LESSON EXEMPLAR FOR _G1_GMRC_Q2_W2_RTP.pdf

ShirlyRoseCinco 2 views 16 slides Sep 13, 2025
Slide 1
Slide 1 of 16
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16

About This Presentation

lesson exemplar for GMRC


Slide Content

1
Lingguhang Aralin
sa GMRC

Linggo
2
Kuwarter 2

Lingguhang Aralin sa GMRC 1
Kuwarter 2: Linggo 2
SY 2024-2025

Ang materyal na ito ay gagamitin lamang para sa pagtuturo ng mga guro at pagkatuto ng mga mag-aaral sa MATATAG K to 10 Kurikulum.
Layunin nitong maging batayan sa paghahatid ng mga nilalaman, pamantayan, at kasanayang pampagkatuto ng kurikulum. Ipinagbabawal ang
anumang hindi awtorisadong pagkopya, pagrebisa, paggamit o pagbahagi ng materyal na ito. Anumang paglabag o hindi pagsunod sa itinakdang
saklaw ay maaaring magresulta sa kaparusahan alinsunod sa legal na hakbang.

Ang ilan sa mga akdang ginamit sa materyal na ito ay orihinal. Pinagsumikapan ng mga bumuo ng materyal na makuha ang pahintulot
ng mga manunulat sa paggamit ng iba pang akda at hindi inaangkin ang karapatang-ari ng mga ito.

Tiniyak din ang kawastuhan ng mga impormasyong nasa materyal na ito. Para sa mga katanungan o puna, maaaring sumangguni sa
Tanggapan ng Direktor ng Kagawaran ng Edukasyon – NCR sa pamamagitan ng pagtawag sa mga numerong (02) 85229412 o pagpapadala
ng email sa [email protected].

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Juan Edgardo “Sonny” M. Angara
Pangalawang Kalihim: Gina O. Gonong



Pangkat Tagapaglinang
Manunulat: MARY ANN BERNADETTE I. LUCIANO
Tagasuri ng Nilalaman: PRECIOSA N. CABINBIN, VICTORIA R. LANDICHO,
MARIA CECILIA P. LARA, SARAH T. MIRALLES
Tagasuri ng Wika: EVELYN REVELALA-RAMOS
Tagaguhit: ERIC DE GUIA
Tagalapat: VERGEL JUNIOR C. EUSEBIO

Pangkat Tagapamahala
JOCELYN DR ANDAYA CESO III, Panrehiyong Direktor
CRISTITO A. ECO CESO III, Katuwang na Panrehiyong Direktor
MICAH G. PACHECO, Nanunuparang Hepe na Tagamasid sa Edukasyon
DENNIS M. MENDOZA, Panrehiyong Tagamasid sa Programang Edukasyon - LR
ROLAND MONTES , Panrehiyong Tagamasid sa Programang Edukasyon - GMRC
PRECIOSA N. CABINBIN, Pansangay na Tagamasid sa Programang Edukasyon - GMRC

1
MATATAG Kto10
Kurikulum
Lingguhang Aralin
Paaralan: Baitang: 1
Pangalan ng Guro: Asignatura: GMRC
Petsa at Oras ng Pagtuturo: Kuwarter: Ikalawang
Markahan/
Ikalawang Linggo

UNANG LINGGO UNANG ARAW IKALAWANG ARAW IKATLONG ARAW IKAAPAT NA ARAW
I. NILALAMAN, MGA PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO NG KURIKULUM
A. Pamantayang
Pangnilalaman
Natututuhan ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagtulong sa mga gawain ng pamilya.
B. Pamantayan sa
Pagganap
Naisasagawa ng mag-aaral ang pagtulong sa mga gawain ng pamilya na nagpapakita ng pagiging
matulungin.
C. Lilinanging
Pagpapahalaga
Matulungin (Helpful)
D. Mga Kasanayang
Pampagkatuto
Naipakikita ang pagiging matulungin sa pamamagitan ng pagtulong sa mga gawain ng pamilya sa tahanan ayon
sa kakayahan.
a. Natutukoy ang mga paraan ng pagtulong sa mga gawain ng pamilya sa tahanan
b. Naisasaalang-alang na ang pagtulong sa mga gawain ng pamilya sa tahanan ay may mabuting
epekto
c. Nailalapat ang mga paraan ng pagtulong sa mga gawain ng pamilya na nagpapagaan ng mga
gawain nito (hal. Pagdidilig ng halaman, pagliligpit ng gamit sa silid, pagtutupi ng damit,
pagliligpit ng hinigaan, pagbantay sa mas nakababatang kapatid)
E. Mga Layunin Nakikilala ang mga iba't
ibang uri ng gawaing
bahay
Natutukoy ang mga
gawaing bahay na kayang
gawin ayon sa edad at
kakayahan
Naipapaliwanag ang
kahalagahan ng
pagtulong sa mga
gawaing bahay.
Naipakikita ang
pagiging matulungin
sa pamamagitan ng
pagsasagawa ng mga
gawaing-bahay.
F. Disenyong
Instruksyunal
Pagsusuri, Empathize Pagsusuri, Empathize Pagsusuri, Social Emotional
Learning (SEL)
Pagsusuri, Social
Emotional Learning
(SEL)

G. 21
st Century Skills Communication Skills,
Collaboration
Communication Skills,
Collaboration
Communication Skills,
Critical Thinking,
Collaboration
Communication Skills,
Critical Thinking,
Collaboration

2
H. Integrasyon EPP
Science-Cleanliness
MAPEH - Health
EPP
Science-Cleanliness
MAPEH - Health
EPP
Science-Cleanliness
MAPEH - Health
EPP
Science-Cleanliness
MAPEH - Health
II. NILALAMAN/PAKSA Pagtulong sa mga Gawain ng Pamilya sa Tahanan
A. Mga Sanggunian GMRC Grade 1
Curriculum Guide
GMRC Grade 1 Curriculum
Guide
GMRC Grade 1 Curriculum
Guide
GMRC Grade 1
Curriculum Guide
B. Iba pang
Kagamitan
https://diksiyonaryo.ph/
https://tinyurl.com/IllusbyEr
icdeguia

Canva.com

https://diksiyonaryo.ph/
https://ph.pinterest.com/pin/492649
949889106/
https://tinyurl.com/IllusbyEricdeg
uia
https://www.youtube.com/watch?v=z
K6wtmGZb4w

https://www.youtube.com/
watch?v=0C70sFbuoT0

III. MGA PAMARAANG PANTURO AT PAMPAGKATUTO
Bago Ituro ang Aralin

Panimulang Gawain

Pagbati

Sabihin sa mga mag-
aaral: Magandang araw
sa inyong lahat!
Bago tayo magsimula ay
tumayo muna tayo para
sa isang panalangin.

Ginagawa ba ninyo ang
gawaing ito? (Ipakita ang
larawan ng tinutukoy na
gawain/tungkulin ng
bata)


Mga Gawain:



Pagsisipilyo

https://tinyurl.com/IllusbyEricdeguia

Pagbati

Sabihin sa mga mag-aaral:
Magandang araw sa inyong
lahat!
Bago tayo magsimula ay
tumayo muna tayo para sa
isang panalangin.

Balik-aral:
Itanong sa mga mag-aaral:
Sa ating napag-aralan
kahapon, ano-ano ang mga
iba’t ibang uri ng gawaing
bahay?

Pagganyak
Ipakita ang dalawang
larawan.





Pagbati

Sabihin sa mga mag-aaral:
Magandang araw sa inyong
lahat!
Bago tayo magsimula ay
tumayo muna tayo para sa
isang panalangin.

Balik-aral:
Itanong sa mga mag-aaral:
Sa ating napag-aralan
kahapon, ano ang mga
gawaing bahay na kayang
gawin ni bunso? Ni ate? Ni
kuya?

Pagganyak:
Sino rito ang gustong
maging superhero?
Alam niyo ba na hindi lang
ang mga superheroes sa TV
Pagbati

Sabihin sa mga mag-
aaral: Magandang araw
sa inyong lahat!
Bago tayo magsimula ay
tumayo muna tayo para
sa isang panalangin.

Balik-aral:
Itanong sa mga mag-
aaral:
Sa ating napag-aralan
kahapon, ano ang
kahalagahan ng
pagtulong sa gawaing
bahay?
Pagganyak
Ipakita ang mga
larawan.

3



Pagligo

https://tinyurl.com/IllusbyEricdeguia


Pagtatapon ng
basura sa
tamang
basurahan sa
tahanan

https://tinyurl.com/IllusbyEricdeguia


https://tinyurl.com/IllusbyEricdeguia

Itanong:
1. Ano ang nakikita ninyo
sa dalawang larawan?

2. Sa inyong palagay,
maaari ba ninyong magawa
mag-isa ang mga ito?
Bakit?

ang may kakayahang
tumulong? Pati tayo,
puwede rin tayong maging
superhero sa ating sariling
bahay!
Sino sa inyo ang marunong
magwalis? Sino ang
tumutulong sa paghuhugas
ng pinggan?
Itaas ang kanang kamay
kung sino ang nakapag-
aayos na inyong kama.
Ang mga gumagawa ng
mga gawaing bahay ay
parang mga superheroes!
Nakatutulong sila sa
kanilang pamilya upang
maging masaya at magaan
ang araw.

https://tinyurl.com/IllusbyEricdeg
uia
Itanong:
1. Ano ang nakikita
ninyo sa larawan?
2. Sino sa inyo ang
gumagamit ng mga ito
sa paglilinis ng bahay?

4
Gawaing Paglalahad ng
Layunin
ng Aralin
Sabihin sa mga mag-
aaral:

Sa araling ito, kayo ay
inaasahan na malaman
ang iba’t ibang uri ng
gawaing bahay.

Itanong sa mag-aaral:

Ano ang iyong ginagawa
kapag marumi ang inyong
bahay?

(Pasasagutin ang mga
mag-aaral ng pasalita)
Sabihin sa mga mag-aaral:

Sa araling ito ay inaasahan
na matukoy ninyo ang mga
gawaing bahay na kaya
inyong gawin ayon sa
inyong edad at kakayahan.

Itanong sa mag-aaral:

1. Ano ang iyong dapat
gawin kapag umiiyak ang
iyong nakababatang
kapatid?

2. Ano ang iyong gagawin
kapag natapon mo ang
tubig sa mesa?

(Pasasagutin ang mga mag-
aaral ng pasalita)

Sabihin sa mga mag-aaral:

Sa araling ito ay inaasahan
na maipaliwanag ninyo ang
kahalagahan ng pagtulong
sa mga gawaing bahay.

Itanong sa mag-aaral:

1. Sino rito ang tumutulong
sa kanilang mga magulang
sa bahay? Anong mga
gawain ang ginagawa ninyo?

Banggitin ang sumusunod:

• Paghuhugas ng
pinggan
• Pag-aayos ng kama
• Pagluluto
• Pagwawalis
• Pag-aayos ng mga
laruan
• Pagtutulungan sa
paghahanda ng
pagkain

Ano ang napapansin niyo sa
mga gawain na ito? Madali
ba ang mga ito o minsan
mahirap?
(Pasasagutin ang mga
mag-aaral ng pasalita)
Sabihin sa mga mag-
aaral:

Sa araling ito ay
inaasahan na
mailalarawan ninyo ang
pagiging matulungin sa
pamamagitan ng mga
gawaing bahay.

Itanong sa mag-aaral:

1. Bakit kailangan
nating tumulong sa
bahay?

Ang pagtulong ay
mahalaga dahil
nagiging malinis at
maayos ang bahay.

Palagi nating tandaan
na masarap tumira sa
bahay na maayos at
malinis dahil lahat ay
nagtutulungan.
Gawaing Pag-unawa sa
mga Susing-
Salita/Parirala o
Mahahalagang Konsepto
Sabihin sa mga mag-
aaral:

Sabihin sa mga mag-aaral:

Ngayon ay ating pag-
usapan ang ilang salita
Sabihin sa mga mag-aaral:

Kapag tumutulong tayo sa
mga gawain, hindi lamang
Sabihin sa mga mag-
aaral:

5
sa Aralin
Ngayon ay ating pag-
usapan ang ilang salita
upang mas maunawaan
ang mga gawaing bahay.

gawaing bahay- mga
tungkulin o serye ng
aktibidad na isinasagawa
araw-araw sa loob ng
tahanan upang
mapanatili ang kaayusan
at kalinisan nito.
https://www.tagalog.com
/monolingual-
dictionary/gawaing-bahay

paglilinis - kilos o paraan
para gawing malinis ang
isang bagay.
https://diksiyonaryo.ph/
upang mas maunawaan
ang mga gawaing bahay na
naaayon sa inyong edad at
kakayahan.

lababo - pook na may gripo
at pansahod ng tubig ukol
sa paghuhugas.
https://diksiyonaryo.ph/

bunót - makapal na balat
ng niyog, karaniwang
ginagamit na panlinis at
pampakintab ng sahig.
https://www.tagaloglang.c
om/bunot/

natin pinapadali ang
trabaho ng mga magulang,
kundi natutulungan din
nating maging maayos at
masaya ang ating tahanan.

Ang pagtulong sa mga
gawaing bahay ay para sa
lahat—bata man o matanda.
Sa ganitong paraan, lahat ay
nagtutulungan upang mas
maging magaan ang
trabaho.
Ngayon ay ating pag-
usapan ang ilang salita
upang mas maunawaan
ang ating aralin.

Kusang palo - isang
halimbawa ng idyoma o
talinghagang
bukambibig na ang ibig
sabihin ay ang pagkilos
ng hindi inuutusan,
may kahandaan, o
bukal sa loob.
https://brainly.ph/

Habang Itinuturo ang Aralin
Pagbasa sa
Mahahalagang
Pag-unawa/Susing
Ideya
Ipakita sa mga mag-aaral
ang sumusunod na mga
larawan:

a) magkapatid na
naglilinis ng bahay
b) mag-aaral na nagtapon
ng balat ng kendi
c) babaeng nagdidilig ng
halaman
d) babaeng nagpupunas
ng lamesa

(Gabayan ang mag mag-
aaral sa paggawa ng
Gawain 1)
Pag-iisa-isa sa pamantayan
sa panonood:
1. Umupo nang maayos.
2. Tumahimik upang
makapanood nang
maayos.
3. Unawain ang mensahe
ng pinapanood.
4. Humanda sa Talakayan

Panoorin ang video:
https://www.youtube.com/
watch?v=zK6wtmGZb4w

Makinig sa isang maikling
kuwento.
Si Anna, Ang Batang
Matulungin
Si Anna ay isang masipag at
matulungin na batang
walong taong gulang. Isang
araw, habang si Nanay ay
abala sa pagluluto,
napansin ni Anna na
maraming kalat sa kanilang
sala. Naisip ni Anna na
kailangan niyang tumulong,
kaya’t nagpasya siyang
Panoorin at pakinggan
ang isang maikling
kuwento.

https://www.youtube.co
m/watch?v=0C70sFbuo
T0

6
Gawain 1
Panuto: Bilugan ang mga
larawang nagpapakita ng
gawaing bahay.






https://tinyurl.com/Illu
sbyEricdeguia






https://tinyurl.com/Illu
sbyEricdeguia

Itanong ang sumusunod:

1. Ginagawa rin ba ninyo
ang mga gawaing-bahay
na nasa larawan?
2. Alin sa mga larawan
ang nagpapakita ng
wastong paglilinis ng
bahay?
3. Kung gusto mong
makatulong a paglilinis
ng bahay, ano ang iyong
dapat gawin?


Kahulugan ng mga salitang
napanood sa bidyu.

Bunso
4-6 taong gulang: pagliligpit
ng laruan, pag-abot ng mga
gamit

Ate
7-9 taong gulang:
paghuhugas ng plato,
pagtiklop ng damit

Kuya
10-12 taong gulang:
pagbubunot ng sahig,
magkumpuni ng sirang
bisikleta

1. Ayon sa napanood
ninyong video ano ang mga
gawaing bahay na kaya na
ninyong gawin?
• 2. Bakit may mga
gawaing bahay kayo
na hindi pa kayang
gawin?
iligpit ang mga laruan ng
kanyang kapatid na
nagkalat sa sahig.
"Nanay, gusto ko pong
tumulong," sabi ni Anna.
"Salamat, Anna," sabi ni
Nanay. "Puwede mong iligpit
ang mga laruan at iwalis
ang sahig?"
Agad na kumuha si Anna ng
walis at sinimulan niyang
linisin ang sahig pagkatapos
niyang iligpit ang mga
laruan. Kahit maliit pa siya,
alam niya kung paano
magwalis nang maayos.
Nang matapos si Anna,
malinis na ang sala, at
natuwa si Nanay sa kanyang
ginawa.
"Napakagaling mo, Anna!
Malaking tulong ang iyong
ginawa. Mas mabilis kong
natapos ang pagluluto dahil
sa iyo," sabi ni Nanay.
"Masaya po akong
makatulong, Nanay," sagot
ni Anna na may ngiti sa
kanyang mukha.
Mula noon, si Anna ay
palaging tumutulong sa mga
gawaing bahay na kaya

Mga tanong:
1. Sino-sino kaya ang
mga kasapi ng pamilya
ni Lily?
2. Ano-ano kaya ang
kanilang mga ginagawa
sa loob ng tahanan?
3. Paano nila ginagawa
ang mga gawaing ito sa
kanilang pamilya?
4. Ganito rin ba kayo sa
inyong pamilya?
5. Anong pagtulong ang
ginagawa mo sa iyong
mga magulang at mga
kapatid?

7
niyang gawin, tulad ng
pagwawalis, pag-aayos ng
kanyang higaan, at
pagtiklop ng mga damit.
Natutuhan ni Anna na ang
pagtulong sa bahay ay isang
mahalagang responsibilidad
at nagpapakita ng
pagmamahal sa kanyang
pamilya.
Mga gabay na tanong:
1. Sino ang pangunahing
tauhan sa kuwento?
2. Ano ang napansin ni
Anna sa kanilang sala?
3. Paano tumugon si Nanay
nang makita ang ginawa ni
Anna?
4. Ano kaya ang
mararamdaman ni Nanay
kung nakita niyang hindi
tumulong si Anna?
5. Kung ikaw si Anna,
tutulungan mo rin ba ang
iyong Nanay?
Pagpapaunlad
ng Kaalaman
at Kasanayan
sa Mahahalagang
Pag-unawa/Susing
Ideya
Paalala sa Guro:
Ipaskil nang
magkahiwalay
sa pisara ang Letrang A at
B
na pipilahan ng mga mag-
aaral para sa aytem na
Panuto: Idikit sa ilalim ng
larawan ni kuya ang sa
tingin ninyong kaya niyang
gawin sa edad na 10-12
taong gulang. Kay ate
naman kung ano sa tingin
ninyong kaya niyang gawin
Gawain
Think-Pair-Share
Ipalabas sa mga mag-aaral
ang kanilang takdang aralin
na larawan nila habang
Gawain
Role Playing
Hatiin ang klase sa 3-4
pangkat, depende sa
dami ng mag-aaral ang
klase.Bawat pangkat ay

8
ipakikita at sasabihin ng
guro.

Sabihin sa mga mag-
aaral:

Tayo ay maglalaro.

Pumila sa letrang A kung
ang larawan ay
nagpapakita ng gawaing
bahay.

Pumili naman sa letrang
B kung ang larawan ay
hindi nagpapakita ng
wastong gawaing bahay.













https://tinyurl.com/Illu
sbyEricdeguia
sa edad na 7-9 taong
gulang at kay bunso
naman kung ano sa tingin
ninyong kaya niyang gawin
sa edad na 4-6 taong
gulang.

https://tinyurl.com/Illus
byEricdeguia







Mga larawan:

Created using canva.com







https://tinyurl.com/Illus
byEricdeguia
tumutulong sa kanilang
pamilya. Pumili ng kapareha
at pag-usapan ito. Tumawag
ng ilang pareha upang
magbahagi ng kanilang
napag-usapan.
Halimbawa:
“Ako ay nagwawalis kasama
si nanay para maging
malinis ang aming bahay."

kailangang magtalaga
ng mga miyembrong
gagawa ng iba't ibang
“gawaing bahay” na
nakatalaga sa laro.
Mga kagamitan:
• Mga plato at
baso (plastik)
• Basahan at
walis
• Maliit na
labahin (mga
panyo o maliit
na damit)
Pangkat 1- Paglilinis ng
Silid
Maglinis ng "silid" gamit
ang walis at basahan.
Paraan: Kailangan
nilang maglinis ng area
sa silid sa pamamagitan
ng pagtutulungan sa
pagwawalis at pagpunas
ng mesa.
Tseklist:
1- Hindi naging malinis
ang silid
2- Kaunti ang nalinis sa
silid
3- Naging malinis ang
buong silid
Pangkat 2- Pagtutupi ng
Labahin

9

Created using canva.com

























Magtupi ng damit (mga
panyo o t-shirt) nang
maayos.
Paraan: Ang bawat
miyembro ay magtutupi
ng damit at ilalagay ito
nang maayos sa basket.
Tseklist:
1- Hindi natiklop nang
maayos ang mga damit
2- Iilang damit lamang
ang natiklop nang
maayos
3- Natiklop lahat ang
mga damit nang maayos

Pangkat 3- Pag-aayos ng
Pinggan
Ayusin ang mga plato,
baso, at kubyertos sa
mesa nang maayos.
Paraan: Bawat
miyembro ng pangkat ay
magtutulungan sa pag-
aayos ng mesa.

Tseklist:
1- Hindi naging maayos
ang mga plato, baso at
kubyertos sa mesa
2- Kaunti lamang ang
naayos na plato, baso at
kubyertos sa mesa

10
3- Naging maayos ang
mga plato, baso at
kubyertos sa mesa

Pagpapalalim ng
Kaalaman
at Kasanayan sa
Mahahalagang
Pag-unawa/Susing
Ideya
Sabihin sa mga mag-
aaral.
Bawat isa sa atin ay may
tungkuling ginagampanan
sa loob at labas ng bahay.
Masaya tayo kapag ang
ating pamilya ay
nagtutulungan sa mga
gawaing bahay dahil mas
mabilis natin itong
matatapos.






May iba’t ibang uri ng
mga gawaing bahay. Ang
ilan sa mga ito ay ang:

- Pagwawalis
- Pagpupunas
- Paglalampaso
- Paghuhugas ng
mga pinagkainan

Sabihin sa mga mag-aaral.
Ang bawat bata ay may
angking kakayahan na
maaaring iangkop sa mga
gawaing bahay, depende sa
kanilang edad at
kasanayan. Ang pagtukoy
ng angkop na mga gawaing
bahay ay makatutulong
hindi lamang sa pisikal na
pag-unlad kundi pati na rin
sa emosyonal at mental na
paglago.

Sabihin sa mga mag-aaral.
Mahalaga ang pagtulong sa
mga gawaing bahay dahil ito
ay nagpapakita ng
pagmamahal at malasakit sa
ating pamilya. Sa pagtulong,
natututo tayo ng
responsibilidad, at nagiging
mas magaan ang buhay ng
bawat isa sa bahay.
Mga Benepisyo ng
Pagtutulungan sa Gawaing
Bahay:
- Pagpapagaan ng gawain
- Pagpapakita ng
pagmamalasakit
- Paglinang ng disiplina at
responsibilidad
- Pagkakaroon ng malinis
at Organisadong tahanan
- Pagpapalakas ng
samahan
Sabihin sa mga mag-
aaral.
Ang bawat miyembro ng
pamilya ay may papel sa
pagpapanatili ng
kaayusan at kalinisan
sa bahay. Kapag ang
bawat isa ay
tumutulong,
nababawasan ang bigat
ng mga responsibilidad
ng mga magulang o
ibang kasambahay.
Pagkatapos Ituro ang Aralin
Paglalapat at Paglalahat Sabihin sa mga mag-
aaral:

Ang iba’t ibang uri ng
gawaing bahay ay
mahalaga dahil
(Gabayan ang mga mag-
aaral sa paggawa ng
Gawain.)

GAWAIN
Sabihin sa mga mag-aaral:

Ang pagtutulungan sa mga
gawaing bahay ay hindi
lamang praktikal, kundi ito
rin ay isang mahalagang
Sabihin sa mga mag-
aaral:

Ang pagiging
matulungin sa mga
gawaing-bahay ay isang

11
nakatutulong ito upang
mapaganda at maging
malinis ang ating bahay.

(Gabayan ang mga mag-
aaral sa paggawa ng
Gawain.)

GAWAIN
Think-Pair-Share
Sabihin sa mga mag-
aaral:
Isipin ninyo ang isang
simpleng gawaing bahay
na ginagawa ninyo sa
inyong bahay.
Halimbawa, pag-aayos ng
inyong kama, pagliligpit
ng laruan, o pagtulong sa
paglilinis ng mesa
pagkatapos kumain.

Ngayon, maghanap kayo
ng kapareha. Ikuwento sa
inyong kapareha kung
anong gawaing bahay ang
ginagawa ninyo at paano
ninyo ito ginagawa.

Pagkatapos ng usapan sa
pares, pumili ng ilang
mag-aaral upang ibahagi
ang gawaing bahay ng
kanilang kapareha sa
harap ng klase.

Gabay na tanong:
Ano ang natutuhan ninyo
Panuto: Tukuyin kung may
kakayahan ang isang
batang katulad mo sa
baitang isa na gawin ang
mga gawaing bahay na ito.
Pumalakpak ng tatlo,
tumayo at sabihing “Kaya
po!” kung kaya mong
gawin at pumapalakpak
naman ng isa, manatiling
nakaupo at sabihing
“Hindi ko po kaya!”

1. Pamamalantsa
2. Pagwawalis ng sahig
3. Paghuhugas ng pinggan
4. Pagpapakain sa alagang
hayop
5. Paggamit ng kalan para
magluto

Gabay na tanong:
1. Bakit sa tingin ninyo ay
hindi ninyo kaya ang ibang
gawain?
2. Paano ka naman
makatutulong kahit ikaw
ay nasa unang baitang pa
lamang?
paraan ng pagpapakita ng
respeto, responsibilidad, at
pagmamalasakit sa bawat
isa.

(Gabayan ang mga mag-
aaral sa paggawa ng
Gawain.)

GAWAIN
Role Playing – ipangkat ang
mga bata

Panuto: Maglaro bilang
isang pamilya at ipakita
kung paano kayo
makatutulong sa bawat isa.



Gabay na tanong:
1. Ano ang inyong
naramdaman habang
ginagawa ang role playing?
2. Ano ang kahalagahan ng
pagtutulungan bilang isang
pamilya?
mahalagang aspeto ng
pagiging responsableng
miyembro ng pamilya.

(Gabayan ang mga mag-
aaral sa paggawa ng
Gawain.)
GAWAIN
Paglalaro ng “Guess
the Task”
Panuto: Ipakita sa mga
bata ang mga larawan
ng gawaing bahay.

Pumili ng bata na mag-
aaktong gumagawa ng
isang gawaing bahay
mula sa mga larawan.
Huhulaan ng ibang mga
bata kung ano ang
kanilang ginagawa.

Halimbawa: Mag-
aaktong nagwawalis ang
isang bata, pagkatapos
huhulaan ng iba na siya
ay nagwawalis.

12
sa kwento ng inyong mga
kaklase? Bakit mahalaga
ang pagtulong sa mga
gawaing bahay?

https://tinyurl.com/I
llusbyEricdeguia
Pagtataya ng Natutuhan Panuto: Iguhit ang
masayang mukha sa
patlang kung ang
pangungusap ay
nagsasaad ng wastong
gawain sa bahay. Iguhit
naman ang malungkot
na mukha kung hindi.

___1. Ang pagwawalis ay
ginagawa araw-araw.
___2. Ang mga pinggan ay
dapat na itambak sa
kusina.
___3. Ang paglalampaso
ay ginagawa lamang ng
mga batang katulad mo.
___4. Maaaring punasan
ng batang tulad mo ang
inyong lamesa.
___5. Ang pagliligpit ng
pinaghigaan ay dapat
lamang gawin ng iyong
Nanay.

Panuto: Basahin ang bawat
pangungusap. Piliin ang
tama at kayang gawin ng
isang mabuting mag-aaral
sa bawat sitwasyon.
Bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. Pagkatapos ng hapunan,
nakita mong marumi ang
mesa at may mga mumo at
talsik ng pagkain. Ano ang
dapat mong gawin kapag
nakita mong marumi ang
mesa pagkatapos ng
kainan?
A. Hayaan na lang at
hintayin si Nanay na
punasan ito.
B. Kumuha ng basahan at
punasan ang mesa.
C. Takpan ang mesa ng
mantel upang hindi makita
ang dumi.

2. Pagkagising mo sa
umaga, nakita mong
magulo ang iyong kama.
May natirang mga unan sa
sahig at ang kumot ay
hindi nakatupi. Ano ang
gagawin mo?
Panuto:
Isulat sa isang malinis na
papel kung ano ang madalas
mong ginagawang gawaing
bahay bilang pagtulong sa
iyong pamilya.

Maaaring ito ay paghuhugas
ng plato, pagliligpit ng
laruan, pagtulong sa
pagluluto, pag-aalaga sa
mga hayop.


Gabay na tanong:
1. Bakit mahalaga ang iyong
ginagawa?
2. Ano ang nararamdaman
mo habang tumutulong?
3. Ano ang naging benepisyo
sa pagtulong mo sa gawaing
bahay?
4. Paano ito nakatutulong
sa iyong mga magulang o
kapatid?
5. Ano ang natutuhan mo
mula sa mga gawaing ito?
Performance Task

Tulong sa Gawaing
Bahay!

Panuto:
Humingi ng tulong kay
nanay, tatay o kapatid

1. Pumili ng isang
simpleng gawaing bahay
tulad ng pagtiklop ng
damit, pagligpit ng
laruan, pag-aayos ng
higaan o pagwawalis ng
bahay.
2. Humingi ng tulong
kay nanay, tatay, o
kapatid upang
magabayan kung paano
ito gagawin nang tama.

3.Habang tinutulungan
ka ni nanay, tatay o
kapatid, tandaang
mabuti kung paano
ginagawa ang mga
hakbang at kung gaano
kasaya ang pagtulong.

4. Pagkatapos gawin
ang gawaing bahay,
sabihin kay nanay o
tatay kung ano ang

13
A. Ayusin ang higaan at
tupiin ang mga kumot at
unan.
B. Iwanan ang kama nang
magulo at magmadaling
bumaba para kumain.
C. Sabihin kay Nanay na
siya na ang mag-ayos ng
kama.

3. Matapos maglaro ng mga
laruan, ang sala ay
punong-puno ng kalat.
Nakita mo ang iyong mga
laruan sa sahig, pero
tinawag ka na ni Nanay
para mag-merienda. Piliin
sa sumusunod ang dapat
mong gawin.
A. Iwanan ang mga laruan
at kumain na agad.
B. Tumulong sa pagliligpit
ng mga laruan bago
kumain.
C. Sabihin kay Nanay na
may gagawin ka pa kaya
hindi mo matutulungan sa
pagliligpit.

4. Habang naglalaba si
Nanay, binigyan ka niya ng
ilang maliliit na damit
upang itupi matapos itong
matuyo. Hindi mo pa
nasubukan magtupi ng
mga damit. Alin sa
sumusunod ang iyong
gagawin?
naramdaman mo sa
pagtulong.
Masaya ba? Excited ba?

5. Gumawa o gumupit
ng isang emoticon na
nagpapahayag ng iyong
naramdaman sa
pagtulong.

5. Gamit ang emoticon
isa-isang magbabahagi
ang mga mag-aaral ng
kanilang naramdaman
kaugnay ng kanilang
ginawang pagtulong.

14
A. Subukan mong tupiin
ang mga damit kahit hindi
perpekto.
B. Sabihin kay Nanay na
hindi mo alam kung paano
gawin ito.
C. Iwanan ang mga damit
sa isang tabi at maglaro na
lamang.

5. May maliliit na halaman
sa inyong bakuran na
inalagaan ni Tatay. Sinabi
niya na maaari kang
magtanim ng maliit na
halaman at diligan ito
araw-araw. Ano ang dapat
mong gawin upang
makatulong sa pag-aalaga
ng mga halaman?
A. Diligan ang mga
halaman araw-araw ayon
sa utos ni Tatay.
B. Kalimutan ang pagdidilig
at hayaan si Tatay na
gawin ito.
C. Maglaro na lamang sa
labas imbes na magdilig ng
halaman.
Mga Dagdag na Gawain
para sa Paglalapat o
para sa Remediation
(kung nararapat)
Magdala ng larawan ninyo
na nagpapakita na
tumutulong kayo sa inyong
pamilya sa gawaing bahay.

Mga Tala
Repleksiyon
Tags