Modyul 2: Katangian ng Pagsulat ng Sulating Akademik
Aralin 2.1 Katangian ng Pagsulat ng Sulating Akademik
Mga Halimbawa ng Akademikong Sulatin - ang Gamit at Katangian nito
Upang lubos niyong maunawaan kung ano ang mga akademikong sulatin , narito ang ilang mga halimbawa .
1. Pagbasa ng ginagamit na teksto sa klase
2. Pakikinig ng lektyur
3. Panonood ng video o dokumentaryo
4. Pagsasalita at pakikipagdiskurso sa loob ng klase o isang simposyum
5. Pagsulat ng sulatin o pananaliksik
Aralin 2.2 Mga Gawaing Pampag-iisip sa Akademya
Akademiya Akademiya ay mula sa salitang Pranses na academie , sa Latin na academia , at sa Griyego na academeia . Ang huli ay mula naman sa academos , ang bayaning Griyego , kung saan ipinangalan ni Plato ang hardin .
MALIKHAIN AT MAPANURING PAG-IISIP
Mapanuring pag-iisip ay ang paggamit ng kaalaman , kakayahan , pagpapahalaga , at talino upang epektibong harapin ang mga sitwasyon at hamon sa buhay-akademiko , at maging sa mga gawaing di- akademiko .
Malikhain Pagkakaroon ng makabuluhan at makahulugang pamumuhay sa komplikadong mundong ating ginagalawan .
Akademiko vs. Di- akademiko
Akademiko tumutukoy sa mataas na edukasyon sa kolehiyo
Sa akademiya nililinang ang mga kasanayan at natututuhan ang mga kaalamang kaugnay ng larangang pinagkakadalubhasaan .
Nakapaloob dito ang : kasanayan sa pagbabasa , pakikinig , pagsasalita , panonood , at pagsulat ang napapaunlad sa pagsasawa ng mga gawain sa larangan . Cognitive Academic Language Proficiency (CALP)
DI- AKADEMIKO ginagabayan ng karanasan, kasanayan at common sense. Basic Interpersonal Communication Skills (BICS)
“ Kuwentong Biyahe ” Panuto : Gumupit ng mga larawan ng lugar na napuntahan na at gumawa ng isang halimbawa ng lakbay sanaysay . Tandaan ang katangian at gamit ng sulating ito . Idikit lamang sa long coupon bond ang mga larawan at pagkatapos sagutin ang mga katanungan sa ibaba . Sagutin lamang ito sa inyong sagutang papel .
Opinyon Ko, Mahalaga ! Panuto : Itala ang mga karanasan na naglalahad ng iyong opinyon , sariling kaalaman , pananaw at karanasan sa paksang Pagsubok sa pag-aaral ng Senior High School Isaaalang-alang ang rubrik sa pagtataya ng susulating sanaysay . Ilagay ito sa isang buong papel .