Nagsimula ang panahon ng Bagong Lipunan noong ika-21 ng Setyembre, 1972.
Size: 5.62 MB
Language: none
Added: Oct 05, 2025
Slides: 14 pages
Slide Content
BAGONG LIPUNAN PANGKAT 7 PANITIKAN NG
Ang Pangulo ng Pilipinas noong panahon ng Bagong Lipunan ay si Ferdinand E. Marcos. Ang Bagong Lipunan ay isang kilusang ipinakilala ni Marcos noong kanyang pamumuno matapos ideklara ang Batas Militar o Martial Law noong Setyembre 21, 1972. Ang panahon ng Bagong Lipunan ay nagsimula noong 1972 at tumagal hanggang sa matapos ang kanyang pamumuno noong 1986. PANAHON NG BAGONG LIPUNAN
LAYUNIN Palakasin ang kaayusan, disiplina, at reporma sa lipunan.
I. KATANGIAN NG PANITIKAN SA BAGONG LIPUNAN Ang panitikan ay nagkaroon ng mga natatanging katangian na umayon sa pulitikal at sosyal na sitwasyon ng bansa. Ang mga manunulat ay nagbigay-tugon sa mga pangyayari ng Batas Militar at sa mga layunin ng rehimeng Marcos.
I. KATANGIAN NG PANITIKAN SA BAGONG LIPUNAN Masasabing nagbalik sa romantisismo ang karamihan sa mga nobelang lumabas sa Liwayway sa panahong ito. Karamihan ay nasa pamantayang komersiyal, lalona iyong isinulat na ang pananaw ay nakatuon sa pagkapili nito upang isapelikula.
I. KATANGIAN NG PANITIKAN SA BAGONG LIPUNAN Maputol ang malalaswang babasahin at mga akdang nagbibigay ng masasamang moral sa mamamayan.
I. KATANGIAN NG PANITIKAN SA BAGONG LIPUNAN Ang mga tula ay nakabatay sa mga paksang ligtas talakayin gaya ng pag-ibig, buhay at kalikasan. Ang iba naman ay nagpatuloy sa mga higit na malalim na kaisipan ngunit maingat na ikinukubli sa mga simbolismo at ipa pang pamamaraan.
I. KATANGIAN NG PANITIKAN SA BAGONG LIPUNAN Habang may mga akdang sinusuportahan ng estado na pabor sa Bagong Lipunan, hindi maikakaila ang pagsilang ng mga malayang manunulat na lumikha ng mga akda na kritikal sa rehimeng Marcos. Maraming manunulat, makata, at mandudula ang lumikha ng mga gawa na patago o palihim na ipinapakalat, na nagpapakita ng kanilang pakikipaglaban para sa demokrasya.
Isa si Edgardo M. Reyes sa pangunahing kuwentista at nobelistang Pilipino. Popular ang kaniyang Sa Mga Kuko ng Liwanag hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Ang bersiyong pelikula ng nobela ay isa sa mga ikonong produksiyon ng pelikulang Pilipino. MAYNILA SA MGA KUKO NG LIWANAG
Lino Brocka Siya ay isa sa mga pinakamahusay na direktor sa Pilipinas na pinarangalan at kinilala , maging sa ibang bansa . Tinalakay niya sa kanyang mga pelikula ang mga paksa na pilit iniiwasan sa lipunan . Ipinamalas niya rin ang pagiging diretso sa kanyang mga ideya at opinyon na malinaw ring matutunghayan sa kanyang mga pelikula . Kung kaya't hanggang ngayon ay patuloy na pinapanood at hinahangaan ng mga tao mula sa iba't ibang henerasyon dahil na rin sa mga sitwasyon at ideyang tumutugma sa kahit anong panahon dito sa bansa .
III. BUOD MAYNILA SA MGA KUKO NG LIWANAG
IV. PAGSUSURI NG AKDA TAUHAN TAGPUAN ISYUNG PANLIPUNAN TEORYANG PAMPANITIKAN SIMBOLISMO
V. PALIWANAG PAANO NAHUBOG NG PANITIKAN ANG KASAYSAYAN ?
MARAMING SALAMAT PO ! Eric R. Aguila Janleslie Cataquiz Liezel C. Lascieras Rebecca R. Morcilla Charish Navarro