This is the lesson 1 of quarter 2 of the new core subject "Mabisang Komunikasyon" from the Strengthened Senior High School Curriculum.
Size: 6.18 MB
Language: none
Added: Sep 23, 2025
Slides: 18 pages
Slide Content
Panoorin Mo: Kultura sa Lente Panoorin ang isang maikling dokumentaryo or dramatikong eksina na nagpapakita ng dalawang magkaibang kontekstong panlipunan . Hal. Komunikasyon sa tahanan ng isang Pilipino vs. Diyalogo ng OFW. “OFW DIARIES: A DUBAI SHORT FILM” by Melrish
Gawain: Panuto : Sagutin ang graphic organizer o Venn Diagram na inihanda upang ihambing ang dalawang konteksto . Talakayin sa plenaryo ang epekto ng kamalayang kultural sa kanilang pagkakaintindi sa bawat tagpo .
Harapang usapan May sariling wika / diyalekto Madalas sabay kumain May yakap , tapik , ngiti Mabilis ang pagresolba ng isyu . Komunikasyon sa Tahanan ng Pilipino Diyalogo ng OFW Video call/chat/ tawag Limitado ang oras (time zone/internet) Puno ng pangungulila Maingat magsalita Malayo , walang pisikal na kilos Nakasentro sa pagmamahal Pagpapalakas ng ugnayan May verbal at Non-verbal cues Nakaaapekto sa emosyon at kultura
PICTO-SURI Suriin ang larawan at sagutin ang mga tanong na nasa ibaba : Ano- ano ang maaring nakapaloob na balita sa radyo ? Paano ginamit ang bawat pangungusap sa pakikipagkomunikasyon ng isang DJ sa radyo ? Anong lengguwahe ang maari niyang gamitin sa pakikipagkomunikasyon sa tao ?
Komunikasyon at Kulturang Pilipino
Konteksto Ano ang sitwasyon o pangyayari sa likod ng usapan o mensahe , at paano ito nakaapekto sa kahulugan ng sinabi ? Halimbawa : Kung ang OFW ay tumatawag mula abroad, ang mensahe ay puno ng pangungulila — naiiba ito kumpara kung sila’y nasa bahay lang. -ay tumutukoy sa kabuuang kalagayan o sitwasyon na nakapaligid sa isang pangyayari , pahayag , o akda na nagbibigay-linaw sa tunay na kahulugan nito .
Wika Bakit kaya ganitong uri ng wika ang ginamit , at paano nito naipapahayag ang intensyon o damdamin ng nagsasalita ? Halimbawa : Paggamit ng “ Ingat ka palagi” o “Miss na kita ” bilang pagpapahayag ng pagmamahal , ngunit may halong pag-aalala . -ay ang sistemang ginagamit ng tao sa pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng mga salita , tunog , simbolo , o kilos upang maipahayag ang kanilang kaisipan , damdamin , karanasan , at kultura .
Non-Verbal Cues Ano ang kahulugan ng kilos, galaw , at ekspresyon ng nagsasalita , at paano ito nakatulong sa pag-unawa sa mensahe ? Halimbawa : Pagngiti ng OFW kahit umiiyak → nagpapakita ng pagtatakip ng lungkot upang hindi mag-alala ang pamilya . -ay tumutukoy sa mga sensyales o paraan ng pagpapahayag ng mensahe o pakikipag-usap na hindi gumagamit ng salita .
Panlipunang Gampanin Ano ang papel o katayuan ng taong nagsasalita sa lipunan , at paano ito nakaimpluwensya sa paraan ng kanyang pakikipagkomunikasyon ? Halimbawa : OFW bilang breadwinner → mas may bigat ang kanyang mga salita , dahil siya ang pangunahing tagasuporta ng pamilya . -ay tumutukoy sa tungkulin o papel na ginagampanan ng isang tao sa lipunan batay sa kanyang katayuan , posisyon , o ugnayan sa iba .
Normatibong Kilos Ang kilos ba ng tagapagsalita ay naaayon sa inaasahang asal ng lipunan , at ano ang ipinapakita nito tungkol sa kultura o paniniwala ? Halimbawa : OFW na tinitiis ang hirap at lungkot para sa pamilya → naaayon sa kultural na pagpapahalaga ng sakripisyo at pag-aaruga sa pamilya . -ay tumutukoy sa mga gawain o asal ng tao na nakabatay sa pamantayan ng tama at mali na itinakda ng lipunan , moralidad , o batas.
Gawain: Kultura Ko, Kultura Mo Sagutin ang mga tanong na nasa ibaba : 1. Paano mo mailalarawan ang inyong kultura sa loob ng pamilya ? 2. Mayroon bang partikular na tradisyon na lagi ninyong isinasagawa ? Bakit ito mahalaga sa inyo ? 3. Paano kayo nag- uusap at nagpapahayag ng damdamin sa loob ng inyong pamilya ? Madalas ba itong bukas o may mga hindi pinag-uusapan ? 4. Paano tinuturo sa inyo ang paggalang sa matatanda at nakababata ? 5. Ano ang papel ng relihiyon (kung meron) sa inyong pamilya ?
Isabuhay , Lagyan ng Kulay: Sitwasyon sa Paaralan Panuto : Bumuo ng isang role play na nagpapakita ng dalawang magkaibang panlipunang konteksto . Halimbawa : Urban vs. Rural ) kung saan may isyung kultural sa komunikasyon Halimbawa : Maling pagkakaintindi dahil sa wika o kilos.) Magkakaroon ng talakayan pagkatapos upang suriin ang naging mensahe at kahalagahan ng kamalayang kultural .
Halimbawa ng Role Play Situations: Urban vs. Rural Urban Student: Sanay sa mabilis na pananalita , paggamit ng English o Taglish . Rural Student: Mas banayad magsalita , mas gumagamit ng sariling wika o diyalekto . 👉 Isyu : Hindi agad nagkaintindihan dahil sa magkaibang paraan ng pagpapahayag . 👉 Aral: Kailangan ng pasensya at pag-unawa sa iba’t ibang paraan ng komunikasyon .
Rubriks para sa Role Play Pamantayan Lubos na Mahusay (10) Mahusay (8-9) Mahusay- husay (6-7) Dapat Pang Pagbutihin (1-5) Nilalaman Tumpak at malalim ang representasyon ng dalawang magkaibang konteksto , malinaw ang mensahe tungkol sa kamalayang kultural Malinaw ang pagkakaiba ng konkeksto at maipapakita ang mensahe ng kamalayang kultural May pagsisikap na ipakita ang pagkakaiba , ngunit kulang ang lalim ng menshae Hindi malinaw ang konteksto at layunin ; hindi naipapakita ang tema Orihinalidad at Pagkamalikhain Natatangi at malikhaing presentasyon ; epektibo ang paggamit ng mga simbolo , wika , o kilos May pagkamalikhain at orihinalidad ; naipapakita sa ibang bahagi ng dula Karaniwan ang konsepto ; kulang sa makabagong paraan ng presentasyon Paulit-ulit or kinopya ang konsepto ; walang orihinalidad Pagganap at Kooperasyon Mahusay ang pagganap ng lahat ng miyembro ; may malinaw na kooperasyon at koordinasyon Aktibo ang lahay ng miyembro ; may ilang aberya pero naayos Hindi pantay ang partisipasyon ; may mga miyembro na hindi gaanong lumahok Karamihan ay walang koordinasyon ; limitado ang partisipasyon
Rubriks para sa Role Play Pamantayan Lubos na Mahusay (10) Mahusay (8-9) Mahusay- husay (6-7) Dapat Pang Pagbutihin (1-5) Paggamit ng Wika Wasto at angkop ang gamit ng wika sa bawat konteksto ; may pagpapakita ng lokal o katutubong wika Wasto ang wika at may kaunting lokal na gamit May ilang pagkakamali sa gamit ng wika ; hindi consistent Mali- mali ang gamit ng wika ; hindi akma sa tema Pagsusuri at Repleksyon Napakahusay na pagtatalakay sa kahalagahan ng kamalayang kultural sa talakayan pagkatapos ng role play Naipaliwanag nang maayos ang mensahe ; may koneksyons sa aktwal na presentasyon Pangkalahatang pagsusuri lamang ; kulang sa koneksyon sa dula Hindi malinaw ang nagging pagsusuri o hindi nagkaroon ng pagtatalakay
“BABANG LUKSA” BY: Diosdado Macapagal Kilala bilang “Poor Boy from Lubao ” dahil nagmula siya sa isang mahirap na pamilya sa Lubao , Pampanga, at nagsumikap sa pag-aaral hanggang maging abogado, diplomat, at pangulo . Isang Manunulat at Makata: Bago pa man siya pumasok sa pulitika , sumulat siya ng mga tula sa Kapampangan, kabilang ang “ Pabanua ” ( na isinalin sa Filipino bilang “ Babang Luksa”). Advokasiya para sa Kultura at Wika : Kilala siya sa pagtataguyod ng wikang pambansa at pagpapahalaga sa katutubong sining at panitikan .
Gawain: Sagutin ang mga tanong tungkol sa tula na “ Babang Luksa” Ano ang iyong unang reaksiyon sa iyong nabasa ? Ano ang naalala mong karanasan o paniniwala kaugnay nito ? Ano ang damdamin ng nagsasalita sa tula tungkol sa pagpanaw ng kanyang minamahal , at paano ito ipinakita sa mga saknong ? Aling mga imahe o paglalarawan sa tula ang nagpapakita ng kanilang masasayang alaala ? Bakit sinabi ng nagsasalita na “ang ating pagsintang masidhi’t marangal / hindi mamamatay , walang katapusan ”? Ano ang palagay mong layunin ng tagapagpahayag ? Anong bahagi ang tumukoy sa kultura ? Bakit mo ito nasabi ?
Pamprosesong Tanong : “ Upuan ” by Gloc 9 Ano ang layunin ng video? Anong kultural o panlipunang isyu ang tinalakay ? Ano ang iyong pananaw at naramdamang damdamin ? Anong simbolo ang ginamit sa kanta at ano ang kahulugan nito ? Sa anong paraan ipinapakita ng kanta ang kalagayan ng karaniwang Pilipino? Paano mo ikokonekta ang mensahe ng kanta sa kasalukuyang mga pangyayari ng bansa ?