lets learn more about the history they have right now
Size: 907.08 KB
Language: none
Added: Sep 14, 2025
Slides: 38 pages
Slide Content
SURI- DEKADA 70’ & CANAL DE LA REINA
Dekada 70’
Pagsusuri sa nobelang dekada 70’ May- akda lualhati torres bautista pinanganak noong disyembre 2, 1946 sa tondo manila anak nina ginoong at ginang , Gloria torres bautista at esteban bautista nagtapos ng elementarya noong 1958 sa Emilio elementary school at sa secondary noong 1962 sa torres high school at ang kinuha nya sa kolihiyo ay ang kursong journalism sa lycum of the Philippines, at ang kanyang trabaho ay nobelista , manunulat sa pelikula at telibisyon , siya ay naging bise president ng screenwriters guild of the Philippines; pinuno ng kapisanan ng mga manunulat ng nobelang popular chair ng university of the Philippines creative writing center 1986.
Mga parangal na natamo ; * catholic mass media award para sa sakada ( una niyang screenplay noong 1976) Film academy awards para sa kung mahawi man ang ulap (1984, ika 2 pelikula ) Star awards at metro manila film festival para sa bulaklak ng city jail (1984) Don carlos palanca memorial award ( grand prizes ) noong 1980,1983, at 1984 para sa nobelang gapo , dekada 70, at bata bata pano ka ginawa ? Recognition award mula sa surian ng wikang pambansa noong 1987 Ateneo library of wowen’s writings ( aliww ) noong marso 10, 2004
A, talasalitaan 1,piyudal 2, burgis 3, pananaw -Victorian 4, public relation 5, nilo tayag 6, kabataang makabayan 7, martial law 8, communist party of the Philippines 9, presidente’t uncle sam 10, pc- metrocom
A, kahulugan ng pamagat , tinatalakay nito kung paano nakibaka ang isang mag- anak na nasa gitnang antas ng lipunan , at kung paano nila hinarap ang mga pagbabago na nagbigay ng kapangyarihan upang bumangon laban sa pamahalaang marcos , naganapang sunod-sunod na mga pangyayari matapos ang pagbomba ng plasa Miranda noong 1971, ang pagkitil sa batas ng habeas corpus,
B, paksa / tema ang likhang sining ni lualhati bautista na dekada 70 ay ukol sa mga tunay na pangyayari noong panahon ng panunungkulan ni marcos o sa kasagsagan ng batas military kung saan binigyang-diin sa pamamagitan ng pamilya Bartolome. Ipinapakita nito ang kahalagahan ng pamilya para sa ikauunlad ng isang bansa sapagkat ito ang itinuing na binhi ng kung aning klaseng mamamayan ang sunod ng henerasyon .
Amanda bartolome Ang asawa ni Julian Bartolome dakilang ina ng magkakapatid na jules , gani , em , jason
Julian Bartolome sr , Apo ng isang hasendero sa norte na may lahing kastila , dugong mayaman at piyudal , mabuting lalaki kung ang sukatan ay ang perang idinadating niya , ang ama ng apat na Bartolome brothers,
Julian ‘ jules ’ Bartolome jr , Ang panganay na anak nina Amanda at Julian sr , isang tunay na makabayan kahit na kadalasay sinasalungat niya ang mga paniniwala ng amang si Julian sr ,
Emmanuel ‘ em ’ bartolome Pinakamatalino sa limang magkakapatid , ang kasundo ni jules sa mga pinaniniwalaan sa pulitika subalit si em ay sa paraang rizal ang ginagamit , keysa kay jules na paraang bonifacio ,
Isagani ‘ gani ’ bartolome Ang pangalawang anak,na inakala ni Amanda na babae ang pangalawang anak niya , si gani ay napasali sa exchange visitors program sa pagitan ng amerika’t pilipinas at gumugol ng ilang buwang pagaaral sa califonia ,
Jason bartolome Ang bulakbol na anak nina Amanda at Julian sr , at napapabarkada kung umuwey hating gabi at kinagabihan hindi na nakauwe nabalitaan nalamang na sinalvage ,
mga tauhan at katauhan , kris Aquino ana capril dimples romana jhong hilario carlo munoz tirso cruz iii orestes ojeda john wayne sace Marianne de la riva manjo del mundo Cacai bautista
C, tagpuan 1, sa bahay ng pamilya Bartolome a, sa sala – dito naghitay si Amanda sa pagdating ni jules minsan nang binalak niya itong kausapin . b, sa library – dito sinabi ni em kay Julian ang balitang patay na si Jason; off-limits dito si Amanda c, sa kuwarto nina Amanda at Julian – dito nagaganap ang pribadong paguusap ng dalawa ukol sa kanilang mga anak . 2, sa presinto – dito minsang naganap ang pagkakabugbog kay jules nang siyay mahuli at dito rin naman nagapa ang masaya niyang pagkakalaya .
D, banghay buod ; panimula = nag- umpisa ang nobela sa pagpapakilala sa mga tauhan at nagbigyang pansin na ang nagkukuwento na si Amanda ay isang uri ng asawang alipin ng makalumang paniniwala sa tungkulin ng babae at lalaki . Unay di niya binigyang pansin ang mga pangyayari sa kanyang kapaligiran subalit ng magsimula nang manaig ang damdaming aktibista ni jules at ang pagka-mapusok ni gani ay nabahala siya ng lubusan . Unti-unti ay nagkaroon siya ng kuryosidad kung ano nga ba ang dahilan ng ipinaglalabang prinsipyo ni jules na katagalan ngay tuluyan nang sumapi sa kilusang kalaban ng pamahalaan . Bunga nito’y nagkaroon ng lamat ang relasyonang magpapamilya . Pati na rin ang iba pang anak na sina em , Jason at bingo ay nakaranas ng suliranin bunga ng batas military.
Saglit na kasiglahan nahuli si jules at dinala sa kampo crame . Dinalaw nila ito at doon narinig ni Amanda ang mga kabuktutang ginagawa ng mga sundalo . Kasukdulan di inaasahang namatay si jayson , biktima ng salvaging kaya nagkaroon ng pagtatalo sina Amanda at Julian na halos umabot pa sa puntong nakikipaghiwalay siya dito . Kakalasan pinalaya si jules . Ngunit ang kanyang pagkakalaya ay hindi nagpabago ng kanyang simulain . Ibinalik siya sa kampo crame . May kani-kanya nang buhay ang kanyang mga anak , mula kay jules hanggang kay bingo. Ngunit ngayon , hindi na siyang nag- aalalang hindi magtatagal at maiiwan na sila Julian. Wakas ang payapang pampang ay para lang sa mga pangahas na sasalungat sa alimpuyo ng mga alon sa panahon ng unos ,
Suliranin ; a, maagang pagpapakasal ni gani B, pagkakasangkot ni jules sa ‘ npa ’ C, paghihiwalay nina gani at evelyn Tunggalian a, tao laban sa sarili b, tao laban sa tao c, tao laban sa diyos
F, paggamit ng mga simbolismo 1, ang tula ni Gibran kahli Gibran 2, paghahalintulad ni Amanda sa mga batat ibon 3, pagkakaiba nina jules at gani ng panig 4, paraan ng pagkamatay ni jason \ kinahinatnan
Canal de la riena !!!!
I, pamagat Ang titulo ng akdang canal de la reina ay ang mismong lugar kung saa nangyari ang mga eksenang naganap sa nobela . Inilalarawan ang lugar na ito bilang isang mabaho maburak , maputik , pinaninirahan ng mga iskuwater , at si nyora tentay ang tumatayong pinuno ng lugar na ito . Ipinapakita rin dito na laganap ang kahirapan at pagsasamantala . Dahil din sa lugar na ito ay nagkaroon ng relasyon sa bawat isa ang mga tauhan dahil din sa lupang pag-aari ni caridad . At sa lugar na tinatawag na canal de la reina naganap at umikot ang mga pangyayari sa nobela .
Ii, may akda Si liwayway a, arceo ay pangunahing mangangathang tagalog at filipino na nakasulat ng 90 nobela , dalawang libong mahigit na kuwento , isang libong mahigit na sanaysay , 36 tomo ng iskrip sa radio, 7 aklat ng salin , 3 iskrip sa telebisyon at di mabilang na kuntil -butyl na lathalain sa halos lahat ng pangunahing publikasyong taglog o filipino . Binago ni arceo ang topograpiya ng panitikang tagalog , at ng ngayon ay tinatawag na panitikang popular,
Iii, uri ng akda ang akdang canal de la reina ay isang nobela . Ang isang nobela ay isang mahabang kwentong piksyon na binubuo ng ibat ibang kabanata . Mayroon itong 60,000- 200,000 salita o 300-1300 pahina , naging istilo nito ang lumang pagibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo ,
iv. Paksa ng akda Umiikot ang istorya ng nobela sa lupang pinag-aagawan ng dalawang panig . Ang pagpapatunay na kung kanino nga ba ang lupa sa canal de la reina .
v. Layunin ng may akda Ang layunin ng may akda ay ang ipakita sa atin ang mga nararanasang isyu ng marami sa ating mga Pilipino. Ang pagpapahalaga ng sariling atin . Na tayong mga Pilipino ay hindi titigil sa mga ipinaglalaban hanggat alam nating tama ito .
vi. Mga tauhan sa pamilyang de los angeles , mayroong silang apat na miyembro . Ang haligi ng tahanan na si Salvador ay madalas na tahimik at minsan lamang kung magsalita . Palagi siyang sumasang-ayon sa mga tamang desisyon ng kanyang asawang si caridad . Si caridad naman ay ag ilaw ng tahanan sa pamilyang de los angeles . Isang mabuting may- bahay at ulirang ina , ngunit may tibay at lakas ng loob na harapin ang kanilang mga problema . Ang mag asawang caridad at Salvador ay may dalawang anak , si leni , ang panganay , at isang doctor na ang ispesyalidad ay ang pediatrics,
Masasabing matalino si leni dahil nanguna siya sa board exam. Ang bunsong anak naman nila ay si junior. Mahilig siya sa mga usaping political kaya ninanais niyang maging abugado , ngunit pinigilan siya ng kanyang mga magulang kaya ang pagiging architect na lang ang kanyang pinili , sa pamilyang marcial , apat rin ang miyembro na nabnggit sa nobela . Si nyora tentay ang pinaka mayaman sa kanilang lugar . Siya ay mapagsamantala sa mga taong humihiram ng pera sa kanya at isa siyang pakialimerang ina . Palagi niyang pinakikielaman ang buhay ng kanyang anak at pilit itong pinasusunod sa kanyang gusto.
Ang anak naman niyang si victor ay lagging sumusunod sa kanya . Wala siyang sariling desisyon ngunit mapagmahal na asawat ama kahit hindi ito masyadon naipakita . Ang kanyang asawa ni victor naman na si gracia ay kinaayawan ni nyora tentay . May anak sina victor at gracia . Siya naman si Gerry. Si Gerry ay may pagtingi sa anak nina Salvador at caridad na si leni .
vii. Tagpuan at panahon umikot ang kalamnan ng nobela sa bayan ng canal de la reina . Isang tunay na pook sa tundo , maynila kung saa isinilang ang manunulat na si liwayway a. arceo .
viii. buod pinuntahan ng mag- asawang caridad at Salvador ang lupang minanana ni caridad sa yumao niyang mga magulang at ito ay nasa canal de la reina . Hindi nakita ni caridad ang dating ilog na malinis at malinaw ang tubig . Ng makarating sila roon , nagulat na lamang siya at may bahay na nakita doon , si nyora tentay ang may- ari ng bahay at ang sabi ay ipinagbili ito sa kanya ni osyang , ang katiwa ni caridad , na kamamatay lamang . Napuno ng gulat si caridad ng malaman niya ang buong katotohanan . Ang parehong panig ay kumuha na ng sarili nilang abogado
Ngunit hindi makuha ni nyora ang abogadong tatay ni gracia dahil naghiwalay na sila ni victor. Tinulungan pa nga ni gracia sina caridad sa pamamagitang ng pagiging saksi sa mga kasamaan ni nyora . pinasok ng baha ang bahay ni nyora nung bumagyo ng malakas . Natangay ng mga alahas at pera niya . Nang pumayapa na ang lahat at nagbalik na sa normal. Unti-unti ring bumalik sa katinuan si nyora tentay . Ang lupa ay sadyang kay caridad , at kanyang inamin ito .
ix. Pinaka magandang pangyayari para sa akin, ang pinaka magandang pangyayari sa nobela ay ang parte kung saan nabalik ang kabaitan ni nyora tentay . Ang parte kung saan kanyang natanto na hindi lahat ay nakukuha ng basta basta lamang . Na lahat ay pinaghihirapan na ang kanyang pagkikilos ay hindi tama, at kailangan niyang magpakabuti muli .
x. kasukdulan ang kasukdulan ng nobela ay naging maganda at masaya . Nanumbalikan ang kabutihan ni nyora tentay . Nabalitaan na rin na nangunguna si leni sa board exam. Pinahayag na rin nina leni at Gerry ang kanilang engagement. Handa nina Salvador ang pagamutan na itatayo sa kinatatayuan ng dating bahay ni nyora kina leni at Gerry. At nakuha na rin ni caridad Ang lupang talagang sa kanya .
xi. Pag uugnay sa kasukdulan napalitaw ni arceo ang kulay at dilim ng buhay a likod ng mga payak na pangyayari sa pang araw-araw na pamumuhay ng mga tauhan sa nobela . Ang mapag-arugang damdamin ng isang ina ay nagbigay diin sa karakter ni caridad at gracia sa magkaibang paraan . Ang una ay ang pagiging maunawaing may bahay ni Salvador at maaalalahaninh ina nina leni at junior. Ang pangalawa nama’y ay ang pagiging matatag sa kabila ng kawalan ng katuwang sa pagaaruga ng kanyang nagiisang anak na si Geronimo. Kapwa naging biktima ng kasakiman ni nyora tentay ngunit parehong nakipagtunggalian at hindi yumukod sa kalakaran ng lipunan . Si caridad ay buong tapang na nanindigan na bawiin ang lupang kinamkam ni nyora tentay subalit nagpakita pa rin ng kabutihan sa matanda nang ito ay nasiraan ng ulo .
Habang si gracia nama’y ibinalik ang naranasang kapalitan sa mah-inang sina nyora tentay at victor ngunit ang pag-ibig pa din para sa huli ang namayani sa kanyang puso . Sila ang dalawang mukha ng mga Pilipino. Hindi tiyak ang paroroonan ngunit tulad ng ilog ng canal de la reina silay patuloy na nakikipagsapalaran at nakikibaka sa kabila ng mga basurang nagpapasikip at nagpapahirap sa kanilang pag-agos sa buhay . isa pang aral naipinararating ng nobela ay walang nananalo sa katiwalian . Kung sa umpisa ay nakukuha nila ang gusto nila , sa huli ay pinaparusahan ang mga ganitong tao . kaya naman sa buhay palaging ang kabutihan parin ang nangingibabaw .
xii. Mga kaisipan bawat isa sa atin ay may kaniya-kaniyang pananagutan at responsibilidad sa mga bagay na ipinagkaloob at ipinaubaya sa atin . Ang pananakop ng mga ibat-ibang banyagang bansa sa pilipinas at kung paano ito nasupil ng ating mga bayani ay naitala na sa bawat sulok ng ating kasaysayan subalit hanggang sa kasalulukuya’y hindi parin ito natutuldukan . Sa nobelang canal de la reina , ginagalugad nito ang ibat ibang paraan ng mga karaniwang tao sa maynila upang mabuhay at makatawid mula sa kahirapan . Inihambing ang ating kasaysayan sa nagdarahop na mamamayan na nakatira sa gilid ng ilog ng canal de la reina .
xiii. Teoryang pampanitikan ang teorya na aking napili para sa nobelang ito ay ang teoryang sosyolohikal . Ang sosyolohikal ay nagsisilbing salamin ng kaligiran ng isang tiyak na pook . Kultura , tradisyon , kaugalian at paraan ng pamumuhay . Mula sa kwento , naiihalintulad ang mga karakter nina caridad at ang kanilang pamumuhay . Ang mga pinagdadaan nilang mga problema at isyu . Katulad lamang ng hindi pagsang-ayon sa pagiging abogado ni junior. Pati ang isyu tungkol duonsa may ari ng lupa , isa ring aspekto ng pagka sosyolihikal nito . Pati ang pag-asal ni nyora tentay ay isa ring aspekto . Ang pagiging manhid niya nuong una . Base rin ito sa katotohanan na ating nararanasan sa kasalukuyan .