MGA SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS.pptx

JoyLynCoquilla2 40 views 46 slides Sep 15, 2025
Slide 1
Slide 1 of 46
Slide 1
1
Slide 2
2
Slide 3
3
Slide 4
4
Slide 5
5
Slide 6
6
Slide 7
7
Slide 8
8
Slide 9
9
Slide 10
10
Slide 11
11
Slide 12
12
Slide 13
13
Slide 14
14
Slide 15
15
Slide 16
16
Slide 17
17
Slide 18
18
Slide 19
19
Slide 20
20
Slide 21
21
Slide 22
22
Slide 23
23
Slide 24
24
Slide 25
25
Slide 26
26
Slide 27
27
Slide 28
28
Slide 29
29
Slide 30
30
Slide 31
31
Slide 32
32
Slide 33
33
Slide 34
34
Slide 35
35
Slide 36
36
Slide 37
37
Slide 38
38
Slide 39
39
Slide 40
40
Slide 41
41
Slide 42
42
Slide 43
43
Slide 44
44
Slide 45
45
Slide 46
46

About This Presentation

KPWKP Grade 11


Slide Content

Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas by: Nicole Pangilinan

ALAM MO BA?

Sa SWS survey noong 1992 , 18% lamang ng mga Pilipino ang may ganap na kahusayan sa paggamit ng wikang Ingles, karamihan sa kanila'y isinilang at lumaki sa Amerika at bumalik lamang sa Pilipinas.

Sa SWS Survey Disyembere 1995 lumabas ang mga sumusunod: Sa tanong na “Gaano kahalaga ang pagsasalita ng Filipino” 2/3 ang nagsabing mahalagang-mahalaga ito. 71% Luzon 55% Visayas 50% Mindanao Pilipinong ABC (mayayaman,angat sa buhay),73% ang nagsabing mahalagang-mahalaga an pagsasalita ng Filipino.

Ayon sa survey ng SWS noong Abril 8 hanggang 16,1998, ang unang wika sa tahanan ng mga Pilipino ay: 35% Filipino 24% Cebuano 11% Illongo 8% Kapampangan 5% Ilokano 1% Ingles

KALAGAYAN AT KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO HINDI LANG SA PILIPINAS KUNG HINDI SA IBANG BANSA. (“12 Reasons to Save the National Language ni Michael San Juan”)

Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas

Malayo na ang nalakbay ng wikang Filipino, sa mahabang kasaysayan nito ay nakita natin ang paglago, pag-unlad at pagbabago ng ating wika. Malaki ang epekto ng makabagong teknolohiya sa ating wika.

NASAAN NA NGA BA O ANO NA NGA BA ANG KALAGAYAN NG WIKANG FILIPINO SA IKA-21 SIGLO SA IBA'T IBANG LARANGAN?

SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON

Ang telebisyon ay itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mamamayan na naabot nito. Sa paglaganap ng cable o satellite connection ay lalong dumami ang manonood saan mang sulok ng bansa.

ANG MAGANDANG BALITA , WIKANG FILIPINO ANG NANGUNGUNANG MIDYUM SA ATING BANSA.

Malakas ang impluwensya ng mga programang gumagamit ng wikang Filipino sa mga nanonood. Hi nd i kasi uso ang mag-subtitles o mag-dub ng mga palabas sa mga wikang rehiyonal. Ang madalas exposure sa telebisyon ang isang dahilan kung bakit sinasabing 99% ng mga Pilipino ang nakakapagsalita ng Filipino at maraming kabataan ang namumulat sa wikang ito bilang kanilang unang wika maging sa lugar na hindi kabilang sa Katagalugan.

MALAKAS ANG IMPLUWENSIYA NG WIKANG GINAGAMIT SA TELEBISYON SA MGA IBA'T IBA NG PROBINSYA BALITA PATALASTAS TELESERYE/NOBELA

SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO AT DIYARYO

Filipino rin ang nangungunang wika sa radyo, AM man o FM. Mayroong programa sa FM tulad ng Morning Rush, na gumagamit ng Ingles sa pagbobroadcast ngunit ang nakararami ay gumagamit ng Filipino Sa mga panrehiyonal na radyo ang kanilang diyalekto ang ginagamit ngunit kapag may kinapan a yam ay gumagamit sila ng Tagalog.

Sa diyaryo naman, w ikang INGLES ang ginagamit sa broadsheet habang wikang FILIPINO naman sa tabloid Tabloid ang mas binibili ng masa dahil sa mas mura at nakasulat sa wikang higit na naiintindihan . Mas kawili -wiling basahin ang tabloid kumpara sa broadsheet

Ang lebel ng Filipinong ginagamit sa mga tabloid ay hindi ang pormal na wikang karaniwang ginagamit sa broadsheet. Ang mga headlines ng tabloid ay malalaki at sumisigaw na nakakapang-akit ng mga mambabasa .

SITWASYONG PANGWIKA SA PELIKULA

Mas maraming banyagang pelikula ang naipalalabas sa ating bansa , ngunit ang lokal na mga pelikulang gumagamit ng midyum na Filipino at barayti nito ay tinangkilik din. Sa 20 nangungunang pelikula noong 2014, lima sa mga ito ang lokal na tinatampukan din ng lokal na mga artista . Iyon nga lang Ingles ang mga pamagat ng mga pelikulang ito . Hindi na maikakailang Filipino ang wika ng telebison , diyaryo at pelikula .

Sitwasyong Pangwika sa Iba pang anyo ng Kulturang Popular

Isa sa katangian ng wika ang pagiging malikhain . Sa patuloy na paglago ng wika ay umusbong ang iba't ibang paraan ng malikhaing paggamit dito dala na rin ng mga pagbabagong pinalalaganap ng media.

FLIPTOP

Pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap. “Modern Balagtasan ” Mala tulang nira -rap na magkatugma ngunit walang malinaw na paksang pagtatalunan . Kung ano lang ang paksang sinimulan ng naunang kalahok ay siyang sasagutin ng katunggali . D i gumagamit ng pormal na wika . Walang iskrip Pangkaraniwang gumagamit ng mga salitang nanlalait para makapuntos sa kalaban .

Laganap ang Fliptop sa kabataan, may malalaking samahan na silang nagsasagawa ng mga kompetisyong tinatawag na BATTLE LEAGUE. Kinatatampukan ng 2 kalahok Mayroong 3 rounds at ang mananalo ay dinedesisyunan ng hurado.

Mayroong mga Fliptop na isinasagawa sa wikang Ingles subalit ang karamihan ay sa wikang Filipino. Napapalaganap sa pamamagitan ng YouTube. Sa ngayon ay marami na ring paaralan ang nagsasagawa ng Fliptop lalo na sa tuwing ginugunita ang Buwan ng Wika.

PICK-UP LINES

Sinasabing ito ang makabagong bugtong, kung saan may tanong na sinasagot ng isang bagay na madalas maiugnay sa pag-ibig at ibang aspekto ng buhay. Sinasabing nagmula sa mga boladas ng mga binatang nanliligaw na nagnanais magpapansin at mapa-ibig ang dalagang nililigawan.

Kung may salitang angkop na makapaglalarawan sa pick-up line, masasabing ito'y nakakatuwa , nakakapagpangiti , nakakakiliti , cute, cheesy at masasabi ring corny. Naririnig sa usapan ng mga kabataan . Nakikita rin sa Facebook,Tiktok at iba pang social media sites. Ang wikang ginagamit sa mga pick-up lines ay karaniwang Filipino at ang mga barayti nito , subalit nagagamit din ang Ingles at Taglish .

Kailangang ang mga taong nagbibigay ng pick-up lines ay mabilis magisip at malikhain para sa ilang sandali ay maiugnay o mai-konekta ang kanyang tanong sa isang napakaikling sagot . “BOOM” ang sinasabi kapag sakto o maliwanag ang koneksyon . Nauso ito dahil sa impluwensiya ni “Boy Pick-up” o Ogie Alcasid sa programang Bubble Gang sa isang segment. Naging matunog din ito lalo na sa mga talumpati ni Senadora Miriam Defensor Santiago.

BOY: Google ka ba? GIRL: Bakit? BOY: Kasi... nasa iyo na ang lahat ng hinahanap ko

BOY: Kapuso ka ba? GIRL: Bakit? BOY: Pinapatanong kasi ni Mama kung.. kelan ka puwedeng maging kapamilya

BOY: Hindi ka ba napapagod? GIRL: Bakit? BOY: Kanina ka pa tumatakbo sa isip ko

BOY: Sana ako ang Sabado at Ikaw ang Linggo GIRL: Ha? BAKIT? BOY: Para ikaw ang pahinga ko

HUGOT LINES

Tinatawag ding love lines o love quotes. Hugot lines ang tawag sa mga linya ng pag-ibig na nakakakilig , nakakatuwa , cute , cheesy o minsa'y nakakainis . Minsan ang mga ito ay nakasulat sa Filipino subalit madalas , Taglish ang gamit na salita sa mga ito .

Karaniwang nagmula ito sa linya ng mga tauhan sa pelikula o telebisyon na nagmarka sa puso't isipan ng mga manonood subalit madalas nakakagawa rin ng sariling hugot lines ang mga tao depende sa damdamin o karanasang pinagdadaanan nila sa kasalukuyan .

“Siguro kaya tayo iniiwanan ng mga mahal natin dahil may darating pang ibang mas magmamahal sa 'tin - yung hindi tayo sasaktan at papaasahin... yung magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin” - JOHN LLOYD CRUZ BILANG POPOY, ONE MORE CHANCE (2007)

“She loved me at my worst. You had me at my best, but binalewala mo lang ang lahat... and you chose to break my heart” - JOHN LLOYD CRUZ BILANG POPOY, ONE MORE CHANCE (2007)

“Mahal mo ba ko dahil kailangan mo ko o kailangan mo ako kaya mahal mo ako?” - CLAUDINE BARETTO BILANG JENNY, MILAN (2004)

“Ang mundo ay isang malaking Quiapo. Maraming snatcher, maagawan ka. Lumaban ka!” - CARMI MARTIN BILANG BABYGIRL DELA COSTA, NO OTHER WOMAN (2011)

“Wala naman pala 'yun sa tagal ng relasyon. Kung hindi ka niya mahal,hindi ka niya mahal” - ANGELICA PANGANIBAN BILANG MACE , THAT THING CALLED TADHANA

“Kung asukal ka, ako naman ay sago. Wala akong kwenta kung wala ang tamis mo” - Miriam Defensor Santiago, Stupid is Forever

“Kapag namatay ako, huwag na huwag kang pupunta sa libingan ko, baka tumibok ulit ang puso ko.” - Miriam Defensor Santiago, Stupid is Forever

KRAYTERYA SA PAGMAMARKA: Kahusayan at Kaangkupan 50 puntos Kwalidad ng Bidyo 30 puntos Partisipasyon 20 puntos Kabuuan 100 puntos Ang bidyo ay hindi bababa ng pitong minuto . Ipepresenta sa Lunes (Sept. 15, 2025)
Tags