AngelicaMagdaraogBon
9 views
15 slides
Aug 29, 2025
Slide 1 of 15
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
About This Presentation
ito ay ppt na naglalaman ng tungkol sa mitolohiya, naglalaman din ito ng mga elemento at halimbawang mga kilalang karakter sa Pilipinas
Size: 1.37 MB
Language: none
Added: Aug 29, 2025
Slides: 15 pages
Slide Content
MITOLOHIYA Ang salitang mito kung saan hinango ang salitang mitolohiya ay mula sa salitang Griyegong mythos na unang nangangahulugang “ talumpati ” subalit katagalan ay nangangahulugang “ parabula ” o “ alamat ”. Ang mitolohiya ay mga sinaunang kuwentong may kaugnayan sa paniniwala o pananampalataya at nagtataglay ng tauhang karaniwang diyos o diyosa na may kapangyarihang hindi taglay ng karaniwang mortal.
Ang mitolohiya ay naglalayong magbigay ng paliwanag sa mga bagay na mahirap ipaliwanag dahil sa ang mga ito ay hindi pangkaraniwang nangyayari sa mundo at sa lipunan . Sa mitolohiya , kitang-kita ang pagiging likhang-isip lamang ng mga kababalaghang taglay nito subalit marami pa rin ang naniniwalang tunay nga itong nangyari lalo na sa lugar na naging tagpuan ng nasabing mito . Ang isang dahilan sa ganitong paniniwala ay dahil sa mga mitolohiyang nakasalig sa mga totoong pangyayari sa kasaysayan .
Kapag binanggit ang salitang mitolohiya ay agad pumapasok sa isipan ng tao ang Mitolohiyang Griyego dahil sa pagiging tanyag ng mga ito sa buong mundo . Gayunpama’y marapat maipabatid at mabigyang-diing mayroong ding mitolohiya o koleksiyon ng mitolohiya ang iba’t ibang lahi sa mundo . Maaari itong mapangkat ayon sa koleksiyon ( Mitolohiyang Egyptian, Mitolohiyang Indian, Mitolohiyang Maori , at Mitolohiyang Griyego ) Maaari din itong mauri ayon sa lokasyong pangheograpiko kung saan ito umusbong ( Mitolohiyang Kanluranin , Mitolohiyang Silanganin at Mitolohiyang Aprikan )
Ang bansang Pilipinas ay mayroon ding mga mitolohiyang taglay Bathala – ang pinakamakapangyarihang Diyos Idionale – diyos ng mabuting pagsasaka Apolaki – diyos ng digmaan , paglalakbay at pangangalakal Mayari – diyosa ng buwan Agawe – diyos ng tubig Hanan – diyos ng mabuting pag-aani Tala – diyos ng pang- umagang bituin
Taglay din ng ating mitolohiya ang iba’t ibang mitikal at mahiwagang tauhan TIYANAK
DIWATA
ASWANG
DUWENDE
ENGKANTO
MAMBABARANG/MANGKUKULAM
NUNO
KAPRE
TIKBALANG
TIKTIK
Bukod sa mga ito’y may mga kilalang tauhan din sa ating mitolohiya tulad nina Malakas at Maganda, Mariang Makiling , at iba pa.