Ano ang tawag sa patuloy na pagtaas ng temperatura bunga ng pagdami ng tinatawag na green house gases lalo na ng carbon dioxide sa ating atmospera . climate change global warming komersiyalismo urbanisasyon
2. Tumutukoy ito sa pag-uugali ng tao at mga kilos na nagpapakita nang labis na pagpapahalaga na kumita ng pera o pagmamahal sa mga materyal na bagay sa halip na ibang mga pagpapahalaga. climate change global warming komersiyalismo urbanisasyon
3. Ang malawakang pag-iiba-iba ng mga salik na nakaaapekto sa panahon na nagdudulot nang matinding pagbabago sa pangmatagalang sistema ng klima. climate change global warming komersiyalismo urbanisasyon
4. Ito ay tumutukoy sa lahat ng nakapaligid sa atin, may buhay o walang buhay. kagubatan kalikasan siyudad karagatan
5. Ito ay pamamaraan ng pangingisda kung saan ang nakapaligid na lambat na may pabigat na bato ay paulit-ulit at marahas na ibinababa sa mga coral reef upang palabasin ang mga isda. cyanide fishing muro-ami dynamite fishing pamimingwit
6 . Ano ang tawag sa patuloy na pag-unlad ng mga bayan na maisasalarawan ng pagtatayo ng mga gusali tulad ng mga mall at condominium units . climate change global warming Urbanisasyon komersiyalismo
7. Alin sa sumusunod ang iyong gagawin kung bibigyan ka ng pagkakataon na gumawa ng isang bagay na makakaya mo para sa kalikasan? a. magdasal para tataas ang ekonomiya ng bayan b. gagawa ng mga programang ipapatupad ng barangay upang makatulong ng malaki. c. lilinisin ng mag-isa ang isang ilog na marumi at sasali sa mga proyektong lilikom ng pondo para sa ilog. d. maging mapanuri at magkukusa sa mga gawaing kailangan ako.
8. Ang mga sumusunod ay maling pagtrato sa kalikasan, maliban sa isa. a. paghiwa-hiwalay ng basura bilang nabubulok at di nabubulok. b. pagtatapon ng basura sa mga anyong tubig. c. hindi maayos na pagtatapon ng basura. d. pagsusunog sa mga basura.
9. Ano ang kahulugan ng pagiging tagapangalaga ng kalikasan? a. paggamit sa kalikasan na hindi isinasaalang-alang ang iba b. paggamit sa kalikasan nang walang pakundangan c. paggamit sa kalikasan nang may pananagutan d. paggamit sa kalikasan na naaayon sa sariling kagustuhan
10. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng paggamit sa kalikasan bilang isang kasangkapan lamang? a. paggamit ng lupain na may pagsasaalang-alang sa tunay na layunin nito b. pagkamalikhain at responsibilidad sa gagawing pagbabago sa kapaligiran c. pagpuputol ng puno at pagtatanim muli sa mga bagong binhi d. malawakang paggamit ng mga kemikal upang makakuha ng maraming ani.
11. Paano mo isasagawa ang programang nagsusulong ng pangangalaga ng kalikasan? a. ipapatupad ang batas sa pamamagitan ng dagdag multa sa bawat paglabag. b. hayaan na lamang ang mga awtoridad na magsagawa ng proyektong pangkalikasan dahil sila ang may pondo. c. gawin ang makakaya na alagaan ang kalikasan kahit sa munting paraan d. makikipag-ugnayan at gagawa ng isang komprehensibong pag-aaral upang makapagsagawa ng isang gawaing pangkalikasan.
12. Paano nakakaapekto sa ating pamumuhay ang iba’t ibang isyung pangkalikasan? dahil sa panahong ito marami ng mga basura sa paligid na maaring makakasama sa ating kalusugan. dahil ito ay mabuti para sa bawat isa. dahil ang pamumuhay ng tao ay mas mainam. dahil sa pamumuhay ng mga tao ng hindi naayon sa utos ng diyos.
13. Ano ang ibig sabihin ng "paggamit ng kapangyarihan" sa konteksto ng pangangalaga sa kalikasan? pagkontrol sa kalikasan upang mapakinabangan ito ng tao pagtatalaga ng mga batas upang protektahan ang kalikasan pagpapalawak ng mga industriya upang mas mapakinabangan ang likas na yaman pagpapaigting ng pagmimina at iba pang aktibidad sa kalikasan
14. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang moral na prinsipyo na nag-aalaga sa pangangalaga ng kalikasan? a. katarungan at pagiging patas b. pagpapahalaga sa buhay at likas na yaman c. kalayaan at kasiyahan ng tao d. pagpapalago ng ekonomiya at industriya
15. Bakit mahalaga ang moral na batayan sa paggawa ng desisyon tungkol sa kalikasan? a. upang matiyak na ang mga desisyon ay magiging kapaki-pakinabang sa ekonomiya b. upang maprotektahan ang mga interes ng mga negosyo at industriya c. upang masiguro ang kapakanan ng kalikasan at ng mga susunod na henerasyon d. upang maisakatuparan ang mga personal na layunin ng mga lider ng bansa
16. Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na posisyon hinggil sa isyu ng deforestation (pagkakalbo ng kagubatan)? a. dapat ipagpatuloy ang deforestation upang magamit ang lupa para sa agrikultura b. dapat i-regulate ang deforestation upang matiyak ang tamang balanse sa kalikasan c. dapat tuluyang ipagbawal ang lahat ng anyo ng deforestation kahit ito’y makikinabang sa tao d. dapat isulong ang deforestation dahil sa pangangailangan ng tao sa mga likas na yaman
17. Ano ang pangunahing layunin ng mga batas ukol sa pangangalaga ng kalikasan? a. palakasin ang sektor ng negosyo at industriya b. bigyan ang tao ng mas maraming lupa at likas na yaman c. protektahan ang kalikasan at mapanatili ang balanse ng ekosistema d. ibigay ang kapangyarihan sa mga kumpanya na mag-exploit ng mga likas na yaman
18. Alin sa mga sumusunod na argumento ang sumusuporta sa posisyon ng pagpapalakas ng mga batas sa pangangalaga ng kalikasan? a. ang mga batas ay magbibigay daan sa mas maraming trabaho para sa mga tao b. ang mga batas ay magsisiguro ng kaligtasan ng mga tao mula sa mga natural na kalamidad c. ang mga batas ay magbibigay proteksyon sa mga industriya na gumagamit ng likas na yaman d. ang mga batas ay magsisigurado ng patuloy na pag-unlad ng ekonomiya ng bansa
19. Ano ang tumutukoy sa mahahalay na palabas, larawan o babasahin na may layunin na pukawin ang sekswal na pagnanasa ng tao? sekswalidad pornograpiya prostitusyon senswalidad
20. Ang isyung pakikipagtalik nang hindi pa kasal ay isyung may kinalaman sa: a. pre-marital sex b. paninirang puri c. pang-aabusong sekswal d. pagkasira ng relasyon ng nagmamahalan