LAYUNINSa araling ito, inaasahang ang mga mag-
aaral ay :
nabibigyang-kahulugan ang akademikong
sulatin na adyenda;
natutukoy ang katangian batay sa
halimbawang inilahad;
gumawa ng adyenda
AGENDA/
ADYENDA
AGENDA
talaan ng mga paksang tatalakayin sa isang
pagpupulong (Bandril at Villanueva, 2016)
mahalagang bahagi ng pagpaplano at pagpapatakbo
ng pulong upang maging maayos, organisado at
epektibo (Julian at Lontoc, 2016)
susi sa matagumpay na pulong
LAYUNIN NG AGENDA
magbigay ng ideya sa mga paksang tatalakayin at sa
mga usaping nangangailangan ng atensyon ang mga
dadalo sa pagpupulong
mapanatiling nakapokus ang mga dadalo sa mga
paksang tatalakayin sa pulong
KAILAN
ISINASAGAWA
ANG AGENDA?
MAHALAGANG ANG PAGHAHANDA NG
AGENDA BAGO ANG PAGSASAGAWA NG
PAGPUPULONG SAPAGKAT NAGSASAAD ITO
NG MAHAHALAGANG IMPORMASYON
KAHALAGAHAN NG
PAGHAHANDA NG AGENDA
Masisigurong tatakbo nang maayos ang pagpupulong at ang
lahat ng kalahok ay patungo sa isang direksyon.
Mas mabilis matatapos ang pagpupulong kung alam ng lahat ang
pagdarausan, ang oras ng pagsisimula at pagtatapos, ang mga
kailangang talakayin at ang maaaring kalalabasan ng pulong.
BAKIT
NAGKAKAROON
NG
PAGPUPULONG?
DAHILAN NG
PAGPUPULONG
Magplano (planning)
Magbigay impormasyon (information
dissemination)
Komonsulta (ask for advice)
Maglutas ng problema (solve problems)
Magtasa (evaluate)
NILALAMAN NG ISANG AGENDA
1. Saan at kailan idaraos ang pagpupulong?
2. Ano ang mga layuning inaasahang matamo sa pulong?
3. Sino-sino ang mga lalahok sa pagpupulong?
4. Ano-ano ang mga paksa o usapin ang tatalakayin?
HAKBANG SA PAGLIKHA NG
AGENDA 1. Sabihan ang mga dapat dumalo.
2. Buuin ang mga agenda na naglalaman ng mga tatalakaying paksa at
ang mga mangunguna.
3. Ipakita sa mga nangunguna kung sinang-ayunan nila ang nabuong
agenda.
4. Tingnang mabuti kung nangangailangan pa ng pagwawasto ang
agenda.
5. Ipamigay ang agenda sa mga dadalo.
GAANO KAHALAGA ANG
PAGGAWA NG AGENDA
BAGO ANG
PAGPUPULONG?
Bahagi ng Agenda Paliwanag
1. Pangalan ng Samahan/ Organisasyon
2. Petsa
3. Oras
4. Lugar
5. Iminumungkahing KasuotanGawain 1
Panuto: Gamitin ang tseklist sa pagsusuri ng halimbawang Agenda sa ibaba. Lagyan
ng ang kolum kung ang bahagi ay nagtataglay ng mahahalagang impormasyon
na dapat na maisama sa isang Agenda at lagyan naman ng kung hindi. Sumulat
ng maikling paliwanag tungkol sa napiling sagot. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel - kalahating pahalang na papel.
Bahagi ng Agenda Paliwanag
6. Kakailanganing Kagamitan
7. Paksa
8. Mga Dadalo
9. Mga Paksa /Agenda
10. Naghanda ng Agenda