang titik ng tamang sagot. A. Sang- ayon B. Tumigil C. May gustong Itanong D. Pagturo ng isang bagay E. Pagkatuwa

A B C D E

Sang- ayon Tumigil May gustong Itanong Pagturo ng isang bagay Pagkatuwa A B C D E

IKAAPAT NA ARAW LANG1LIO-I-2 Participate in classroom interactions using verbal and non-verbal responses. LANG1LIO-I-5 Share confidently thoughts, preferences, needs, feelings, and ideas with peers, teachers, and other adults. LANG1LDEI-I-1 Express ideas using a variety of symbols (e.g., drawings, emojis, scribbles).

FEELINGS CHECK IN Alamin kung ano ang nararamdaman ng bawat mag aaral sa simula ng klase sa pamamagitan ng pagpili ng isang larawan ng emosyon. Ipapaliwanag ng maikli ng mga mag aaral kung bakit ganoon ang nararamdaman nila . Before/Pre-Lesson Proper

Pagkatapos ng aralin ito, matutukoy ko ang iba’t-ibang uri ng emosyon batay sa nararamdaman . Igagalang ko ang nararamdaman ng bawat isa. SABIHIN NATIN:

Lesson Language Practice Happiness – kaligayahan Sadness – kalungkutan Anger – galit Surprise – pagkagulat Fear – pangamba o takot Disgust – pagkayamot

Ang mga tao ay nagpapahayag ng kanilang damdamin sa pamamagitan ng emosyon, na ipinapakita sa mukha at galaw ng katawan During/Lesson Proper

Tukuyin ang damdaming ipinapakita ng larawan

EMOTION SORTING Magbigay ng mga larawan o guhit ng mga tao na nagpapakita ng iba't ibang emosyon. Hilingin sa mga mag-aaral na ayusin ito sa mga kategorya ng masaya , malungkot, galit , nagulat , takot , at iba pa.

SHOW ME Ipakita muli ang mga larawan, sabihin sa mga estudyante na pumili ng isa, at gayahin ang mga ekspresyon at kilos ng mukha . Hikayatin silang palakihin ang kanilang mga ekspresyon .

INTENSITY OF EMOTION Ang mga emosyon ay maaaring mag-iba sa antas o kahalagahan. Halimbawa: Ang kwento ng “Ang Bata at ang Lobo” ay nagpapakita ng lumalalang galit o pagkayamot na naramdaman ng mga kapitbahay dahil sa paulit-ulit na kalokohan ng bata. Ang mga magulang o tagapag-alaga ay nagagalit at lalong nagiging galit , lalo na kapag tinatawag nila ang kanilang mga anak at hindi agad sumasagot .

Paano nyo malalaman kung sobrang galit na ang iyong nanay o tatay ? Ano ang dapat gawin upang hindi sobrang magalit ang iyong nanay/ tatay ?

Kailangan na mapansin na ninyo kapag may kaunti nang galit ang iyong magulang upang hindi na kayo gagawa ng lalong magpapagalit sa kanila .

Hatiin ang klase sa apat na pangkat at pabayaang gumanap ang bawat isa ng mga damdamin o emosyon na ipinapakita ng sitwasyon . Sasabihin ng guro ang sitwasyon , at gagawin ito mga pangkat. Kapag sinabing freeze, titigil ang mga mag-aaral at ipapakita sa kanilang mukha ayon sa emosyon na kanilang ginagampanan . Ang grupo na may pinakamalapit na sagot ang mananalo sa laro . SCENARIO NO. 1 Kaarawan mo ngayon, pagmulat mo ng iyong mga mata , Nakita mo na may malaking regalo sa katabi mo. Anong mararamdaman mo? Paint me an emo! (after a minute) Freeze!

SCENARIO NO. 2 Nabalitaan mo na namatay ang inyong algang aso na si Puti . Para na siyang pamilya sa inyo. Ano ang mararamdaman mo? Paint me an emo! (after a minute) Freeze!

SCENARIO NO. 3 Tahimik ang klase. Nakikinig ang lahat sa leksyon ng guro nang biglang yumanig ang paligid at nagsigawan ang lahat ng, “ lindol !” Anong mararamdaman mo? Paint me an emo! (after a minute) Freeze!

SCENARIO NO. 4 Nag-aaral ka ng leksyon sa loob ng klase. Biglang pumasok ang mga kaklase mo at nagsimulang mag- ingay sa paligid mo. Anong mararamdaman mo? Paint me an emo! (after a minute) Freeze!

SCENARIO NO. 4 Nag-aaral ka ng leksyon sa loob ng klase. Biglang pumasok ang mga kaklase mo at nagsimulang mag- ingay sa paligid mo. Anong mararamdaman mo? Paint me an emo! (after a minute) Freeze!

SCENARIO NO. 5 Pagod ka galing sa paaralan. Maghapon kayong nag-aral at gutom ka na. Nais mo ng magpahinga . Ngunit pagdating mo sa bahay, sinabihan ka ng Nanay mo na isasama ka nila sa Manila sa darating na Sabado. Ano ang mararamdaman mo? Paint me an emo! (after a minute) Freeze!

After/Post-Lesson Proper Making Generalizations and Abstractions Dapat nating maunawaan ang emosyon para makasagot ng may paggalang at pagkakaunawaan

Panuto: Piliin ang angkop na emosyon sa bawat sitwasyon . Si Gino ay nanalo sa paligsahan sa pagtakbo . Nakita ni nanay na sinisira ni Lino ang mga halaman sa bakuran . Mag- isa naglalakad sa madilim na kalye si Mika. Nasira ang paboritong laruan ni Ana. Hindi akalain ni Niko na reregaluhan siya ng magandang damit ng kanyang tatay .