Mula sa salitang : Pranses - académié Latin – academia Griyego - academeia Itinuturing na isang institusyon ng kinikilala at respetadong mga iskolar , artista at siyentista na ang layunin ay isulong , paunlarin , palalimin at palawakin ang kaalaman at kasanayang pangkaisipan upang mapanatili ang mataas na pamantayan ng partikular na larangan Akademya
Tumumutukoy sa institusyong pang- edukasyon na maituturing na haligi sa pagkamit ng mataas na kasanayan at karunungan . Elementong bumubuo rito ay mga mag- aaral , guro , administrador , gusali , kurikulum ATBP. Akademya
Nalilinang ang mga kasanayan at natutuhan ang mga kaalamang kaugnay ng larangang pinili , kasanayan sa pagbasa , pakikinig , pagsasalita , panonood at pagsulat na napauunlad sa pagsasagawa ng mga gawain sa larangan . Akademya
Akademikong Filipino Ginagamit sa paraang pasalita o pasulat bilang wika ng intelektwalisasyon Paggamit ng Wikang FILIPINO: upang mapagbuti ang hangaring magiging epektibo ang pagkatuto ng mag- aaral
Akademikong Filipino Sanayin ang mag- aaral sa paggamit ng wikang Filipino sa pamamagitan ng mga sumusunod na pagsasanay : * paggawa ng sanaysay * pagsulat ng panukalang proyekto * pagsulat at pagsuri ng akdang pampanitikan * pagsulat ng artikulo * pananaliksik * pagsulat ng posisyong papel
Akademikong Pagsulat Isang intelektuwal na pagsulat Isang gawain na nakakatulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t-ibang larangan .
Akademikong Pagsulat Ayon kay Carmelita Alejo , et. Al sa aklat na Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik , ang akademikong pagsulat ay may sinusunod na partikular na kumbensiyon tulad ng pagbibigay ng suporta sa mga ideyang pinangangatwiranan . Layunin nitong maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o ng ginagawang pananaliksik .
Bakit mahalagang matutuhan ang akademikong pagsulat ? Question Time!
Nakaaangat sa iba dala ng mahigpit na kompetisyon sa larangan ng edukasyon at pagtatrabaho . Sa pag-aaral , mahalagang masagot ang pagsusulit na nangangailangan ng masusing pagpapaliwanag , makabuo ng organisadong ulat , makapagtala ng mga resulta ng pagsusuri at eksperimentasyon at makalikha ng papel pananaliksik .
Sa mundo ng empleyo , kailangang marunong magsulat ng liham aplikasyon , may kakayahang gumawa ng project proposal, gumawa ng anunsiyo , umapela sa paglilikom ng ondo , sumagot sa mga paki usap at tanong ng kliyente , makapagpasa ng makabuluhang ulat na pinaggagawa ng manager at iba pa.
Mahalagang Ideya ! Sa paaralan at unibersidad , sinasanay ang bawat mag- aaral na matutuhan at magkaroon ng sapat na kasanayan sa akademikong pagsulat .
Katangian ng Akademiko at Di- Akademiko Akademiko Di- Akdemiko LAYUNIN: Magbigay ng ideya at impormasyon Magbigay ng sariling opinyon
Katangian ng Akademiko at Di- Akademiko Akademiko Di- Akdemiko Paraang o batayan ng datos : Obserbasyon , pananaliksik at pagbabasa Sariling karanasan , pamilya at komunidad
Katangian ng Akademiko at Di- Akademiko Akademiko Di- Akdemiko Auidience : Iskolar, mag- aaral , guro ( akademikong komunidad ) Iba’t ibang publiko
Katangian ng Akademiko at Di- Akademiko Akademiko Di- Akdemiko Auidience : Iskolar, mag- aaral , guro ( akademikong komunidad ) Iba’t ibang publiko
Katangian ng Akademiko at Di- Akademiko Akademiko Di- Akdemiko Organisasyon ng ideya : Planado ang ideya May pagkakasunod-sunod ang estruktura ng mga pahayag Magkakaugnay-ugnay ang mga ideya Hindi malinaw ang estruktura Hindi kailangang magkakaugnay ang mga ideya
Katangian ng Akademiko at Di- Akademiko Akademiko Di- Akdemiko Pananaw : Obhetibo Hindi direktang tumutukoy sa tao at damdamin kundi sa mga bagay , ideya , facts Hindi direktang tumutukoy sa tao at damdamin , at hindi gumagamit ng pangalawang panauhan Subhetibo Sariling opinyon , pamilya , komunidad ang pagtukoy Tao at damdamin ang tinutukoy Nasa una at pangalawang panauhan ang pagkakasulat
Katangian ng Akademiko at Di- Akademiko Akademiko Di- Akdemiko Halimbawang Gawain: Pagbasa ng ginagamit na teksto sa klase Pakikinig ng lektyur Panonood ng video o dokumentaryo Pagsasalita at pakikipagdiskurso sa loob ng klase o isang simposyum Pagsulat ng sulatin o pananaliksik Panonood ng pelikula o video upang maaliw o magpalipas-oras Pakikipag-usap sa sinuman ukol sa paksang di- akademiko Pagsulat sa isang kaibigan Pakikinig sa radio Pagbasa ng komiks , magasin o diyaryo
Cummins (1979) Akademiko Di- Akdemiko Pang- eskuwelahan , pang- kolehiyo Cognitive Academic Language Proficiency Pormal at intelektuwal Pang- eskuwelahan , pang- kolehiyo Cognitive Academic Language Proficiency Pormal at intelektuwal
Kalikasan ng Akademikong Pagsulat
May ilang kalikasan ng akademikong pagsulat na sinusunod ng nakararami . Tatlo sa mga ito , ayon kina Fulwiler at Hayakawa (2003)
1. Katotohanan – Ang isang mahusay na akademikong papel ay nagpapakita na ang manunulat ay nakagagamit ng kaalaman at metodo ng displinang makatotohanan . 2. Ebidensya – Ang mga iskolar sa lahat ng disiplina ay gumagamit ng mga mapagkakatiwalaang ebidensya upang suportahan ang katotohanang kanilang inilalahad .
3. Balanse – Nagkakasundo ang halos lahat ng akademya na sa paglalahad ng mga haka, opinyon at argumento ay kailangang gumamit ng wikang walang pagkiling , seryoso at di- emosyonal nang maging makatwiran sa mga nagsasalungatang pananaw .
Layunin ng Akademikong Pagsulat
TATLONG LAYUNIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT Mapanghikayat na Layunin Mapanuring Layunin Impormatibong Layunin
MAPANGHIKAYAT NA LAYUNIN Sa akademikong pagsulat na ito , layunin ng manunulat na mahikayat ang kanyang mambabasa na maniwala sa kanyang posisyon hinggil sa isang paksa .
MAPANURING LAYUNIN Tinatawag din itong analitikal na pagsulat . Ang layunin dito ay ipinaliwanag at suriin ang mga posibleng sagot sa isang tanong at piliin ang pinakamahusay na sagot batay sa ilang pamantayan .
IMPORMATIBONG LAYUNIN Sa impormatibong akademikong pagsulat ipinaliliwanag ang mga posibleng sagot sa isang tanong upang mabigyan ang mambabasa ng bagong impormasyono kaalaman hinggil sa isang paksa .
TUNGKULIN O GAMIT NG AKADEMIKONG PAGSULAT
1. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng kahusayan sa wika . Sa apat na makrong kasanayang pangwika , pagsulat ang pinakahuli ., sapagkat ang Pagsulat ang pinakahuling natutunan ng isang tao at siyang pinakamahirap linangin , kumpara sa pakikinig , pagsasalita at pagbasa , kaya nga gayon na lamang ang pagtutuon ng pansin ng mga paaralan sa kasanayang ito .
2. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mapanuring pag-iisip . Ang akademikong pagsulat ay tinitignan bilang isang proseso , kaysa bilang isang awtput . Ang prosesong ito ay maaaring kasangkutan ng pagbasa , pagsusuri , pagpapasya at iba pang mental o pangkaisipang gawain .
3. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mga pagpapahalagang pantao . Hindi lamang kaalaman at kasanayan ang nililinang sa paaralan . Higit na mahalaga sa mga ito , tungkulin din ng edukasyon ang linangin ang mga kaayang-ayang pagpapahalagang o values sa bawat mag- aaral ..
4. Ang akademikong pagsulat ay isang paghahanda sa propesyon . Hindi lamang mga propesyonal na manunulat tulad ng mga mamamahayag at mga awtor ang nagsusulat . Halos lahat ng maiisip na propesyon ay kinasasangkutan ng pagsulat .
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Akademikong Pagsulat
OBHETIBO batay sa pag-aaral at pananaliksik ang mga datos na gagamitin Iwasan ang pagiging subhetibo o personal na opinyon o paniniwala sa paksang tatalakayin hal . Batay sa aking pananaw / ayon sa aming haka- haka o opinyon
PORMAL Iwasan ang paggamit ng mga salitang balbal o kolokyal Gumamit ng salitang pormal na madaling maunawaan ng mambabasa at ang paglalahad ng mga kaisipan impormasyon ay malinaw .
MALIWANAG AT ORGANISADO Talata : pilimpili ang pag-uugnay ng mga parirala ; kakikitaan ng maayos na pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap . Ang punong kaisipan o main topic ay dapat mapalutang o mabigyang-diin
hindi dapat pabago-bago ang paksa Layuning mapanindigan ang paksang isusulat Maging matiyaga sa pagsasagawa ng pananaliksik at pagsisiyasat ng mga datos sa napiling paksa MAY PANININDIGAN
bigyan ng nararapat na pagkilala ang ginamit na sanggunian ng mga nakalap na datos o impormasyon isa itong paraan ng pagpapakita ng paggalang sa mga taong nakatulong sa iyo bilang bahagi ng etika ng akademikong pagsulat upang higit na mapagtibay ang kahusayan at katumpakan sa pagsusulat MAY PANANAGUTAN
Abstrak Sintesis / Buod Bionote Panukalang Proyekto Talumpati Agenda Katitikan ng Pulong Posisyong Papel Replektibong Sanaysay Pictorial Essay/Photo Essay Lakbay-Sanaysay MGA URI NG AKADEMIKONG SULATIN
Maikling buod ng pananaliksik Abstrak
Uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kwento , nobela , dula , parabula at iba pang genre ng panitikan . Sintesis o Buod
Uri ng lagom sa pagsulat ng isang personal profile ng isang tao . Ito ay ginagamit sa pagsulat ng bio-data at resume. Ang pangunahing nilalaman ay personal information, educational background Credential o mga karangalan ng persona. Bionote
Sulating naglalaman ng proposal sa proyektong nais ipatupad . May layunin itong magbigay ng resolba sa mga problema o suliranin . Panukalang Proyekto
Isang sulatin kung saan may layuning maghatid ng impormasyon ukol sa gaganaping pagpupulong o pagtitipon . Nakapaloob dito ang oras , petsa at lugar sa gaganaping pagpupulong . Memorandum
Uri ng akademikong pagsulat na pormal na nagpapahayag at binibigkas sa harap ng mga tagapanood o tagapakinig . Talumpati
Pagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong . Adyenda
Opisyal na tala ng impormasyon at mahahalagang detalye na tinatalakay sa isang pulong Katitikan ng Pulong
Isang salaysay na naghahayag ng posisyon , pananaw opinyon ng may akda o entidad ukol sa isang napapanahon o kontrobersyal na na paksa . Sulating nagpapakita ng paninindigan tungkol sa isang isyu Posisyong Papel
Isang sulatin ng isang manunulat tungkol sa pagbabalik tanaw o pagninilay sa sariling karanasan Replektibong Sanaysay
Pagsasalaysay gamit ang mga larawan Pictorial Essay
Isang personal na salaysay tungkol sa paglalakbay . May layuning magbahagi ng karanasan at makapagbigay inspirasyon . Lakbay Sanaysay