A. Balik-aral Balikan ang mga pangyayari sa kuwento . Itanong sa mga bata kung ano ang naramdaman ni Waren . Itanong din kung marami ba ang dumating na bisita at kung nabusog kaya ang mga bisita .
B. Paglalahad Ipabasa ang mga pangyayari sa kuwento sa LM.
C. Pagtalakay Itanong kung ano ang tawag sa dahilan ng mga pangyayari at sa resulta ng mga ito . Ipaliwanag sa mga bata na ang dahilan ng pangyayari ay tinatawag na sanhi at kung ano ang resulta o kahihinatnan ng pangyayari ay tinatawag na bunga . Maaaring magbigay pa ng karagdagang halimbawa
D. Paglalahat Ano ang sanhi at bunga ng mga pangyayari ? Ipabasa ang Tandaan sa LM
Magpabigay sa mga bata ng maaaring bunga ng sumusunod na sanhi . 1. Umulan nang malakas . 2. Pinutol ang mga puno sa kagubatan . 3. Naglinis ng bahay si kuya . Magpabigay sa mga bata ng maaaring sanhi ng sumusunod na bunga . 4. Tumaas ang marka ni Ted. 5. Malinis ang bakuran .
Pagbigayin ang bawat bata ng isang sanhi at ang maaaring bunga nito .