Matalinghagang pananalita.pptx grade 10.

AngelicaMagdaraogBon 10 views 20 slides Sep 24, 2025
Slide 1
Slide 1 of 20
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20

About This Presentation

ito ay ppt na naglalaman ng tungkol sa matatalinghagang salita


Slide Content

MATATALINGHAGANG PAHAYAG

Ang matatalinghagang pananalita ay mga pahayag na di tuwiran o di literal ang kahulugang taglay at sa halip ay may nakakubling mas malalim na kahulugan. ANO BA ANG MATATALINGHAGANG PANANALITA? SAAN BA KARANIWANG GINAGAMIT ANG MGA MATATALINGHAGANG PANANALITA?

IBA’T IBANG URI NG MATATALINGHAGANG PANANALITA: MGA IDYOMA Mga Pahayag na karaniwang hango mula sa karanasan ng tao,mga pangyayari sa buhay at sa paligid subalit nababalutan ng higit na malalim na kahulugan.

Idyoma Kahulugan Idyoma Kahulugan alog na ang baba matanda kamay na bakal mahigpit na pamamalakad anak-pawis mahirap mahigpit na sinturon magtipid bahag ang buntot duwag mahaba ang pisi mapagpasensiya balat-kalabaw di marunong mahiya malaki ang ulo mayabang balat-sibuyas maramdamin mapurol ang utak mahina ang isip/utak

Idyoma Kahulugan Idyoma Kahulugan basang-sisiw api, kaawa-awa nagbibilang ng poste walang trabaho buto’t balat payat na payat nakalutang sa ulap masaya ginintuang puso mabuti ang kalooban pabalat-bunga pagkukunwari,hindi totoo huling hantungan libingan pantay na paa patay na ilista sa tubig utang na wala nang bayaran pusong-mamon maawain

IBA’T IBANG URI NG MATATALINGHAGANG PANANALITA: MGA TAYUTAY Sadyang lumalayo ang nagpapahayag sa karaniwang paraan ng pagsasalita upang higit na mapaganda o mabigyang-halina ang isinusulat o sinasabi.

PAGTUTULAD (Simile) - paghahambing ng dalawang magkaibang bagay na ginagamitan ng mga pariralang katulad ng,gaya ng, at iba pa. Hal. Ang digmaan ay tulad ng halimaw na sumisira sa bawat daanan. Ang kanyang ngiti ay tulad ng sikat ng araw. 2. PAGWAWANGIS (Metaphor) - naghahambing din ito tulad ng pagtutulad ngunit ito ay tiyakang naghahambing at hindi gumagamit ng pariralang tulad ng,gaya ng, at iba pa. Hal. Ang digmaan ay maiitim na usok ng kamatayan. Ang puso mo ay yelo sa lamig MGA URI TAYUTAY

3. PAGMAMALABIS (Hyperbole) - lubhang pinalalabis o pinakukulang ang tunay na kalagayan ng tao,bagay, o pangyayari. Hal. Bumaha ng dugo sa nangyaring digmaan Namuti ang buhok ko sa kahihhintay sayo 4. PAGBIBIGAY-KATAUHAN (Personification) - pagbibigay-katangian ng isang tao sa isang bagay na walang buhay. Hal. Ang baya’y umiiyak dahil ito’y may tanikala. Sumasayaw ang mga dahon sa ihip ng hangin. MGA URI TAYUTAY

5. PAGPAPALIT-SAKLAW (Synechdoche) - pagpapahayag sa pamamagitan ng pagbanggit sa bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan. Hal. Maraming puso ang nadurog sa kalagayan ng mga batang nabiktima ng digmaan. Tatlong ulo ang dumalo sa pulong. 6. PAGTAWAG (Apostrophe) - ito naman ay tila pakikipag-usap sa karaniwang bagay na malayo o wala naman. Hal. O Kamatayan, hayaan mong mamuhay muna at yumabong ang mga kabataan. Suwerte, lapitan mo ako! MGA URI TAYUTAY

7. PAG-UYAM (Irony) - ito ay isang pangungutya sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang kapuri-puri ngunit kabaligtaran naman ang kahulugan. Hal. Ang sipag mo naman, wala kang ginawa kundi matulog. 8. PAG-UULIT (Alliteration) - paggamit ng magkatulad na titik o pantig sa simula ng dalawa o mahigit pang salitang ginagamit sa pagpapahayag. Hal. Hinangaan ng bayan ang m agiting na m andirigma M asaya si M ila sa M aynila. MGA URI TAYUTAY

9. PAGHIHIMIG (Onomatopoeia) - tayutay na naririnig ang tunog ng bagay na inilalarawan.Paggamit ng mga salitang nagpapahiwatig ng tunog. Hal. Ang tiktak ng orasan ay damang-dama ng bayaning bibitayin. Sumakit ang tenga namin sa malakas na pot-pot ng dumaang bus. 10. PAGPAPALIT-TAWAG ( Metonymy ) - Paggamit ng ibang katawagan na may kaugnayan sa tinutukoy. Halimbawa: "Igalang ang puting buhok " (tumutukoy sa matatanda). “Nanumpa ako ng katapatan sa korona .” MGA URI TAYUTAY

ANG TULA AT MGA ELEMENTO NITO Ang tula ay isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni, pinararating sa ating damdamin, at ipinahahayag sa pananalitang may angking kariktan o aliw-iw. Ito ay nagtataglay ng mahahalagang elemento o sangkap upang higit na maging masining ang paglalahad.

TUGMA - Ang pareho-pareho o halos magkakasintunog na dulumpantig ng bawat taludtod ng tula. Ang mga dulumpantig na ito ay maaaring nagtatapos sa patinig o katinig. Ang tugma ay may dalawang uri; a. Tugmang Patinig - mga salitang nagtatapos sa iisang patinig na may pare-pareho ring bigkas na maaaring mabilis o malumay (walang impit) at malumi o maragsa (may impit). Ang mga patinig na puwedeng magkkakatugma ay mahahati sa tatlon lipon: a, e-i, at o-u. Malayang nagpapalitan ang e-i at o-u. ELEMENTO NG TULA

MABILIS MALUMAY MALUMI MARAGSA sinta ligaya luha tula kanta balina tala pasa mata kasama lupa wala dala parusa diwa sawa

b. Tugmang Katinig - mga salitang nagtatapos sa mga katinig. Ito ay may dalawang uri: Ang tugmang malakas ay ginagamitan ng pare-parehong patinig tulad ng a,e-i,o-u at nagtatapos sa mga katinig na b,k,d,g,p,s at t. Hal. Tugmang malakas gamit ang a: alab,balak,palad,payag,usap,atas, at salat kalat,pilat,salat,malat,atas,atas,patas,lakas at wagas 2. Ang tugmang mahina naman ay ginagamitan din ng pare-parehong patinig tulad ng a,e-i,o-u at nagtatapos naman sa mga katinig na l,m,n,ng,r,w, at y. Hal. Tugmang mahina gamit ang a: halal,alam,bayan,halang,asar,araw, at away banal, kasal,bawal,dangal,bayan,kawan, larawan,lama

2. SUKAT - Ito ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng saknong. Ang karaniwang sukat na gamitin ay ang labindalawa, labing-anim, at labingwalong pantig. hal. Tu-ngo-sa-la-ra-ngan/, a-ko’y-nag-su-mag-sag/ 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 Ang-na-ta-ta-naw-ko’y/, i-mor-tal-na-si-nag/ 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 (/) - sesura ELEMENTO NG TULA

3. SAKNONG - Ang pagpapangkat ng mga taludtod o linya ng tula. Nakapagdaragdag ito sa ganda at balanse ng tula bukod pa sa nakapagbibigay rin ng pagkakataon para sa makata na magbago ng tono o paksa sa kanilang tula. Iba’t iba ang bilang ng taludtod sa isang saknong tulad ng mga nasa ibaba: 2 taludtod sa isang saknong o couplet 3 taludtod sa isang saknong o tercet 4 taludtod sa isang saknong o quatrain 5 taludtod sa isang saknong o quintet 6 taludtod sa isang saknong o sestet 7 taludtod sa isang saknong o septet 8 taludtod sa isang saknong octave ELEMENTO NG TULA

4. LARAWANG-DIWA (Imagery) - Ito ay mga salitang binabanggit sa tulang nag- iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa . hal . Pumula sa dugo ng kalabang puksa , Naglambong sa usok , bangis ay umamba 5. SIMBOLISMO (Symbolism) - Ito ang mga simbolo o mga bagay na ginamit sa tulang may kinakatawang mensahe o kahulugan at nagpapalalim sa diwa ng esensiyang taglay ng tula . hal . bituin - pangarap ilaw - pag-asa ELEMENTO NG TULA

6. KARIKTAN - Ayon kay Julian Cruz Balmaceda, maaaring bigkasin ang isang hanay-hanay ng mga talatang tugma-tugma ang mga dulo at sukat-sukat ang mga bilang ng pantig ngunit di pa rin matatawag na tula kung hindi nagtataglay ng kariktan. May mga tulang walang sukat at tugmang sinusunod subalit matatawag pa ring tula sapagkat pilimpili ang mga salita,kataga,parirala,imahenn o larawang-diwa, tayutay o talinghaga, at mensaheng taglay na siyang lalong nagpapatingkad sa katangian nito bilanng tula at pumupukaw sa mayamang imahinasyon ng bumabasa. ELEMENTO NG TULA

MARAMING SALAMAT!