Pagpapasalamat, Mahalagang Sangkap sa Pakikipagkapwa Ikatlong Markahan : Modyul 2
Gawain 2.a Panuto : Basahin ang mga kwento sa ibaba at punan ng sagot ang tsart batay sa nabasang mga sitwasyon . Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel .
Pasasalamat sa Kabutihang-loob ng Kapwa Isang mahalagang bahagi ng pasasalamat ay ang pagpapakumbaba dahil kinikilala mo na hindi lahat ng mga magagandang nangyayari sa buhay mo ay dahil lamang sa sarili mong kakayahan o pagsisikap .
Pagpapakumbaba “No man is an island”
Ang taong may pasasalamat ay marunong ding tumingin sa positibong bahagi ng buhay sa kabila ng mga pagsubok dahil alam niyang may mabuting Diyos na patuloy na gumagabay sa kaniya .
A ng pasasalamat ay humuhubog sa emosyonal at ispiritwal na pagkatao sa pamamagitan ng pagtuon sa mga pagpapalang natatanggap mula sa Diyos .
Ang kabaligtaran ng pagiging mapagpasalamat ay masasalamin sa entitlement mentality . Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam ng isang tao ay karapatan niya na dapat bigyan ng dagliang pansin
Gawain 2.b: Journal ng Pasasalamat ! Panuto : Sumulat ng mga bagay na iyong ipinagpapasalamat sa iyong buhay at gawin ito bilang iyong Journal na Pasasalamat .
Performance Task 1 Mga kinakailangan kagamitan : a . Lumang bote b . Makukulay na papel na may sukat na “2x2” c . Mga palamuti tulad ng mga lumang butones , beads , ribbon o glitters d . Pandikit
Gratitude Jar Sa bawat araw ng iyong buhay , mula sa pinakamaliit katulad ng pagkakaroon ng bagong gamit o pagkain sa hapag-kainan hanggang sa mas malalaking biyaya katulad ng pagmamahal na iyong pamilya o regalo ng pagkakaibigan . Sa gawaing ito , bigyan mo ng pagpapahalaga ang lahat ng biyayang tinanggap .
Pamamaraan : 1 . Bigyan ng disenyo ang lumang bote ng naayon sa iyong kagustuhan . Maaaring talian ng ribbon o dikitan ng mga lumang butones , beads o glitters .
2. Bawat araw ay mag- isip ka ng tatlong bagay o tao na iyong ipinagpapasalamat . Maaaring ito ay simpleng bagay tulad ng pasalubong ng iyong nanay o kaya ay pagmamahal na tinatanggap mula sa kasapi ng pamilya . Isulat ang mga ito sa makulay na papel at isilid sa ginawang gratitude jar . Gawin ito araw-araw hanggang sa mapuno mo ang iyong gratitude jar.
3 . Magpasa ng apat na halimbawa nang iyong ginawang mensahe sa iyong gratitude jar at idikit ang mga ito sa isang bond paper.