MAIKLING PAGSUSULIT BLG.1 - Values Education

Wilsheene1 0 views 10 slides Oct 16, 2025
Slide 1
Slide 1 of 10
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10

About This Presentation

Values Education, Aralin 3


Slide Content

MAIKLING PAGSUSULIT BLG. 1 Pamagat : Ang Pamilya : Hibla ng Pagmamahal at Paghubog ng Pagkatao

Panuto : Basahin ang bawat pahayag . Isulat ang TAMA kung wasto ang ideya batay sa binasang teksto at MALI kung hindi . Ayon kay Pierangelo Alejo, ang pamilya ay nabubuo lamang sa pamamagitan ng pagpapakasal ng lalaki at babae . Ayon kay Benokraitis , ang modernong pamilya ay may iba’t ibang anyo na hindi limitado sa tradisyonal na konsepto . Ang pamilyang walang anak ay hindi na maituturing na pamilya ayon sa makabagong pananaw . Ang pangunahing layunin ng pamilya ay ang paghubog at pag-aaruga sa mga anak . Sa makabagong panahon , ang kahulugan ng pamilya ay itinuturing na mas malawak at inklusibo .

Panuto : Basahin ang bawat pahayag . Isulat ang TAMA kung wasto ang ideya batay sa binasang teksto at MALI kung hindi . Ang dedikasyon at pagmamahalan ay karaniwang katangian ng lahat ng uri ng pamilya . Ayon sa teksto , ang sapot ng gagamba ay sumisimbolo sa kahinaan ng pamilya . Ang spider web ay isang metapora ng lakas at pagkakaisa ng pamilya . Katulad ng sapot , ang pamilya ay madaling masira kung may maputol na bigkis ng pagmamahalan . Ang spider web ay nagpapaalala na mas matibay tayo kapag tayo ay nagkakaisa .

Panuto : Basahin ang bawat pahayag . Isulat ang TAMA kung wasto ang ideya batay sa binasang teksto at MALI kung hindi . Sa akdang Bata, Bata, Paano Ka Hinulma !, ang luwad ay sumasagisag sa potensiyal ng bata. Ang magulang ay inihalintulad sa magpapalayok na humuhubog sa pagkatao ng anak . Ang paghubog ng palayok ay nangangailangan ng pagmamadali upang ito ay maging maganda . Katulad ng luwad , ang bata ay nangangailangan ng maingat na pag-aaruga upang hindi “ masira .” Ang proseso ng paghubog ay nangangailangan ng oras , pasensiya , at pagmamahal .

Panuto : Basahin ang bawat pahayag . Isulat ang TAMA kung wasto ang ideya batay sa binasang teksto at MALI kung hindi . Ang palayok ay sumisimbolo sa bunga ng mabuting pagpapalaki . Ang mga magulang ay may mahalagang papel sa pagtulong sa anak na maabot ang kanilang buong potensiyal . Ang paghubog ng bata ay isang mabilis at madaling proseso . Ang parehong akda ay nagpapakita ng kahalagahan ng ugnayan at pagmamahalan sa pamilya . Ang pamilya , ayon sa lahat ng teksto , ay itinuturing na pinagmumulan ng lakas , pagkakaisa , at kabutihan .

Panuto : Basahin nang mabuti ang bawat sitwasyon o pahayag . Piliin ang tamang sagot sa hanay ng mga pagpipilian : Mga Salita ng Pagpapatibay Kalidad na Oras Pisikal na Pagpaparamdam Mga Gawa ng Serbisyo Pagtanggap ng mga Regalo

Si Ana ay labis na natutuwa kapag sinasabihan siyang “Ang galing mo , anak ! Ipinagmamalaki kita .” Tuwing Sabado, naglalaan si Tatay ng oras upang sabayan si Bunso sa panonood ng paboritong palabas nito . Si Lito ay palaging humahalik at yumayakap sa kanyang mga magulang bago pumasok sa paaralan . Si Ate ay tumutulong kay Nanay sa pagluluto tuwing tanghalian kahit pagod mula sa eskwela . Tuwing kaarawan ni Kuya , masaya siyang makatanggap kahit simpleng handmade card mula sa pamilya .

Ang pamilya ay nagsasagawa ng “no gadgets dinner” upang makapag-usap nang masinsinan . Si Tita ay palaging nagbibigay ng motivational messages sa group chat ng pamilya . Si Lola ay masayang nakakatanggap ng bulaklak mula sa mga apo kahit walang okasyon . Kapag pagod si Tatay, minamasahe siya ni Nanay upang maibsan ang kanyang sakit sa likod . Si Kuya ay masaya kapag pinupuri siya ni Mama dahil sa pagtulong sa gawaing bahay .

WASTONG SAGOT

TAMA TAMA MALI TAMA TAMA TAMA MALI TAMA TAMA TAMA TAMA TAMA MALI TAMA TAMA TAMA TAMA MALI TAMA TAMA A B C D E B A C D E