Masining ng Pagpapahayag, Ang editoryal ppt project
lyngarbilao
7 views
39 slides
Sep 12, 2025
Slide 1 of 39
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
About This Presentation
Ito ay tungkol sa Ang Editoryal
Size: 1.01 MB
Language: none
Added: Sep 12, 2025
Slides: 39 pages
Slide Content
MASINING NG PAGPAPAHAYAG Ang pagsulat ng komposisyon
LAYUNIN: PAGKATAPOS MABASA NG MGA MAG AARAL ANG MODUL, INAASAHANG MAGAGAWA ANG SUMOSUNOD NATUTUKOY ANG KAHULOGAN NG KOMPOSISYON NAPAHAHALAGAHAN ANG HAKBANG SA PAGSULAT NG KOMPOSISYON MAKAGAGAWA NG ISANG KPMPOSISYON 2
KOMPOSISYON Ang komposisyon ay mga hinabing kaisipan tungkol sa isang paksa . Binubuo ito ng tatlong bahagi , ang panimula , panggitna at pangwakas . 3
ANG KOMPOSISYON AY DAPAT NAG TATAGLAY NG SUMOSUNOD 1. Paksang pangugnusap 2. Isang diwa 3. Kaisahan 4. Kaayusan 5. Sapat na haba 6. Wastong kayarian ng mga pangungusap 7. Maayos na ugnayan ng mga ideya 4
5 Sa pagsulat ng komposisyon , mahalagang isaalang-alang ang sumusunod : 1. Ano ang layunin ng pagsulat ? 2. Para kanino ang isusulat ? 3. Ano ang sentral na ideya ? 4. Ano- ano ang mga detalyeng kinakailangan upang maging makabuluhan ang pagtalakay ? 5. Paano linangin ang mga ideya ? Anong hulwaran ang susundin ? ANG PROSESO NG PAGSULAT NG KOMPOSISYON
6 HAKBANG SA PAGSULAT NG KOMPOSISYON
7 Paghahanap , pagpili at paglilimita ng paksa - sa pagkakataong ito bigyan ng oras ang sarili na makapag-isip kung ano ang nais mong sulatin . Ito ay batay sa sariling interes at kaalaman o kaya naman ay kaugnay ng piling larangan .
8 2. Pagpapaplanong eksploratori - dito ay maaaring gumawa ng balangkas o kaya ay bumuo ng concept map o webbing upang maihanay ang mga detalyeng sasakupin ng pagsulat .
9 3. Pagsulat ng unang burador o draft - ang balangkas o concept mapping ang magsisilbing gabay sa pagsulat ng iyong talaan . Matapos na maisulat basahin ito nang malakas upang marinig ang posibleng kalakasan o kahinaan .
10 4. Proofreading, pagwawasto at pagrerebisa - Mahalaga na bago mailathala o ipasa ang komposisyong papel sa propesor ito ay na proofread o paulit-ulit na binasa upang makita ang kahinaan . Nararapat na ang mga kahinaan ay mairebisa
11 HAKBANG SA PAGSULAT NG KOMPOSISYON
12 1. Malinis sa anumang pagkakamali 2. Maayos ang pagkabuo ng mga ideya at wasto ang mga detalye 3. Malinaw at tuwiran ang mga nais sabihin . 4. Limitadong sentral ng ideya . 5. Nakikitaan ng matalinong pagpapahayag . Nangangahulugan ng may lamang at lalim ang pagtalakay sa paksa . 6. Mahusay na nahahabi ang mga paksa
13 MGA URI NG KOMPOSISYON
14 DESKRIPTIBO- ito ay isa sa mga uri ng komposisyon . Ito ay may layuning maglarawan ng tao , bagay, lugar o pangyayari . Ang paglalarawan ay maaaring tuwiran o hindi .
15 PAGSULAT NG DESKRIPTIBONG KOMPOSISYON
16 A. Ang deskripsyon o paglalarawan ay nagbibigay ng kulay at sigla sa isang komposisyon . Binubuhay ng deskripsyon ang isang tao , lugar , bagay o pangyayari sa pamamagitan ng mga angkop na salita at iba pang detalye na isinasama sa paglalarawan .
17 B. May dalawang uri ng detalye na maisasama sa deskriptibong komposisyon . Ang isa ay yaong mga kapangsin-pansin sapagkat mga sadyang katangian ng bagay. Ang ikalawa ay yaong mga katangiang ikinatatangi nito sa ibang kauri.
18 C. Naiiba ang deskriptibong komposisyon sa ekspositori at naratibo sa pagsasaayos ng detalye . Sa ekspositoring komposisyon , may pagkakaugnayan ang mga kuro-kuro at isipang naibabatid . Ang isang diwa ay kusang nagmumula sa sinundang diwa kaya nagkakaroonng pagsulong galaw . Sa naratibo ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ay di lamang pasulong kundi pataas ang sunod ng mga pangyayari ay di lamang pasulong kundi pataas ang galaw .
19 D. May dalawang uri ng deskriptibong komposisyon : KARANIWAN O OBHETIBO at MASINING o SUBHETIBO. Ang layunin ng una ay maibigay ang karaniwang ayos , at ang anyo ng nailalarawan ayon sa limang pandama : 1. Panlasa 4. Panalat 2. Pandinig 5. Pang- amoy 3. Paningin
20 Ang masining o subhetibong deskripsyon ay may layuning mapagalaw ang guni-guni ng mambabasa upang makita ang larawan ayon sa pandama , damdamin at isipan ng naglalarawan .
21 NARATIBO- ang layunin ng komposisyong ito ay nagkukuwento o maglahad ng mga pangyayari . Ang isang epektibong naratibo ay nagpapagana ng imahinasyon ng mga mambabasa .
22 PAGSULAT NG NARATIBONG KOMPOSISYON (Abad,2003)
23 A. Ang naratibong komposisyon ay pagkukuwento , at ang lahat ng tao ay nagkukuwenrto , kaya maaaring mas madali itong isulat kaysa sa mga komposisyong deskriptibo , ekspositori at argumentatib .
24 B. Ang salaysay o kuwento ay maaaring magbuhat sa sariling karanasan,nasaksihan,napakinggan , nabasa o likhang-isip .
25 C. Ang naratibong komposisyon ay kailangang magtaglay ng mga sumusunod :
26 1. Mabuting pamagat - pamagat na maikli , kawili-wili , kapana-panabik , hindi nabubunyag ng wakas, di palasak at orihinal . 2. Mahalagang paksa - paksang makabuluhan , hindi mababaw , bagama’t luma na mayroong tamang paraan ng pagsasalaysay sa pamamagitan ng orihinal at paggamit ng sariling kakanyahan o estilo .
27 3. Wastong pagkakasunod-sunod - Ang karaniwang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ay simula , gitna at wakas. Ngunit maaari ring gumamit ng pamaraang pabalik o flashback at dito ay maaaring magsimula sa wakas o kaya’y magsimula sa gitna . 4. Kawili -wiling simula at wakas- Nangangailangan ng kawli -wiling simula upang maaki t agad sa babasa’t kawili -wiling wakas upang makintal ang bisa nito .
28 EKSPOSITORI - ito ay may layuning maipaliwanag at maglahad ng mga impormasyon o ideya . Ang tungkulin ng manunulat sa anyong ito ay malinaw at maayos niyang maisulat ang mga impormasyo .
29 PAGSULAT NG EKSPOSITORING KOMPOSISYON
30 A. Ang ekspositoring komposisyon ay may hangaring magpaliwanag , magturo , magtala , mag- uri - uri , magtaya , magbigay katuturan , magbigay panuto , magbalita , mag- ulat , sumagot sa napakaraming katanungang sumasagi sa isipan ng tao at lumulutas sa mga suliranin ng siyentipikong pag-aaral at sulating pananaliksik
31 B. Ang pormang ginagamit sa ganitong genre ng komposisyon ay pasanaysay sapagkat ito ang mapagtalakay na porma na humahantong sa organisado at disiplinadong pagsulat .
32 ARGUMENTATIBO - ito ay isang uri ng komposisyon na may layuninh ilahad ang iyong punto o panindigan sa isang isyu o paksa . Maaaring sagutin ang mga tanong na : 1. Sang- ayon ka ba o hindi ? 2. Ano ang iyong paninindigan ? 3. Bakit tama o mali ?
33 Mahalagang mapangatwiranan mo ang iyong punto. Pagtibayin ang sinasabi upang maging mabisa ang binuong argumento .
34 PAGSULAT NG KOMPOSISYON NG ARGUMENTATIBO
35 A. Hangarin ng komposisyong argumentatibo na mapatunayan ang isang katotohanan , na makuhang mapaniwala at makahikayat ang mambabasa sa paninindigan ng sumusulat .
36 B. Sa pagsulat ng komposisyong argumentatibo maaaring mangibabaw ang argumentasyon subalit hindi ibig sabihin nito’y ang buong komposisyon ay pawang pangangatwiranan lamang . Sa argumentasyon gumagamit din ang narasyon upang bigyang linaw ang pangyayaring kaugnay ng paksa . Gumagamit ng deskripsyon upang maipaunawa ang mga puntong nangangailangan ng paglilinaw .
37 C. Sa argumentatibong pasalita na ang hangarin ay umakit ng paniniwala at makapaghinuhod , kabilangg ang debate at balagtasan .
38 D. Sa argumentatibong diskusyon na ang hangarin ay masuri ang isang paksang karapat-dapat pagtalunan , magkaroon ng dagdag na kaalaman at malinang ang mga kaalamang batay sa mga tiyak na batas at tuntunin ; kailangang pormal at di- pormal na pagtalakay , panel discussion, symposium at forum.
39 Ang talata ay binubuo ng paksang pangungusap , sumusuportang mga ideya o detalye at pangwakas na pangungusap . Ang paksang pangungusap ay ang karaniwang unang pangungusap sa talata na nagbibigay ng pinaka-ideya kung ano ang sinasabi sa talataan o buong teksto . ANG PAGTATALATA