Linggwistika at Planong Wika ni Haugen.pptx

EfrenMercado6 1 views 27 slides Oct 14, 2025
Slide 1
Slide 1 of 27
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27

About This Presentation

Laman ng PPT na ito ang talakay tungkol sa pagpaplanong pangwika ni Haugen


Slide Content

Linggwistika at Pagpaplanong Pangwika ni Haugen Fil323- Komparatibong Pagpaplanong Pangwika Efren V. Mercado D r . Marie Joy D. Banawa Profesor MSU-Iligan Institute of Technology

Estruktura ng Ulat Layunin Pagpapakilala kay Haugen Pangkalahatang Konsepto ng Pagpaplanong Pangwika Kahalagahan ng Linggwistika sa Pagbuo ng Pagpaplanong Pangwika Modelo ni Haugen ng Pagpaplanong Pangwika

01. ang linggwistika at ang kahalagahan nito sa pagpaplanong pangwika 02. ang modelo ni Haugen sa pagpaplanong pangwika 03. ang pagsasakonteksto ng modelo ni Haugen sa pagpaplanong pangwika sa Pilipinas

multilinggwal P I L I P I N A S multilinggwal nahaharap sa suliraning pangwika wikang panturo at korespondensiyang pampamahalaan matagal nang nilinaw ng Konstitusyong 1987 ang usapin sa wikang panturo at mga wikang opisyal na daluyan ng komunikasyon sa pamahalaan hilaw pa rin ang pagpapatupad p o l i t i k a l e k o n o m i k k u l t u r a l PAGPAPLANONG PANGWIKA

PAGPAPLANONG PANGWIKA Haugen (1968) : binubuo ito ng apat na yugto: selection (pagpili ng wika), codification (pagbuo ng pamantayan), elaboration (pagpapalawak ng gamit), at implementation (pagsasabuhay sa lipunan)

PAGPAPLANONG PANGWIKA Neustupny (Fishman, 1970) : awtoritatibong pamamahagi ng mga mapagkukunan para sa pagtamo ng mga layunin sa status at corpus ng wika, maging kaugnay ito ng mga bagong tungkuling ninanais makamit o ng mga lumang tungkuling kailangang maisakatuparan nang mas angkop

PAGPAPLANONG PANGWIKA Fishman (1970; 1974) : mga uri status planning : nakatuon sa kalagayang pangwika sa lipunan; corpus planning : tinitingnan ang estruktura ng wika; language-in-education planning : dinadalumat ang gamit ng wika sa edukasyon; at prestige planning : tumatasa sa prestihiyo o reputasyon ng wika.

PAGPAPLANONG PANGWIKA Haugen : linggwistiko at metodolohikal (proseso ng pagpaplano) Neustupny : a dministratibo at politikal (pamamahala ng paggamit ng yaman/resurses) Fishman : kombinasyon ng kina Haugen at Nestupny

PAGPAPLANONG PANGWIKA isang organisadong pagpapasya tungkol sa wika at naglalayong ma solusyonan ang isang umiiral na suliran o kaya pagbabago sa estruktura at elemento ng wika , upang magabayan ang paglinang nito sa konteksto ng pagbabagong sosyal, kultural, at teknolohikal .

PAGPAPLANONG PANGWIKA isang sistematikong proseso ng pagbuo, pagpapaunlad, at pamamahala ng wika upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan, edukasyon, at pamahalaan.

PAGPAPLANONG PANGWIKA maaaring isagawa ng mga institusyong pangwika, akademya, o pamahalaan upang piliin, isapamantayan, palawakin, at ipatupad ang isang partikular na wika sa iba't ibang larangan

Bakit mahalaga ang linggwistika sa usaping pagpaplanong pangwika? 2.) upang pagbuo ng epektibong patakarang pangwika mas nauunawaan ng mga tagapagpatupad ng patakaran kung paano gumagana ang wika sa lipunan, paano ito nagbabago, at paano ito natutunan. 1.) upang magkaroon ng maagham na batayan sa pag-unawa, pagpaplano, at pagpapatupad ng mga polisiya kaugnay sa wika dahil ang mga datos mula sa linggwistikang pananaliksik ay ginagamit upang matukoy ang mga pangangailangan ng mga mamamayan

Bakit mahalaga ang linggwistika sa usaping pagpaplanong pangwika? 4.) pagpapalalim ng edukasyong pangwika upang kilalanin at igalang ang pagkakaiba-iba ng wika => INKLUSIBO (pambansa at katutubong wika) 3.) pagkilala sa multilinggwal na konteksto pagdidisenyo ng kurikulum, pagtuturo ng gramatika, at pagbuo ng mga kagamitang panturo na angkop sa antas ng mga mag-aaral

Bakit mahalaga ang linggwistika sa usaping pagpaplanong pangwika? salamin din ng kultura--paniniwala at pagkatao--ng grupong tagamit nito => nagi ging MAS MAKABULUHAN at MAKATARUNGAN ang pagkatuto 5.) pagkilala sa wika bilang identidad

nangunguna sa usapin ng patakaran at pagpaplanong pangwika pundasyon ng maraming modernong pag-aaral at pagpapalawak ng kaalaman sa sosyolinggwistika Amerikanong lingguwista ng dalubhasa sa araling Norwegian-American at sosyolinggwistika Sino si Einer Haugen? ipinanganak noong Abril 19, 1906 sa Iowa, USA ng mag-asawang imigrante mula sa Norway pumanaw noong Hunyo 20, 1994 sa Cambridge, Massachusetts sa edad na 88 propesor siya ng araling Scandinavian sa Unibersidad ng Wisconsin –Madison noong 1931–1962 itinalaga siya bilang Victor S. Thomas Professor of Scandinavian and Linguistics sa Unibersidad ng Harvard (1964-1975) Pinakamalaking kontribusyon at pamana ang pangunguna sa sosyolingguwistika sa Amerika mga pag-aaral sa bilingguwalismo ang naging batayan ng maraming teorya sa language contact tagapamagitang kultural ng Scandinavia at Amerika

ginagabayan ng modelo ni ang ano at paano ng pagpaplanong pangwika Modelong Haugen ng Pagpaplanong Pangwika Paano : paghahain naman ng mga posibleng solusyon sa mga suliraning pangwika tungo sa epektibong pagpaplano gumagabay sa ano at paano ng pagpaplanong pangwika Ano: pagdetermina sa mga suliraning pangwika hinggil sa pag-uswag nito

ginagabayan ng modelo ni ang ano at paano ng pagpaplanong pangwika Modelong Haugen ng Pagpaplanong Pangwika   Form (Policy Planning) Function (Language Cultivation) Society (Status Planning) Selection Implementation Language (Corpus Planning) Codification Elaboration Talahanayan 1 Modelo ng Pagpaplanong Pangwika ni Haugen hindi linyar o kronolohikal ang pagkakasunod-sunod ng apat na komponent/yugto ng modelo dahil magkakaugnay at magkakasalikop kaya hindi eksklusibo ang sakop ng bawat komponent

ginagabayan ng modelo ni ang ano at paano ng pagpaplanong pangwika Modelong Haugen ng Pagpaplanong Pangwika Status Planning idinidikta ng lipunan desisyon at pagsisikap na ginagawa upang itakda ang papel, gamit, at prestihiyo ng isang wika sa loob ng isang lipunan pangunahing elemento nito ang pagtatalaga ng mga opisyal na wika para sa pamahalaan, edukasyon, at midya, pagsusulong ng prestihiyo ng wika sa pamamagitan ng mga polisiya at pampublikong diskurso, at paghikayat sa paggamit ng wika sa mga pormal na larangan tulad ng batas, administrasyon, at edukasyon naglalayong palakasin ang pambansang pagkakakilanlan at pagkakaisa H alimbawa nito ang pagtatalaga sa Filipino bilang pambansang wika sa pamamagitan ng konstitusyonal na mandato, na nagtaas ng antas nito kasabay ng Ingles

ginagabayan ng modelo ni ang ano at paano ng pagpaplanong pangwika Modelong Haugen ng Pagpaplanong Pangwika Corp us Planning idinidikta ng wika pagbuo at pagpapainam ng panloob na estruktura ng isang wika—kabilang ang gramatika, bokabularyo, ortograpiya, at pamantayan sa paggamit mga hakbang: pagpapatibay ng pamantayan sa baybay at gramatika, paglikha ng teknikal at akademikong bokabularyo, paglalathala ng mga diksyunaryo, aklat sa gramatika, at mga gabay sa estilo naglalayong palakasin ang pambansang pagkakakilanlan at pagkakaisa halimbawa nito ang pagtatalaga sa Filipino bilang pambansang wika sa pamamagitan ng konstitusyonal na mandato, na nagtaas ng antas nito kasabay ng Ingles

ginagabayan ng modelo ni ang ano at paano ng pagpaplanong pangwika Modelong Haugen ng Pagpaplanong Pangwika Status Planning nagbibigay ng pagkakakilanlan at lehitimasyon sa isang wika Corpus Planning nagsisiguro na may kakayahang gamitin ang wika sa masalimuot na diskurso naman ang tuon A ng pag-angat ng Filipino bilang pambansang wika (status) ay kailangang sabayan ng mga pagsisikap na pagyamanin ang bokabularyo at gramatika nito (corpus) upang magamit ito nang epektibo sa edukasyon, pamahalaan, at larangang akademiko.

ginagabayan ng modelo ni ang ano at paano ng pagpaplanong pangwika Modelong Haugen ng Pagpaplanong Pangwika Selection paraan o proseso upang matukoy ang isang wikang idedebelop at gagawing estandardisado, kasama ang mga barayti nito para sa mga tiyak na layon pag-aaral sa mga wikang ginagamit sa isang bansa Kadalasang batayan ng pagpili ang sosyopolitikal, -kultural, at -ekonomiko na salik at ang ipinapalagay na pangangailangan ng lipunan . Halimbawa, p inili ang wikang Filipino bilang pambansang wika at pangunahing midyum ng pagtuturo, kasama ang mga rehiyonal na wika tulad ng Cebuano, Ilocano, at Hiligaynon .

ginagabayan ng modelo ni ang ano at paano ng pagpaplanong pangwika Modelong Haugen ng Pagpaplanong Pangwika C odification pagbibigay ng eksplisit na anyo sa pamamagitan ng paglikha ng ortograpiya, gramar, diksiyonaryo, gabay sa palabigkasan, at iba pang mga sanggunian magresulta sa produksiyon ng deskriptibo (paano ginagamit ang wika) o preskriptibo (paano dapat gamitin ang wika) na mga proyekto Nililikha ng kodipikasyon ang lingguwistikong kawastohan at konsistensi. Halimbawa ng hakbang na ito ang pagpapalimbag ng UP Diksyonaryo na may gabay sa pagbigkas at ispeling at ang onlayn diksiyonaryo ng KWF .

ginagabayan ng modelo ni ang ano at paano ng pagpaplanong pangwika Modelong Haugen ng Pagpaplanong Pangwika I mplementa - tion promosyon o pagpapalaganap sa estandardisadong wika sa publiko sa pamamagitan ng pag-oobliga na gamitin ito ng mga ahensya ng gobyerno, institusyon, organisasyon, mga ispiker ng wika, edukasyon, batas, at iba pa upang masiguro ang pagpapalaganap, pagtanggap,at paggamit sa kodipikadong wika (codified norm). Halimbawa ng yugtong ito ang pagpapatupad ng DepEd ng MTB-MLE . Naglabas ng mga aklat, gabay sa pagtuturo, at pagsasanay para sa mga guro upang magamit ang Filipino at iba pang wika sa klase.

ginagabayan ng modelo ni ang ano at paano ng pagpaplanong pangwika Modelong Haugen ng Pagpaplanong Pangwika Elaboration kinapapalooban ng pagpapalawak sa kakayahan ng wika upang matugunan ang mga bago at umuusbong na pangangailangang gamit pagbuo ng mga terminolohiya para sa makabagong konsepto, pagpapakilala ng mga bagong estilo ng diskurso, at pagpapalawak ng abot ng wika sa pandaigdigang antas. Naniniwala ang mga eksperto sa wika na may kakayahang magamit sa iba’t ibang larang ang wika ang wikang estandardisado. Halimbawa nito paggamit ng Filipino sa mga larangang teknikal, agham, matematika, at panitikan. Isinasalin ang mga konsepto sa Filipino upang magamit ito sa mas mataas na antas ng diskurso.

ginagabayan ng modelo ni ang ano at paano ng pagpaplanong pangwika Ang Kasalukuyan ng Wikang Filipino wikang Filipino bilang isa sa mga opisyal na wikang panturo sa elementarya at sekundarya bilang wika ng agham panlipunan, humanidades, at komunikasyon, ngunit hindi sa kolehiyo wikang Ingles bilang wikang panturo ng ma disiplinang teknikal at agham Sa pamahalaan, Ingles ang wika ng korespondensiya at opisyal na komunikasyon. Dangal ng Wikang Filipino na iginagawad ng KWF

ginagabayan ng modelo ni ang ano at paano ng pagpaplanong pangwika Mga Sanggunian Concepcion, G. P. (2022). Panukalang instrumento sa pagtataya hinggil sa sitwasyon ng wika sa internet. Kawing 4.2, 42-74. University of the Philippines-Diliman. Nakuha mula sa https://www.researchgate.net/publication/358347741_Panukalang_Instrumento_sa_Pagtataya_Hinggil_sa_Sitwasyon_ng_Wika noong Setyembre 7, 2025. Fishman, J. (1974). Language planning and language planning research: The state art of the art. Linguistics, 12 (119), 15-34. Nakuha sa https://doi.org/10.1515/ling.1974.12.119.15 noong Setyembre 7, 2025. Harris, J., Simon, E., at Watkins, C. (March 20, 2021). Mitchell faculty of arts and Sciences – Memorial minute. Nakuha sa https://news.harvard.edu/gazette/story/2001/05/einar-haugen/ noong Setyembre 7, 2025. Haugen, E. (2012). The implementation of corpus planning: Theory and practice. Nakuha sa J. Cobarrubias & J. Fishman (Eds.), Progress in Language Planning: International perspectives (pp. 269–290). De Gruyter Mouton. https://doi.org/10.1515/9783110820584.269. noong Setyembre 7, 2025. Hicana, M. F. G. (2024). Wikang Filipino: Wikang mapagbangon [The Filipino language: A language of resilience]. Nakuha mula sa CNU Journal of Higher Education, 18, 48–60 sa pamamagitan ng https://jhe.researchcommons.org/cgi/viewcontent.cgi?article=1153&context=journal noong Setyembre 7, 2025. Marshall, D. F. (1991). Language planning: Focusschrift in honor of Joshua A. Fishman. USA: John Benjamins Publishing Company. Nakuha sa http://languagemanagement.ff.cuni.cz/system/files/documents/jernudd_neustupny_1991.pdf noong Setyembre 6, 2025. Neustupn ý , J. V. (1970). “Basic types of treatment of language problems.” Nasa J. A. Fishman (Ed.), Advances in language planning (pp. 37–48). The Hague: Mouton. Neustupn ý , J. V. (1974). “Language modernization and planning in comparison with other types of national modernization and planning.” In J. A. Fishman (Ed.), Advances in language planning (pp. 75–97). The Hague: Mouton. Sumili, C. J. D., & Aron, K. H. (2024). Kalagayan ng wikang Filipino sa Cebu Normal University. International Journal of Research Studies in Education, 13(15), 1–15. https://doi.org/10.5861/ijrse.2024.24816

Avisala eshma!