A. Gawain Bago Bumasa 1. Paghahawan ng balakid ( gamit ang pahiwatig ng pangungusap ) 1.1. okasyon Ang kaarawan , pasko , at binyag ay mga halimbawa ng okasyon . 1.2. Kalansingan Naririnig ni Waren ang kalansingan sa kusina . May tunog ng kutsara , tinidor , sandok , plato , at lutuan .
Okasyon
kalansingan
2. Pagganyak Itanong kung paano ipinagdiwang ng mga bata ang nakaraan nilang kaarawan , ano ang kanilang ginawa , at ano ang kanilang pakiramdam . Hikayatin ang mga batang magbahagi ng kanilang saloobin .
Araw ng Sabado . Ito ang araw na pinakahihintay ni Waren . Naririnig niya ang kalansingan ng mga kasangkapan sa kusina . Abalang-abala ang kaniyang nanay Caring sa paghahanda ng pagkain . Maaga pa ay nagluluto na siya .
Sa bakuran naman ay naroon ang kaniyang tatay Dar at nag- aayos ng mga mesa at silya . Tinatalian din niya ng mga lobo ang bawat upuan . Ang kanyang ate Karen ay kasalukuyang inaayos ang pitong maliliit na kandila sa cake.
Maya- maya pa, nagsimula nang dumating ang mga bisita . Masayang-masaya si Waren !
Tandaan ! Tinatawag na sanhi ang mga dahilan ng mga pangyayari at bunga naman ang resulta ng mga pangyayari .
May mga pamantayan sa pagsipi o pagsulat ng mga pangungusap . a. Gumamit ng malaking letra sa unahan ng pangugusap . b. Gumamit din ng tamang bantas sa hulihan ng pangungusap . c. Isulat ang mga salita nang may tamang espasyo .
1. magsanay sumulat nang maayos _________________________________________ 2. burahin nang maayos kung nagkamali sa pagsulat __________________________________________ 3. isulat nang wasto ang mga letra at salita __________________________________________
4. iwasang mag- aksaya ng papel o pahina ng notbuk ___________________________________________ 5. maging malinis sa pagsulat ___________________________________________
Gawain Pagkatapos Bumasa 1. Pagsagot sa pangganyak na tanong Ano ang okasyon ? Para kanino ang okasyon ? Paano ninyo nalaman ang sagot sa mga tanong na ito ? 2. Ugnayang Gawain Ipagawa ang pangkatang gawain . a. Pangkat I: Tauhan Ko , Kilala Mo? Itala ang mga tauhan sa kuwento at ang kanilang papel na ginagampanan . Sagutin ang mga ito gamit ang graphic organizer.Gawin ito sa manila paper.
b. Pangkat II:Magsalo salo Tayo ! Gumuhit ng mga pagkaing handa kapag may kaarawan . Kulayan ang mga ito para maging kaaya-ayang tingnan . Gawin ito sa kartolina .
c. Pangkat III: Liham Pasasalamat ! Isipin ng pangkat na ito na sila si Waren . Sumulat ng pasasalamat sa pamilya sa paghahanda sa iyong kaarawan