Alin sa sumusunod ang pinakawastong kahulugan ng migrasyon ? Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar . Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dahil sa kaguluhan ng mga mamamayan . Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari sa lugar na pinagmulan . Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa isang lugar pansamantala man o permanente .
2. Alin sa mga sumusunod ang uri ng migrasyon na tumutukoy sa paglipat ng mga tao sa loob lamang ng isang bansa ? A. Panloob na migrasyon B. Panlabas na migrasyon C. Permanenteng migrasyon D. Pansamantalang migrasyon
3. Ang mga taong umaalis sa sariling bansa upang manirahan sa ibang bansa ay tinatawag na _____. A. emigrante B. imigrante C. migrante D. dayuhan
4. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng panloob na migrasyon ? A. Paglipat ng manggagawa mula Leyte papuntang Cebu B. Paglipad ng OFW patungong Saudi Arabia C. Pagpunta ng estudyante sa Japan upang mag- aral D. Paglipat ng negosyante sa Canada
5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng positibong epekto ng migrasyon sa ekonomiya ng bansa ? A. paglaki ng remittance na pumapasok sa bansa B. pagbaba ng kita ng gobyerno C. kawalan ng propesyonal sa bansa D. pagtaas ng antas ng unemployment
6. Sa iyong palagay , paano nakatutulong ang mga remittance ng OFW sa ekonomiya ng bansa ? Nakadaragdag ito sa pambansang kita at nagpapasigla ng kalakalan . Nagiging dahilan ito ng pag-alis ng mga manggagawa . Nakabawas ito sa halaga ng piso . Nagpapabagal ito sa ekonomiya .
7. Kung ikaw ay isang lokal na opisyal , paano mo mahihikayat ang mga kabataang propesyonal na manatili sa bansa ? Magtatag ng mga programang nag- aalok ng trabaho at magandang benepisyo sa bansa . Hikayatin silang magtrabaho sa ibang bansa . Taasan ang buwis sa mga OFW. Itigil ang edukasyon para sa migrasyon .
8. Ang migrasyon ay may pandaigdigang epekto dahil _____. nagdudulot ito ng interkultural na ugnayan at palitan ng kaalaman nagpapabagal ito sa pag-unlad ng mga mauunlad na bansa nagpapataas ng unemployment sa buong mundo nagdudulot ng digmaan sa pagitan ng mga bansa
9. Kung ikaw ay isang Pilipinong propesyonal na nais magtrabaho abroad upang matulungan ang pamilya , anong maaaring negatibong epekto nito sa bansa ? A. Magiging mas kaunti ang skilled workers dito sa Pilipinas . B. Tataas ang kalidad ng edukasyon . C. Lalong tataas ang sahod sa bansa . D. Bababa ang remittance.
10. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabisang paraan ng pamahalaan upang mapababa ang labor migration ng mga Pilipino? A. Pagpaparami ng oportunidad sa loob ng bansa B. Pagpapatupad ng travel ban C. Pagpapababa ng sahod sa bansa D. Pagpaparami ng recruitment agencies
11. Ang migrasyon ay may pandaigdigang epekto dahil _____. nagdudulot ito ng interkultural na ugnayan at palitan ng kaalaman nagpapabagal ito sa pag-unlad ng mga mauunlad na bansa nagpapataas ng unemployment sa buong mundo nagdudulot ng digmaan sa pagitan ng mga bansa
12. Ano ang tinutukoy ng push factors sa migrasyon ? A. Mga salik na nagtutulak sa tao na lisanin ang kanyang bansa B. Mga salik na humihikayat sa tao na manatili sa bansa C. Mga dahilan ng pagtaas ng kita sa bansa D. Mga polisiya sa turismo
13. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pull factor migration ? A. Mas mataas na sahod sa ibang bansa B. Kaguluhan at giyera sa sariling bansa C. Kakulangan ng trabaho sa lokal na lugar D. Pagbaba ng kalidad ng edukasyon
14. Ang climate change at kalamidad ay halimbawa ng anong uri ng factor? A. Political push factor B. Environmental push factor C. Cultural pull factor D. Economic pull factor
15. Si Ana ay umalis ng bansa dahil sa giyera at kawalan ng seguridad . Anong salik ng migrasyon ang nag- udyok sa kanya? A. Pull factor B. Push factor C. Cultural factor D. None of the above
16. Si Leo ay lumipat sa Canada dahil may oportunidad sa trabaho at magandang serbisyong pangkalusugan . Ano ito ? A. Push factor B. Pull factor C. Political push factor D. Environmental push factor
17. Bakit mahalagang maunawaan ng pamahalaan ang mga push at pull factors ng migrasyon ? A. Upang makagawa ng polisiya na tutugon sa mga dahilan ng pangingibang-bansa B. Upang hikayatin ang lahat na umalis ng bansa C. Para bawasan ang remittance ng OFW D. Para mapataas ang populasyon sa ibang bansa
18. Paano nakaaapekto ang push factor sa pagdami ng migrante ? A. Pinipilit nitong lisanin ng mga tao ang kanilang lugar B. Humihikayat sa kanila na manatili C. Pinipigil ang paglipat ng mga tao D. Nagpapababa ng antas ng migrasyon
19. Kung ikaw ay isang opisyal ng pamahalaan , anong programa ang makatutulong upang mabawasan ang epekto ng push factors? A. Paglikha ng maraming trabaho at oportunidad sa bansa B. Pagbabawal sa lahat ng uri ng migrasyon C. Pagpapababa ng sahod D. Pag- alis ng mga batas sa paggawa
20. Paano nagiging positibo ang epekto ng pull factors? Nakapagbibigay ito ng oportunidad para sa mga tao na mapaunlad ang kanilang sarili Nagdudulot ito ng pagkawala ng mga manggagawa sa bansa Nagtatanggal ito ng pagkakapantay-pantay sa lipunan Nagiging sanhi ng brain drain
Ang tinatawag na brain drain ay isang negatibong epekto ng migrasyon na nagdudulot ng _____. A. Pag- alis ng mga propesyonal at dalubhasa sa bansa B. Pagdami ng oportunidad sa lokal na industriya C. Pagtaas ng antas ng edukasyon D. Pagbabalik ng mga manggagawa sa bansa
22. Alin sa mga sumusunod ang panlipunang epekto ng migrasyon ? A. Pagkawalay ng pamilya at pagkasira ng relasyon B. Pagdami ng negosyo sa bansa C. Pagtaas ng bilang ng mga turista D. Pagbaba ng halaga ng piso
23. Paano nakaaapekto ang migrasyon sa distribusyon ng populasyon sa bansa ? A. Nagdudulot ito ng kakapalan ng tao sa ilang lugar at pagbaba sa iba B. Hindi nito naaapektuhan ang bilang ng populasyon C. Pinipigil nito ang paglago ng ekonomiya D. Pinapabagal nito ang urbanisasyon
24. Sa iyong palagay , bakit mahalagang pag-aralan ang ugnayan ng migrasyon at pagbabago ng populasyon ? Upang maunawaan kung paano naaapektuhan ng migrasyon ang pag-unlad ng ekonomiya at Lipunan Dahil ito ay isang paksang karaniwan lamang sa Araling Panlipunan Dahil ito ay walang kaugnayan sa pag-unlad ng bansa Upang malaman kung alin ang mas mataas , populasyon o migrasyon
25. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng paglabag sa karapatang pantao ng mga migranteng manggagawa ? A. Hindi pagbabayad ng tamang sahod B. Pagkakaroon ng kontrata at insurance C. Pagbibigay ng day-off D. Pagkakaroon ng maayos na tirahan
26. Bakit madaling malabag ang karapatan ng mga migranteng manggagawa ? A. Dahil sila ay nasa ilalim ng pamahalaan ng ibang bansa B. Dahil sila ay masyadong mayaman C. Dahil hindi sila marunong sa wika ng ibang bansa D. Dahil sila ay madalas umuwi
27. Bakit sinasabing “ang migrasyon ay may dalawang mukha ” pagdating sa karapatang pantao ? Dahil maaari itong magbigay ng mga oportunidad ngunit maaari ring magdulot ng paglabag sa karapatang pantao Dahil ito ay parehong mabuti at masama para sa ekonomiya Dahil lahat ng migrante ay nagkakaroon ng problema sa ibang bansa Dahil ito ay nakabatay lamang sa kagustuhan ng manggagawa
28. Kapag ang isang OFW ay matagal na malayo sa pamilya , maaari itong magdulot ng _____. A. Pagkawalan ng komunikasyon at ugnayan B. Mas maayos na relasyon C. Pagkakaroon ng mas mahabang oras na magkasama D. Pagtaas ng respeto sa isa’t isa
29. Kung ikaw ay anak ng isang OFW, paano mo maipapakita ang pagmamahal sa iyong magulang ? A. Sa pag-aaral nang mabuti at pakikinig sa kanilang payo kahit malayo sila B. Sa pagtatampo at paglayo C. Sa hindi pagsunod sa kanila D. Sa pag-aaksaya ng pera
30. Sa iyong palagay , ano ang pinakamabisang paraan upang mapanatili ang matatag na pamilya sa kabila ng migrasyon ? A . Bukas na komunikasyon , tiwala , at pagmamahalan B. Palaging pagpapadala ng pera C. Pagkakaroon ng sariling buhay sa ibang bansa D. Paglimot sa responsibilidad