MAKABANSA SUMMATIVE/ WEEKLY TEST QUARTER 2 WEEK 2 WEEK 2
Panuto: Sagutin ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot. Ano ang tawag sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng tao batay sa kanilang pamumuhay, tradisyon, at paniniwala? A. Ekonomiya B. Kultura C. Pamahalaan D. Pananampalataya
2. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng materyal na kultura? A. Kaugalian B. Edukasyon C. Kasuotan D. Paniniwala
3. Ang pagdiriwang ng Pista ng Nazareno sa Maynila ay isang halimbawa ng ____. A. Edukasyon B. Paniniwala at Relihiyon C. Pamahalaan D. Sining
4. Ano ang tawag sa pamayanan ng ating mga ninuno na binubuo ng 30 hanggang 100 pamilya? A. Barangay B. Balangay C. Bayanihan D. Lahi
5. Ang mga sinaunang Pilipino ay gumamit ng pana, sibat, at palaso sa pangangaso. Anong uri ng kultura ito? A. Kasuotan B. Kasangkapan C. Tahanan D. Pagkain
6. Sino ang pinuno ng balangay noong unang panahon? A. Lakan B. Sultan C. Datu D. Rajah
7. Ang paggamit ng palayok at kawayan sa pagluluto ay kabilang sa anong uri ng kultura? A. Kasangkapan B. Pagkain C. Tahanan D. Kasuotan
8. Ang Bathala ay itinuturing na ____. A. Pinuno ng balangay B. Diyos ng mga ninuno C. Bayani ng pamayanan D. Simbolo ng pamahalaan
9. Alin ang HINDI kabilang sa di-materyal na kultura? A. Edukasyon B. Pamahalaan C. Paniniwala D. Kasuotan
10. Ano ang tawag sa sistemang pamahalaan ng mga sinaunang Pilipino kung saan ang Datu ang pinuno? A. Sultanato B. Rajahnate C. Balangay D. Barangay
11. Ano ang tumutukoy sa mga bagay na nakukuha natin mula sa kalikasan tulad ng lupa, tubig, at bundok? A. Ekonomiya B. Likas na Yaman C. Kultura D. Industriya
12. Alin ang halimbawa ng yamang tubig? A. Isda B. Mais C. Palay D. Bundok
13. Ano ang pinakamahalagang kayamanan ng CAMANAVA? A. Yamang lupa B. Yamang mineral C. Yamang tao D. Yamang gubat
14. Ang paggawa ng basket mula sa water lily sa Pasig ay halimbawa ng paggamit ng ____. A. Yamang lupa B. Yamang tubig C. Yamang tao D. Yamang mineral
15. Alin ang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan sa Look ng Maynila? A. Yamang lupa B. Yamang tubig C. Yamang mineral D. Yamang tao
16. Ano ang tawag sa mga taong nagta-trabaho sa pampubliko at pribadong institusyon tulad ng transportasyon at komunikasyon? A. Yamang lupa B. Yamang tao C. Yamang tubig D. Yamang mineral
17. Ano ang pangunahing pakinabang ng likas na yaman sa isang rehiyon? A. Palamuti B. Pagpapayaman ng kultura C. Pag-unlad ng ekonomiya D. Pagpapakita ng tradisyon
18. Ang paglinis ng Las PiƱas River at paggawa ng basket mula sa waterlily ay isang halimbawa ng ____. A. Pangangalaga at paggamit ng yamang tubig B. Pagsira sa kapaligiran C. Paggamit ng yamang mineral D. Pag-asa sa yamang lupa
19. Ano ang dapat gawin ng mga mamamayan upang mapakinabangan ang likas na yaman? A. Huwag pansinin ang mga ito B. Gamitin lamang para sa negosyo C. Pangalagaan at pagyamanin D. Ibenta sa ibang bansa
20. Bakit mahalaga ang yamang tao sa isang komunidad? A. Sila ang gumagawa ng batas B. Sila ang naglilinang at nagpapaunlad ng likas na yaman C. Sila ang nagbibigay ng likas na yaman D. Sila ang tagabantay ng mga bundok