Mga batas na nakabatay sa batas moral. Ang Pundasyon ng Katarungan: Mga Batas na Nakabatay sa Batas Moral
I. Panimula
Ang lipunan ay pinamamahalaan ng dalawang uri ng batas: ang Batas Moral (o Natural na Batas) at ang Batas Positibo (o Batas ng Tao). Ang Batas Positibo ay ang mga nakasulat, pormal, ...
Mga batas na nakabatay sa batas moral. Ang Pundasyon ng Katarungan: Mga Batas na Nakabatay sa Batas Moral
I. Panimula
Ang lipunan ay pinamamahalaan ng dalawang uri ng batas: ang Batas Moral (o Natural na Batas) at ang Batas Positibo (o Batas ng Tao). Ang Batas Positibo ay ang mga nakasulat, pormal, at ipinatutupad na patakaran na ginagawa ng isang lehitimong awtoridad, tulad ng Kongreso o parlamento. Sa kabilang banda, ang Batas Moral ay tumutukoy sa mga unibersal at obhetibong prinsipyo ng tama at mali, na matutuklasan sa pamamagitan ng katwiran ng tao at nakaugat sa kalikasan ng tao mismo. Ang pangunahing tanong sa pilosopiya ng batas ay: Gaano kalaki ang impluwensya, at dapat bang maging pundasyon, ng Batas Moral sa pagbuo at pagpapatupad ng Batas Positibo?
Ang tesis ng sanaysay na ito ay ang sumusunod: Ang lehitimo at makatarungang Batas Positibo ay hindi maaaring umiral nang hiwalay sa Batas Moral. Ang mga batas ng tao ay nagkakaroon lamang ng tunay na awtoridad at obligasyon sa moralidad kapag ang mga ito ay nagpapakita, nagpoprotekta, at nagpapatupad ng mga pangunahing moral na prinsipyo, tulad ng paggalang sa dignidad ng tao, katarungan, at ang pangangalaga sa pangkalahatang kabutihan (common good). Tatalakayin natin ang kasaysayan, konsepto, at mga partikular na halimbawa ng mga Batas Positibo na nakaugat sa mga unibersal na Batas Moral.
II. Ang Konsepto at Kasaysayan ng Batas Moral
A. Depinisyon at Katangian
Ang Batas Moral, na madalas ding tinutukoy bilang Natural Law (Likas na Batas), ay ang pag-iisip na may umiiral na mga panuntunan ng pag-uugali na likas, unibersal, at hindi nagbabago, na hindi nangangailangan ng pormal na pagbabatas. Sinasabi na ang mga prinsipyong ito ay nakaukit sa puso at isip ng bawat tao at matutuklasan sa pamamagitan lamang ng katwiran (reason).
May tatlong pangunahing katangian ang Batas Moral:
Unibersal (Universal): Ito ay aplikable sa lahat ng tao, sa lahat ng lugar, at sa lahat ng panahon. Halimbawa: Ang pagpatay sa inosente ay mali, anuman ang kultura.
Hindi Nagbabago (Immutable): Hindi ito nagbabago sa paglipas ng panahon o ayon sa kapritso ng namumuno.
Obhetibo (Objective): Hindi ito nakabatay sa damdamin, opinyon, o kasunduan; ito ay umiiral bilang isang moral na katotohanan.
B. Mga Pilosopikong Pundasyon
Ang konsepto ng Batas Moral ay matatagpuan sa iba’t ibang pilosopiya:
Aristotle at Stoics: Si Aristotle ang nagbigay-diin sa teleolohiya (purpose) ng kalikasan ng tao. Ang pag-uugali na humahantong sa Eudaimonia (pamumuhay nang maayos, human flourishing) ay mabuti. Ang mga Stoics naman ang nagbigay-diin sa pamumuhay nang naaayon sa kalikasan at katwiran.
Sto. Tomas de Aquino (St. Thomas Aquinas): Siya ang nagbigay ng pinakakomprehensibong balangkas ng Natural Law sa kontekstong Kristiyano. Para kay Aquinas, ang Natural Law ay ang partisipasyon ng tao sa Eternal Law (Batas Walang Hanggan ng Diyos). Ang unang prinsipyo nito ay: "Ang mabuti ay dapat gawin at itaguyod, at ang masama ay dapat iwa
Size: 331.93 KB
Language: none
Added: Oct 11, 2025
Slides: 31 pages
Slide Content
MODYUL 5 : MGA BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL
Natutukoy ang mga batas na nakaayon sa Likas na Batas Moral Nasusuri ang mga batas na umiiral, panukala tungkol sa kabataan o tuntunin sa pamilya batay sa pagsunod ng mga ito sa likas na batas moral Nahihinuha ang Batayang Konsepto ng aralin Naipahahayag ang pagsang-ayon o pagtutol sa isang umiiral na batas batay sa pagtugon nito sa kabutihang panlahat. Sa modyul na ito, inaasahang Maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa :
FIRST DO NO HARM Prinsipyo ng mga doktor na laging may pagnanais na makapagpagaling at iiwasan ang lahat ng makapagpapalala ng sakit o makasasama sa pasyente. Prinum Non Nocere
Magkagayon man, may nabalitaan ka na rin marahil na may mga doktor na nakapagbigay ng maling mga reseta sa kanilang mga pasyente. May mga kaso rin ng kamatayan dahil sa mga maling prognosis. Nilabag na nga ba ng mga propesyonal na ito ang kanilang mga tungkulin bilang manggagamot?
Ayon kay Santo Tomas De Aquino: “Lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip at makaunawa sa kabutihan.”
Ayon kay Max Scheler: “ Ang pag-alam sa kabutihan ay hindi lamang gumagalaw sa larangan ng pag-iisip kundi sa larangan din ng pakiramdam.”
Kahit na tinatamad akong mag-aral, alam kong mabuti ang mag-aral. Kahit na natatakot akong mag-patingin sa doktor, alam kong mabuting gawin ito upang makita ang kalagayan ng aking kalusugan. Kahit gustong-gusto kong kunin ang cellphone ng kapatid ko, hindi ko dapat gawin dahil alam kong masama ito. MGA HALIMBAWA:
“Nararamdaman ko ang mabuti. Nararamdaman ko ang tama kahit na kung minsan ay parang sinasabi ng isip ko na mali ito. At sa kilos ng pakiramdam ko kung ano ang dapat kong gawin, napapanatag ako at natatahimik kapag sinunod ko ang tinig na ito.” Katotohanan: Naaakit tayo sa Mabuti
Paano ko nalaman kung ano ang mabuti at ano ang masama? Itinuro ito sa atin ng ating mga magulang. Nakuha natin sa mga kapit-bahay, napanood sa telebisyon,nabasa o narinig.
Ang nakamamangha dito ay sa dami ng ating mga narinig o nalaman, may maliit na tinig pa rin ng kasiguraduhan sa ating loob na nagsasabi sa atin kung ano ang mabuti.
Ang isip at puso ang gabay para kilatisin kung ano talaga ang mabuti. May matinong pag-iisip, pagsusuri, pagtitimbang at paglilinis sa mga motibasyon ang kasabay ng pagkilala sa mabuti. Ang mabuti ang laging pakay at layon ng tao.
Mabuti bang tumulong sa bahay? Mabuti bang tumambay kasama ng barkada? Mabuti bang uminom ng alak? Ang tanungin ang tanong ng mabuti ba? Bago pa gawin ang isang bagay ay tanda na ng masikap na paghahangad na matupad ang mabuti.
“Ang mabuti ay ang siyang kilos ng pagsisikap na laging kumilos tungo sa pag-bubuo at pag-papaunlad ng sarili at ng mga ugnayan.”
Hindi agad-agad lumulusong sa paggawa nang walang pagtitimpi at pagmumuni sa kabutihan ng gagawin.
Ngunit sapat na nga ba talaga ang paghahangad sa mabuti at pag-kilos sa inaakalang mabuti? Paano kung ang inaakalang mabuti ay nakasasakit o makasisira lamang? Mahirap ang paniniwala na sapat na ang mabuting intensyon para kilalanin mabuti ang gawain. IBA ang MABUTI sa TAMA
Gusto kong pakainin ang aking pamilya kaya magnanakaw ako. Gusto kong manalo sa palaro kaya dadyain ko ang edad ng ga kasamahan ko sa team. Gusto kong kumita nang malaki kaya mamanipulahin ko ang timbangan ng tinda namin sa palengke. MGA HALIMBAWA:
Kailangang maunawaang: hindi maaring ihiwalay ang mabuti sa tama
Ang mabuti ay ang mga bagay na tutulong sa pagkabuo ng sarili. Ang tama ay ang pagpili ng mabuti batay sa panahon, kasaysayan, koteksto at sitwasyon. tinitignan dito ang mga pangangailangan at kakayahan ng gagawa ng pagpili. IBA ang MABUTI sa TAMA
Tulad din sa Likas na Batas Moral, preskripsiyon ang mabuti, ang tama ay ang angkop sa tao.
kung nais nangmagpakasal ni Stella at Ruben, kailangan nilang siguraduhing handa na ang kanilang loob para sa kanilang kinabukasan-ang bahay, ang pambayad ng kuryente, tubig, pagkain at iba pa. kung nakiita ni Ramil na makabubuti sa kaniya ang isports, hindi lang siya basta-basta sasabak sa laro. kailangan niyang tingnan ang kanyang kakayahan bago siya magsimulang mag boksing. MGA HALIMBAWA:
Ang Kaisa-isang batas: Maging Makatao Iba -iba man ang pormula ng likas na batas moral, tinuturo ay isa lamang: hindi ko kakasangkapanin ang tao, na itinuturing ko bilang may pinakamataas na halaga ang. na gagawin ko ang lahat upang ingatan at payabungin ang tao.
Wala nga ba? May liwanag ng karunungan yata tayong maaninag sa sinusumpaan ng mga doktor: FIRST DO NO HARM. Anumang kalagayan kasadlakan ng tao, Isa ang babalikan natin: ang huwag manakit.
LIkas sa tao ang hangarin ang mabuti. Ano ang ibig sabihin nito? Na likas sa atin na maging makatao (panig sa tao): Ito ang kaisa-isang batas na hindi dapat labagin ninuman. Ang lumabag dito ay lumalabag din sa sarili niyang kalikasan.
Mahalagang ingatan ang dangal ng tao. Ang pag-unlad ng bansa at ng mundo ay magmumula sa pagkilala sa pantay na mga karapatan. Mga mekanismo at pamamaraan upang isakongkreto ang pangkalahatang pagpapahalaga sa tao. Lahat ng Batas: Para sa Tao Universal Declaration of Human Rights at iba pang mga batas
Ang bawat estado(state) rin ay nagsisikap iangkop sa kani-kanilang kultura ang pagkilala sa karapatang pantao. Ipinapahayag nila sa kanilang institusyon ang bawat karapatan ng bawat mamamayan at ang paggarantiya ng estado na bigyang proteksyon ang mga karapatang ito. Ang ma batas naman na nililikha ng pamahalaan ay mga mekanismo at pamamaraan upang isakongkreto ang unibersal at pangkalahatang pagpapahalaga sa tao. ang lahat ng batas ay para sa tao, hindi ang kabaligtaran nito.
Likas na Batas Moral: Batayan ng mga Batas ng Tao Hindi perpekto ang mga batas. subalit, muli, babalik tayo sa depinisyon ng mabuti - sapat na ang laging pagtingin sa kabutihan at ang pagsisikap na matupad ito.
Likas na Batas Moral: Batayan ng mga Batas ng Tao Ang likas na batas Moral ay hindi instruction manual. Hindi ito isang malinaw na utos kung ano ang gagawin ng tao sa iba't ibang pagkakataon. Gabay lamang ito upang makita ang halaga ng tao. Ang pinaka-unang hakbang — FIRST DO NO HARM
Salamat sa pakikinig... SANA AY MAY NATUTUNAN KAYO!!! <3 <3 <3 <3 <3