1
MATATAG Kto10
Kurikulum Lingguhang
Aralin
School: Grade Level: 4
Teacher’s Name: DepEd Click Learning Area: FILIPINO
Date: SEPTEMBER 15-19, 2025 Quarter & Week:Q2 / WEEK 4
FILIPINO/ KUWARTER 2/ BAITANG 4
I.NILALAMAN NG KURIKULUM, PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYAN SA ARALIN
A. Mga Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang kahusayan sa pagpapalawak ng bokabularyo, kamalayan sa
gramatika (denotasyon, konotasyon), pag-unawa sa tekstong naratibo (anekdota, tulang
pambata, at kuwentong-bayan) at tekstong impormatibo (paglalahad muli (recount) gaya ng
talaarawan at talambuhay ng sarili), paglinang ng mga kasanayang produktibo gamit ang wika
upang makalikha ng tekstong tumatalakay sa mga paksaing lokal o rehiyonal na naaangkop sa
edad at nagsasaalang-alang sa kasarian batay sa layunin, konteksto, at target na madla.
B. Mga Pamantayan sa Pagganap Nagagamit ng mag-aaral ang pagkakaroon ng kahusayan sa wastong gramatika, kaangkupan
ng salita/retorika, estilo, at estruktura sa paggawa ng salaysay ng karanasang lokal o
rehiyonal at tungkol sa sarili (talambuhay ng sarili o autobiography).
C. Mga Kasanayan at Layuning
Pampagkatuto
Mga Kasanayan
1.Nasusuri ang layon ng teksto:
-magsalaysay (tulang pambata)
2.Naiuugnay ang kaisipan ng akda sa sariling karanasan.
3.Nagagamit ang mga bahagi ng pananalita sa pagpapahayag.
-Panghalip Pamatlig
4.Nagagamit ang angkop na wika sa pagpapahayag na isinasaalang-alang ang edad,
kasarian, paksa, at kultura tuwing may binyagan at kasalan.
D. Nilalaman Pangunahing Paksa: Pag-unawa sa Layon ng Tulang Nagsasalaysay (Pambata)
Kaugnay na Paksa: Ang Wastong Paggamit ng Panghalip Pamatlig
2
E. Integrasyon Kultural na pagpapahalaga sa mga handaan (Binyagan/ Kasalan)
II.BATAYANG SANGGUNIAN SA PAGKATUTO
Aguilar, Filomeno V., Jr. et.al. (2009) Maalwang buhay: family overseas migration and cultures of relatedness in Barangay Paraiso.
Ateneo De Manila University Press. Quezon City.
3
III.MGA HAKBANG SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO MGA TALA SA GURO
A. Pagkuha ng
Dating
Kaalaman
UNANG ARAW
1.Maikling Balik-aral
Alaala ng Nakaraan:
Maghanap ng kapareha at pag-usapan ang mga matitingkad na konsepto sa
nagdaang aralin tungkol sa talambuhay. Tingnan ang mga gabay na tanong sa
pisara bilang gabay sa pagbabalik-aral. Isulat sa isang pahinang papel ang
sagot ng iyong kamag-aral at isusulat rin naman ng iyong kamag-aral ang mga
sagot mo. Bigyan ng angkop na reaksiyon sa pamamagitan ng mga emoticons
ang sagot ng iyong kaklase, matapos ito’y ibalik ito sa kaniya.
Kinuha mula sa:
https://www.freepik.com/free-photos-
vectors/smiley-emoji
Mga Mungkahing Tanong:
1.Batay sa naging gawain sa pagtatanong ng mahahalagang impormasyon ng
iyong kaklase, ano ang ibig sabihin ng talambuhay?
2.Maaari ba nating uriin ang talambuhay? Kung oo, ano ang dalawang uri
nito? Maaari bang ibigay ang pagkaka-iba nito.
Kailangang maibigay ng guro
angangkop na panuto sa
gawain, bibigyan lamang ng 10
minuto ang bawat pares ng
mag-aaralsa pagbabalik-
aral. Tiyakin na nauunawaan
ng mga mag-aaral ang ibig
sabihin ng mga emoticons na
ibibigay na reaksiyon ng mag-
aaral sa ibibigay na sagot ng
kaniyang kapares.
Cortez, G. M. (2020). Baysanan: Ang kasalang Batangueño bilang kultural na kapital. Retrieved from
https://animorepository.dlsu.edu.ph/etd_masteral/5906
Kapuso mo,Jessica Sojo(2023, Marso 1).Garine saBaysanan![Video].Youtube.
https://www.youtube.com/watch?v=B_9CHMXpf28
Larawan ng Bata sa isang Tahanan. (2023). Kinuha sa https://www.shutterstock.com/search/nipa- hut
Larawan ng Bag (2023). Kinuha sa https://www.pngitem.com/middle/ibJJhwb_transparent- backpack-clipart-png-backpack-clipart- png-
download/
Larawan ng Paaralan (2023). Kinuha sa https://www.redbubble.com/fr/i/magnet/BnW-Paaralan- par-Oletarts/33566345.TBCTK Larawan ng
mga emoticons (2023). Kinuha sa https://www.freepik.com/free-photos-vectors/smiley-emoji
4
B. Paglalahad ng
Layunin
1.Panghikayat na Gawain Pinggan ng Karanasan:
Magsulat ng mga salitang maaaring maiugnay sa mga larawan sa nasabing
okasyon batay sa inyong personal na karanasan sa pagdalo o pagsasagawa nito sa
inyong pamilya. Isulat ang sagot sa isang pinggang Pinoy na may apat na hati.
Pinggan ng Karanasan
Larawan 1
Kinuha mula sa google images: https://clipart-
library.com/clipart/married-cliparts_3.htm
Larawan 1
Halaw mula sa google images:
https://curacycafe.blogspot.com/2010/04/break-
and-baptism.html
2.Paghawan ng Bokabolaryo sa Nilalaman ng Aralin
Piliinangangkop natitiknakasingkahulugan mga
salitang may salungguhit sa pangungusap.
Gaganapin sa susunod na linggo ang baysanan ng magkasintahang Daniel at Dina
sa Lungsod ng Lipa sa Batangas.
a.kasalan
b.pangingibang –bansa
c.pamamasyal
Patuloy na isinasagawa ang bayanihan sa lugar nina Estong sa probinsiya tuwing may
mga okasyon.
5
a.pagtatalo b.pagtutulungan c.pagtatawanan
3. Labis ang kagalakan ni Sofia sa nalalapit na pagdating kaniyang ama.
a. kalungkutan b.kalituhan
c. kasayahan
C. Paglinang at
Pagpapalalim
IKALAWA AT IKATLONG ARAW
Kaugnay na Paksa 1: Akdang Naratibo: Tulang Pambata
1.Pagproseso ng Pag-unawa
Mga Gabay na Tanong
2.Paglinang ng Konsepto:
Ang Baysanan
sa panulat ni Michael C. Delos Santos
Baysanan ang tawag, sa tradisyon ng kasalan sa Batangas Buhay na buhay ang
bayanihan sa kasalan sa lalawigan.
Mga tao’y abala sa paggagayak para sa ikakasal Mga ikakasal labis – labis ang kagalakan.
Ang baysanan, may tatlong bahagi,
Una’y bago ang kasalan, nagaganap ang bulungan, lipatan at panunulungan.
Ang ikalawa’y ang aktuwal na kasalan, bahagi nito’y salusalo at sabugan,
Panghuli’y dapit ng mag-asawa, kung tawagin sa lugar.
6
3.Pinatnubayang Pagsasanay
Pag-unawa sa layon ng teksto
Kahon- Tanong:
Bumunot ng isang tanong mula sa kahon at ibahagi ang iyong sagot sa klase.
a.Anong uri ng teksto ang binasa?
b.Ano ang layunin ng teksto?
c.Ano ang pangunahing paksa ng teksto?
d.Saang lugar nagaganap ang binanggit sa isinalaysay sa teksto?
e.Ano-anong mga katangian ng tao ang napatingkad sa teksto?
f.Paano isinasagawa ang buong siklo ng tradisyong tinalakay sa tula o teksto?
4.Paglalapat at Pag-uugnay
Ang Aking Kuwento:
Magbahagi ng iyong personal na karanasan sa naalalang dinaluhang okasyon
(halimbawa – kasal, binyag, kaarawan, anibersaryo, at iba pa.) Gawin ito sa
pamamagitan ng pagkumpleto sa bawat pahayag sa ibaba. Bago ito gawin, panoorin
ang video na ito mula sa Youtube na nagsasalaysay sa isang okasyon sa Batangas.
Panonood ng video (https://www . youtube.com/watch?v=B_9CHMXpf28)
Pagdalo sa okasyon
Ako ay dumalo sa isang okasyon na ang tawag ay
Doon sa lalawigan ng
Aking nakasama sina
Maraming tao ang dumalo sa
Kaugnay na Paksa: Ang Wastong Paggamit ng Panghalip Pamatlig
7
8
1.Pagproseso ng Pag-unawa
Si Primo at ang Kaniyang Kapatid
sa panulat ni Michael C. Delos Santos
Kinuha mula sa google images: https://www.shutterstock.com/search/nipa- hut
Ako si Primo at ito ang aming tahanan. Kasama ko rito ang aking mga mga magulang
at nakababatang kapatid na si Theo. Abala ang aking mga magulang dahil araw ng
Binyag ngayon ni Theo. Doon sa simbahang malapit sa aming bahay gagawin ang
seremonya. Matapos iyon, didiretso kami doon sa napiling restaurant para sa salusalo.
Ganito ang kadalasang pangyayari ng pagbibinyag sa aming relihiyon.
Kilala – Salita:
Basahin at unawain ag teksto Tingnan ang mga salitang nakasalungguhit at kilalanin
ito batay sa sa gamit sa teksto.
Mga Mungkahing Tanong:
a.Nakikilala ba ninyo ang mga salitang nakasalungguhit sa itaas?
b.Ano ang pangunahing gamit nito sa teksto?
c.Anong uri ng panalita ito nabibilang?
d.Naaalala ba ninyo kung anong uri ng panghalip ang mga ito?
2.Paglinang ng Konsepto
Usapang Lapit at Layo: Magpapakita ng larawan ang guro na gagamitin sa
pagtukoy ng lapit at layo ng isang itinuturong tao, bagay, hayop, lunan, o kaya’y
pangyayari.
Gabay na Tanong
Paano mo itinuturo ang isang bagay, tao, lugar at hayop?
9
10
a.kung ito’y malapit sa iyo?
b.kung malapit sa kausap mo?
c.at kung kapwa malayo naman sa inyo ng kausap mo?
Tunghayan ang dalawang larawan na magbibigay linaw dito.
Kinuha mula sa google images:
https://www.pngitem.com/middle/ibJJhwb_transparent-backpack-clipart-png- backpack-clipart-png-download/
Halimbawa:
Pag-unawa sa Sitwasyon Bilang 1:
Magkasama sina Lito at Rick sa kantina ng paaralan, bago lamang ang bag ni Lito.
Gamit ang panghalip pamatlig maaaring ituro ni Lito ang bag kung ito’y malapit sa
kaniya, malapit kay Rick o kapuwa malayo sa kanilang dalawa. Tingnan ang tatlong
pangungusap at ilagay ang angkop na pangungusap sa talahanayan sa ibaba.
1.Ito ang aking bag.
2.Iyan ang aking bag.
3.Iyon ang aking bag.
Kinuha mula sa: google images: https://www.redbubble.com/fr/i/magnet/BnW-Paaralan-par-
Oletarts/33566345.TBCTK
Malapit kay Lito Malapit kay Rick Malayo kapwa kina Lito
at Rick
11
Halimbawa:
Pag-unawa sa Sitwasyon Bilang 2:
Magkasamang namasayal sa kanilang bayan sina Lea at ang kaniyang pinsang si May
na isang balik-bayan. Nakasakay sila sa bisikleta at napadaan sila sa tapat ng paaralan
nina Lea. Ano kaya ang angkop na pangungusap na maaaring sabihin ni Lea kung
ituturo niya ang kaniyang paaralang pinapasukan sa kaniyang pinsan, kung malapit
siya sa paaralan, kung malapit naman si May sa paaralan, o kung kapwa malayo sa
kanilang dalawa. Subukang ihanay sa kahon sa ibaba ang iyong tugon.
1.Dito ang aming paaralan
2.Diyan ang aming paaralan.
3.Doon ang aming paaralan.
Malapit sa Nagsasalita Malapit sa Kausap Malayo Kapuwa sa Nag-uusap
3. Pinatnubayang Pagsasanay
Ilagay sa angkop na hanay sa loob ng talahanayan ang pangungusap batay sa gamit
nito ayon sa lapit ng nagsasalita, lapit ng kausap at layo o lapit kapuwa sa nagsasalita
at kausap. Gawing gabay ang mga may salungguhit na panghalip upang matukoy ang
lapit at layo ng nagsasalita at nag-uusap.
Doon ang aming bahay.
Dito kami kumakain araw-araw.
Bibili ako ng katulad niyan.
Ganito ang gusto kong sapatos Ganoon ang bolang gusto ko.
Malapit sa
Nagsasalita
Malapit sa KausapMalayo Kapuwa
sa Nag-uusap
a.
b.
c.
d.
e.
12
IKAAPAT NA ARAW
4. Paglalapat at Pag-uugnay
Magsulat ng isang personal na salaysay hinggil sa karanasan sa pagdalo ng isang
okasyon. Tiyakin lamang na ang layon ng isusulat na gawain ay pagsasalaysay ng
pangyayari sa iyong buhay. Isulat ang personal na salaysay sa loob ng mga kahon ng
diayalogo.
.
.
D. Paglalahat 1.Pabaong Pagkatuto
Dugtungan: Punan ng angkop na pahayag ang mga salungguhit sa pahayag upang
mabuo ang kaisipang hinihingi ng pangungusap.
a.Ang Baysanan ay isang katutubong tradisyon doon sa .
b.Ang Baysanan ay may katumbas na kahulugan na .
c.Ang panghalip pamatlig ay maaaring makilala batay sa , at
.
Mga Tamang Sagot:
a.Batangas
b.Kasalan
c.lapit ng pangngalan sa
nagsasalita/lapit ng
pangangalan sa
kausap/layo kapwa sa
nagsasalita at nag-uusap
IV.EBALWAYSON NG PAGKATUTO: PAGTATAYA AT PAGNINILAY MGA TALA SA GURO
A. Pagtataya 1. Pagsusulit
Tukuyin mula sa pangungusap na pinalooban ng mga panghalip pamatlig ang
layo – lapit ng nagsasalita at kausap nito. Isulat ang tamang titik sa sagutang
papel.
1.Doon ako pupunta sa pamilihang bayan mamayang hapon.
a.malapit sa nagsasalita
Mga Tamang Sagot:
1. c
2. b
3. a
13
b.malapit sa kausap
c.kapuwa malayo sa nagsasalita at kausap
2.Iyan ang aking sombrerong gagamitin papuntang bukid.
a.malapit sa nagsasalita
b.malapit sa kausap
c.kapuwa malayo sa nagsasalita at kausap
3.Ito ang bagong biling bisikleta ni Tony.
malapit sa nagsasalita
malapit sa kausap
kapuwa malayo sa nagsasalita at kausap
4.Diyan nakalagay ang susi ng sasakyan ni Kuya Ruben.
a.malapit sa nagsasalita
b.malapit sa kausap
c.kapuwa malayo sa nagsasalita at kausap
5.Dito tayo bibili ng tinapay na babaunin sa pagpunta sa ilog.
a.malapit sa nagsasalita
b.malapit sa kausap
c.kapuwa malayo sa nagsasalita at kausap
2. Gawaing Pantahanan/Takdang-Aralin
Ang Aking My Day: Magdala ng larawan na inilagay sa My Day ng Facebook o
kaya’y isang paboritong larawan na tinitingnan palagi. Magsulat ng dalawa
hanggang apat na pangungusap tungkol sa larawan.
4. b
5. a
Para sa takdang gawain, dapat
alamin ng guro kung may mga
account ng facebook ang mga
mag-aaral bago banggitin ang
My Day/My Story, at kung
marami ang wala, magtuon na
lamang sa pagpapadala ng isang
paboritong larawan ang guro sa
mga mag-aaral.
14
B. Pagbuo ng
Anotasyon
Itala ang naobserhan
sa pagtuturo sa
alinmang sumusunod
na bahagi.
Epektibong Pamamaraan
Problemang Naranasan at
Iba pang Usapin
Hinihikayat ang mga guro na
magtala ng mga kaugnay na
obserbasyon o anomang
kritikal na kaganapan sa
pagtuturo na
nakakaimpluwensya sa
pagkamit ng mga layunin ng
aralin. Maaaring gamitin o
baguhin ang ibinigay na
template sa pagtatala ng mga
kapansin-pansing lugar o
alalahanin sa pagtuturo.
Bilang karagdagan, ang mga tala
dito ay maaari ding maging isa
mga gawain na ipagpapatuloy sa
susunod na araw o mga
karagdagang aktibidad na
kailangan.
Estratehiya
Kagamitan
Pakikilahok ng mga
Mag-aaral
At iba pa
C. PagninilayGabay sa Pagninilay:
▪Prinsipyo sa pagtuturo
Anong prinsipyo at paniniwala ang naging bahagi ng ginawa sa aralin? Bakit
dapat ituro ang aralin sa paraang aking ginawa?
▪Mag- aaral
Anong gampanin ng mga mag-aaral sa aralin?Ano at paano natuto ang mga
mag-aaral?
▪Pagtanaw sa Inaasahan
Ano ang aking nagawang kakaiba?
Ano ang maaari ko pang gawin sa susunod?
Ang mga entry sa seksyong ito
ay mga pagninilay ng guro
tungkol sa pagpapatupad ng
buong aralin, na magsisilbing
input para sa pagsasagaw ng
LAC. Maaaring gamitin o
baguhin ang ibinigay na mga
gabay na tanong sa pagkuha ng
mga insight ng guro.