7 gamit ng wika (Halliday):
Instrumental – para sa pangangailangan (hal. “Pahiram ng lapis”).
Interaksiyonal – para sa ugnayan/pakikipagkapwa.
Regulatori – para mag-utos o manghikayat.
Heuristiko – para sa pagtuklas/pagtatanong.
Representatibo – para magpahayag ng impormasyon.
Personal...
7 gamit ng wika (Halliday):
Instrumental – para sa pangangailangan (hal. “Pahiram ng lapis”).
Interaksiyonal – para sa ugnayan/pakikipagkapwa.
Regulatori – para mag-utos o manghikayat.
Heuristiko – para sa pagtuklas/pagtatanong.
Representatibo – para magpahayag ng impormasyon.
Personal – para sa sariling damdamin/opinyon.
Imahinatibo – para sa malikhain at harayang pagpapahayag.
wika, gamit, komunikasyon, Halliday, pangangailangan, ugnayan, kontrol, pagtuklas, impormasyon, sarili, imahinasyon.
Size: 1.62 MB
Language: none
Added: Oct 31, 2025
Slides: 31 pages
Slide Content
Mga Gamit Ng Wika Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kultura ng Pilipino PowerPoint
Para saan nga ba ang gamit ng wika? Ano nga ba ang silbi ng Wika? Ginagamit ba ito batay sa iba’t ibang sitwasyon?
Batay sa obserbasyon ni Halliday, nabuo niya ang pitong gamit ng wika batay sa iba’t ibang yugto ng paggamit ng isang bata. Sa isipan niya na ang isang bata ay may hakbang- hakbang na yugto ng kakayahan sa paggamit ng wika. Mga Gamit Ng Wika
Naniniwala si Halliday na may gamit ang wika sa pagbuo ng panlipunang realidad at mahalaga ang panlipunang gamit nito sa pagbibigay-interpretasyon sa wika bilang isang sistema sa iba’t ibang sitwasyon. Mga Gamit Ng Wika
Interaksiyonal na gamit ng Wika Heuristiko na gamit ng Wika Regulatori na gamit ng Wika Mga Nilalaman 01 3 02 4 Instrumental na gamit ng Wika
Personal na gamit ng Wika Imahinatibo na gamit ng Wika 5 7 6 Representatibo na gamit ng Wika
Instrumental na Gamit ng Wika 01 /ˌinstr ə ˈmen(t)l/ - ... Of use/gamit.
Ano nga ba ang Instrumental? Ginagamit ang wika sa pakikipagpalastasan para tumugon sa pangangailangan ng tagapagsalita. Sa aktuwal na karanasan, karaniwang instrumental ang gamit ng wika para sa pagbigay problema at tumugon sa mga tiyak na pangangailangan.
Mga “Key Words” at Mga Halimbawa: Key Words: Pangangailangan (Needs), Pagtugon (Responding) Mga Halimbawa: “Gusto ko ng tubig.” “Pahiram ng lapis.” “Pabili po ng tinapay.”
Interaksiyonal na Gamit ng Wika 02 / ɪ n.t ɛ . ɾ ak.siˈj ɔ .nal/ - Reciprocal/Kapalit. ? !
Ano nga ba ang Interaksiyonal? Ginagamit ang wika sa pagbubukas ng interaksiyon o paghuhubog ng panlipunang ugnayan. Ang wika ay may panlipunang gampanin na pag-ugnayin ang isang tao at ang kaniyang kapuwa sa paligid o partikular na panlipunang konteksto.
Mga “Key Words” at Mga Halimbawa: Key Words: Pagbubukas ng interaksiyon (opening interaction), Panlipunang gampanin (social role), at Panlipunang konteksto (social context). Mga Halimbawa: “Kamusta ka na?” “Uy, ang tagal natin ‘di nagkita!” “Ingat ka palagi.”
Regulatori na Gamit ng Wika 3 / ɾɛ .gu.laˈt ɔ . ɾ i/ - Command/Mag-utos ! !
Ginagamit ang wika upang makaimpluwensiya at magkontrol ng pag-uugali at kaasalan ng iba. Magagamit ng tagapagsalita ang kapangyarihan ng wika upang makapanghikayat , mag-utos , at humiling sa kaniyang kausap o sinuman sa kaniyang paligid. Ano nga ba ang Regulatori?
Mga “Key Words” at Mga Halimbawa: Key Words: Makaimpluwensiya (To influence), Pag-uugali at kaasalan (Behavior and conduct), at Pag-utos (Commanding). Mga Halimbawa: “Pakisara ng pinto.” “Tumahimik nga kayo!” “Uwi na tayo.”
Heuristiko na Gamit ng Wika 4 /h ɛ w. ɾ isˈti.ko/ - Investigative/Pang-usisa. ? !
Ano nga ba ang Heuristiko? Ginagamit ang wika sa pag-aaral at pagtuklas upang makapagtamo ng kaalaman ukol sa kapaligiran. Umuusbong ang ganitong heuristikong gamit ng wika sa mga pagkakataong nagtatanong , nangangalap ng impormasyon , at nakatutuklas ng mga bagong ideya o salita.
Mga “Key Words” at Mga Halimbawa: Key Words: Pag-aaral (learning), Nagtatanong (asking questions), at Nangangalap ng impormasyon (gathering information). Mga Halimbawa: “Bakit umiiyak si baby?” “Ano ‘yan?” “Anong ibig sabihin ng salitang iyon?”
Representatibo na Gamit ng Wika 5 ? ! / ɾɛ .p ɾɛ .s ɪ n.taˈti.bo/ - Describing/Pag-lalarawan.
Ano nga ba ang Representatibo? Ginagamit ang wika sa paglalahad ng impormasyon , datos , at pagsusuri ng nakalap na ideya na nirerepresenta sa iba't ibang paraan. Bagaman, kaugnay ng representatibo ang heuristikong gamit ng wika sa pagbibigay-kahulugan sa realidad ng lipunan.
Mga “Key Words” at Mga Halimbawa: Key Words: Paglalahad (presentation), Impormasyon / Datos (information / data), at Pagbibigay-kahulugan (interpreting reality). Mga Halimbawa: “May assignment kami bukas.” “Tatlo ang aso namin sa bahay.” “Maraming bituin sa langit kagabi.”
Personal na Gamit ng Wika 6 /p ɛɾ .soˈnal/ - Subjective/Subhetibo.
Ano nga ba ang Personal? Ginagamit ang wika upang itampok at palakasin ang personalidad at pagkakakilanlan ng isang indibidwal. Ginagamit ng isang tao ang wikang personal upang ipahayag ang pansariling preperensiya , saloobin , at pagkakakilanlan na hindi sumasaklaw sa kaniyang pangangailangan.
Mga “Key Words” at Mga Halimbawa: Key Words: Pagpapahayag ng sarili (self-expression), Saloobin (feelings, opinions), at Impormasyon / Paniniwala (beliefs). Mga Halimbawa: “Ayoko ng gulay.” “Masaya ako kasi may bago akong laruan.” Gusto ko maging doktor paglaki ko.”
? ! 7 Imahinatibo na Gamit ng Wika / ʔ i.ma.hiˈna.ti.bo/ - Creative/Haraya.
Ano nga ba ang Imahinatibo? Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng imahinasyon at haraya. May gampanin ang wika sa paglalaro ng mga salita at lumikha ng bagong kapaligiran o daigdig mula sa salita. Halimbawa ng imahinatibong gamit ng wika ang pagsulat ng mga malikhaing komposisyon, gumagamit ng tayutay at iba pang estratehiya na ang layunin ay makapukaw ng interes at maging mapang-akit sa komunikasyon.
Mga “Key Words” at Mga Halimbawa: Key Words: Imahinasyon (imagination), Paglalaro ng salita (play of words), at Tayutay (figures of speech). Mga Halimbawa: “May dragon sa ilalim ng kama ko!” “Ang mga ulap ay cotton candy na pwede kainin.” “Yung kahoy na ito ay barko, maglalayag tayo ngayon.”
Summary/Buod I nstrumental – gamit sa pagtugon sa pangangailangan (hal. paghingi o pagbigay). Interaksiyonal – gamit sa pakikipag-ugnayan at pagpapatibay ng relasyon. Regulatori – gamit sa pagkontrol o pag-impluwensiya sa kilos ng iba (pag-utos, paghikayat, paghingi).
Summary/Buod Heuristiko – gamit sa pagtuklas at pag-aaral sa pamamagitan ng pagtatanong at pananaliksik. Representatibo – gamit sa pagbibigay at pagpapaliwanag ng impormasyon o datos. Personal – gamit sa pagpapahayag ng sariling damdamin , opinyon , at pagkakakilanlan.
Summary/Buod Imahinatibo – gamit sa malikhaing pagpapahayag at pagbuo ng imahinasyon.
Sana may natutunan kayo ! May tanong pa ba kayo? Paki-taas nalang ng iyong kanang kamay. Salamat po!